logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2 GORGEOUS CRAZY GIRL

KEIRA’S POV
Sa ka di kalayoan ay may tumatawag na sa amin kaya kami napalingon. Papunta sa aming table na isang binata na sobrang laki ang ngiti at kumakaway pa. I immediately turned away because they might think we were close to it. Sandy, on the other hand, just stared at him as if you thought he was calling the guy for ‘come here’ while eating his bread. Umandar na naman ang kalandian ng baklang to. I just raised an eyebrow at it which he just gave me a peace sign. Alam niya kasing kikilabotan ako sa kanya kapag umasal siya ng ganito lalo na sa mga nakaharap na kalalakihan. Agad akong tumayo at niligpit na ang mga pinagkainan namin sa mesa.

“Ate puwede ba pa sikretong bumili ng alak? Sige na please dahil nanalo kami ngayon. Doon lang naman kami sa aming hide-out.”
Pabulong na pakiusap nito na regular ng suki namin na nasa edad seventeen years old.
“Uy alam niyong bawal tapos ganyan pa kayo ha. Atsaka anong oras na maisipan niyo pang uminom. Mga under age pa kayo baka gusto niyo ako mismo magbitbit sa inyo sa police station.”
Ayan na sermonan kayo ni Madam Sandy. Siya si Sandro Balagtas Jr. Nineteen years old at matanda lang siya sa akin ng tatlong buwan at siya ang pinagkatiwalaan na cashier namin dito sa convenience store. Sinesermonan niya ang binata habang pa pilantik pilantik pa ang kanyang mga kamay at halos pabaluktotin at palambutin pa masyado ang kanyang boses.
“cup noodles na lang at kape ang bilhin niyo tapos paresan niyo ng mainit na makabayan mabubusog pa kayo kesa sa alak. Ilan ba kayo?”
Turo niya sa mga naka display naming instant products. Inakbayan niya ang binata habang patuloy na pag entertain nito at sinamahan papasok sa loob ng convenience store. Yung guard namin na nakarinig ay pailing iling lamang ito at napangiti. Dahil nga magkakilala na kami lahat dito ay hindi naman sila ganoon kahigpit. Mababait naman ang mga kabataang ito at ngayon lang nakiusap dahil siguro sa gusto nila mag celebrate. Nanalo daw kasi ang kanilang iniidolong grupo sa laro. Pero siyempre walang exempted pagdating sa alak because we follow rules for minors.

“Ang sungit mo naman Madam Sandy. Sige na nga pancit canton na lang bigyan mo ko sampu iyong hot and spicy ha. Meron naman kami lutoan sa pwesto namin tamang mukbang na lang kami. Huwag na yang kape baka hindi kami makatulog at daigin pa namin ang nakipag lamay.”
Siya si Jay-R ang binatang makulit at naging suki namin dito dahil halos gabi-gabi andito siya para tumambay. Parang mas marami pa yata ang oras niya dito kesa sa bahay nila. Parang sa tingin ko hindi nag-aaral ito pero sabi naman nila ay nag home study lang siya at may sariling tutor. Anak mayaman nga talaga siguro. Dahil maganda ang place namin at maluwang na parang park ay puwede silang magtayo ng tent dito. Ang grupo lang naman ni Jay-R ang pasimuno sa pagtayo ng tent kulang na lang dalhin na nila ang kanilang mga gamit at dito tumira. Hindi rin naman siya binawalan ni boss dahil helpful na rin ang group niya to maintain peace sa place. And I think his family ay acquaintances din ni boss kaya siguro nagtiwala na rin family niya na dito talaga ang tambayan niya.
“Sagutin mo na lang kasi Madam Sandy. Eh matagal ng nanliligaw sayo yang si Jay-R hindi mo pa rin sinasagot.”, singit ni Mang Bert na may panunukso pa.
“Ay aba manahimik kayo. Hindi ako pumapatol sa mas bata sa akin at mas guwapo yung babe ko si Lee Hyun at never ko ipagpalit sa iyo iyon ano.”, pakunware na hindi kinilig ito
Ang tinutukoy ni Sandy ay ang sikat na gwapong Korean Actor na siyang tunay niyang kinababaliwan talaga kahit noong kami ay nag-aaral pa sa high school. Masyado siyang tinamaan sa sikat na celebrity na iyon gayong hindi naman siya kilala nito. Hahahaha nakakaloka kapag naisip ko iyong kalokohan ni Sandy noon na halos iyakan pa niya ang actor na iyon lalo that time na may commercial visit siya dito sa bansa. Halos magmakaawa si Sandy sa akin noon na lumuwas kami para makita ang kanyang idol. Siyempre hindi namin nagawa dahil wala naman kaming pera at mga estudyante pa kami ng panahon na iyon. Siguro isang linggo din niyang iniyakan dahil na miss niya ang opportunity na iyon parang half of his life span ay nabawasan. Hahahaha.. Pero parang sa tingin ko na nga reserve na lang ang celebrity na idol niya kasi mas kinikilig talaga siya dito kay Jay-R. Kahit hindi aminin ni Sandy ay apple of his eye niya talaga ang binata dahil may angking kaguwapohan at pagka chinito ito na parang may Chinese blood related siya.
Hindi ko na namalayan ay natahimik sila sa kanilang daldalan dahil kanina pa naman talaga ako nag nakikinig sa kanilang chikahan at napapatawa na lang ako sa kanilang usapan. Busy ako dito sa aking gawain na nag refill ng mga inumin sa mga ref. Masyadong inuuhaw yata ang mga tao ngayon dahil sobrang bilis ang bawas sa mga drinks lalo na sa mga softdrinks at soda. Maliban kasi sa paglilinis ay tinutulungan ko din si Sandy sa pag stocks ng mga paninda. Main title ko lang yung position ko as janitress pero sa totoo lang naging all around din ang role ko dito. Kaya sobrang pagod din at mas mababa lang sahod ko compare sa ibang empleyado. Kung tutuusin kasi pinakiusap lang ni Sandy noon ang position ko as janitress. Okay lang naman sa akin iyon kesa sa walang trabaho kaya pinagtiisan ko ito ng matagal. Sobrang bait din naman ng boss ko.
“Wow for the first time ngayon ko lang nakitang napangiti si Binibining Keira. Talagang mabibighani ka sa taglay nitong ganda.”, wika ni Jay-R na sobrang lakas ng boses niya.
Nagulat ako at napaharap sa kanila ng binanggit niya ang aking pangalan.
“Ehh?”, habang nagtataka ako sa turan niyang iyon.
Siguro nga nakangiti ako kanina pa habang nakikinig sa kanilang usapan. Hindi ko talaga namalayan. Hindi rin naman kasi ako yung tipo na naki join sa mga usapan. I have my own world din at seryoso lang talaga ako sa aking mga gawain sa trabaho.
“Shit ang ganda mo talaga binibining Keira. Kung puwede nga lang ikaw na lang ang ligawan ko at hindi si Madam Sandy eh. Please akin ka na lang.”, patuloy na wika nito sa akin na akala mo close kami
Tinignan ko lamang ito ng malamig. Kulang na lang mababatukan ko na ito eh. Idadamay pa ako sa kalokohan mo parang hindi mo ata ako kilala. Nakaharap lang ako sa kanya na nakahawak sa beywang ko at nakataas ang aking kilay. Akala mo uubra sa akin ang ganyang klaseng style ng kalalakihan. Don’t me!
“Sorry na parang hindi ka naman mabiro eh. Ayaw kong makatikim ulit ng kamao mo dahil masakit. Labas na ako. Thank you Madam Sandy labyu. mwaaah”, dali-daling sibat ni Jay-R
Oo kilala na kasi nila ako sa ugali ko na kahit tahimik ako ay madaling lumipad ang aking kamao. Hindi ako yung tipo na babae na basta lang magpa cute at pabebe. Mas malambot pa nga ang kilos ni Sandy kesa sa akin. Hindi rin naman ako tomboy sadyang may pagka short temper lang din ako minsan. Kaya takot talaga sila dito na gumawa ng kung anong kabulastogan dahil ako agad ang haharap sa kanila. Si Jay-R ay tinuring na astig at kinatatakotan ng mga ilang kabataan dito at walang ni sino magtangka sumuway sa kanya. Kung titignan mo halos sa mga tagasunod niya ay parang mga maamong tuta kapag siya ang nagsalita. Pero hindi alam ng lahat na pagdating sa akin ay tiklop siyang tunay.
Little flashback tayo.
Actually, hindi pa ako kilala ni Jay-R noon at ng tropa niya. That was the time na nag undertime ako sa trabaho at pauwi na ako. Nadaanan ko sila nakatambay malapit sa sakayan pauwi sa amin. Hindi ko alam kung anong trip nila pero swerte nila at ako na tyempo nila. All I can remember they cat calling me which is yun ang isa sa ayaw ko sa mga lalaki at masama din pakiramdam ko that time. Nakita nila siguro ako na inaabot ko ang aking likod at minamasahe dahil sobrang sakit talaga. One of them offered me a massage na halos napatingin lang ako sa kanila na palapit sa akin. I tried to warning them dahil nga masama ang pakiramdam ko kaya I suggest them to back off. But they just laugh at me na akala ay nag joke lang ako. I can’t remember who is he the one na umakbay sa akin at hinawakan ang aking bewang at doon na nag-umpisa lalong dumilim ang aking paningin. One warning is enough at ayaw ko ng may kasunod pa kaya agad lumipad ang aking kamao sa pagmumukha nila. 3 vs 1 is no big deal sa akin at kahit mga lalaki pa sila kaya ko sila pabagsakin. Nagsipulasan sila nang marinig nila na may tumawag sa pangalan ko. Dahil kung hindi baka ospital na ang naging bagsak nila.
Naputol na lang ang aking inisip ng biglang nagsalita si Sandy na tila ba sinira ko ang moment niya kay Jay-R. Asar ata ang bruha dahil ginaganahan talaga siya mag work kapag ang binata na ang kaharap niya.
“Jjang Keira masyado mo namang tinakot si Jay-R. Hindi tuloy ako nakalandi pa ng husto.”, reklamo niya sa akin na halos lumuwa na ang mata
My brow twitched a bit.

Yes, Jjang yan ang kadalasan ang tawag sa akin na ibig sabihin boss. The famous drop dead gorgeous looking girl who’s a Jjang. Fight insanely good at high school who took down the former Jjang of this town that crazy girl was me. Halos ang tingin sa akin ay isang maloko noong nag-aaral ako pero hindi ibig sabihin non ay masama na ako sadyang way of releasing my pain lang ang pakipag basagan ng mukha. I didn’t have a chance to have extreme training in any taekwondo or martial arts dahil hindi naman naging popular iyon dito sa maliit namin na bayan at I can't afford for that. I only relay on my own skills at fighting and trust my survival instinct kaya ko nagagawa ang mga ito. But honestly nag retiro na ako sa ganitong gawain simula ng nagalit sa akin ng husto ang aking tiya Marie noon ng maireport at madala ako sa police station. That was the first time nakatikim ako ng masakit na sampal sa aking tiya na halos itakwil at palayasin na ako sa amin. Dahil doon nag drop out ako sa last year ng high school ko.
Pailing-iling ko habang naisip ko ang worst past ko.
After ko mag refill ng mga drinks sa mga freezer ay tinungo ko ang storage room para e check naman ang inventory namin. Konti na lang din pala ang stocks namin sa mga junk foods at other dried products. Sa totoo lang kanina pa ako pagod at gusto ko ng magpahinga pero hindi dahil nasa oras pa ako ng trabaho. Tinignan ko ang aking wrist watch ay mag alas singko na ng umaga. Ilang oras na lang din ay uwian na. Sinilip ko din ang computer shop sa kabila ay mayroong naglalaro pa. Naka ilang game ba tong mga ito na halos nag 24 hours na talaga sila. Motto yata ng mga ito ay ‘No Sleep and No Surrender’. Parang ako ang napagod din para sa kanila.
Teka puntahan ko muna si Sandy para ma update niya ang file sa data namin na ito nalang naiwan stocks sa storage room.
“Sandro eto na lang yung mga stocks natin sa storage room. Please kindly update our data at inform mo si boss. Pa endorse na lang din sa day shift anu.”, inabot ko sa kanya ang inventory list namin.
“Excuse me Keira why are you calling me Sandro? Galit ka ba sa akin?”, reklamo niya sa akin
“Hoy naririnig mo ba ako? It’s Miss Sandy or pretty Sandy. Don’t ever call me Sandro!”
Maarteng angal ng kaibigan ko sa akin. How many times niya rolled yung mga mata niya na para bang hindi niya talaga nagustohan ang pagtawag ko sa real name niya. Pero hindi ko alam na parang nahihilo ako at mabigat ang aking pakiramdam. Sinapo ko ang ang aking ulo dahil hindi ko na talaga kaya. Wait anong nangyari?
“Hey, are you okay? Keira? Ayyyy!!!!!”

Book Comment (9)

  • avatar
    USNIEKRISJEN

    ungreat

    17/06

      0
  • avatar
    SiasonEdimar

    magnda sya kilig

    16/06

      0
  • avatar
    Jake Dalisay

    it good

    16/12

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters