logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

C4: Recovery with damages

"DAD! Kailangan kong akuin ang responsibilidad ko kay Zia. Lalo na't wala na pala siya pamilya."
Pinaglalaban ni Radson sa kaniya ama ang dapat niyang gawin. Matapos niyang magpa-imbestiga sa buhay ni Zia. Nalaman niya na matag na itong basag-ulo at wala nang pamilyang inuuwian.
"Radson! Hindi pwede dahil hindi naman natin kilala ang babaeng 'yan."
"Dad, I'll work. Aakuin ko lahat dahil wala na siyang mauuwian and accidentally I hit her. It's all my fault. I'm begging, let me take care of her."
Halos lumuhod na ito sa harao ng kaniyang ama para pumayag ito sa kagistuhan niya. Walang nagawa ang ama nito na si Dr. Johannes.
"Sa oras na makaalala na siya. Ayoko na manatili pa 'yan satin."
"I understand, Dad. Paano kung hindi na siya makaalala pa?"
"Kailangan niya paring umalis, Radson."
Inalalayan ni Radson na makasakay si Zia sa wheel chair upang dalhin sa kotse. "Saan tayo pupunta?" mahina at mabagal na sambit ni Zia.
"Hanggang sa maka-recover ka Zia. Doom ka muna samin," pahayag ni Radson.
Nang makarating na sila sa labas ng hospital ay saktong naroon ang driver nito. Maingat niyang isinakay si Zia sa backseat. Magkatabi silang dalawa roon.
"Masakit pa rin ba ang ulo mo?"
"A quite so. Parang nakaka-antok pero ginigising ako ng sakit ng ulo ko." Napapapikit na saad ni Zia.
Nalulungkot naman si Radson sa malambing na tinig nito.
"You're so cute but I know how deepest the pain you have because of me. There's nothing to worry Zia, I'm here." Hinawakan niya ang kamay ni Zia.
Bumungad ang malaking gate na nasilayan ni Zia.
"Welcome to your new home!" bati pa ni Radson kahit alam niyan pansamamtala lamang ito rito.
Nang makauwi sila ay dinala niya na si Zia sa kwarto na pinahanda niya sa mga helpers. Nanibago naman ang dalaga sa kaniyang nakita. Malaki ang bahay at puro puti ang paligid. Ang chandelier ay nakakakit dahil sa kumikinang ito. Ang swimming pool sa labas ay napakalaki at ang tanawin ay napakaganda dahil sa kalinisan sa paligid.
"Temporarily, dito ka muna Zia. Kapag maayos kana, sasamahan kitang makabalik."
Tinignan lamang siya nito at saka natulog na.
"Manang Elsa, maghanda kayo ng soup for Zia. And also, pakiayos ng mga gamit niya sa loob na pinabili ko lara may magamit siya," bilin nito sa mga helpers.
"Sige ho. Sir, dumating na din ang uniform nito na galing Emerson Academy."
"Pakiayos din ang mga gamit niya sa school. Salamat Manang!" nakangiting bilin nito at nagtungo sa kwarto upang makaligo na.
Nagbabad sa bathtub si Radson. Ipinahinga ang kaniyang katawan sa pagbabad. "I want revenge but I made mishaps..." bulong nito sa sarili.
Nag-vibrate ang phone nito na agad niya sinagot.
"What happened, Radson? Bakit hindi ka pumasok? Wala din si Zia sa school," saad ni Dos sa cellphone.
"She has a Mild traumatic brain injuries," direktang paliwanag ni Radson sa kaniya.
"Did I hear it clear? She has a Mild traumatic brain injuries?" Pag-ulit ni Allen dahil naka-loud speaken ang phone ni Dos na katabi niya.
"She is."
"Paanong nagyari 'yon, Radson?" kwestyon nila dito.
"Like a bomb then boom! The revenge turned into a mishaps," simpleng pahayag ni Radson.
Inasikaso ng ama nito ang lahat ng problema upang sa gayon ay hindi mataranta si Radson sa mga nagawa niya.
"A blissful morning, Ms. Zia! Kumusta ulo mo?"
"Still aching."
"I cooked a breakfast for you." May dalang tray si Radson na ipinatong sa kama. Sinubuan niya naman si Zia. "Manang Elsa ang mag-aayos sayo at mag-aalaga kapag papasok ako sa school. Don't worry makakapasok kana kapag maayos na kalagayan mo."
"Saan ako papasok?"
"Oh! I forgotten that you have amnesia. I hope temporary lang 'yan para makapag-aral kana."
"You make me sick, Radson. I want to remember."
"I'll take the responsibility Zia. It's all my fault kaya nandito ka sa kalagayan na'to. But let me take care of you..." pahayag ni Radson. Natatakot si Radson dahil sa ginawa niyang aksidente sa dalaga.
Tuwing uuwi si Radson galing sa school ay binabasahan noya ng libro si Zia sa mga pinag-aralan niya sa araw na iyon. Spaagkat pareho lamang sila ng baitang kaya't tinuturo niya ang mga natututunan niya sa Academy.
Araw-araw ay kinakausap ni Radson ai Zia, kinakamusta ang pagpapagaling nito. Pinapapunta niya din ang Doctor upang ma-check up.
"Last nalang 'to, Zia. Isang subo nalang." Nakahanda nang subuan ng soup ni Radson si Zia ngunit umiling na ito.
"I'm full."
"Okay, water na lang." Inalalayan ni Radson na makainom ito.
Ang umaga at gabi ni Radson ay nagbago simula nang dumating si Zia sa bahay. Hindi siya nagsasawang alagaan ito at ipasyal. Minsan ay tinuturuan niya pa itong mag-guitar.
"Tara! Maglakad-lakad muna tayo Zia."
Tumayo si Zia at hinawakan ang kamay ni Radson.
"Bukas pwede kanang pumasok sa Emerson Academy," panimula ni Radson.
"I heard that... I need to go since maayos na'ko, Radson," sagot ni Zia na nagpatigil sa paglalakad nila sa hardin.
"You don't need to go, pwede ka naman dumito. Bakit may mapupuntahan kana ba?"
"Wala pa pero maghahanap na'ko."
After one month at fully recovered na si Zia. Sa paglaon ng mga araw ay nagugustuhan na ni Radson si Zia dahil sa pagiging tahimik ay malambing nitong boses.
"Paano kaya 'yon kung ikaw parin ang basag-ulo at amasonang babae na nakilala ko. Gugustugin kayankitang alagaan?" tanong ni Radson sa kaniya sarili. Naka-dungaw sa bintana habang pinapanood si Zia na inaamoy ang iba't ibang klaseng bulalak sa hardin nila.
Pinuntahan ni Radson si Zia.
"Ang bughaw na kalangitan, diba't kay lungkot pagmasdan?" sambit ni Zia sa kaniya.
"Bakit mo naman nasabi 'yan, lady Zia?"
"Kasi bughaw ito."
"Anong kinalaman ng bughaw, kung gayon?"
"Kalungkutan ang sinisimbolo nito."
"Bughaw pa naman ang paborito kong kulay, lady Zia."
"Kaya pala nakakalungkot ka, Radson."
Napatigil si Radson sa mga salitang iyon tila' naging bala iyon para sa kaniya. "Hindi ko mawari kung bakit nasasabi mo 'yan. Araw-araw naman akong nakangiti pagdating sayo."
"Hindi lahat ng ngiti ay totoo, minsan madaming sekreto ang pagngiti kaysa sa pagluha."
Nagkatitigan sila sa mata sa mata. Mas nagugustuhan ni Radson ang mga mata nito na tila' mga bituwin na kumkislap. Hindi tulad noon na walang kabuluhan kung titigan ka ng isang babaeng nanapak na lamang bigla.
"Hindi ko inaasahan na ganito ka magsalita, lady Zia. Sana matagal na kitang nakilala para mas makilala ko pa ang sarili ko. Ang halaga ko sa mundo."
"Kailangan ko nang umalis, Radson. Nakahanap na'ko ng malilipatan." Tinuro ni Zia ang mga bagahe niya.
"Nakakaalala ka na ba?"
"Wala akong maalala ngunit naibigay na sa'kin ang mga papeles na kaikangan ko. Ibinigay iyon ng ama mo. Nasabi niya na sa'kin ang lahat pati ang aksidente," paliwanag ni Zia.
Napakuyom ang kamay ni Radson dahil ang ama niya pala ang may nais na umalis ito sa bahay nila. "Kakausapin ko ang Daddy ko, Zi--"
"Gusto kong umalis, Radson. Hindi dahil sa pinapaalis ako kundi gusto ko lamang makilala kung sino ako noon."
Gustong magmakaawa ni Radson na 'wag siyang lisanin nito ngunit napayakap na lamang siya sa dalaga.
"Hihintayin kita kahit magbago ka pa. Kahit bumalik ka sa pananapak, ikaw pa rin ang Zia ko."
Tinaggal ni Zia ang pagkakayakap nito sa kaniya.
"Hindi kita maintindihan. Pero aksidente lamang ang lahat at pinapatawad kita sa nagawa mo sa'kin. Wala man akong maalala, hindi ko nga alam kung sino ako. Salamat, kailangan ko nang umalis."
Tinalikiran na ni Zia si Radson at sumakay sa kotse na maghahatid sa kaniyang bagong tirahan.
Hindi mawari ni Radson ang nadarama nito dahil nasasaktan siyang maiiwan na naman mag-isa sa bahay at walang sasalubunging tulad ni Zia. Walang makakausap tulad nang ginagawa niya kay Zia kahit hindi ito intresado sa kaniya.
"Ikaw ang pinakamagandang aksidenteng nagyari sa buhay ko. Sana manatili ka na lamang sa tabi ko," bulong ni Radson sa hangin.
Ang gabing iyo para kay Radson ay pinakamalamig na gabi sapagkat nasaksihan niya na naman ang isang tao na lisanin siya.
Ang gabi para kay Zia ay napakalamig sapagkat tila' burado ang lahat ng gusto niyang maaalala. Ang mga katanungan patungkol sa sarili niya ay hindi niya kayang bigyan ng kasagutan.

Book Comment (42)

  • avatar
    Delos ReyesShereen Mae

    It's very awesome and the first chapter is sooo good!!

    11/06/2022

      0
  • avatar
    Hadea Pigao

    agaling ang Dami ko na laman dahil sa story na to gling

    12/07

      0
  • avatar
    andalvia

    nice

    06/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters