logo
logo-text

Download this book within the app

LUTE 03

TRIGGER WARNING : This story contains typo graphical errors /wrong spelling and/or Grammatical errors.
CHAPTER 03
***
NATAPOS ang klase namen ngayong hapon ay agad ko ng inayos ang aking bag.
Ewan ko ba kung bakit naiinitan ako sa Room na ito. Ramdam ko na yung pawis ko sa aking likuran. Bukas na bukas talaga ay magdadala na ako ng small towel para man lang may pang punas ako sa aking likuran. Saka dadalhin ko na din iyong maliit kong electric fan. Pwede iyong dalhin since chargable na iyon di mo na kailangan pang isaksak sa kuryente para umandar.
Pagkalabas ko ng aming room ay sumabay na din si Ivan sa akin. Nakasunod lang sa amin iyong kaibigan nyang si Atticus na seryuso pa din hanggang ngayon. Kala nya siguro di ko makakalimutan yung ngiti nya ng banggitin ko ang pangalan ng kanyang syota.
Ang creepy talaga ng tawag nya kay Anastasia.
“May sundo ka ba ngayon Micah?” Napalingon ako sa gilid ko ng magtanong itong Ivan.
Aii, oo nga pala di ko natanong kay mum kung saan ako sasakay ngayong uwian. Wala pa naman akong alam sa mga lugar dito.
“auhmm.. Uom” Wika ko dito kahit di naman talaga totoo.
“Ehh bakit nakasimangot ka dyan?” Pang uusisa nito sa akin.
“Nothing...” Maikling lintana ko rito.
“Wieee?” Pamimilit nito.
“Oo nga” Medyo Inis ko ng sabi dito.
Bakit ang hirap nyang paintindihin. Pababa na kami ng hagdan ng biglang may tumawag ng aking pangalan.
“Micah.” Napalingon ako sa tumawag.
Gulat ako ng makitang si Ari ito.
“Mauna na kami ni pareng atticus. Mukhang galit ang jowa mo, e.” Bulong sa akin ni Ivan. Nangunot naman ang aking noo dahil sa sinabi nito.
Aangal pa sana ako ng bigla nalang inkbayan nito si Atticus at lumakad na papalayo.
Gag* yun auh.
Napatingin ulit ako kay Ari na seryuso paring tumingin sa akin. Nag umiigting ang panga nito sa hindi ko malamang dahilan.
Ano namang tinira nito at nagkakaganto ito ngayon.
“Why are you here Ari?” Tanong ko rito.
“Why your still talking to that guy MICAH. I told you don't talk to any guys especially you didn't know them.” Madiin ang bawat sinabi nito. Agad naman akong kinilabutan dahil sa boses nito.
“They are my Classmate Ari. Don't act like a jealous boyfriend of mine.” I tsked. Napairap nalang ako sa kanya.
Don't act like that Makari. Pinapaasa mo ako, e. Alam ko namang malabong mahalin mo ako. Hindi ko makakalimutan yung sinabi mo nung bata pa tayo.
Mananatili akong childhood enemy mo. Dahil yun lang kaya mung ibigay sa akin. Mas mabuti pang asarin mo ako, pagtawanan, ibully at itaboy  kisa maging ganyan ka tapos sa huli ako lang din yung aasa.
“Micah, why your always hard headed... Huh!” Singhal nito sa akin.
“Don't be so concerned Ari. Pinapalala mo lang ang lahat.” Tumalikod na ako at dirediretsong bumaba ng hagdanan ng hindi ito nililingon.
Nang makarating ako ng Gate nitong school ay agad kung nakita ang Café shop na namataan ko kaninang umaga. Agad akong tumawid upang pumuntang kabilang kanto at walang pag aalin langang pumasok ng Café.
Agad akong tumungong counter at agad pinilit ang matcha milk tea na nasa menu.
Nang matanggap ko ang inorder ko ay agad din akong nagbayad sa cashier.
Ngumiting pinasalamatan ko iyon at agad na lumabas.
Namataan ko pang palinga linga si Ari sa harapan ng Gate at mukhang may hinahanap.
Hindi ito mapakali sa kanyang kinatatayuan. Isa lang masasabi ko mukha syang tanga.
Kinalabit ko ito ng hindi man lang nito naramdamang nakalapit ako sa kanya.
“Sino daw ang susundo sa atin?” Tanong ko dito ng hindi man lang tinatapunan ng tingin.
E, sa galit parin ako sa kanya. Busy ako sa pagsipsip ng milk tea ko ngayon. Ang sarap talaga nito.
“Si manong Jude.” Maikling wika nito. Tumango tango ako dito pero nananatiling hindi parin ito tinitingnan.
MAYAMAYA ay dumating din si manong Jude. Nauna na akong sumakay sa passanger seat. Bakas pa ang pagtutul ni Manong Jude na tumingin sa akin. Ngunit inosenting tiningnan ko lang ito.
Buti at hindi na sya umangal pa.
Padabog na sinirado Air ang pintuan sa likod. Kanina pa itong mukhang galit at para atang naaasar sa hindi ko malamang dahilan.
Mukhang hindi ito sinipot ng kanyang Syuta kanina. Kaya ba parang hindi sya mapakaling palinga linga sa Gate kanina. Mukha kasi itong natatae na hindi mapakali. Basta mukha syang gwapong uod dun.
Napapatingin na nga yung ibang mga estudyanting nadadaanan namen dahil sa gwapong kasama ko kanina.
Kanina ko pa itong hindi pinapansin. Kaya ang tahimik din namen sa loob ng kotse. Aircon lang ata yung maingay dito pati si manong Jude ay parang naninibago sa amin. Dati kasi puro bangayan lang kami lagi.
Pero bata pa kami nun, iba na na
ngayon.
Subrang tagal na pala ni manong Jude na nagtatrabaho dito. Ganun siguro kabait ang Pamilyang Kingston kaya nananatili parin syang nagtatrabaho dito... Except lang sa kanilang anak. Di naman yan mabait.
NANDITO ako ngayon sa isang susyaling maliit nilang kubo. Meron kasi ditong hindi kalakihang chandelier. Sosyal diba, yung kubo nilagyan ng chandelier.
Nagmukha pa itong cottage dahil nasa gilid lang nito ang pool. Napaka sariwa din ng hangin dito.
Ang ganda talagang tumambay dito. Kaya nung makita ko ito kanina ay dito ko napagpasyahang tumambay para sumagot ng mga assignments ko.
Halos solving pa naman lahat. Finding Z, X, Sample mean, and standard deviation.
Kanina pa ako dito at hindi ko man lang makuha kuha yung solutions.
Nasagutan ko naman yung iba. Pero merong problem solving na hindi ko naman maintindihan.
Sa State di naman ganto ka hirap yung mga solving. Yun nga lang pahirapan pag dating sa mga explanation nila. Kung pano kina dali nung problem solutions sa State... ganun naman kahirap intindihin yung pag papaliwanag nila. Saka, more digital talaga doon na mas kinaiba dito sa pilipinas.
Mas madali kasi yung Solving dito sa pilipinas yun nga lang sa positive and negative lang ako nahihirapan.
“Kanina ka pa dyan di ka parin tapos?” Bahagya pa akong nagulat ng may magsalita. Ang tahimik tahimik kaya kanina tas bigla nalang may magsasalita sinong di magugulat dun Aber?!.
“Kanina ka pa pala dyan bat di mo kayang subukang tulongan ako dito, nang matapos ko ito.” Singhal ko dito.
“You didn't asked.” Masungit nitong sambit. Aba di ba nya alam alam yung salitang 'MAGKUSA'. Kailangan pala pag nagpatulong ka sa kanya ay ipaalam pa muna.
Kapag bah kinidnap na ako sa harapan nya at tinakpan na yung bibig. Hihintayin nya pang pagsabihan sya ng kidnapper bago tumulong?
“Tsk! Ewan ko sayo. Umalis ka na nga di ka naman nakakatulong. Dadagdag ka lang sa poproblemahin ko dito.” Wika ko sa kanya at pinagpatuloy ulit ang aking ginagawa.
“Kasalanan ko bang B*B* ka.” Seryuong lintana nito. Grabe naman ito kung maka real talk. Tagus hanggang likuran, e.
“Nang iinsulto ka?” Sakrastiko kung tanong dito.
“Hindi.” Pambabara nito. Wahhh! Ayuko ng kausapin tung lalaking toh. Putragis sya sarap nyang ibalibag kung di ko lang toh mah--- hakdog ka.
Di ko na lang ito pinansin at ipinagpatuloy ang aking ginagawa.
Ang dami ko ng papel na nasasayang di ko parin na kukuha yung value ni X.
“Let me help you.” Agad nyang kinuha sa kamay ko ang ballpen at nag umpisang sumulat sa scratch paper.
Di na ako nag reklamo pa. Alam kung alam naman nito kung paano yung solution. Oo na, aaminin ko nang matalino sya at bobo ako.
Pinatong ko ang dalawa kong siko sa lamisa at ang baba ko naman ay nakapatong sa aking kamay. Mariing nakikinig ako sa kanyang sinasabi at sinusundan kung paano nito isolve ang solution sa papel.
“As you can see in problem solving. The standard deviation and sample mean are already given. You didn't use the exact formula... That's why you didn't get the value of X correctly.... Blahh Blahh Blahh.” Wala parin akong naintindihan sa sinabi nito kahit anong pakinig ko.
Mas interesado pa ata akong pakinggan ang boses nito kisa sa sinosolve nito.
Ramdam ko na rin pumipikit pikit na ang aking mga mata. Ngunit nilalabanan ko iyon at pinilit paring makinig sa sinasabi nya. Himala atang inantok na ako kahit na hindi naman ako nakainom ng gatas. Alam nyo na nahihirapan akong makatulog pag gabi pero boses palang nito ay parang hinihili na ako nito dahil sa antok ko ngayon.
Nang hindi ko na mapigilan ang aking antok ay hindi ko nalang namalayang nakapikit na pala ang aking mga mata at ninanamnam ang matiwasay kung pagtulog.
Third person's point of view
NARAMDAMAN nalang ni Ari ang malalim na paghinga ng kanyang katabi. Napabuntong hininga nalang din ito at marahan pang iginilid ang buhok nitong nakatabing sa kanyang mukha.
Maingat nya itong inilagay sa gilid ng kanyang tenga upang hindi ito magising. Hinayaan nya munang matulog ito at ipinagpatuloy ang pagsagot sa assignment ng babae.
Talagang napagod ito sa unang klase nito.
Hindi namalayan ni Ari ang pagdating ng kanyang ina na may dalang snacks at malamig na tubig. Ayaw kasi ng ina nito ang juice pag gabi di ka daw kasi nun makakatulog.
“Ari kuma---” Nabutol ang sasabihin ng kanyang ina ng idikit nito ang kanyang hintuturo sa kanyang bibig upang patahimikin ang kanyang ina.
Napaka energitic pa naman ng kanyang boses. Kulang nalang sumigaw kapag magsalita ito.
“Lower your voice mum.” Seryusong sabi ng kanyang anak. Para namang kinurtente yung kanyang ina na nag pipigil ng kanyang kilig. Kulang nalang ay magsusumigaw ito.
“I'm sorry son. Micah is having a hard time for her first day... I think.” Mahinang wika ng ina ni Ari. Marahang inilapag pa nito ang tray ng pagkain sa gilid ng table.
“Yeah...” Maikling sambit ng kanyang anak.
“Ikaw na bahala sa kanya mamaya huh. Kaya mo naman siguro iyang iakyat sa taas mamaya.” Ngiting asong wika ng kanyang ina at agad na tumalikod. Nagmamadaling kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa at mabilis na may denial na numero.
Napailing nalang ang kanyang anak sa tinuran ng kanyang ina.
***
TOXICPHILIPPINES_CAT

Book Comment (31)

  • avatar
    GoddessNiMaster

    it's interesting and refreshing read. I like the intro and I wish you, Author all the best! It's a great story!

    05/06/2022

      0
  • avatar
    SauliBianca Laurein

    It’s good

    18/08

      0
  • avatar
    Alea Dela Rosa

    super beautiful story

    15/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters