logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 6

LAN'S POV
"Katy!"
"Yes ma'am?"
"Where's jorah?"
"Nasa meeting po ma'am"
"Call him! Tell him it's me"
"Right away ma'am"
Err. Who the hell is that cia? Two years, it took me two to convince those three boys to eat everything I ordered.
How come a new face like her can make them eat cafeteria food?! I haven't even see her but she's getting to my nerves already.
"Ma'am sabi ni sir Jorah magkita daw kayo sa Glaxious rest-bar"
Argh!
"Ready my car"
*****GLAXIOUS REST-BAR*****
"Kailan kapa nakabalik?"
"This morning. Argh! Enlil is still the same"
"What happened?"
"I called him tons of times..."
"He didn't answer. Am I right?"
I just rolled my eyes. Of course you're right
"Why bother chasing a man you can't have?"
"Are you crazy jorah? Enlil is mine! He's only mine"
He just shrugged and signaled the waiter. A girl came...
"Hi sir, ma'am. Here's our menu, pakisabi nalang po sakin pag may order na kayo" she said and gave us the menu
Ciarra Flínch...
"Cia..."
"Wait!"
"Ma'am?"
"Do you know Enlil Chen? Or Dean Lee? Perhaps Qin Lu?"
She blink thrice as if thinking what to asnwer, or thinking if she knows them. I hope not bitch, cause you'll suffer from my hands.
"Wala po eh. Bakit po?"
"Oh. Nothing, thanks"
"Sige po" she said and walked away
I watched her as she collect the dishes.
"Cia! Magbreak ka muna, ako na tatapos diyan"
Cia...
But you said you don't know them...
"Any prob Lan?" jorah ask while looking at that girl
"Her name sounds familiar"
"What do you mean?"
"I visited those three hunks..." and I told him everything happened
"Woah. That's strange, nakausap ko na minsan ang top 3. It was a meeting, I ask if they can join me to have a lunch but they told me they don't eat cafeteria food"
"Right?! And Dean said she's a friend. I'm like, since when did you have a female friend except me?!"
Oww I'm angry! Argh!
"Calm down Lan, it's not as if they're prohibited to have friend"
"But not a girl"
"Everyone change minds"
"Err. Whatever"
I'm gonna find out who this cia is. You're not greater than me, you ain't nothing. You're nothing. I can sense it
"Jorah..."
"Hmn?"
"Please find out who is this cia, for me. Please"
"In one condition"
"Name it"
"Treat me for one week"
"Err. Fine, whatever"
CIARRA'S POV
Kalma cia, hindi niya naman siguro alam yung kontrata namin ni Enlil.
Pero bakit niya tinanong kung kung kilala ko sila o hindi?
"Cia, ayos ka lang?" tanong sakin ni Kim habang kumakain dito sa kusina
"Kim, sino yung dalawang 'yon? Yung hahatidan ng pagkain ni Jay"
"Sila ba?" turo niya sa babae at lalaki, tumango naman ako "Si Lan Dawson, yung sikat na model. Yung lalaki naman si Jorah Lim ahihihi"
"Bakit?"
"Ang gwapo kasi hehe"
"Ewan ko sayo"
Lan Dawson...
'Lady Lan'
Maliban sakin siya lang daw ang babaeng kinakausap ni Enlil. Ang ganda niya sa personal, pero bakit niya tinatanong kung kilala ko ang top 3?
May alam kaya siya?
"Bakit mo pala natanong?"
"Hindi ko kasi sila kilala"
"Grabe ka cia, baka hindi mo din nabalitaan yung sikat na basketball player ng cortex High?"
"Hah? Sino?"
"Hays, ang boring siguro ng buhay mo"
Hindi naman...nagiging kumplikado na nga eh.
*****7:00pm*****

-Sent.
Pagkasend ng message ay pumasok na ako ng bahay. Gusto ko na talaga umuwi dahil nag-aalala ako kay mama.
Hindi pa man ako nakakailang hakbang palayo sa pinto ay naririnig ko na ang sigaw ni papa
"Ano ba naman yan kai?! Lagi nalang, lagi nalang walang pera! Lagi nalang walang ulam! Asan na ba yang walang kwenta nating anak?!"
"Keil, lasing ka na naman. Matulog ka nalang"
"Hah! Kai, andami kong utang! Kapag ako tugisin ng mga tao ni joson, ibebenta ko yang anak mo"
"Anak mo rin siya Keil!"
"Aba't sinisigawan mo na ako!"
Dali dali akong tumakbo papunta sa sala, kaso wala sila dito. Nagtungo ako sa kusina
Nakita ko si mama na nasa sahig, umiiyak.
"Pa!" saway ko kay papa at lumapit kay mama "Ma, patingin nga ako" namumula ang kaliwang pisnge ni mama.
Sinampal na naman siya ng demonyong to
"Ano?! Bakit ngayon ka lang?! Binibenta mo na ba yang sarili mo? Ala'sige! Asan? Asan ang pera?!"
"Pa! Ganyan na ba kababa ang tingin niyo sakin? May utang kayo diba? Bakit hindi mo bayaran mag-isa mo, utang mo naman yan. Idadamay mo pa si-" Hindi ko na matapos ang sasabihin ko dahil sa sampal niya
"Keil!" hinawakan ko ang kamay ni mama. Masakit pero mas masakit ang araw araw na dinaranas ni mama sa kamay ni papa araw araw
"Nawala ka lang ng isang gabi, ang lakas na ng loob mong sumumbat sakin! Wala ka din namang pakinabang, bakit hindi natin pakinabangan yang katawan mo"
"Keil! Tama na!"
"Pwe! Walang kwenta" dumura pa ito bago umalis
"Patingin ako nak" sinuri ni mama ang pisngeng nasampal
"Ayos lang ma, hindi naman gaano masakit"
"Pagpasensyahan mo na ang papa mo, lasing yon"
Lagi nalang, lagi nalang pagpasensyahan. Kahit na gustuhin kong isumbong sa pulisya, wala parin kaming laban. May kinakapitan si papa na may mataas na ranggo sa gobyerno, sinubukan ko na noon pero talo ako.
"Ma, iwan na natin si papa. Please"
"Namumula yang pisnge mo nak. Sa bigat ng kamay at lakas ng sampal ng papa mo, baka bukas ay may marka pa iyan"
"Ma! Nakikinig ka ba sakin? Tignan mo yang sarili mo, gabi gabi ka nalang umiiyak. Ano satingin mo nararamdaman ko habang naririnig kang umiiyak sa kakasakit sayo ni papa?"
"Huwag mo na akong alalahanin"
"Ma, nakuha ko na sahod ko. May nakita akong magandang marerentahan malapit sa school. Iwan na natin si papa ma"
Lumapit si mama at niyakap ako "Salamat anak, bukas. Bukas ng hapon aalis na tayo"
*****KINABUKASAN*****
"Ma! Nakita ko na yung pampahid sa pisnge, ikaw na muna gumamit" sigaw ko mula sa kwarto ko
"Halika muna rito anak"
"Sige!" sigaw ko pabalik at kinuha yung pampahid ng pisnge
Tama nga si mama, namumula parin ang pisnge ko hanggang ngayon, ngunit hindi na ganon kapula kagaya kagabi.
Pagkarating sa kusina ay inabot sakin ni mama ang tray ng pagkain
"Para saan to?"
"Sa bisita mo"
"Bisita ko?"
"Oo, dalian mo" sabi niya at tinulak pa ako ng bahagya
Bisita ko? Baka si lou
Hindi kasi kami nagkita kahapon.
Pagpunta sa sala ay muntik ko ng mabitawan ang tray na hawak ko
"Hehe good morning cia" magkahalong excited at kabang bati sakin ni lou
"Yow Cia" nakangiti namang bati ni dean
"Morning" bati din ni Qin
Samantala ang taong pinaglihi sa yelo nakatitig lang sakin
Bakit andito tong mga to?
"HOY! Bakit namumula yang pisnge mo?!"
Nanlaki ang mata ko, shit! Dali dali kong nilapag sa table ang mga pagkain at tatakbo na sana pabalik sa kwarto pero hinarangan ako ni mama
"Saan ka pupunta? Tatakbuhan mo bisita mo? Hindi pwede yon" sabi niya ay hinila ako paupo sa harap nila
Tinignan ko ng masama si lou. Ngumiti lang siya sakin at nagpeace sign, ano naman kaya inoffer ng tatlong mokong na'to kay lou
"Nakakatuwa namang madami palang kaibigan si cia" galak na sabi ni mama
"Oo nga po tita eh, pero bakit namumula yang pisnge niyo?" Tanong ni lou
"A-ahh, wala ito. Asan na nga yung cream nak?"
"Papahidan ko na po kayo ma" kako at pinahidan ng cream ang nasampal na bahagi ng pisnge ni mama
Hanggang hapon nalang tayo dito ma, makakawala nadin tayo sa kamay ng demonyo
"That looks like a slap mark" biglang sabi ni Qin habang pinagmamasdan ang pisnge ko
"H-ha? Haha hindi, ano kasi...maraming lamok kagabi, dumapo sa pisnge ko kaya nasampal ko sarili ko" palusot ko
Ito namang si lou uubo ubo, sign na alam niyang nagsisinungaling ako.
"Sige maiwan ko na kayo, lou paki lagyan naman ng cream yung pisnge ni cia"
"Sige po tita"
Umalis na si mama, lumipat si lou sa tabi ko at hinampas ako sa balikat
"Aray naman!"
"Aba! Kailan ka pa natutong nagsinungaling ha?"
"Yang boses mo nga"
"Sinasaktan ka na din ba ng-" agad kong tinakpan ang bibig ni lou tsaka ngumiti sa tatlo
"M-masyado siyang madaldal, kumain na kayo. Mag-uusa-"
"Huwag mong iwan yang mga bisita mo nak, lalabas lang ako saglit" bilin pa ni mama bago umalis ng bahay
"What really happened to you?" tanong ni Dean
"Magsisinungaling lang yan, huwag niyo na tanungin" sagot naman ni lou
"Ikaw! Bakit mo naman sila sinamahan dito sa bahay?!" baling ko kay lou
"Hoy! Hindi ah, papunta na ako dito nung nakita ko silang papunta rin dito. Aba! Hindi ka nagpakita sakin kahapon tapos ganito moko sasalubungin? Hmp!"
"Anong hindi nagpakita? Hinahanap kaya kita kaso hindi kita makita, sabi ni morgan umuwi kana kaya nagderetso na ako sa trabaho"
"Eh asan ka ba kasi? Hinanap din kita sa Class A, kaso wala ka"
"Nagpunta ako sa Class H para hanapin ka"
"Is this how gir bests friends treat each others?" biglang tanong ni Qin
"Hindi naman Qin milo-este sir Qin. Madalas lang talaga kaming mag-away pero hindi naman talaga away, basta away lang pero hindi talaga away" kamot ulong paliwanag ni lou
"Bakit pala kayo nandito?" takang tanong ko
"You didn't come home" -Enlil
"Home?!" -Lou
"Ha? Hehe lou nakita mo si Morgan kahapon? Hinanap ka niya, ililibre ka daw niya ngayon sabi niya sakin"
"Weh?! Seryoso?"
"Oo"
"Hayop na lalaking yon mwehehehe. Wait bago ako umalis, pwede papicture?" Tanong pa niya kila Qin
Kung pwede ko lang sabihing hindi ko kilala tong babaeng to eh.
"Sure" -Qin
"Cia picturan mo kami! Dali!" kinuha ko na yung cellphone niya at pinicturan silang tatlo
Bigla man kasing tumayo si Enlil, ilag ata sa camera.
"Waaaaah! Salamat. Aalis na ako, hoy babae! Madami ka pang ipapaliwanag sakin bukas"
Ngumiwi lang ako sa kanya at pinaalis muna siya bago ako humarap ulit sa tatlong to
"Ano na nga sinasabi niyo?"
"You didn't come home last night" -Enlil
"Hah? Nagtext kaya ako sayo" sabi ko at chineck ang cellphone ko
Nagsend pa kaya yung message ko, paanong hindi niya narecieve?
"I didn't receive any messages since yesterday, from you"
"Paanong- shet!"
Kaninong number to? Ang alam ko number ni Enlil to? Chineck ko yung nakascreen shot sakin. Namali ako sa last 2 digits. Shit! Kaninong number kaya yon?
"Why? May problema ba?" -Dean
"Namali ako ng last 2 digits, kaya pala hindi narecieve ni Enlil. Sa iba ko nasend"
Halaaaa, paano pag tumawag to ngayon? Sa gitna ng pagpapanic ko ay may humablot sa cellphone ko
Napatingin ako kay Enlil na may kung anong ginagawa sa cellphone ko.
"I blocked it" sabi niya at binalik sakin
Eh? Kumakati na naman ulo ko sa taong to. Bahala na nga
"Kailangan ba talaga puntahan niyo pa ako para lang sabihin yan? Tinawagan niyo nalang sana ako, alam naman ni shin ang number ko"
"Enlil insisted" -Qin
"Gusto din namin kaya sumama na kami" -Dean
Napailing iling nalang ako, pag may nakakita sa kanilang andito baka pag-isipan kami ng kung ano ano.
Masama pa pag dumating si papa na nandito sila, super sama ng mangyayari.
"Wala na kayo sasabihin? Alam ko namang busy kayo, kaya bakit hindi na kayo bumalik sa opisina niyo? Diba diba? May mga kailangan pa kayong gawin?"
"Woah woah. Easy lang cia, hindi naman kami ganon ka busy. May tinatago ka ba samin?" nanlolokong tanong ni dean
Umiling iling naman agad ako "W-wala, nakakasama lang kasing magtatagal kayo dito. Maraming car napper dito samin, baka mamaya wala na kayong sasakyan"
"Pft. Yun lang pala" -Dean
"Don't worry cia, we can buy another one" -Qin
Aish. Paano ba paalisin tong mga to?
"Are you hiding something?" kunot noong tanong ni Enlil
"Wala nga eh! Ano kasi-"
"CIA!!" ayan na ang demonyo
"Halikayo dali!" hinila ko sila isa isa patayo "Dito kayo sa kwarto ko!" pinapasok ko sila sa kwarto ko at sinara ang pinto
"Sabi ko na kasi umalis na kayo eh"
"Who was that?" -Qin
"Hindi na yon mahalaga, huwag kayong maingay" Hindi naman sila nagsalita at nilibot ang tingin sa kwarto ko
Malinis naman ang kwarto ko, walang kalat kay ayos lang na makita nila.
"CIA!" nagsign of the cross muna ako bago lumabas ng kwarto
"Po?"
"Asan si kai?!"
"Lumabas po pa"
"Tinatakasan ba ako ng mama mo?!" galit na sigaw niya at binagsak ang upuan
"M-may binili lang po pa, k-kumain na po kayo"
Hindi siya nagsalita at nagpunta na sa kusina. Konting tiis nalang cia, makakaalis ka na rin sa bahay na'to
Pumasok ulit ako sa kwarto
"He sounded angry" -Qin
"Lagi naman, pasensya na ah. Sabi ko kasi sa inyo umuwi na-"
"Cia!" nagsign of the cross ulit ako bago lumabas
"Po?"
"Halika nga rito!"
Hahakbang na sana ako kaso bigla akong pinigilan ni mama
"Bumalik kana sa kwarto mo" bulong niya at hinila ako pabalik sa kwarto
"Ma!" mahinang sigaw ko
"Diyan muna kayo, susubukan kong paalisin siya. Pasensya na sa abala"
"Ma..."
Hindi niya ako pinakinggan, lumabas na siya. Susunod sana ako kaso may biglang pumigil sakin
Pagtingin ko ay nakita kong nakatingin sakin si Enlil habang hawak ang braso ko
"You better stay here" sabi niya at lalabas na sana pero pinigilan ko din
Hindi ko papayagang gamitin siya ni papa para mabayaran lahat ng utang niya. Ayokong idamay sila sa gulo ng pamilya ko.
"Huwag, please"
"Enlil let's not meddle for now" awat ni dean
For now?
"Ano na naman kai?! May ibibigay ka na bang pera sa akin?!"
Rinig namin mula dito ang away nilang dalawa. Lagi nalang, mula bata ako. Away nalang nila lagi naririnig ko, sigaw nalang lagi ni papa ang pumapasok sa utak ko gabi gabi
"Keil, hindi pa ba sapat ang binigay ko kagabi?"
"Sapat?! Mahigit kalahating milyon ang utang ko kai! Anong magagawa ng limang libo mo?!"
Hindi ko mapigilang magalit, sarili mong problema pinapasa mo kay mama. Hintayin mong makaraos kami ni mama, titignan ka namin pababa
"Asan na ba yang walang kwenta mong anak?! Wala ng ibang ginawa kundi mag-aral! Dagdag gastusin, dagdag palamunin!"
Ako na nga nagbabayag ng sarili kong tuition, ikaw tong gastos ng gastos. Pinahid ko ang mumunting luhang dumapo sa pisngi ko.
"Are you planning to live with Enlil forever?" biglang tanong ni Qin
Nakita niya ata yung maleta ko
"Hindi ah, plano naming iwan si papa mamayang hapon. Konting tiis nalang, hindi ko na kailangang tiisin ang galit ko kay papa. Makakaalis narin ako sa bahay na to"
"Hindi ba't sa bahay nila Enlil ka nakatira?" -Dean
"Hindi ako pwedeng tumira doon Dean, bibisita nalang ako kay shin"
"No, you'll not leave my house without my permission" -Enlil
"Pero Enlil-"
"No"
Aish. Nasa ganong posisyon kami ng makarinig naming may kung anong nasira
Agad naman silang naglabas ng baril. T-teka bakit may baril tong mga to?
Hinila ako ni Enlil papunta sa likuran nila. Ilang minuto pa ay bumukas ang pinto at pumasok si mama. Binaba nila ang baril nila at tinago ulit
"Ma!" agad ko siyang niyakap at umiyak sa balikat niya "Ma...alis na tayo dito, please. Iwan na natin si papa"
"Sshh tahan na, sige aalis na tayo" pinaharap niya ako sa kanya at pinunasan ang luha ko "Aalis na tayo dito"

Book Comment (19)

  • avatar
    JH AY II

    very nice 🙂

    19/07

      0
  • avatar
    Angel Rona M.Ararao,

    I'm excited, what would happen to this story

    31/05

      0
  • avatar
    Mhary Rhose Villaflor

    nice story

    04/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters