Gustong malaglag ng panga ni Anne sa narinig. Tiningnan niya ito para siguraduhing hindi ito nagbibiro. Seryoso ito kaya alam niyang hindi ito nagsisinungaling. "That is a revelation. Magkuwento ka." udyok niya rito. "Sige pero dalhin mo muna ito sa kariton kailangan kong tapusing maligo nilalamig na ako. Pakikuha mo na rin yung t-shirt ko baka kasi mangamoy isda." utos nito. "Natatakot ka mangamoy isda pero hindi kalabaw." "Magsasaka ako natural lang na mangamoy araw at kalabaw." katwiran nito. "Okay, pero mukhang masyado ka na yatang komportable sa akin. Sobra na pag-uutos mo. And you owe me a story," paalala niya rito. "Ikaw naman minsan ka lang mautusan. And what are friends are for? Sige ka hindi ako magkukuwento." "Sige na tapusin mo na ang paliligo mo." Kinuha na rin niya ang tilapia mula dito at dinala sa kariton. Nakita rin niya ang t-shirt nito at shorts. Parehong luma na yon. Meron din itong polo na may mahabang sleeves. Malamang gagamitin yon sa anihan mamaya. Pati tsinelas nito ay luma na. Iniisip nyang bilhan ito ng bagong tshirt o tsinelas. Kaya lang medyo alangan kung bibigyan nya agad ito ng regalo. Kung tutuusin acquaintance pa lang sila at hindi magkaibigan dahil isang araw pa lang sila magkakilala, pero she likes him. At sa pag-uusap nila parang ang tagal nilang magkaibigan. Puro biruan nakakalimutan tuloy niya ang mga problemang naiwan niya sa Maynila. Nang puntahan nya ang binata ay naliligo pa rin ito, at dahil medyo nainggit siya ay pumunta na rin siya sa tubig at binasa ang paa nakapedal pusher naman siya kaya okay lang. Magtatampisaw na lang siya sa tubig at titingin sa mga lumot. Naalala niya ang kabataan niya. Madalas din silang maligo noon sa ilog dati. Doon pa nga sila nanananghalian. Masaya siya sa lugar na ito kaya marahil binalikan niya. "Mukhang nag-eenjoy ka dyan ah." Sigaw ni Paolo. Pabalik na ito at dala na rin ang kalabaw. Nang makalapit ito sa kanya ay inabot nito ang damit at shorts. Kahit naka boxer eh mukha namang hindi na ito nahihiya. "Atleast mukhang bago naman ang boxer nito." Isip niya. Bago pa man ito magpalit eh itinali muna nito ang kalabaw sa kariton. “Bat di ka pa magbihis?” Ilang minuto na rin kasi itong nakatayo na parang may hinihintay. “Nagpapatuyo pa kasi ako wala naman akong tuwalya.” "Don't tell me hihintay mong matuyo yang boxer shorts mo baka abutin tayo dito ng ilang oras no. Di pa mataas ang araw.” "May baon akong pamalit. Sige na tumalikod ka na magpapalit lang ako.” utos nito sa kanya. “Nasa likod ka kaya ng kalabaw, wala akong makikita dyan." “Baka manilip ka.” biro nito. "Ginawa mo pa akong peeping Tom. Okay fine nang matahimik ang loob mo.” Tumalikod na nga siya dito pero natatawa siya sa sitwasyon. Contrasting din ang pag-uugali ng lalaki minsan mahiyain pero kadalasan naman ay outgoing. “Okay na. pwede ka nang tumingin.” Sabi nito pagkatapos makapagbihis Nakapamewang pa siya ng lumakad pabalik sa binata. “So ngayong nakapagbihis ka na, Im listening.” “Hindi ka na makapaghintay ah. Dahil tapos na kaming maligo ni brownie punta na tayo sa taniman ng pakwan. Ikukuwento ko sayo lahat habang papunta tayo don.” pangako nito. Sumakay na siya uli sa kariton. Mas ramdam at enjoy na nya ang pagiging dalagang bukid. This is like her fondest memory. Yung wala syang inaalala. Yung career lovelife yung mga struggles nya para lang maging successful. Parang bata siya uli. Nagsimula na itong magkuwento. "Nung mamatay ang ama ko lumipat nga kami rito alam mo na para makalimot." She knows what he means. Bakit ka nga ba pupunta sa isang maliit na bayan kundi para magpagaling ng sugat. Katulad niya nagpapagaling ng sugat sa puso. "Dito na ako nag highschool. Doon ko unang nakilala si Myrna. Pareho kaming first year. Torpe ako kaya hanggang tingin lang ako sa kanya. Si Edong kaklase ko rin siya at isa mga kaibigan ko." kuwento nito. “He looks older than you.” komento niya. “Mas matanda siya sa akin ng tatlong taon at third year na rin sya nung lumipat sa eskuwelahan namin. Si Myrna matanda rin siya sa akin ng two years. Alam niya na may gusto ako kay Myrna kaya tumutulong siya sa akin." kuwento nito. "So anong nangyari bakit sila ang nagkatuluyan?" "Nagtapat ako kay Myrna nung graduation namin. Sinabi ko sa kanya mag-aaral ako sa Maynila at magiging inhinyero pagkatapos noon magpapakasal kami.” A marriage proposal at a young age. Seryoso talaga ito kahit bata pa lang. "Lumuwas ako ng Maynila. Isang taon akong hindi umuwi pero sumusulat ako sa kanya. Noong una sumasagot pa siya pero nung lumaon hindi na. Pag-uwi ko nalaman ko na lang na kasal na siya kay Edong." "So bakit nag-uusap pa rin kayo at may balak ka pang dumalaw sa bahay nila. I just don't get it." “Noong una masama talaga ang loob ko. Pero naintindihan ko rin pagkatapos kung malaman ang lahat.” saglit itong huminto sa pagsasalita. Hinintay lang niya itong magpatuloy. "Nung magtapat ako sa kanya nung graduation namin. Gusto nyang sumama sa akin papunta sa Maynila. Pero hindi ako pumayag may mga pangarap ako at hindi ko pa kayang bumuhay ng pamilya. Kailangan pa ako ng nanay ko." "Tama naman ang maghintay, " sang-ayon nya sa desisyon nito. "Hindi na niya ako kayang hintayin. Mahal ko siya pero hindi ko alam na humihingi na pala siya ng tulong sa akin. Minamaltrato siya ng tiyuhin niya at di niya yun masabi. Wala akong nagawa para sa kanya. Ang tanga ko dahil sinabi kung mahal ko siya pero hindi ko alam ang paghihirap niya." Hindi niya nakikita ang mukha nito pero alam nyang nasasaktan ito at may pagsisisi. " Bata ka pa noon wala ka pa talagang magagawa para sa kanya." alo niya dito. "Pero nangako ako at hindi ko yon kayang tuparin. Si Edong ang tumulong sa kanya ang nakinig sa mga problema nya. Siya ang nasa tabi ni Myrna nung panahong kailangan nya ako. Sya ang nagligtas kay Myrna at hindi ako. Kaya wala akong karapatang magalit sa kanila.” Hindi nya alam kung ano ang dapat niyang sabihin dito. Kanina lang puro biruan sila ngayon biglang seryoso na ang pinag-uusapan nila. "Mahal mo pa rin ba siya?" tanong niya dito. Hindi niya alam kung bakit gusto niya yung malaman. "Matagal ko nang tanggap. Sinabi ko na rin yon kay Edong pero medyo nahihiya pa rin sya sa nangyari. Kung tutuusin dapat magpasalamat ako dahil ginawa niya ang hindi ko kayang gawin. At hanggang ngayon iniisip niya na kaya hindi ako nagkakagirlfriend eh dahil hindi ko pa rin makalimutan si Myrna kahit ilang beses ko nang sinabi sa kanya na okay na ako." Hindi nito sinagot ang tanong niya but she let it go.
"Okay ka na ba talaga?" tanong niya uli. "Ano sa tingin mo?" balik tanong nito. "Paano ko naman malalaman yon." "Eh diba may girlfriend na nga ako." Nakangiti na ito. "Sige na pagbibigyan kita sa panggagamit mo sa akin. Para na rin malubag na ang loob ni Edong.” " Salamat." Ang bilis magbago ng mood nito kung hindi niya ito kausap iisipin nyang wala itong dinalang malaking problema.
Thank you
Support the author to bring you wonderful stories
Cost 27 diamonds
Balance: 0 Diamond ∣ 0 Points
Book Comment (91)
AlvesTiago
muito bom
06/01
0
Júlia Oliveira Nascimento
Muito bom, amei de mais, recomendo muito ler esse belo livro❤️
muito bom
06/01
0Muito bom, amei de mais, recomendo muito ler esse belo livro❤️
20/10/2024
0Maravilhoso
26/07/2024
0View All