logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2

AGAD NAMANG sinaway ni Tita Rose ang anak. Hinatak niya ito palayo sa akin at rinig kong pinagalitan ang sutil na binata.
"Ambrose! Ang sabi ko ay batiin mo lang, wala akong sinabing halikan mo!" Ani ni Tita Rose.
"But that's how i greet you." Sagot naman ng lalaki.
"Whatever! I need to go, hindi kami pwedeng mahuli ng daddy mo sa flight namin. Huwag kang magpapasaway kay Colleen, ha? Ambrose!" Pangaral nito sa anak.
"Okay mom." Sagot naman nito at sa akin naman nagpaalam si Tita. Bago siya umalis ay humingi pa siya ng good bye kiss kay Ambrose.
Nang umalis na ang may katandaang babae ay walang nagsasalita sa pagitan namin ni Ambrose. Hindi ko din naman alam ang sasabihin kaya ang awkward ng sitwasyon namin.
"Colleen." Napalayo ako kay Ambrose habang nanlalaki ang mata nang makiliti ako sa ginawa niyang pagbulong. Halos hindi ko nga naramdaman na gumalaw siya tapos halos magkadikit na pala ang balat namin!
"A-ano?" Tanong ko sa kaniya, hindi makatingin.
Itinagilid naman niya ang ulo niya at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng short na suot.
"What do you mean by 'a-ano' bakit ka nauutal?" Napaatras ako ng lumakad siya papalapit sa akin. Hanggang ngayon kasi ay nahihiya pa din ako sa ginawa niya kanina.
"Tell me, natatakot ka ba sa akin?" Yumuko siya at pinantayan ako.
"A-ambrose—"
"Bakit ka natatakot sa akin hmm? E ang gwapo gwapo ko." Napadilat ako sa sinabi niya kaya halos maduling ako sa lapit ng mga mukha namin.
Ipinagkikiskis niya din ang mga ilong namin sa mabagal na paraan.
"P-pwede bang lumayo ka ng kaunti? Anlapit mo kasi. N-naduduling na ako." Napaahon ang dibdib ko ng masabi ko na ang kanina ko pa gustong sabihin.
He smirked pagkatapos ay lumayo na sa akin. Umayos siya ng tayo at tinitigan lang ako na siyang ikinailang ko.
Bakit kailangan niya akong titigan?
"Alam mo, yung kwarto ko kanina ka pa hinihintay. Sabi niya sa akin kanina ay ang dumi dumi na daw niya at kailangan niya ng linis ala Colleen." Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.
Ano daw?
"Maglilinis?" Parang hindi ko pa siguradong tanong.
"Yes, baby. My room needs you." Nakatitig na sabi niya sa akin. Nagulat ako mabilis siyang nakalpit at agad na hinawakan ang kamay ko.
"I'll show you my room. Let's go." Yaya niya. Nagpahatak naman ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa second floor. Huminto kami sa kulay itim na pintuan na may nakasulat na.
'UGLY ARE STRICTLY NOT ALLOWED, ANG BECAUSE YOU ARE UGLY. YOU ARE NOT ALLOWED INSIDE! 🤪'
Napatingin ako kay Ambrose na parang napansin din ang tinitignan ko. Napapakamot ito sa tengang namumula pababa sa leeg. Pagkatapos ay nagulat ako ng sirain niya ang nakasulat pagkatapos ay binuksan na ang pinto.
"H-huwag mo na lang pansinin yung nakasulat 'dun kanina... I-i'm not childish ah!" Depensa nito kahit wala naman akong binabanggit na anumang salita.
"Wala naman ako sinabi." Hindi nag-iisip na tanong ko at napatakip nalang sa bibig ng samaan niya ako ng tingin.
"Ito ang kailangan mong linisin. But i have rules."
"Rules?"
"Yes rules. Number one rule is don't you ever open that room. That's my secret at wala pang sino ang nakakapasok diyan maliban sa akin." Una niyang sabi.
"Second rule. Is don't you ever touch what's mine. Lalo na yung mga libro ko. Nagagalit ako kapag may ibang humahawak ng pag-aari ko." Hindi ko alam pero kinilabutan ako sa sinabi niya lalo at titig na titig sakin ang abo niyang mga mata habang sinasabi iyon.
"Third and very last rule. You can't disturb me kapag nasa secret room ako. Dahil may importante akong ginagawa doon na hinding hindi pwedeng ihinto." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Do you understand?" Tumango nalang ako kahit naguguluhan.
"Good girl." He pat may head.
"Maiwan na muna kita dito. Remember the rule no.3 'kay? I'm going." Paalam niya.
Huh? Paalam? Saan ko nakuha yon?
Pagkapasok niya sa sinasabi niyang kwarto ay nagsimula ko nang ilibot ang tingin sa buo niyang silid.
Hindi na kataka taka na sobrang lawak nito, lubhang mas malaki pa ito kesa sa bahay namin nila mama at Carl. Grabe siguro ang yaman ng pamilyang ito.
Sinimulan ko na ang pagwawalis ng kaniyang kwarto, bawat kasuluksulukan ay talagang winawalis ko para na din wala siyang masabi.
Sinunod ko naman ang pag vacuum na medyo nahirapan pa ako dahil wala naman kaming ganito sa bahay. Pero hindi kalaunan ay natutunan ko din naman kung paano gamitin.
Mahigit trente minutos na akong naglilinis ng kwarto niya at ngayon nga ay ang higaan niya na ang vinavacuum ko ng lumabas siya mula sa tinatawag niyang sikretong silid.
"Wow! It's so clean." Puna nito agad paglabas.
Parang tumambol naman ang puso ko sa saya dahil sa sinabi niya. Mabuti naman at nagustuhan niya ang paglilinis ko.
"Tama na yan, Colleen. Let's go, baba na tayo. Magpapadeliver nalang ako ng kakainin natin." Tawag niya kaya naman niligpit ko na ang mga panlinis na ginamit ko at medyo nagulat pa ako ng nasa may pinto pa pala siya at hinintay pala ako.
Nakakahiya naman.
Sabay kaming bumaba sa hagdan at ewan ko kung bakit nakaalalay pa siya sa akin e may hawakan naman ang hagdan pero hindi ko na lamang iyon isinatinig.
Pagbaba namin ay sinabihan niya akong umupo muna sa may sofa nilang mahaba habang siya ay nagpadeliver ng pagkain.
Hindi din naman nagtagal ay dumating na ang mcdo na siyang ipinaorder niya para sa amin.
Parang nagningning ang mga mata ko ng makita ang chicken fillet with rice at meron pang kasamang bff fries.
Aaminin ko na sobrang bihira lamang kami makakain ng mga ganitong klaseng pagkain dahil mas inilalaan ko ang perang kinikita ko sa pag papagamot ni nanay at baon ni Carl sa araw-araw.
"Is this your favorite?" Tanong niya ng siguro mapansin niya ang saya sa mukha ko. Magiliw naman akong tumango at nagsimula na kaming kumain.
Isinasawsaw ko din ang fries sa gravy dahil hindi naman ako kumakain ng ketchup. Ewan ko ba pero ayaw na ayaw ko talaga 'nun.
Habang kumakain ay napatigil ako ng biglang punasan ni Ambrose ang gilid ng labi ko na hindi ko napansin na may tumulong gravy na pala.
Nang tignan ko si Ambrose ay nanlaki ang mata ko ng makita kong isinubo niya ang daliring ipinampunas sa gravy sa bibig ko.
Hindi ako makagalaw.
Itutuloy.
❄️

Book Comment (274)

  • avatar
    LaureagasThe

    Napakaganda naman nito writer!!! Highly recommended. Parang gusto kong basahin ng paulit ulit.. napakapure and genuine naman ng pagmamahal ni ambrose ❤️ deserve ng 10 stars compare sa mga nauna kong nabasa dito sa novelah..

    11/08/2022

      4
  • avatar
    Ronalyn Ddiola

    I love how Ambrose genuinely love her girl Colleen and its worth it that Colleen give him a second chance. Keep writing and doing well po Zariyah Denise 🩶.

    11d

      0
  • avatar
    Zai

    very beautiful ❤️

    19d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters