logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5 Ideal

"Thank you, Ma'am."
Tipid akong ngumiti.
Nahihiya siyang tumango pabalik sa'kin. Sakto namang nakasalubong niya sa pintuan sina Kuya.
Maiingay na naman silang nagtatawanan. Gusto ko sanang palingunin si Ms. Marchessa para humingi ng pasensya sa ingay nila kaso nakayuko siyang ipinagpatuloy na ang paglabas sa abandonadong opisina. Baka lang hindi siya sanay sa gawi nina Kuya dahil bago. Ako tuloy ang nahihiya para sa kanila.
Hindi maiwasang madapo ang tingin ko sa mga estudyanteng masayang lumalabas sa kani-kanilang classrooms kasama ang mga tinatawag na kaibigan. Bago pa mapunta ang isipan ko sa mga bagay na malabong mangyari pumunta na ko sa bag ko para mag-ayos ng gamit.
Pagkatapak nila sa silid babae agad ang pinag-uusapan. Nang mahuli ko ang kanilang tingin agad nilang itinigil ang usapan na para bang may maitatago pa sa'kin. Mabilis nila akong sinalubong ng kurot sa pisngi. Ang ayos ng mahaba kong buhok ay naglaho sa kamay nilang parang bagyo.
Pagkatapos nilang ihawa ang matatapang na amoy sa'kin matagumpay silang ngumisi. Ayaw na ayaw ko talaga ng mamahalin nilang pabango. Ilang beses ko mang ilagay ang Johnson's cologne sa pulsahan ko nagtatagumpay pa rin ang pabango nila.
"Wala na..." malungkot na sambit ko matapos subukang langhapin ang pabango ko.
Tumawa lang sila na parang may nakakatawa.
Pasimpleng kinuha ni Kuya Miklaus ang bag ko sa kamay nang akbayan ako ni Kuya Leon. Lumabas kami sa opisina na nakakuha ng iba't-ibang nanghuhusgang pantitig na kinsanayan ko na din. Ilan lang kasi ang nakakalam na magpipinsan kami. Wala naman talagang interes sila sa'kin...sa mga kasama ko lang.
Ganito palagi ang eksena tuwing uwian. Sila ang sumusundo sa'kin sa abandonadong opisina sa kadahilanang hindi ko pa kayang makisalamuha sa maraming tao. Palaging naroon yung kaba, yung pakiramdam na baka sa likod ko may mananakit sa'kin. Kapag hindi ko kinaya ang sobrang kaba naninikip ang dibdib ko.
Si Kuya Leon ang sumusundo kapag hindi pwede sina Kuya Miklaus at Kuya Kyros. Malapit lang kasi ang Music room sa abandonadong opisina.
Sa daan, tahimik kong tinatanaw ang kapatagan. Ilang magsasaka ang nakikita kong tinitigil ang trabaho para magbigay ng galang sa dumaraang sasakyan namin sa pamamagitan ng bahagyang pagyuko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman bukas ang binatana kaya imposibleng nakikita nila ang pamilyar naming mukha. Ayaw ni Zion bukas ang binatana, nagkakarashes. Maaaring kilala siguro ang aming sasakyan.
Nahahalina akong minamasdan ang matatayog na puno sa gilid ng kalsada, tinatabunan ang sinag ng araw na minsang tumatama sa bintana. Maraming estudyante ang naglalakad na magkakasama, mga nagtatawanan.
Kung wala kayang bawal sa'min mararanasan ko rin kayang tumawa ng ganon kasaya? Kung kaya pwede akong makipagkaibigan sa hindi ko kapananampalataya, magagawa ko rin kaya ang ginagawa nila? Ngumingiti din naman ako kagaya nila kaso ramdam sa loob ko ang kakulangan.
Gustong-gusto ko magkaroon ng kaibigan. Kaya nga lang ayaw naman nila sa'kin. Isang instrumento lang ako para sa kanila.
Ang malaking bahay ang tumambad sa'king mata. Mapagkakamalang palasyo na napapalibutan ng tubig. Ang malaking gate na naghihintay sa'min ay tuluyang nagbukas. Medyo mahabang daan na pinapalibutan ng mga bulaklak ang tinahak namin bago tuluyang iparada ang van. Puno ng iba't-ibang sasakyan ang garahe.
Unang bumaba si Maha. Kita ko pa ang walang pag-aalinlangan niyang dumeretso sa harapan ni Picasso na sumalubong sa'min.
"Good afternoon, Señiorito, Señiorita." kay Ate Clio nanatili ang kanyang ngiti.
Humagikhik si A-Zele na may binubulong sa nakangising si Kuya Eight.
Siya ang dahilan kung bakit hindi magkasundo si Zion at Maha. Hindi ko rin alam ang kwento. Pero naniniwala akong sa kanya unang nasaktan si Maha. Sa pagkakaalam ko may namamagitan na kina Zion at Picasso habang hinahangaan siya ni Maha.
Nakakapagtaka kung paano nila nagustuhan si Picasso. Ang kayumangging mata niya palagi ay walang emosyon. Hindi nagbibigay ng kurba ang labi. Hindi rin nagsasalita.
Pagsapit ng alas-sais kailangang matagpuang nasa bahay na ang rosas. Alas-siete ng gabi sama-sama kaming tutungo sa hapag-kainan para pagsaluhan ng hapunan. Pagtapat ng alas-otso ipipikit na ang mata para tapusin ang maghapon upang makapaghanda sa sususnod na bukas.
Abuela looked at me.
"You're just in time. Shall we?"
Eksaktong alas-singko.
Puno ng mataas na lagayan ng libro ang opisina ni Abuela. Sa ikalawang palapag makikita ang malaking bintana na tanging nagbibigay ng liwanag sa malaking silid. Katapat nito sa unang palapag ang kahoy na lamesa kung saan matatagpuan siyang madalas ginagawa doon ang mga bagay na kailangan. Katapat niya ang couch na nag-aabang sa aking pag-upo. Sa likuran matatagpuan ang unang nakikita ng mga mata tuwing tatapak sa lugar na ito.
Isang napakalaking lumang larawan noong kapanahunan niya. Nahahati sa gitna ang kayumangging kulot niyang buhok. Maganda ang mga bulaklak na tila korona sa ibabaw ng kanyang ulo. Seryoso ang pulahan niyang labi na kataliwas sa ipinapakita ng pares na abo niyang mga mata. Walang makikitang balat niya mula leeg hanggang paa liban sa kalahating braso niya. Ginintuang bulaklakan ang suot niyang bistida na bumagay sa kulay niyang amino'y anak ng niebe. Makikita sa kalagitnaan ng dibdib niya ang burdang pulang rosas na humahalo sa kulay ginto.
Katabi niya ang isang binatana na may ngisi sa mga labing sumasalamin sa kislap ng mga mata. Suot niya ang unipormeng sumisimbolo sa pagiging isang matapang na bayaning binubuwis ang buhay para mapanatili ang kapayapaan sa kanilang bayan. Kakaiba ang matatagpuan sa kanyang ulo na may kulay itim na kahalo rin ang ginintuang kulay at gintong burda.
At ang palaging nakakaantig ng aking damdamin at tila magandang tanawin sa aking mata ay kung paanong ang kakaibang titig ng binata ay nakatuon sa nag-iisang babaeng nasa tabihan niya. Hindi pangkaraniwang titig na madalas ibinibigay ng kalalakihan sa kapanahunan ngayon. Walang pagnanasa, tanging matinding paghanga.
"There's a land that is fairer than day,
And by faith we can see it afar;
For the Father waits over the way
To prepare us dwelling place there."
Susundan ng isang pamumpisang panalangin ang tatlong awit. Pagkatapos nito babasahin ang Lesson na patungkol sa hindi pagkakaroon ng karelasyon sa kapananampalataya. Tatapusin ang worship ng isa pang awitan at panghuling panalangin.
"Hindi sa relihiyon at pananampalatayang pinaniniwalaan masusukat ang katapatan ng mga lalaki... Iyon po ang pinaniniwalaan ko, Abuela."
"So you want to be cheated on? Doon tayo sa may kasiguraduhan, Amayah."
"Ang pag-ibig naman po ay walang katiyakan. Maaaring ngayon mahal ka, kinabukasan hindi na..."
Sumasang-ayon ako sa sinasabi niyang magagandang katangian ng mga lalaking Adventista subalit hindi ko maiwasang ipagtanggol ang mga lalaking hindi namin katulad. Masasabing may maraming manloloko sa kanila pero naniniwala akong hindi lahat. May mga nagbabago.
"Hindi ata tayo magkakaliwanagan sa pag-aaral na 'to. Iba ang puntos mo sa ipinipuntos ko."
Tumango ako.
"Naiintindihan ko ang ipinupuntos mo, Abuela. Ang iginigiit mo sa'kin ay kailangang pumili ng makakapareha sa buhay na tulad natin ang paniniwalaan. Dahil ang nakakakilala sa Kanya ay hindi marunong magloko. Ngunit naniniwala po akong kahit hindi kumikilala sa Kanya, may mga tapat pa rin. Hindi po basehan amg kumikilala sa Kanya para masabing magiging tapat ang isang tao. It is a decision, Abuela. Kung kahit maniniwala ka sa Kanya at hindi, pinipili ang maging tapat sa isang babae hanggang sa kahuli-hulihan."
"Kapag nagloko ang lalaki sa babae, hindi lamang masasabing nagloko sila. Lulunurin nila ng maraming katanungan ang isipan. Hindi magiging sapat ang pagluha para sa sakit na iniwan sa pagkatalo nila. Nagdudulot ito ng pagkawasak ng tiwala. Hindi lamang sa mga kalalakihan kundi pinahihirapan ding maglaan ng tiwala para sa ibang tao."
Sumimsim siya ng kape. "Boys see girls as a flower they want to hold. But I named you Rossalia. You're a rose, Amayah. You'll be the one who'll get them bleed.The only way I'll let the boy gets you is when he got pricked by the thorns yet he's still willing to embrace you."
"Huwag ka pong mag-alala, Abuela..."
Isang tao ang pumasok sa isipan ko. Hindi maiwasang kumurba ang ngiti sa labi.
Tumikhim si Abuela.
Mabilis akong bumawi at nag-iinit ang mukhang itinakip ang kamay sa bibig.
"You got someone in your mind, huh?"
Nahihiya akong napatango. Animo'y nanirahan sa isip ang lalaking tinutukoy ko.
"Ayaw mo sa engineer, Amayah? Sure na?" tanong ni Zion. Kanina niya pa kong kinukulit tungkol sa bagay na 'to. Pinapakita niya sa'kin yung mga engineering students sa Abiathar College.
Umiling ako.
"Ehh? Totoo na 'yan?"
Tumawa si A-Zele.
"Baka Chief? May kilala akong magpopolice!"
Kagat-labi akong muling umiling.
"Doctor?" usal ni Ate Fau. "Ayaw pa rin?"
Tipid akong ngumuso bilang pagtanggi.
Nag-angat ako ng tingin kay Abuela matapos dumaan sa utak na tila hangin ang kaganapan kanina.
"Engineer can construct buildings. Policeman can protect his comrades. Doctor can save many lives. But only Pastor can make me fall inlove. Man with principles is different but a man who feared God is like a flower in a concrete, Abuela. So beautiful and rare. That...is my ideal man."

Book Comment (6)

  • avatar
    M. LadublanRhianna Grace

    good

    15/08

      0
  • avatar
    MoncatarvillaranteEmjay villarante

    magaling mag story

    04/06

      0
  • avatar
    Jellian Kate Lumaya

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    26/02

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters