logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3 Sauvage

Natapos ang pag-awit ng Lupang Hinirang. Tuluyan nang nilamon ng kadiliman ang araw na hindi na nagpakita pang muli. Natigil na ang pagbibigay niya ng liwanag sa buong sanlibutan. Mas nadarama ang lamig ng pag-ihip ng hangin sa gabing paparating. Sa kabilang banda'y magpapakita na ang mga maningning na bituin na hahalili sa araw na nagpahinga na.
"Hindi mo ba ako kakamustahin sa nakalipas na limang taon?"
Nagsusumigaw man sa sakit ang pusong tila basong nabasag, ang luhang animo'y talon na walang sawa sa pagbagsak sa ibabang bahagi nito, mga nanginginig na tuhod, ang katawang gustong idepende ang pagbagsak sa bisig ng taong papawi ng kalungkutan...nanatili akong nakatayo ng pirmi.
Sa paglipas ng panahon, matapos kong iwan ang mga bagay na gustong-gusto ko kapalit para sa mga bagay na mas importante rito, may isa akong natutunan. Mula nang binigyan ako ng karapatan na magdesisyon para sa sarili ko, natanto kong may mga bagay na hindi pwedeng piliin kahit pa tama. At may mga bagay na kinakailangang piliin sapagkat ito ang madali. Walang ibang taong masasaktan.
Pinalis ko ang luha. Hindi na ko nag-atubili na nilingunin siyang muli. Sa labas ng sasakyan natagpuan ko ang tanong madaling piliin kahit hindi tama.
He gave me a smile.
"Done?"
Bumuntong-hininga ako.
"Let's go?"
Nanatili siyang hindi kumikibo at tinitimbang ang aking emosyon. Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Wari ko'y kahit langgam hindi papatusin.
Tahimik siyang tumango at pinagbuksan ako ng pintuan.
Pagkarating namin sa mansyon kusang tinahak ng paa ang daan tungong kwarto. Napatulala ako sa likod ng pintuan at malayang pinahintulutang magsipatakan ang luha.
Walang pinagbago ang kama, ang ayos, ang mga gamit... Kung ano ang iniwan ko noon siya ding binalikan ko. Sana ganun kadali ang lahat.
Nilibot ko ang bawat sulok na nagpapalala sa nakaraan. Parang kahapon naririnig-rinig ko pa ang mga tinig nila sa loob ng silid. Ginugulo nila ang ayos ng kama, walang gabi ang lilipas na hindi nila ako kinukulit. Mga yakap nila ang nagpapatigil sa masamang bangungot tuwing gabi. Sa balikat nila ako humihilig tuwing may problema. Sila ang takbuhan, mga taguan ng sikreto.
Bakit kailangang magbago ang lahat? Na ang mga bagay tulad ng pangyayaring ganoon hanggang sa gilid ng lang ng mga mata makakamtan. Bakit nagtagal ang madilim na gabing mag-isa kong niyayakap ang sarili? Bakit kailangang mawala sabay-sabay ang lahat?
Kailan ko kaya matatanawan muli ang buwan nang malaya? Kailan ko ulit mararanasan ang presensya mong may itinatagong saya sa puso, buwan?
Bakit nga ba nauwi sa ganitong pagkakakulong muli?
Kung ang bangungot ay hindi matatagpuan sa panaginip, kapag kaya ipinikit ko ang mga maata...matatakas ko ba ang reyalidad na ito? Mawawala na ba ang mga pagluha at pag-iyak?
Kapag ba tumulog ako sa kalaliman ng gabing maraming mga tao ang maaaring malunod, maibabalik ba ako nito sa nakaraan?
Mangyari pa kaya?
Ipinikit ko ang talukap ng mga matang namimigat na. Hinayaan ko ang sariling malunod sa kalaliman ng gabi kung saan naghahari ang liwanag ng buwan.
Sa pagkakatakas sa bangungungot na reyalidad, libo-libong nakaraan ang muling nanumbalik.
Katahimikan ang namayani sa hapag-kainan. Mga tunog ng kubyertos ang tanging maririnig. Sa bubog na nakapaligid sa buong dining area madarama ang kaginhawan tuwing napapasulyap sa mga halamanan sa hardin.
Nakakaaliw tingnan ang makukulay na bulaklak. Punong-puno ng pagkain ang mahabang lamesa. Ngayon na lang ulit napuno ang bakanteng upuan para sa mga taong minsan lang makasama.
"Mama, I heard the Coronels are planning something for the next campaign. They want Matthias to give up his position. Ezekiel wants to be the next Governor. We all know that Matthias has still one more year on his termination. Alam natin ang kayang gawin ng mga Coronel makuha lang ang gusto nila. If the Furtalejos will know about their plan, it will cause another war between the two family," ani Tito Demus.
"If that happens, Idalah Abitathar will never be at peace again."
Tumaas ang kilay ni Abuela.
"For the next campaign? Hindi ba masyado pang maaga, Kuya?" tanong ni Ninang Vinnie.
Ibinaba ni Abuela ang kubyertos at madahang pinunasan ang kanyang labi.
"I didn't know Coronels will go that low. Can't they wait for Matthias termination to end? What are they gonna use for him to give up his position? Wealth? Power?" tumawa si Abuela. "Furtalejos are wealthier and powerful. I can't wait to see Camilla's frustration."
Seryosong tumango si Tito Demus.
"Carlitos couldn't believe his mother's decision too. They want to push rally-"
"Rally? What kind of rally? People holding their slogan shouting on top of their lungs 'Ibalik extra-rice?'"
Tumawa si Ninong Daerios sa sinabi ni Abuela. Pigil nina Kuya ang kanilang pagtawa. Maayos naman ang pamamalakad ni Governor sa I.A. kaya walang makikitang problema.
"Why don't Senyora Camilla accept the fact that she's into a man whom she wrecked decades ago? Don Garpidio moved on already. Why can't she?'
"Coronels are bunch of bitter people," banggit ni Tito Val na sinang-ayunan ni Tito Daerios.
"Bitter people are always the losers."
"October pa lang ngayon, ah? Hindi na ko nagtataka kung pasko pa lang makikita na sa daanan ang mga nakangiting larawan ng mga Coronel. Remember what happened decades ago, Alas?"
Ngumisi si Tito Alas na kanina pa tahimik.
"I have a sharp memory, brother."
"Martinellis hands are too big for..."
Tita Eva groaned. "Scammer!"
Tumawa ang magkakapatid na alam ang tinutukoy ni Tito Val. Nagtawanan din sina Kuya. Kahit ako ay nangingiti kahit hindi alam ang pinag-uusapan. Si Abuela naman kahit hindi ngumiti ay mababasa sa mata na nangulila rin sa ganitong uri ng salo-salo tuwing umaga. Ito din siguro ang dahilan kung bakit gusto niyang lahat ng anak niya kasama sa iisang bahay.
"Zeleste," Tito Demus called. Tinawag ang pangalawang anak na katabi ng kanyang asawa at ng bunso niyang anak.
"Yes, Pa?"
"I don't want any of you to be involve with the Coronels and Furtalejos. They have a lot of enemies when it comes to politics. This is for your safety. Hangga't maari wag munang magtitiwala sa ibang tao."
Binalingan ni A-Zele ang bunsong kapatid bago tipid na tumango sa ama.
Tito Demus is the eldest of Gabriela and Yshmael Valerius VI. Ang gitna ay sina Tito Alastair, Ninong Daerios, at Ninong Helios. Tito Val is the youngest.
"We'll fly back to Mauna Loa, Mama. While constructing the hospital there, Demus will be the one to handle Sauvageries habang hindi pa naipapasa kay Cyrus," paalam ni Tita Hara. "We'll be back when the campaign begins. Demus decided to send Cyrus back to Italy after his graduation. We want him to study both engineering and architecture abroad. When he came back, he'll be the one to handle the MEG and SMAEC."
"Kuya, bakit hindi dito na lang? Sa manila pwede. Why in abroad?"
"I want my eldest to focus more on his studies. No distractions. This time, I want him to graduate in time."
Yumuko ako.
"I thought Cyrus wants to pursue law? Why architecture and engineering, Kuya? Cyrus?" nanatiling blangko ang mukha ni kamahalan.
"I want the best for him, Alas."
"What your son wants is the best for him."Tito Alas smirked.
"I see." tango ni Tito Demus at dumako ang pantitig kay Maha na bunso ni Tito Alas at Tita Eleftheria na may sariling mundo.
Nakalugay ang hanggang balikat niyang buhok. Maha has tanned skin sa kanilang tatlong magkakapatid. Ang pares ng abo niyang mga mata ay hindi na itinitingin sa akin, palaging iniiwas. Pati ang labi na may kulay ube parati hindi na magawang makipag-usap sa akin.
"How about you, Amayah?"
Binawi ko ang tingin kay Maha.
"A-ako po?"
Agaw-atensyon ang naghihintay na tingin ni Abuela. Nanginginig kong inabot ang baso ng tubig. Sa simpleng tanong para akong maiiyak na gustong itakbo ang mga paa. Nagdadalawang-isip kung yung gusto ko ba ang sasabihin o kung ano yung gusto niyang marinig na babanggitin ko.
Bakit pakiramdam ko hindi pa nila nalalaman ang aking kasagutan kanila na agad tututulan?
"Malapit na pala ang birthday mo, hija. October 22, right?" tanong ni Ninang Eren.
"Wala na pala kami sa araw na 'yon, Mama," ani Ninang Vinnie.
"Why don't we throw a party for Amayah bago tayo umalis?"
Agaran akong umiling at tinanggihan ang suhestiyon nina Ninang. Muli kong nilingon si Tito Demus para sagutin ang katanungan niya.
"Gusto ko po sanang maging doctor..."
"Like us?" kinakabahan akong tumango.
Nginitian ako ni Tita Harra.
"Nice choice, Amayah."
"Dra. Martinelli," natutuwang tawag ni Kuya Kyros na kumikislap ang mga mata niyang kulay abo rin. Maraming babae ang nakukuha niya sa kanyang pagngisi. Sinamahan pa ng magulo niyang buhok, makapal na kilay, matangos na ilong, at manipis na labi.
"Don't you want to be an engineer, Amayah?" kabado akong bumaling kay Abuela.
Pakiramdam ko palagi tuwing nagtatanong siya ang mga bagay na hindi ko gusto ang kailangan kong isagot dahil iyon ang gusto niya. Para akong bibitayin kapag namali ang ilalabas na salita ng aking bibig. Para bang kahit wala akong kasalanan sa titig niya ako'y nasumpungang may sala't presinto na ang nagsilbi kong tirahan.
"A-ayos naman po, Abuela. Kaso..."
"Engineer Sauvage sounds better," Abuela stated. Binigyan niya ko ng ngiting hindi ko magawang masuklian.
Nagbaba ako ng tingin. Sa hingahan ay pinakawalan ang mabibigat na hininga. Isang tanong sa isipan ang namayani.
Kailan kaya ako magiging Martinelli?

Book Comment (6)

  • avatar
    M. LadublanRhianna Grace

    good

    15/08

      0
  • avatar
    MoncatarvillaranteEmjay villarante

    magaling mag story

    04/06

      0
  • avatar
    Jellian Kate Lumaya

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    26/02

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters