logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

C4: Fighting alone

REIGH SHI YVES POV
PAGKA-GISING ko sa umaga ay uminom ako ng tatlong basong tubig. I focus my mind for awhile to make peace in silence. Nagluto ako ng kanin para sa aking almusal at itlog, nagtimpla na rin ako ng barakong kape. Nagwalis ako ng mga kalat lalo na ang mga librong ginamit ko na nakatulugan ko na. Nag-plantsa muna ako ng uniporme.
Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ang kaliwang mata kong asul ang kulay. Nilagyan ng contact lens bago lumabas ng pinto.
Pagkarating ko sa school ay dagsa ang mga tao lalo na sa mga candidate na todo suporta ng kanilang taga-suporta. Ang iba naman ay patuloy parin sa pagba-basketball at volleyball. Madami din akong nakita na patuloy paring nag-che-chess ang iba ay nagala na lang kung saan-saan.
Pumunta ako sa training room para mag-ensayo ng taekwondo. Si Sir Zheng ay inanyayahan ako nito na maging parte ng klase niya lalo na't pagkatapos ng pageant ay laban naman ng iba't ibang sport. Nagbibigay din dito ng allowance na nakatu-tulong sa lahat. Ang pagiging Janitor ay iiwan ko sa susunod dahil hindi ko na kinakaya pagsabayin ang lahat. I already master some steps, mostly puro sipa.
Front kick, side kick, Roundhouse Kick, Back Kick, Reverse Side Kick, Inner/Outer Crescent Kick, Hook Kick.
"Focus!" giit ni Sir Zheng.
To focus is the hardest part that I've been through...
Akin sanang susuportahan si Lana ngunit alam ko sa sarili ko na wala na'kong nadadama na kahit ano sa kaniya. Sumilip lamang akong saglit sa nagaganao na event bago ipagpatuloy ang paglilinis sa music room.
Sinigirado akong walang nakapasok na tauhan na magpapahamak kay Kyoro. Nanatili lamang nanonood si Kyoro katabi sila Cleìvvriou at Brix. Napahilot ako sa sintido ko. Pakiramdam ko ay kulang ako sa pahinga at nais kong mag-siesta.
"Hey! Bakit hindi ka muna manood," salubong sa'kin ni Adams.
"Not in the mood."
"Oh!" Napag-dikit naman nito ang kaniyang mga palad. "Kailangan ko nang pumunta roon." baling noya sa stage.
"Goodluck!"
Nang matapos ang Pageant at maitanghal na Ms. Wolfgang si Arpina Klame ay may tumawag sa'kin. I'm currently doing my job and picked up the phone call.
"Let's meet doon sa abandonadong bahay," agad niya naman binaba iyon.
Sinubukan kong tawagan ito ngunit... "The number you have dialed is unattended or our of coverage. Please try again later..... Tot... Tot... Tot..."
Pumunta ako roon sa lugar na ti-next niya. Subalit malaki ang pangamba ko na nagtungo roon. May mga naka-parkeng mga magagarang sasakyan at mga motor.
Pumasok ako sa loob na nagtataka parin ngunit kailangan kong dumalo. Nakita ko naman si Mr. Gyro.
"Nabalitaan ko na may muntikan nang mamatay dahil sayo. At sa lahat ng tao ang pinaka-mahalaga pa sa'kin ang natsabahan mo, bata," pahayag nito.
"It was an accident." But the truth, mga tauhan niya ang nagkamali.
Napabaling naman ako sa mga tauhan niyang may mga armas. Mga baril na madali lamang gamitin upang kumitil ng buhay sa isang iglap. Hindi ko maintindihan ngunit alam kong si Kyoro ang tinutukoy nito. Nanatili lamang akong tahimik.
"I feel like watching a bloody scene here. Boys! Take him in death but, make him alive."
Sa pahayag niyang iyon ay nanatili lamang akong nakatayo. Dahan-dahan naglalakad ang bawat tauhan nito sakin ngunit kinalmahan.
"Sandali!" awat ko sa kanila. "Madaya naman siguro kung may armas sila. Mas gusto ko ng one-on-one, Mr. Gyro."
Sumang-ayon naman ito agad. Pinababa ng lahat ang kanilang mga armas at agad sumugod ang dalawa. Sabi ko one-on-one pero sadyang hindi patas ang naid nila. Nasipa ko naman sa mukha ang isa samantalang ang isang kalbo ay pinag-utog ko sa maliit na lalaking malapit sa kaniya. I tight my fist and ready to fight. Inuna ko ang maliit sa kanila ngunit sadyang nahihirapan ako sa malaki na sugod nang sugod. Napapagulong nalang ako upang maiwasan ang pag-ambag ng suntok nito. I used the straight punch ng makalapit ang isa samantalang hinanda ko naman ang sarili ko sa pinaka-malaki sa kanila. I used the front lunch punch kung saan ay binigay ko na ang lakas ko mapatumba ko lamang ito.
Pinagpapawisan na kaming lahat dahil sa init ng bahay na ito. Napatakbo naman ako sa direksyon na walang kalaban dahil nabibigatan ako sa dami nila. I tight my fist habang inaabangan ang pagsugod nila. I used the front kick, I position my feet and balance my step to my first opponent. Ginamit ko naman ang side kick sa isang kalaban na muntik na'kong maambanan.
Halos maubos na ang lakas ko at hinihingal na sinusuntok ang iba. Ang karamihan naman ay sinisipa ko sa binti upang hindi na makatayo pa. Ang iba ay napapasigaw sa sakin. Halos mawalan na nang buhay ang karamihan na naging dahilan upang tumigil na ang iba sa pagsugod. Naawa man ako sa duguan nilang mukha, katawan lalo na sa pinaka-importanteng bahagi ng katawan ay ang binti at braso ngunit wala akong magagawa kundi ipaglaban ang sarili ko sa kanila. Napaupo na lamang ako at ang iba ay lumayo na.
"May talento ang batang ito sa karate ngunit hindi ako makakapayag riyan bata."
Napapikit ako sa kapaguran hanggang sa may binato sa tabi ko na tila' bakal ang tunog. When I opened my eyes I saw the Katana. I don't know how to use it.
Napaangat naman ang tingin ko kay Mr. Gyro na hinahamak ang kalakasan ko. Kung utang ang pag-uusapan ay buhay ang nais niyang kabayaran ngunit alam kong negosyante siya kaya't hindi noya papatayin ang isang tao kung may silbi pa itong magbayad sa kaniya. At kung ang mahalagang tao na iniingatan niya ang rason, talagang hahamakin niya ang kamatayan upang ipasundo ang taong may kagagawan nito.
"Nadamay dito ang anak ko dahil may mga inutil din akong tauhan. Akalain mo iba ang pinag-kamalan at muntik nang patayin ng dahil din sayo bata." Palakad-lakad ito sa aking harapan, hinahanda ang sarili sa laban.
"I never know about it and I begging for pardon," pagpapakumbaba ko subalit sadyang hindi ako bibigyan nito ng pagkakataon na magpahinga.
"Isang dekada na ang nakalipas, tulog lamang ang anak kong iyon sa kaniyang higaan. Kung kaya't hindi ko hahayaan na mawala ito ng tuluyan sa'kin."
Napatayo ako ng bigla itong sumugod. Dinampot ko kaagad ang Katana at pinigilan ang kaniyang sandaya. Ang talim nito ay nagnining, ang tulis nito ay nakakamatay. Ang tunog nito ay masakit sa tainga, nanginginig ako sa paghawak nito. Hindi ko talaga alam gamitin ito
"Mukhang nahihirapan kana agad bata, nag-uumpisa pa lamang ako sa pinakamadaling galaw," natatwang sambit nito.
"Kung sa kasanayan gamit ang sandata ay talo na'ko ngunit kaya ding dayain ang kamatayan tulad sa anak mo," giit ko sa kaniya.
Nahiwa nito ang banda sa braso ko kaya naoahawak ako dito. Subalit tuloy parin ang laban. Alam kong mabagal para sa kaniya ang kilos niya ngunit nabibilisan na'ko rito. Lahat ng bagay ay kayang matutunan basta may kasanayan.
Sinadyan nitong mahiwa ang banda sa binti ko na labis kong ikinahina. Napaluhod ako sa sahig habang iniinda ang hapdi, agad ko pinagilan ang katana niya gamit ang katana ko. Napapailing na lamang ito na iniwan ako roon. Nakita ko ang pag-senyas niya sa isabg tauhan. May hawak itong pocketknife na halatang sanay sa paghawak nito. Ngunit bago ako nito saksakin ay nakalimutan niyang may hawak akong Katana kung kaya't napatakbo ito.
Nakita ko ang revolver na hawak nang isa na ipunutok sa bandang paanan ko. Nag-kunyari akong natamaan, himiyaw sa sakit.
"AHHHH!" ang paghiyaw ko ay naging hudyat na tapo na ang laban. Humiyaw ako nang humiyaw, umaaktong nasasaktan ng sobra. Dahil theater actor ako ay umiyak pa ko na nasaksihan nila. Humiga ako sa sahig habang yakap-yakap ang isang binti na dumudugo na talaga ngunit hindi naman nataan ng bala.
Pinanood ko ang paglisan ng lahat habang ang ibang sugatan at nanghihina ay pilit tumayo. Iniinda ng sakit sa kanilang paglalakad. Narinig ko ang busina ng mga sasakyan at ang pagharurot nito na naging hudyat para tumigil na'ko sa pag-aaktong nasasaktan. Pagod lamang akong duguan sa sahig ngunit wala akong madamang sakit dulot na rin ng pagod.
Aking tinawagan si Kyoro. Aking ikinagulat ang pagdating niya. Binuhat ako nito hanggang sa sasakyan. Mula sa rear mirror ay pinagmasdan ko ang mukha nito.
‘Kung siya ang anak, tila'ang layo nito sa ama niya. Ngunit sigurado ako na wala siyang alam sa nangyayari sa paligid niya.’
Nakapikit man ako... Ramdam ko ang pagbuhat nila sa katawan ko upang ilipat sa stretcher. Nais kong magpasalamat ngunit hindi ko na masabi pa sa kaniya. Lumalalim na din ang pakirandam ko na tila' bagay nahuhulog na sa antok. All I can hear is the music that Kyoro's playing. The L'Enfant Prodigue. Nakakantig ang musikang ito. Naaalala ko ang aking lolo dahil sa kaniya.
Sa pag-alala sa aking alaala sa nakaraan. Walang katiyakan ang buhay kung ano ba ang larangang nais ko. Kung sa musika ba o pag-a-astrologo, minsan ko na ring pinangarap maging doctor ngunit minsan ko na din ninais maging aktor. Pinasok ako ng aking lolo sa isang training class sa martial arts ngunit sadyang nakapa-pagod ito na kailangan kong ilaan ang buong oras upang pag-hirapan ang pagiging malakas. Sa kabila ng lahat, hindi ko naman tinakasan iyon dahil nahihirapan ako. Mas nais ko lang malaman kung bakit naging ganito ang takbo ng buhay ko. Simula sa aking mga magulang na pinagkait na sa'kin ang lahat.

Book Comment (38)

  • avatar
    Saira Mae R. Venzon

    ❤️❤️

    14/08

      0
  • avatar
    ニコール アシュリー

    masaya ako ngayun

    06/08

      0
  • avatar
    BandaKim

    ang ganda ng kwento

    25/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters