logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 6

`YONG feeling na nakaupo kayo sa gitna ng sala `tapos wala kayong ibang choice kundi ang magtabi habang nanginginig ang mga tuhod kaharap ang parehong pamilya? `Yong feeling na gano’n?
Sinulyapan ko ang kalmadong gago sa tabi ko. Parang wala lang. Amputek! Ako lang apektado, pre!
“Bata pa ang anak ko. Marami pa siyang pangarap sa buhay at sa isang iglap, biglang mabubuntis? Walangya! Sino bang hindi magagalit n’on? Kaya dapat lang talaga na panagutan ng lalakeng ito ang anak ko!” ngalngal ni Papa.
“Emilio! Papakasalan na nga, `di ba? Ano pa bang pananagutan ang gusto mo? Pabebe lang ang peg mo ngayon?” sumbat ni Mama.
Sinamaan siya ng tingin ni Papa. Napakagat-labi na lang ako. Kainis kasi, nakakahiya. Alam ko namang mangyayari `to pero feeling ko, hindi ako ready.
“Don’t worry. I’ll make sure na maagang maasikaso ang kasal nila. Wala kang puproblemahin dito dahil kahit ako, hindi ako papayag na takasan ng anak ko ang responsibilidad niya,”si Bernard.
Tumango-tango lang si Ma’am Olga sa tabi at alanganin na ngumiti. Siguro dahil sa galit na facial expression ni Papa. Kahit naman sino’ng makakita ng taong mukhang mangangain ng tao, siguradong mag-aalangan na lumapit dito.
Si Sir Bernard lang naman ang mukhang kalmado at mukhang hindi natatakot sa asta ni Papa.
Biglang ngumisi si Mama kay Sir Bernard.
“Opkors, balae, walang problema sa amin kahit sino ang pakasalan ng aming anak. Ayos—”
“Anong ayos?!” biglang bunghalit ni Papa `tapos kunot-noo na tumingin kay Mama. “Kita mong may plano pa tayong pag-aralin iyang anak natin `tapos sasabihin mong maayos? May pangarap pa ako sa anak natin kahit man lang makatapos ng college `tapos ito!” Itinuro niya ang tiyan kong walang laman. “Buntis na siya! Iyan ba ang maayos na sinasabi mo?”
Oh, please, `wag ngayon! Papa, naman!
Ngumisi lang si Mama nang hilaw `tapos kinurot si Papa sa braso sabay pukol ng manahimik-ka-na-lang look `tapos plastik na ngumisi ulit kina Ma’am Olga.
“Pasensiya na kayo sa asawa ko, masyado lang madrama `to. Pero promise, hindi talaga ako tutol sa pagmamahalan ng dalawa. Suportado ko kung saan masaya ang anak ko.” Ngumisi si Mama at tumingin sa `kin `tapos kumindat pa.
Mama ko nga ito! Kompyermm!
“O, bakit? Talaga bang mahal ng lalakeng ito ang anak ko?” Tumingin bigla si Papa kay Gago na tahimik lang sa tabi ko.
Langya yan! `Yan pa tinanong n’yo? E mukhang wala nga `atang naririnig `yan, e.
“Papa...” mahinang saway ko kay Papa. Please, naman! `Wag na siyang maraming hirit diyan.
Sinamaan ako ni Papa ng tingin.
“Manahimik ka, Lot-lot. Kailangan ko munang kilatisin itong magiging ama ng anak mo. Paano ko ito pagkakatiwalaan kung kahit sa nararamdaman niya para sa`yo ay hindi ako sigurado?” galit na utas ni Papa.
Napatahimik ako ng ‘Lot-Lot’ niya. Napansin ko ang ngisi ni Sir Bernard na sa tabi. Woah! Ngumiti talaga si Sir? Tama ba `yong nakikita ko? Samantalang palihim na napangiti rin si Ma’am na mukhang natutuwa pa sa narinig.
“Emilio...” si Mama `tapos kinalabit si Papa.
“Hindi! Dapat malaman natin ang totoo. Baka napipilitan lang itong lalake na ito at hindi naman ako papayag na papakasalan niya lang ang anak natin dahil sa responsibilidad! Paano na ang damdamin ng anak na—”
“I love her.”
Pareho kami ni Mama na napatingin kay Radier. Pakiramdam ko lumalala na ang tutuli sa tenga ko dahil sa narinig.
“Ano?” ulit ni Papa.
Malamig lang ang mukha ni Radier nang tingnan si Papa.
“That’s what you want me to say, right?” malamig na sabi ni Radier.
So sinabi niya lang `yon dahil iyon ang gustong marinig ni Papa? Hindi dahil iyon ang totoo? Gaya ko napipilitan lang siya.
Napayuko ako. Pareho kami na na-trap sa ganitong sitwasyon.
“Okay then. I’ll marry her, wala nang ibang dahilan and I’m personally asking the permission to take her hand. I’ll marry her whatsoever,” deretsong sabi ni Radier at kalmado ang mukha na nakatitig sa Papa ko.
Halos lahat natahimik kahit ako. Pwede naman siyang humindi! Siya itong hindi duwag sa aming dalawa. Siya dapat ang magreklamo. Siya dapat ang manguna dahil ako, hindi ko na magagawa iyon. Makita ko lang ang kabiguan sa mga mukha ng mahal ko nanghihina na ako. Lalo na si Mama.
Si Mama ang agad nakabawi na agad napangisi na abot hanggang tenga.
“Ituloy ang kasal!” bulalas ni Mama.
NILAGYAN ko ng bilog ang 24. Ang araw ng kasal namin. Ang unwanted wedding ko... gosh! Hindi ito ang pangarap kong wedding. Bawat babae pinangarap nilang maging perpekto ang araw na iyon sa buhay nila. Lahat tayong mga babae gusto iyong dream wedding natin. Iyong kasal na alam natin na mahal natin ang taong papakasalan natin iyong kasal na alam mong ikaw lang ang mahal ng magiging groom mo.
Iyong tipong pag naglakad ka sa aisle ng simbahan mararamdaman mo ang cloud nine. Iyong tipong masaya ka at walang halong kaplastikan. Iyong `pag humarap kayo kay Lord ay alam mong pareho kayong totoo sa isa’t isa. Pareho n`yong mahal ang isa’t isa. Pero kami?
Ewan. Dahil kahit katiting, wala kaming nararamdaman para sa isa’t isa. At nagi-guilty ako dahil pakiramdam ko, may kasalanan ako kay Radier. Matatali siya sa babaeng wala siyang gusto.
Pero bakit siya pumayag? `Yong sinabi niya kanina... hindi ko talaga siya maintindihan!
Biglang may kumatok kaya napalingon ako sa pinto.
“Hija, can I come in?” boses ni Ma’am Olga `yon.
Kaya agad akong lumapit sa pinto para pagbuksan siya. Nakangiti siya nang mabuksan ko ang pinto.
“H-Hello po, Ma’am—”
“Hija, cut the ‘Ma’am’. Magiging apo na rin kita soon. You have to call me ‘grandy’ like what my other grandchildren call me.”
“Ah. O-Okay po.” Alanganin akong ngumisi. “T-Tuloy po kayo... G-Grandy.”
Ang awkward ng ‘grandy’. Dati katulong lang ako `tapos amo ko pa si Ma’am Olga `tapos ngayon lola ko na bigla?
Ngumiti siya at sinipat ang bago kong silid.
“Ayos ka lang ba dito? Baka naiinitan ka, madaling mainitan ang mga buntis,” ani Ma’am—este Grandy.
“O-Opo. Ayos lang G-Grandy.”
Lumingon siya sa `kin at ngumiti.
“`Wag kang mahiya na tumawag sa amin if ever na may kailangan ka. We should take care the both of you, hindi dahil sa responsibilidad ka namin kundi dahil parte ka na ng pamilya. Don’t be shy, hija. Treat us like we are your second parents. Okay?”
Kimi na ngumiti ako at tumango. Para akong pinapatay ng mga sinasabi ni Grandy. Napakabait niya `tapos ako... napakasinungaling ko! Kailangan ko nang gumawa ng paraan! Desperado na ako. Kailangan kong magsakripisyo para sa kanilang lahat.
12 midnight.
AGAD akong bumalikwas ng bangon. Nakasuot ng black leggings black fitted jacket with hoody at kulay-itim na medyas. Kulang na lang throwing stars para ninja. Agad akong nagtungo sa pinto.
Pero bago ko pihitin ang door knob, sininghot ko muna lahat ng hangin sa kwarto ko at binuga ang lahat ng oxygen sa katawan ko nang bonggang-bongga!
“K. Lets go!” `Tapos itinaas ko ang kamay na parang susugod sa giyera. `Tapos pinihit ko agad ang pinto.
Tinalasan ko ang pandinig ko pati paningin. Kailangang maging matang-lawin! Dapat gamitin ko `yong talent ko noong highschool ako tuwing nagte-test kami. `Yong tipong nasa kabilang row lang ng upuan ang honor roll n’yo `tapos biglang umabot sa`yo ang answer niya. Gano’n katalas ang paningin ko!
Binilang ko ang pinto na nadadaanan ko. Nalilito rin kasi ako minsan sa mga kwarto rito, e.
Ang dami, hindi naman `to boarding house. Ang naalala ko pangatlo `yon e. Binilang ko ulit ang pinto.
1, 2, 3, 4—ay! Lumampas na ako. Langya `yan. Naka-graduate naman ako ng elementary pero napakashunga pa rin magbilang.
Bumalik ako sa 3. Agad akong tumingin sa paligid. Naging 3D agad paningin ko.
Wow, magic! Walang tao! Kaya agad kong pinihit ang doorknob. Ay, putek! Naka-lock! Lock pala, huh.
Kaya kinuha ko ang hairpin ko. Kaya lang, walangya! Nakalimutan ko mag-shampoo kay napakagaspang ng hair ko kaya matagal bago ko nahugot ang lintek na hairpin.
“Hayop!” Iritado na tinitigan ko ang hairpin sa kamay ko. May apat na hairfall pa doon.
May balak pa akong kalbuhin ng lintek!
“Anakangtalangaka!” bulalas ko.
Imbes na doorknob ang makikita ko, bigla kong makikita ang tiyan ng kung sino. `Asan na ang doorknob? Gagawin ko pa iyong isa ko pang talent, e.
“What are you doing?” malamig niyang tanong.
Kumunot ang noo ko at isinuksok sa buhok ang hairpin. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi man lang hinintay na mabuksan ko muna `yong doorknob pwede namang hintayin munang magamit ko `yong ability ko e. Talagang binuksan agad. KJ talaga.
“Gusto kitang makausap.” Ngumuso ako.
“Save it tomorrow. Bukas mo na ako kausapin.” Akma na siyang aalis pero hinawakan ko agad siya sa braso.
Holo! Andaming ugat niya sa braso `tapos ang tigas! Sabi ko na, e, kauri niya si Hulk!
“Hindi pwede! Kailangan ngayon na! Importante `to!” bulalas ko.
Kumunot ang noo niya.
“`Pag sinabi mong importante, it’s between life and death. And low down your voice, baka isipin ng mga parents natin ginagapang kita,” aniya at seryoso ang mukha.
Nanlaki ang mata ko saka napatakip sa bibig.
“Sleep now and don’t bother me.” Inalis niya ang kamay ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Napayuko ako.
“Ayoko ko kasi nito...” mahinang sabi ko at nararamdaman ko na humahakbang pa rin siya palayo. “Ayokong paasahin sina Mama at Papa... Ayoko silang saktan at nagi-guilty ako.”
Napansin kong huminto siya sa unahan.
“Nakikita kong masaya si Mama kaya hindi ko magawang humindi... Pareho lang naman tayong napipilitan, `di ba? Hindi mo rin gusto ito at nakikita kong may pag-asa pa para mahinto natin ang lahat ng `to. Hindi pa tayo—”
“My decision was final. You’ll marry me,” putol niya at bale-wala akong tinalikuran.
Napanganga na lang ako. Pinanood ko siya hanggang sa makababa siya. Hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Wala na ba talagang pag asa?
“NASUKATAN ka na ng gown?” si Mama na nakangisi.
Sa gulat ay nahiwa ko ang sarili kong kamay. Agad na dumugo at humalo iyon sa green apple na binabalatan ko.
“Maryusep naman, anak!” Natataranta na agad kumuha ng tissue si Mama para ipunas sa sugat.
Tinitigan ko lang ang sugat na dumudugo. Pumasok sa isip ko ang senaryo kaninang umaga. Kung paano ako dedmahin ni Papa. Tatawagin ko siya pero ayaw niya akong pansinin, parang ang lamig niya na. `Tapos minsan mahuhuli ko siyang sinasabing mauuna na siyang umuwi sa lugar namin. Ayaw niya raw na um-attend sa kasal ko. Naisip ko tuloy. Gano’n ba talaga kalaki ang naging tampo niya sa `kin?
Sino ba naman kasi ang hindi magtatampo? Noong nasa baryo namin kami, nag-usap kami na wala munang lalake dahil mag-iipon siya para makapagpatuloy ako sa college. `Tapos ngayon bigla na lang nilang mababalitaan na ganito ang nangyari sa `kin kahit hindi naman talaga totoo.
“Anak, ayos ka lang?” Nag-aalalang mukha ni Mama ang nabungaran ko nang maibalik ako sa ulirat.
Ngumiti ako saka tumango. “A-Ayos lang po.”
“Umiiyak ka na naman. Sabihin mo ang totoo. Ano ba talaga ang problema? Ilang araw na kitang naabutan na tulala baka akala mo.”
Agad kong kinapa ang pisngi ko. Umiiyak nga ako.
“Wala, Ma. Ayos lang talaga ako.” Pilit akong ngumiti.
Kunot pa rin ang noo ni Mama, halatang ayaw tanggapin ang rason ko.
“Ako na nga magbabalat niyan. Sabi ko naman sa`yo, umupo ka lang, e. Mapahamak pa iyong magiging apo ko, malalagot ka talaga sa `kin.” Ngumuso si Mama.
Bahagya lang akong natawa pero kalaunan ay naglaho `yon at nilingon ko ang kinaroroonan ni Papa sa garden, kasama ang hardenero doon na maintainance ng bahay. Mahilig si Papa sa mga pananim kaya magka-vibes sila ng hardenero dito na alam kong mahilig din sa pananim.
Umupo ako sa high stool at pinanood na lang si Mama na magbalat. Nagsasalita siya pero wala akong maintindihan. Lutang na naman ako.

Book Comment (229)

  • avatar
    Bernales asperoLecelyne

    nice story😊

    19d

      0
  • avatar
    RoblesLizzy

    noce

    20d

      0
  • avatar
    Sarah Tenerife

    good novel

    21d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters