logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 1

WENDY
THE INCIDENT in the restaurant yesterday was reported in TV and other medias. As usual, the news travelled faster than light in our school. Almost every student here has great admiration for the phantom detective.
Will they believe in me if I tell them the identity of the unknown celebrity? Probably not. First, I'm known as the cursed doll of this school. Second, the answer to the question: the detective is still in highschool? rather is impossible. Absurd.
"Monday nanaman, papasok nanaman sa school. Pwede bang alisin na 'yang araw na 'yan sa kalendaryo?" one of my classmates requested.
Today's Monday, yes, the first day of the week obiously. Thirty minutes akong ahead sa time pagdating sa klase kaya tahimik lang akong nakaupo habang nagbabasa sa ebook ko ng And Then There Were None ni Agatha Cristie. Ito na ang pangatlong beses na babasahin ko 'to. The work is amazing, you can't blame me.
"Sino'ng hampas-lupang naglagay ng mga bato sa bag ko no'ng Friday, ha?!"
Always before the classes start, our section was known as the wildest, loudest throughout the STEM building. Ingay dito, chika doon. May mga lumilipad na papel, mga nagkalat na bag, at mga sumasayaw sa harap. Akala mong mga elementary students pa din.
Pero biglang nanahimik ang lahat nang biglang may malakas na galabog ang nanggaling sa pintuan.
Dumating si Zen, na beast mode dahil sinipa ba naman 'yung pinto. Ilang beses na naming nakita ang berserk mode ng lalaking ito dahil wala siyang pinipiling lugar kung saan ibabato ang tantrum n'ya.
Pero ang kadalasang ugali niya, being a happy-go-lucky guy. At hyperactive na akala mong lumamon ng maraming imported chocolates. Hindi lang mga babae ang nagm-mood swings. Daig pa sila ni Zen Vergara.
Kahit na wala akong kaibigan dito, kinikilala ko pa rin ang bawat classmates ko.
Sinundan ko lang siya ng tingin habang naglalakad patungo sa direksyon ko. Pero napahinto siya sa harap ng isa naming kaklase. Kay Tommy the nerdy extrovert.
Zen gave him an inhuman glare without uttering word. His chin's up as he looks down at the nerd, like a mighty King who was about to declare a punishment to the outlaw before him.
"A-Ano po 'yon?" nauutal na tanong ni Tommy habang nakatingala kay Zen at inangat ang makapal niyang salamin. Halatang matatakot siya.
Oh well, who wouldn't? That's a monstrous glare. If it could kill someone, there wouldn't be anyone in this room who could leave alive. Hindi pa siya nasasangkot sa mga suntukan, o kahit anong gulo dahil sapat na ang mga titig n'ya para manalo siya.
Saglit na ipinikit ni Zen ang mga mata niya at pagkatapos ay pumunta na sa upuang katabi ko. Nang maupo siya, ibinalik ko ang tuon ko sa cellphone at nagpatuloy sa pagbabasa. Ano kayang nagpabeast mode sa kanya?
Nanatiling tahimik ang classroom namin habang hinihintay ang teacher namin na dumating. Hindi ko alam kung natakot ba sila kay Zen o ano.
Padabog ulit na bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang isa nanamang anghel. Ito 'yung lalaking top 1 sa classroom namin, at siguro ang pinakamabait na estudyanteng makikilala n'yo-mabait sa lahat, maliban kay Zen.
"Wala pa si sir?! Haaaa... B-Buti naman. Akala ko... late nanaman ako..." sabi nito habang hinahabol pa ang hininga niya.
Skye Isaac Javier ang pangalan niya. May green na mata, itim na buhok at mala-anghel din na kutis. Siya na siguro ang pinakasikat na STEM student sa buong school. Maraming babae ang nagbibigay sa kanya ng chocolates at love letters kahit malayo pa ang Valentine's. Pero dito sa classroom namin, isa lang siyang ordinaryong classmate na kilala bilang palaging late.
Pero ang pinaka-overwhelming tungkol sa kanya, best friend niya si Zen.
Right? Para silang Yin and Yang. Darkness and Light. White and black. Hindi ko alam kung bakit sila naging magkaibigan. Kapag kasama nila ang isa't-isa, puro asaran ang naririnig ko. Normal lang ba 'yon sa magkaibigan?
"Hoy, skunk!" tawag ni Skye kay Zen at tumatakbong lumapit sa 'min. Habang nagbabasa ako sa smartphone ko, sumusulyap-sulyap din ako sa ginagawa nila.
"Bakit hindi mo 'ko ginising kanina?!"
"Hirap mong gisingin. And don't talk to me if you don't wanna be sent to hell this early in the morning."
"Beast mode? Let me guess," natatawang sabi ni Skye at may binulong kay Zen. After that, the latter's eyes widened and smacked Skye's stomach.
Just what was that? Oh, well. Never mind.
Natapos ang klase namin sa buong araw. Nothing special happened, just a normal day. Pero hindi muna ako uuwi, mayroon pa akong kailangan puntahan.
Kahapon bago ang poisoning incident, pumunta kami ng mall ng kapatid ko at bumisita sa comic alley. Nakita ko ang isang Hatsune Miku stuffed toy at ginustong bilhin 'yon pero wala akong budget. So he lend me money and bought it for me. Akala ko libre 'yon kaya nagsaya ako. Pero bago niya ako iwan sa restaurant, he reminded me that the Miku stuffed toy is not for free, he bribed me. He said I should join at least one club. Otherwise, he'll burn Miku. What a devil.
Mayroong variety ng clubs ang Percevale High School pero bilang lang sa mga daliri ko ang alam kong club.
Theatre club.
Music club.
Basketball club.
Soccer club.
Baseball club.
Astronomy club.
Volleyball club.
And others that I don't know of.
Pero wala naman akong intesrest sa mga 'yon. Kahit pa magtayo sila ng Weeb/Otaku/Anime club, it'll never interest me—wait. That's a cringe-y club. Who on earth would build such?
Pumunta ako building D-3 kung saan nakacompiled na ang mga clubroom. Mayroon itong apat na floor pero walang rooftop, unlike the STEM building. Gusto kong pumili ng club kung saan marami ang members para hindi ako mapansin.
Tahimik ang first floor kaya hindi ako nag-abalang tingnan ang bawat clubroom. Nang makaakyat ako sa fourth floor, may naririnig akong music piece.
I think it's Third Violin Concerto or something by Mozart. Pwedeng-pwede daw 'yon sa mga intermediate violinist.
The piece was plausibly played from the clubroom of music club. There was no other noise that could be heard aside from the music. Someone's a good violinist. Maybe I'll go for music club?
Nasa gitnang bahagi ang clubroom nito kaya maglakad pa ako sa corridor. Bawat room ay may dalawang pintuan sa magkabilang gilid, as usual.
Naka-locked ang unang pintuan kaya naglakad pa ako paabante. Pero bago pa ako makarating sa kabilang pinto, huminto ang nag-v-violin at may narinig na akong galabog mula sa loob ng clubroom.
Hindi ko makita sa bintana ang nangyayari sa loob dahil natatakpan ito ng kurtina. Kaya dali-dali kong binuksan ang pinto at nakitang...
Walang tao.
Pagkatapos, nag-flashback sa utak ko ang mga usap-usapan tungkol dito sa music club.
"Bigla nalang naging hunted 'yung clubroom ng music club."
"Oo, ako rin narinig ko mismo 'yung violin, grabe. Ang creepy."
"Tumutugtog daw 'yung violin do'n mag-isa. Kahit walang tao."
"Baka may recording tape or something na nakatago?"
"Wala. Hinalukay na nila 'yung buong room, wala namang nakitang gano'n. Mga intruments lang ang nandoon."
"Naiiwan daw 'yung violin sa ibabaw ng upuan 'tapos nasa gitna pa ng room. Grabe. Hunted na talaga 'tong school na 'to."
"May tsismis daw na may namatay na babae do'n sa music club dati. My gosh, baka minumulto tayo."
"Naalala kong tawag do'n sa music ay 'The Trapped Melody' dahil hindi pa raw makaalis do'n ang kaluluwa ng babae..."
"Nag-quit na nga 'yung ibang member e. Balita ko isa na lang 'yung natira?"
Pumasok ako sa clubroom at nakita sa gitna ang violin na nakapatong sa wooden chair. Lumingon-lingon ako sa paligid at hindi maiwasang kabahan.
Walang tao at puro intruments lang ang nandito. May piano sa gilid—my chest suddenly hurt after seeing it—pero hindi naman kasya do'n ang isang tao para pagtaguan. May dalawang gitara sa ilalim ng piano. May bookshelves sa dulo. Lahat ng bintana ay natatakpan ng kurtina kaya medyo madilim. There are also music sheets over the table next to the shelf.
Lumapit ako sa case ng cello na nakasandal sa pader. Sa laki ng case na 'to, pwede nang pagtaguan ng tao pero nang buksan ko 'yon, bumungad sa 'kin ang cello mismo.
What if ghosts are real? What if the violin played by itself? Sheesh. Parang tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa takot. No no no, I don't wanna believe in ghosts. That's moronic but now that it happened to me...
Wait. What if this is just a kind of simple mystery with logical and scientific explanation? Maybe may recording tape? Or cellphone?
Maingat kong nilibot ko ang buong clubroom at siniguradong hindi nasira ang anumang ebidensyang pwedeng magamit. But my efforts were in vain. I swear, I was not just hearing things and hallucinating.
Okay. I'll just get out of here and join a different club instead?
Lumabas ako at isinara ang pintuan. Patuloy pa rin sa mabilis na pagtibok ang dibdib ko dahil sa kaba at takot. Ikaw ba naman ang magstay ng mahigit thirty minutes sa loob ng isang hunted room, kakabahan ka talaga.
I climbed down the stairs and jumped into the conclusion of not joining any club for now. The fear still lingered within me.
"Yow, cursed doll!"
Agad akong napalingon sa likod para alamin kung sino ang tumawag sa nickname ko. Nakangiti sa 'kin si Zen habang lumalapit kaya napataas ako ng isang kilay dahil sa pagtataka. Nasa school ground kami ngayon, hindi ba siya nag-aalangang kausapin ako kahit na maraming nakakakita sa kanya?
"Nakita mo ba 'yung pusang kulay puti 'tapos blue 'yung mata?"
Mukhang maayos na ang mood niya at bumalik na ito sa dati. Saka ano daw? Pusa? I gently shook my head. "No..."
"Oh, I see," wika niya at nilibot ang kanyang paningin. "I was chasing after it. And it suddenly went nowhere. Aaaaah, it's frustrating, you know."
"Bakit mo 'ko kinakausap?" I asked with straight face.
He shot me a glance and then wore a smile. "Monitoring the blackmailer," bulong niya. "Since now that you knew a confidential matter, you deserve my pair of ocean eyes."
Napa-ohhh nalang ako sa sinabi niya. Hindi niya ibinigay agad ang sagot niya sa 'kin kahapon nang sinabi kong binablackmail ko siya. Sabi niya pag-iisipan niya daw muna kung magpapakilala na ba siya o hindi pa kaya bigyan ko raw siya ng tatlong araw. Hindi naman ako magmamamdaling imbestigahan ang kaso ni mama, kaya okay lang.
Naalala ko ang nangyari sa 'kin kanina sa music clubroom. "Ah! Kanina nga pala, may narinig akong—"
"I know. You heard the violin's mystery in the music club. You don't need to tell me."
"Then why don't you try solving it?"
"No."
Nagulat ako sa sagot niya. I was expecting something like 'I'm working on it' or 'I already knew' dahil siya ang phantom detective. Disappointment ofttimes comes after expecting too much.
"Anong 'no?'" tanong ko habang nagsasalubong ang kilay. What's with this guy? Talaga bang itinuturing niyang hiwalay ang 'detective life' niya sa high school life? Bakit hindi niya pagsabayin? Kagaya ng highschool detective na si Shinichi Kudo at Sou Touma?
"Oh." Tumigin siya sa 'kin na may nakakaasar na ngiti. "It is a word used to express refusal or disagreement to emphasize a negative—"
"I mean, bakit ayaw mo?"
Nagtitiis lang akong hindi sapakin ang mukha ng lalaking 'to dahil sa pamimilosopo niya.
"I'm not interested in cases but about corpses. So leave the violin—"
"You're necrophiliac?" I asked with a disgusted look. He then gasped and threw a vexed gaze at me.
"No! What I intend to convey is—I don't give a damn about investigating minor stuffs—a waste of time!" said he.
Napabuntong-hininga nalang ako. Wala na akong magagawa kung ayaw niya talaga. At saka sobra-sobra na ang hiling ko sa kanya kahapon, na mag-investigate sa kaso ng mama ko na limang taon na ang nakalipas.
"Okay. Bahala ka," wika ko at tumalikod na sa kanya. Samantalang si Zen ay nagtanong pa sa ibang estudyante tungkol sa pusang hinahanap niya.
Bumalik ako sa classroom para kunin ang naiwan kong bag at naglakad papunta sa school gate. Pero nadaanan ko ulit ang building D-3. Mula sa point of view ko dito sa baba, may nakita akong familiar na tao sa fourth floor. Nakasandal siya sa railings at likod lang ang kita ko. It's Zen!
Dali-dali akong umakyat sa fourth floor at nakitang nakaupo na sa gitna ng corridor si Zed habang hinihimas ang ulo ng puting pusa. Nakaupo rin sa tabi niya si Skye na nakatitig lang sa kanila.
Oh boy, akala ko pumunta siya rito para sa violion mystery pero pusa lang pala. However now that he's here, pipilitin ko na lang siya.
Lumapit ako sa kanila at laking gulat ni Skye nang makita ako. Tumayo siya at agad na iniwas ang tingin. Mahina niyang sinipa si Zen para ipaalam ang pagdating ko.
"You scumbag, bakit mo ko sinipa—oh. Yow, cursed doll!" nakangiting bati ni Zen at tumayo rin. The cat frizzled at me and then went away. Pati ba pusa, takot rin na sa 'kin?
"Ano'ng ginagawa n'yo rito?" tanong ko.
"Obviously, to fetch the cat. Pero dahil may bad luck na dumating, umalis tuloy siya," Zen answered with a pout on his lips. Damn, he looks like a elemetary schoolboy. And obviously, ako ang pinapatamaan niya.
We were one room away from the music clubroom pero narinig ko nanaman ang isang music piece. This time, it's Violin Concerto no. 5 in A Major ni Mozart.
Agad na tumakbo si Skye sa unang pinto ng music clubroom pero dahil naka-locked 'yon, nagtungo siya sa kabilang pinto. Pero bago niya pa iyon mabuksan, huminto na ang music at nakarinig ulit kami ng galabog mula sa loob. Sinundan ko si Skye nang buksan niya ang pinto at sumilip din.
Wala nanamang tao. Nakababa ang kurtina sa mga bintana at wala namang signs na nagalaw ang mga iyon. Nakakasigurado akong hindi lang basta music na galing sa isang speaker o gadget ang narinig ko. It's a live performance. Pero paano?
"No one..." bulong ni Skye habang nakatitig lang sa violin na nakahandusay na sa sahig.
Teka, kanina nakapatong 'yon sa upuan nang umalis ako. Patunay lang ito na mayroon talagang gumagamit sa violin. Pero walang tao. Imposibleng dumaan siya sa bintana like hello? Fourth floor 'to.
Pumasok si Skye sa loob pero nanatili pa rin akong nakatayo sa pinto. Ano ba kasing nangyayari dito?
Tumingin ako kay Zen na nakatayo lang sa tapat ng clubroom at nakatingin sa baba. Finally, nag-iisip na siguro siya kung paano lulutasin 'tong—
"Aha! Alam ko naaaa!"
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi niya. Lumapit siya sa 'kin at tiningnan si Skye sa loob. "Skunk! Alam ko na ang nangyayari dito!"
"Shut up, bum. Mabuti pa umuwi ka na kasama ng pusa mo!"
"Let him explain—" singit ko sa usapan nila.
"The ghost wanted us to make our way home so she pulled this plan! So bye-bye~"
Napatampal nalang ako sa mukha ko. Is this really the freaking phantom detective? Did I make a mistake yesterday? Was it someone else? Is he acting stupid or is naturally stupid yet good at corpses?
Nagmamadaling lumakad si Zen papalayo sa amin kaya hinabol ko siya agad at hinila ang polo-neck collar niya sa likod. Gusto niya lang makatakas e, well I won't let him 'til he solve this mystery! The violin's creeping me out.
"Aw-aw-ouch! You cursed doll! Don't drag me like this!"
Dinala ko siya sa loob ng clubroom kung nasaan si Skye. Nang bitawan ko siya, pinagpag niya ang blazer ng uniform niya na akala mong nadumihan sa paghawak ko. Aba, ang arte nito, a. Excuse me, I always overdo my sanitary.
"Look, may dugo?" sabi ni Skye at lumuhod sa gilid ng upuan. Tiningnan ko ang itinuturo ng index finger niya at may nakita nga kaming pulang likido. Wala rin 'yon noong umalis ako dito kanina.
"That's not blood, dumbass. I know that better than anyone," Zen remarked. Of course he does. He's a sleuth after all.
Skye dipped his finger on the crimson liquid over the floor. He drew it closer to his nose and sniffed. "Oh, a tomato juice."
Tomato juice?
"Oh, baka mahilig sa tomato juice 'yung multo," seryosong sabi ni Zen habang nakatingin sa kisame.
Could he please refrain from saying ghosts? I can't help but to hug myself and shiver.
"Oh, the cursed doll's scared of ghost," wika niya at binigyan ako ng meaningful na tingin. Screw him.
"I'm not. Who knows if there's a murderer inside this room and lured us out," naiinis kong sagot.
"Impossible."
"Dapat siguro ang faculty na ang bahala dito," sabi ni Skye at tumayo na sabay ngiti sa 'min. Mabait na ngiti unlike Zen's. Naglakad na siya papalabas sa clubroom pero natigilan siya nang magsalita ulit si Zen.
"You guys— have you ever heard of the existence of newspapers in this city?"
What the bloody hell is he talking about? Na ignorante kami?
"What do you mean?"
"In case you haven't read, there was a case of a missing girl since last week. Pero nakapagtataka kasi nakakagamit pa ng social media accounts ang babaeng 'yon, at nang i-trace ang IP address, nandito lang pala siya sa school," seryosong sabi ni Zen habang nakatingin pa rin sa kisame. "Naghanap sila sa buong school but only to meet their failure."
"So?"
"Question! Why does the music stop whenever someone checks the room?" Zen asked gleefully and raised his index finger. Nanatili kaming tahimik ni Skye habang nakikinig lang kay Zen. Mukha siyang inosenteng teacher na masayang nagtuturo sa kanyang mga elementary students? Seriously, do we look like a kid?
"Questions! What causes the loud thud after the music? Where did the culprit go? Why is there a tomato juice on the floor? Why is there a chair at the center of the room?"
None of his questions were able to be answered by my mouth. Nor Skye's.
"Anyone?" tanong ni Zen sa amin na mukhang binibigyan kami ng chance na sumagot. "Anyone? Eh? Wala? What a shame, I don't know either!"
Napatampal nalang ulit ako sa noo o. Grr, ang sarap sakalin ng lalaking 'to.
"Right. Your brain's capacity couldn't take this," wika ni Skye na parang bagot na bagot na sa buhay. "Mauna na ako sa dorm. Sabihin n'yo nalang sa student council ang nangyari ngayon para sila na ang bahala."
Lumakad na siya papalabas at narinig ko ang mga yabag niya pababang hagdan. Pero nanatili kami ni Zen sa loob ng clubroom.
"So he doesn't know?" tanong ko at ibinaling ang tingin kay Zen. Nakapikit lang ang mga mata habang nakayuko at nakatayo sa harap ng wooden chair.
"Yeah, he can't afford to solve this little—"
"He doesn't know about your little secret?"
"I can't seem to comprehend the significance of spilling the beans before him," seryoso niyang sagot. "And don't talk about it here."
I shot him a glance of bewilderment. Why not here? Kami lang naman ang nandito at walang makaririnig sa 'min.
"There's two human presence detector outside the clubroom. A signal for the culprit if someone's heading this way. One for the right corridor, and the other for the left. That explains why the music stops beforehand. They notify the culprit."
"He installed such devices? Where would he obtain—"
"It's a she. After receiving the signal, she will briskly climb up..." sabi ni Zen at tumayo sa wooden chair at tumingala para hawakan ang kisame. Dahil sa tangkad niya, hindi na iyon naging problema. "...here."
Bigla niyang hinila ang kisame pababa at isang attic ladder ang lumabas. What? Attic?!
"Aaaaaaaah! Nabisto akoooo!" boses ng isang babae na nanggagaling sa attic.
"She'd play the violin while this ladder was laid down in able for the music to be heard throughout the corridor," paliwanag ni Zen habang pinapanood naming bumaba ang babae mula sa attic. "Anticipating that the students who pass by would be hesitant to open the door, she climbed up with no difficulty and no rush. She'd simply put the violin back over the chair and mount again. But earlier this time, Skye rushed towards the door. She had no efficient time thus she dropped the violin on the floor and probably nudged her tomato juice in the attic."
"Oh my gosh, ang galing mo kuya! Ikaw palang ang nakakabisto sa 'kin," sabi ng babae habang nakapamaywang at nakatuon ang mata sa 'min. She has a long black curly hair na naka-ponytail and soft skin. She has a pair of golden eyes and rosy lips. Naka-casual clothes siya na mukhang pangmayaman pa.
"Anong ginagawa mo sa attic?" mahinahon kong tanong. Nagulat siya nang makita ako at kinusot-kusot pa ang mga mata niya na para bang chinecheck pa kung totoo ang nakikita niya.
"OMG! Ikaw siguro ang tinatawag nilang cursed doll! Nice to meet you!" wika niya at nilapitan ako 'tapos kinuha ang kamay ko. Mabilis siyang nakipagshakehands sa 'kin dahil sa sobrang excitement. Kumurap lang ang mga mata ko habang pinagmamasdan siya.
"I'm Sophronia but you can call me Sophie. From ABM 11-B. Gosh, matagal ko nang gustong makita ang rumoured cursed doll. Totoo bang marunong ka ng witchcraft? Ilang tao na ang sinumpa mo? Turuan mo 'ko!"
She looks rather excited than scared. Is this the start? Is this the start of something they called 'friendship?'
"Err... I'm just a normal girl." l lied. It feels utterly awkward. "No... witchcraft or the like..."
"Oh..." sagot niya na parang na-disappoint. Tumingin naman siya kay Zen. "Ikaw kuya, ang KJ mo. Kung nalaman mo ang secret base ko, dapat hindi mo na pinaalam sa iba. Pero okay lang, nakilala ko naman ang cursed doll."
"Hmm. Let me guess. You're a daughter of a wealthy family, aren't you? A runaway from home, huh. Have an engineer friend. Lost from a violin competition one month ago. Lastly, the girl who died here is one of your kinfolk," nakangiting sabi ni Zen na mukhang sobrang excited. "Tama ba hula ko?"
"Wow! Paano nalaman 'yon?! At saka kanina, naririnig ko kayong nag-uusap. Sabi mo may case ng nawawalang babae last week sa dyaryo. Kahit hindi ko newspaper reader, wala namang gan'yon. Masisira ang reputasyon ng family name namin kung malalaman ng city na tumakas ako!"
Tumawa lang si Zen na parang bata at napakamot sa batok. "I'm a veteran guesser!"
"Ang galing mo manghula. Sana all!"
Oh, sheesh? Naniwala siya do'n? Lahat ng sinabi niya tama 'tapos maniniwala kang hula lang 'yon? Hindi ba ang una mong maiisip ay...
"Kuya, stalker ba kita?" naiilang na tanong ni Sophronia.
"Haaa?! No way! I am not interested in you," he irritably responded.
"Okay. Sabi mo e. Pero please? Huwag n'yo 'ko isumbong sa principal or sabihin sa iba 'tong ginawa ko. Promise, hindi ko na gagawin ulit 'yon!" pakisuyo ni Sophronia habang nakataas ang kanang kamay bilang panunumpa.
"Sure," nakangiti kong sagot. Ito siguro ang unang beses na inilabas ko ang matamis kong ngiti sa isang estudyante. "But why were you doing that?"
"Gusto niyang mag-quit na ang ibang music club members. May naririnig kasi akong tsismis na toxic na daw ang club na 'to. And here she is, the remaining member—" napahinto sa pagpapaliwanag si Zen at natuon ang atensyon sa ilalim ng piano. "Oh, niceee! Ang astig ng gitarang 'to! Look, look! May stickers!"
Agad na tumakbo si Zen sa mga gitara at tuwang-tuwa na makita 'yon. Halos kausapin niya na 'yung gitara.
The heck? First time niya bang makakita ng gano'n? Mukhang siyang ignoranteng lalaki mula sa kabilang planeta! I can't take this guy.
"Uh... Ano... Special child ba s'ya?" bulong sa 'kin ni Sophronia habang makaturo kay Zen.
"Err... Hindi naman. Baka may sayad lang talaga."
"Nnnn, okay. Haha."
I glance at her sideways and saw her eyes full of sorrow. "You okay?"
Feeling close ako, 'no? Pero mukhang wala naman siyang problema sa 'kin. Hindi rin siya natatakot, hindi siya awkward sa 'kin. So I guess we're good?
"Nnnn. Not really," sagot niya at napayuko. "Now that someone discovered my doings, I think babalik na ulit ako sa dati. Nananakot ako ng mga estudyante kasi... gusto ko lang makaranas ng normal na buhay."
Pagiging normal ba 'yung pananakot? Dahil takot nga 'yung mga estudyante sa 'kin, ibig-sabihin bang sabihin normal talaga buhay ko? I don't get her.
"Sa bahay, wala kaming paki-alamanan. Kanya-kanyang buhay. Sa classroom, tinuturing nila akong prinsesa," pagpapatuloy niya. Totoo naman, mukha siyang prinsesa. "Mataas ang tingin nila sa 'kin porke galing ako sa mayamang family. Iba ang turing nila sa 'kin. Para bang... Mahirap daw akong lapitan. Wala akong kaibigan, pero mayroon naman isang lalaking—"
"SOPHIE?! SINO SILA?!"
Agad nabaling ang tingin namin sa pinto at bumungad ang isang lalaking brown ang buhok at brown ring mata. Gulat na gulat siya nang makita kami. May bitbit siyang plastic at dalawang tomato juice in a can.
"Bakit ang tagal mo, Pancit Kenton?!" sigaw rin ni Sophie at lumapit sa lalaking nasa pinto. Pagkatapos, nagulat lamang kami ni Zen nang sipain ni Sophronia sa tiyan ang lalaking dumating.
"AAHH!" nabitawan ng lalaki ang dala niyang plastic at napahawak sa kumikirot niyang tiyan. Pati ako napangiwi nang makita ang ginawa ni Sophronia.
"Sophie! Tanggalin mo naman 'yung sapatos mo 'pag sisipain mo 'ko! Walastek, bwisit 'yung impact!"
Habang nagsisigawan sila, kinalabit ako ni Zed sa tagiliran kaya muntik na akong mapatalon sa gulat. "Zen?!"
Bumulong siya habang nakanguso kina Sophronia. "What if we report that girl to guidance? She's freaking violent."
"They look adorable, though," nakangiti kong sagot habang pinapanood ang dalawa na magbangayan.
"She knows martial arts. Malay mo, tayo na isunod niya."
"Nanipa lang, marunong na agad magmartial-arts?"
"Nope, cursed doll. Look at her ears. They're swollen and called as Cauliflower ears. Gan'yan ang tainga ng mga nagma-martial arts, common to boxers, caused by repeated blows."
Whatever. Siya pala ang phantom detective. Minsan nagtataka ako kung saan niya nadukot ang talino niya dahil sa totoo lang, mukha siyang airhead kanina. Playing dumb?
"And how did you know that she's from a wealthy family, at 'yung iba mong hula?" tanong ko.
"Obviously, wala namang magsesend dito sa school ng mga—I dunno what to call them. They wear black suits and they look so professional. What are they? FBI agents? Interesting. Gusto ko silang makilala 'tapos itanong kung nakasuot rin ba sila ng black glasses kapag kumakain."
Nagtanong lang naman ako e, bakit napunta sa FBI agents ang usapan? Saka ano daw?
Zen, you idiot. FBI agents don't always wear sunglasses. Kakapanood mo 'yan ng action movies.
"Paano mo nalaman 'yung mga info tungkol sa kanya? Your deduction is..."
"Half of it wasn't deduction. I have ways to conceal confidential matters," he answered with a grin on his face. Confidential ba 'yung tinatanong ko? Never mind. I don't understand a thing.
"I don't get it," I monotonously said.
"I hate explaining."
And the trapped melody? Case closed.

Book Comment (141)

  • avatar
    Queen04

    Highly recommended po!

    19/06/2022

      1
  • avatar
    Liza P Millan

    so pretty story

    23/08

      0
  • avatar
    Dela TorreElizer

    can i get a 1 million

    26/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters