logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6 Heartthrob

Pagdating nila sa taniman ay mas marami nang tao. Mag-aalas nuwebe na ng umaga Excited talaga siya sa nakikita. Madalas din siyang manood dati ng gumagapas ng palay at medyo namiss na talaga nya ang bukid at ang masayang tanawin tuwing may aani ng kanilang tanim. Lahat masigla parang piyesta. Nagtutulungan para maging mas mabilis ang pag-aani.
Kitang-kita ni Paolo ang saya sa mukha ni Anne. Natutuwa siya sa reaksyon ng dalaga. Tama ngang isinama ito dito. At least hindi na ito agad aalis dahil sa pagkabagot. Hindi nya alam ang dahilan nito sa pagpunta sa maliit na bayan ng Laur pero ayaw na nyang alamin yon. Ang mahalaga nandito ito. Huminto sandali ang ilang tagapitas nung makita sila. Kumaway kay Paolo ang ilan.
Medyo nagtago Anne sa likod ng binata dahil naalala niyang wala nga pala siyan kakilala doon.
"Bat ang bagal mo namang maglakad?" Tanong nito.
"Nahihiya ako." Amin niya.
"Huwag kang mahiya sasamahan naman kita." Sinadya nitong bagalan ang paglalakad para magkatabi sila.
"Bago tayo manguha. Alam mo ba kung paano malaman kung hinog na ang pakwan?" Tanong nito.
"Eh di biyakin. " confident pa niyang sagot.
"Pilosopa ka rin pala. Tatlong paraan para malaman yung una pwede mo syang pitikin kapag matunog siya malamang sa malamang hinog nayan. Pwede mo ring tingnan yung ilalim kapag dilaw na sya pwede narin yon. Pati yung bigat dahil matubig ang hinog mas mabigat siya sa karaniwan." Kumuha ito ng isang maliit na pakwan.
“Gaya ng isang to maliit lang to pero puwede nang pitasin" pagkatapos nitong pitikin at tingnan ang ilalim.
"Manong Leroy kukunin ko nato." Paalam nito sa may-ari.
"Oh sige Pao libre nayan sa magandang kasama mo." Tugon naman nito.
"Salamat po. Mang Leroy ito nga po pala si Anne kapitbahay po namin."
"Magandang umaga po." Bati nya sa matanda.
"Magandang umaga rin Ineng. Sige lang kumuha ka lang ng gusto mo."
Kinuha ni Paolo ang gulok na nakasabit sa bewang at binuksan ang pakwan.
"Ang galing mo, pulang-pula nga ang loob." Hangang-hanga siya dito.
"Tikman mo na, " at inabot sa kanya ang isang hiwa ng pakwan. Kinain naman nya yun agad.
"Ang sarap ah." Yun na yata ang pinakamasarap na pakwan na natikman nya.
"Kumain ka na muna diyan at tutulong na ako sa pagpitas okay."
Pero bago pa man ito lumayo inalis nito ang sombrero at isinuot sa kanya medyo mainit na.
“Baka magka sunburn ka." Sabi nito
“Ikaw itong magtatrabaho." gusto nyang ibalik dito ang sombrero pero tumanggi ito.
"Sanay na ako sa init at tsaka may isa pa dun manghihiram na lang ako isuot mo na yan."
Naiwan niya kanina yung salakot ng lolo niya. Well ang totoo masyado nang luma at malaki sa kanya ang salakot kaya nya yon iniwan. Sana nga dinala na nya yon kahit panget.
Aalis na sana ito nang tingnan siya nito ng mabuti. Para namang naconscious siya.
"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong niya rito.
"Ke ganda mong babae ang kalat mong kumain. May dumi na yung shirt mo." puna nito sa kanya.
May mga nahulog ngang buto ng pakwan sa shirt nya. Kinuha nya yon isa-isa. Bago pa man sya magsalita ay lumayo na to. Lahat talaga napapansin nito. Pero bigla niyang narealized na tinawag siya nitong maganda.
" Napansin pala niya na maganda ako." di niya mapigilan ang ngumiti.
Buti na lang talaga at sumama siya rito ngayong araw. Kasi kung nanatili na naman siya sa bahay siguradong magmumukmuk lang siya at maalala na naman niya ang talipandas niyang Ex boyfriend.
Masyado siyang maganda para maging malungkot lang.
Para di siya mainip at ma-out of place habang hinihintay matapos sa trabaho si Paolo ay lumapit muna siya sa mga kababaihan na naghahanda ng pagkain. Ayaw din naman niyang manguha ng pakwan dahil kahit tinuruan siya ni Paolo natatakot siyang magkamali.
“Hello kumusta mangunguha din ba kayo ng pakwan? Ako nga pala si Anne." pakilala niya sa sarili.
"Magandang umaga ineng parang ngayon lang kita nakita dito ah." Isang medyo ay katandaan nang babae ang sumagot sa kanya.
“Opo minsan lang po kasi ako dumadalaw dito tuwing bakasyon lang nung bata pa ako. Apo po ako ni lolo Cario.”
Halos magkakakilala ang mga tao sa bayan nila lalo na ang mga magsasaka kaya kung gusto mong maalala ka ay sabihin mo ang pangalan ng magulang mo o ng lolo mo.
"Ah si Macario sumalangit nawa siya. Tama kahawig ka nga niya. Napakasipag din ng lolo mong yon parang si Paolo din." Komento nito.
Hindi na makatiis may isang babaeng medyo matabil ang nagtanong.
"Magkasintahan ba kayo ni Paolo?" usisa nito sa kanya.
"Naku hindi magkapitbahay lang kami. Kailangan ko lang kasing sumabay sa kanya kanina papuntang ilog. Eh mukhang masaya dito kaya nakisabit na rin ako." sagot niya dito.
"Talaga?" halatang natuwa ito sa sagot niya.
BIGLANG ring naging friendly sa kanya ang iba pang kababaihan ng marinig ang sinabi niya.
"Magkapitbahay lang kayo?" Sabat pa nang isang mukhang nasa highschool lang. Tinanguan lang niya ito habang nakangiti.
"Sabagay mukhang mas matanda ka nga sa kanya," turan pa nito.
Gusto niyang sungitan ang nagsalita pero pinigilan niya ang sarili. Totoo naman kasi ang sinabi nito. Kaya wala siyang karapatang maoffend.
"Ate Anne matagal na ba kayong magkakilala." tanong din ng isa na malamang ay may gusto rin kay Paolo.
“Hindi mga ilang araw pa lang pero dahil lagi kaming nag-uusap kasi magkalapit lang kami ng bahay. Pati nga bintana namin tapatan lang." kuwento niya sa mga ito.
Lalo naman naging interesado ang mga ito. Parang gusto na siyang gawing bestfriend.
Sikat rin pala talaga sa mga babae ang walanghiya. Isip niya. Pero di na siya magtataka dun. Kung siya nga gusto ang binata ito pa kayang mga dalagitang ito.
"Kayo tama na yang tsismisan at huwag nyo masyadong kinukulit si Anne tungkol kay pao. Kababata pa eh kaliligalig na. Pagpasensyahan mo na sila." Hinging paumanhin nito.
Tumingin sya sa direksyon kung nasaan ang binata, nagtatawanan ang mga kasama nito habang nagtatrabaho. Parang napansin naman nitong nakatingin siya kaya lumingon ito at kumaway. Nginitian naman niya ito. Parang nakarinig naman siya ng mga kinikilig na mga kababaihan sa likuran nya.
Hapon na ng matapos sila sa pagpitas ng mga pakwan. Tinulungan niya si Paolo na ilagay ang mga pakwan sa kariton. Pinuno nila yon. Pagkatapos magpaalam ni Paolo ay umalis na sila. Kailangan din kasi nitong ihatid sa palengke ang mga pakwan.
"Mag-uwi ka para kay manang lina. Bilin nito habang nasa daan sila.
" Ito na lang maliit ang kukunin ko mahina naman kumain yon."
" Salamat ha sinamahan mo ako." Sabi nito.

"Baliktad yata di ba ikaw ang sumama sa akin sa ilog? Ako dapat ang nagpapasalamat sayo. Tsaka nag enjoy ako ngayon. Kaya thank you talaga. " sagot niya rito.
"You're welcome." nakangiting sagot nito.
"Oo nga pala hindi ko alam sobrang heartthrob mo pala. Halos lahat ng mga kadalagahan dito crush ka." kuwento niya rito.
"Bakit? Tinanong mo ba sila isa-isa?" biro nito.
"Huwag ka ngang magmaang-maangan. Eh kita naman na ang daming gustong kunin ang atensyon mo. Hindi ka mahihirapan maghanap ng kasintahan. Kung gugustuhin mo."
" Keyword gusto." maikling sagot nito.
"Ang pihikan mo naman."
"Mapili talaga ako."
"So ibig sabihin wala kang nagugustuhang kahit sinong babae ngayon?" Curious na tanong niya rito.
"Meron," maiksing sagot pa rin nito.
Medyo nadisappoint naman siya doon. Meron na pala itong nagugustuhan. Pero bakit ba siya affected? Hindi naman imposible na may gusto na itong babae. He's a normal young man. Ano bang iniexpect niya?
"Di ko na tatanungin kung sino dahil sigurado naman akong di ko kilala yon. Pero Goodluck sayo sana magustuhan ka rin niya." kunyari ay hindi siya affected.
"Sana nga." Nakangiting sagot nito Habang titig na titig sa kanya.

Book Comment (91)

  • avatar
    AlvesTiago

    muito bom

    06/01

      0
  • avatar
    Júlia Oliveira Nascimento

    Muito bom, amei de mais, recomendo muito ler esse belo livro❤️

    20/10/2024

      0
  • avatar
    Aninha Silva

    Maravilhoso

    26/07/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters