logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Surreptitious

Surreptitious

Silentyzaene


PROLOGUE

"Don't confine yourself to someone who doesn't know your worth."
SURREPTITIOUS means kept secret.
AUTHOR'S NOTE: Before you read, I would like you to know that this is a typical one-sided love story between a husband and wife that was arranged married. I've read a lot of stories with the same lines or plot but I'll try my very best to make this story different from others. Enjoy reading!
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, character, places, events, and incidents are either the products of the Author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, dead or alive, or actual events are purely coincidental. Expect typographical and grammatical errors along the way!
~°~°~
"Aalis na ba kayo?" tanong ng sampung taong gulang na batang babae sa kaibigang labindalawang taong gulang na lalaki. Sila ay naging magkaibigan nung three years old palang siya samantalang five years old naman ang lalaki. They are neighbors and their fathers are business partners kaya naging magkaibigan sila.
"Yes. Sabi nina mommy, lilipat na raw kami sa States." sagot naman ng batang lalaki. Karaniwan silang na sa kwarto nito at nanonood ng cartoons. Ito ang nakasanayan nilang gawin. Kung hindi sila manonood ng cartoons ay titingnan nila ang mga bituwin hanggang sa makatulog.
Wala silang pasok pareho kaya here they are now, doing one of the three things they love to do. Watching cartoons, looking at the stars and taking care of the old [sick] people at the nursing home are that three things.
"Kailan?"
"Hindi ko pa alam pero narinig ko si Daddy kahapon na baka next week."
"Hindi ka ba pwedeng mag paiwan?" tanong naman ulit ni Ash, yan ang tawag sa kanya ng kaibigan.
Umiling ang batang lalaki kaya nalungkot siya. "Hindi eh." Alam naman niya yun dahil walang mag-aalaga dito kung magpapaiwan ito at tsaka kailangan rin nito ang mga magulang nito pero nagbabasakali lang naman siya.
"Paano ako? Iiwan mo ba ako? Kung ganon, wala na akong kaibigan. Wala ng magtatanggol sa'kin kung aawayin ako. Wala na akong kasama manood ng cartoons. Wala na akong kasama manood ng stars. At mas lalong wala na akong kasama na mag-alaga ng may sakit." malungkot na sabi ni Ash. Ayaw niyang iwan siya ng kaibigan dahil ito lamang ang nag-iisa niyang kaibigan. Hindi naman kasi siya marunong makipagkaibigan.
Hinarap siya ng kaibigang lalaki, malungkot din ang mga mata nito. Alam niyang ayaw din nitong umalis pero wala itong magagawa. "Babalik din naman ako. At saka friends pa rin naman tayo." anito. He's trying to reassure her. Pero hindi niyon nabawasan ang lungkot na nararamdaman.
"Eh paano kung pagbalik mo, di mo na ako makilala o matandaan? Di pa naman natin alam kung kailan kayo babalik." Yumuko si Ash. Nalulungkot siya sa isiping iyon. Nalulungkot siya na baka pagbalik nito ay may iba na itong kaibigan. Hindi naman sa ayaw niya itong magkaroon ng bagong kaibigan, natatakot lang siya na baka pag nagkaroon na ito ng bagong kaibigan ay makakalimutan na siya nito.
"Why would I forget you? That would never happen." wika nito pero di pa rin niya maiwasan na malungkot. Kahit sinasabi nito iyon, may possibility pa rin na makalimot ito.
Napansin siguro nito ang malungkot niyang mukha kaya bumuntong-hininga ito saka tumayo mula sa pagkakaupo nito sa kama. Napaangat naman ng tingin si Ash. Sinundan niya ng tingin ang kaibigan. May kinuha ito sa bed side table bago bumalik sa pwesto nila pero hindi ito umupo. Nakatayo ito sa harapan niya kaya napaangat siya ng tingin dito.
"Show your wrist," agad na utos nito nang makalapit. Nagtataka man ay ginawa niya ang utos nito. Inilahad niya ang kanyang kaliwang kamay sa harap nito. Bigla itong may isinuot sa kanyang palapulsuhan na isang bracelet na ikinagulat niya. "There. Para matandaan at makilala kita, suotin mo lang yan." wika nito.
Tiningnan niya ang bracelet. It's a color gold rhinestone butterfly bracelet. Napaka ganda nito. It's cute. Bagay na bagay sa makinis niyang balat. "Where did you get this?" tanong niya habang ang mga mata ay nakatingin pa rin sa bracelet. She can't seem to take her eyes off from the thing around her wrist. She's mesmerised by it.
"I bought it last week," simpleng sagot ng lalaki bago bumalik sa pagkakaupo sa tabi niya. "If we meet again one day, I'll surely remember you and I'll marry you." May kasiguraduhan at pangako sa boses nito.
Humarap siya dito at tumungin ng diritso sa mga mata nito. "Promise hindi mo ako kakalimutan?" inosenteng tanong niya habang nakanguso. Ngumiti naman ang kaibigan at pinisil ang kanyang pisngi.
"Promise," anito habang nakangiti kaya napangiti na rin siya.
"Pinky swear?" aniya saka inilahad ang kanyang pinky finger.
"Pinky swear," at ipinagdikit nito ang kanilang mga hinliliit.
That day, a promise to never forget each other was sealed.
THE BEGINNING

Book Comment (6)

  • avatar
    Baby Candado

    so sad

    27/11

      0
  • avatar
    PunzalanMariz

    ganda nya kahit hindi pa tapos HUHUHU next chapter po😭

    30/05/2023

      0
  • avatar
    Manjiro Sano

    highley recomende

    02/04/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters