logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

HINDI AKO makapaniwala sa inaasta ngayon ni Ambrose. Para itong wala sa katinuan at nakakatakot ang ipinupukol na tingin sa akin.
Tumayo siya sa may kama at dahan dahang lumapit sa akin, ako naman ay napaatras dahil sa takot.
"A-ambrose..." Bulong ko sa pangalan niya.
"Why? Bakit ka nandito? I told you, once you go you can't come back again." Nakakatakot na sabi niya.
Napapikit nalang ako ng tumama ang likod ko sa may pinto. Naramdama ko na din siya sa may harapan ko.
Dahan dahan kong idinilat ang mata ko at halos maduling ako sa lapit ng mga mukha namin.
Nanginingig ang labi na nag angat ako ng tingin sa kaniya.
Mas inilapit niya pa ang mukha sa akin at dahan dahang tumaas ang mga kamay niya. Tumulo ang luha ko ng haplusin niya ang mukha ko.
Hindi ko alam pero natatakot talaga ako sa Ambrose ngayon. Ibang iba siya.
Hanggang sa bumaba sa may leeg ko ang haplos niya at nagulat ako ng pasakal niyang hinawakan ang leeg ko.
Itinagilid ko ang ulo ko upang hindi siya makita.
Muling tumulo ang luha ko ng halikan niya ang pisngi ko habang nakatagilid ang ulo ko.
Bumaba ang halik niya sa may leeg ko kaya napahikbi ako.
"A-ambrose, please. I-itigil mo na ito... Natatakot na ako." nanginingig ang boses na sabi ko sa kaniya.
Bigla siyang napatigil, akala ko ay lalayo na siya sa akin pero nabigla ako ng hatakin niya ako at inihagis sa may kama.
Muli akong nahintatakutan sa ginawa niya at dali daling aalis na sana sa kama ng hatakin niya ang mga paa ko.
"Ahh!" Hiyaw ko sa gulat.
"I told you honey, You need to follow me. But you're such a bad girl, really really bad girl." Bulong niya sa akin.
"A-ayaw ko na. A-ayoko na d-dito, natatakot na ako sa'yo." Pag-iyak ko na siyang ikinatigil niya.
Umalis siya sa ibabaw ko at tumayo sa tapat ng may kama. Nakahawak ito sa may baba niya na tila nag-iisip habang nakatingin sa akin.
Maya maya ay napahawak ito sa ulo niya at nagmamadaling pumunta sa banyo.
Natigil naman ako sa pag-iyak at bumango. Nais ko sanang tignan kung anong nangyayari sa kaniya sa loob ng banyo pero meron ng takot sa puso ko.
Dahan dahan akong tumayo at humakbang palapit sa banyo, walang kahit ano akong ingay na naririnig kaya mas lalo akong kinabahan.
Dahan dahan ko ding binuksan ang pinto at buti naman at hindi ito naka lock.
"A-ambrose?" Nanginginig pa din ang boses ko dahil sa nangyari kanina. Iginala ko ang paningin ko at nakita siyang nakasiksik sa may kabinet.
"Ambrose, a-anong ginagawa mo riyan?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot at mas lalong isiniksik ang sarili sa may kabinet. Nag-isip ako sandali kung lalapitan ko ba siya o hindi.
Napagpasyahan kong lapitan siya at nagulat ako ng manginig siya ng lumapit ako.
"N-no, please." Napakunot ang noo ko sa tono ng boses niya.
Tila takot na takot.
"Ambrose, anong nangyayari sa'yo?" Tanong ko at inilagay ang palad sa balikat niya pero laking gulat ko ng umiyak ito.
"N-no! N-no! Please, don't hurt me! No, daddy. I-i promise i will be a good boy j-just don't punch me." Umiiyak na sabi nito.
Napatakip ako sa bibig. Kanina lang ay galit at nakakatakot ang itsura niya maging pananalita niya pero bakit ngayon ay parang natatakot siya at nanginingig pa ang tono ng boses.
Anlakas niya ding umiyak.
"A-ambrose, ako ito. Colleen ang pangalan ko, huwag kang matakot. Wala naman akong gagawing masama sa'yo." Sabi ko sa kaniya.
Unti unti itong tumigil sa pag-iyak at nag angat ng tingin sa akin.
"I-ikaw so Colleen?" Tanong niya.
"Yes. Kaya huwag kang matakot, hindi kita sasaktan." Sagot ko sa kaniya at itinaas ang kamay.
"Di sasaktan ni Colleen si Ben?" Napakunot ang noo ko sa tinanong niya.
Sinong Ben?
"Ben? Sinong Ben, Ambrose?"
"Ako si Ben!"
"Hindi ba't Ambrose ang pangalan mo?"
"Mm! Ako si Ambrose Benedict Augustus, Ben ang tawag nila sa akin! I'm 5 years old!" Sabi niya.
Naguguluhan ko naman siyang tinignan.
5 years old? E hindi ba ay 29 na siya? Mag ka birthday pa nga kami.
"Ambrose—Ben pala, 'wag ka nang magtago riyan. Baka mauntog ka pa sa laki mong yan." Saway ko sa kaniya at mabuti ay sumunod naman siya.
Tumayo na siya at pinagpagan ang kamay na parang bata.
Kahit na hindi ko alam ang nangyayari sa kaniya, na paiba iba niya ng pananalita at pag kilos ay wala pa din akong karapatang husgahan siya.
Nagulat ako ng yumakap ito sa akin.
"I lab you, Colleen! Buti andito ka na, hindi na 'ko papaluin ni daddy kasi di ko na siya kukulitin kasi nandito  ka na hihihi!" Tumawa pa ito.
"Tara, Colleen! Let's play." Yaya nito, hinatak niya ako palabas ng banyo at tinitignan ko lang ang bawat galaw niya.
Pumasok siya sa may 'secret room' niya at paglabas ay may bitbit ng laruan.
Ayon ba ang tinatago niya sa kwartong iyon?
Umupo siya na parang bata at hinatak din ako paupo.
Gaya ng gusto niya ay nakipaglaro lang ako sa kaniya hanggang sa mapagod siya. Humikab siya at sumandal sa akin.
"Antok na 'ko, Colleen." Parang batang sabi niya at ipinikit ang mata.
Ilang sandali ay narinig ko na ang paghilik niya. Para siyang pagod na pagod at halos nasa akin na ang lahat ng bigat niya kaya nahirapan ako.
"Kung anuman ang nangyayari sa'yo ay nandito lang ako. Hindi kita iiwan at sasamahan kita palagi. Aalalamin ko ang totoo, hindi kaya ito ang sinasabi ni Tita Rose na mental issue na sakit niya?"
Hinaplos ko ang may kahabaang buhok ni Ambrose habang siya ay tulog na tulog pa din sa may balikat ko.
Halos tatlong oras na siyang nakasandal sa akin at aaminin kong nangangalay na ako. Sa laki ba naman niya ay napunta na sakin lahat ng bigat.
Maya maya ay nagulat ako ng alisin niya na ang ulo niya, gising na pala siya.
"Gising ka na pala."
"What happened?" Tanong niya at tinignan ang mga laruan na nakakalat.
Itutuloy.
❄️

Book Comment (274)

  • avatar
    LaureagasThe

    Napakaganda naman nito writer!!! Highly recommended. Parang gusto kong basahin ng paulit ulit.. napakapure and genuine naman ng pagmamahal ni ambrose ❤️ deserve ng 10 stars compare sa mga nauna kong nabasa dito sa novelah..

    11/08/2022

      4
  • avatar
    Ronalyn Ddiola

    I love how Ambrose genuinely love her girl Colleen and its worth it that Colleen give him a second chance. Keep writing and doing well po Zariyah Denise 🩶.

    11d

      0
  • avatar
    Zai

    very beautiful ❤️

    19d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters