logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2

“LIMANG NOBELA sa isang buwan,” wika ni Bing kay Vivienne, ang isa sa mga talent writers ng kanilang kumpanya. “Humahapit ka yata ngayon, Vivi. Anong meron? Wala ka ng panggastos sa mga dates ninyo ni Alexandros mo?”
“Nope. Much better, Bing.”
Sinimangutan niya ito. “Vivi, hindi ba’t sinabi ko na sa iyong huwag kang mag-i-English kapag ako ang kausap mo kung ayaw mong masaktan?”
“Oh, sorry. But as I was say—“ Napasinghap lang ito saka natawa nang tampalin niya ito sa braso. “Naman, Bing. Hanggang ngayon ba’y may kimkim ka pa ring galit para dun sa lalaking nanloko sa iyo sa Internet? Patawarin mo na ‘yung tao.”
“Marunong ka pa sa akin.”
Minsan niyang nabanggit sa mga kasamahang editor ang tungkol sa nangyari sa palpak niyang pakikipagsapalaran sa pag-ibig. Siguro dahil sa sobrang ngitngit niya noon sa nangyari sa kanya kaya naibuhos niya sa mga katrabaho ang kanyang sintimyento kay Kupido. Hindi nga lang niya pinangalanan ang totoong pagkatao ng lintik na lalaki. Ilang buwan ding pinagpiyestahan ng mga ito ang nangyari sa kanya. Palibhasa babad sila sa mga kuwento ng pag-ibig, courtesy ng mga nobelang ini-edit nila, kaya naman lahat na yata ng advice tungkol sa pag-ibig at kabiguan ay nalaman niya. Na hindi rin naman nakatulong dahil mas inintindi niya ang ngitngit na nararamdaman. Kaya sa huli ay naging isang malaking katuwaan na lang sa kanila ang mga nangyari. Which was far better. Kahit paano kasi ay nakatulong iyon upang masanay na siya sa ideyang isang malaking kalokohan lang ang mga naganap sa kanya. Ang naging problema lang, hindi maiiwasang pati ang mga writers na paminsan-minsang nadadalaw sa lungga nila ay malaman din ang nangyari sa kanya.
“Ikaw din,” patuloy na pagbabanta ni Vivi. “Baka mag-end of the world na bukas, sa impiyerno ka mapupunta dahil hindi mo nagawang magpatawad ng isang simpleng kasalanan lang.”
“Mangangatwiran na lang ako kay San Pedro.”
“Hay naku, alam mo, Bing, kung hindi mo lang ipinapasa ang mga nobela ko, hindi na talaga kita iimbitahan sa kasal ko, eh.”
Natigilan siya sa kanyang binabasang manuscript at napatingin dito. Subalit naunahan siya ng mga kasamahan niyang editor sa pagtatanong.
“Tama ba ang narinig naming iyon, Vivi?”
“Ikakasal ka na?”
“Doon sa boyfriend mo half-half?”
Tatawa-tawa lang ito. “Oo. Si Alexandros na nga iyon.”
“Teka,” singit na niya. “Hindi ba’t nung kailan lang ay namumuroblema ka pa kung paano mo makukuha ang atensyon niya? Ngayon ay ikakasal na kayo?”
“Well, wala tayong magagawa. Ganyan talaga ang malalakas ang karismang gaya ko.” Kinuha nito sa bag na dala ang mga wedding invitations at isa-isa silang binigyan. “Tamang-tama, Bing. Ipapakilala ko sa iyo ang pinsan ko at nang hindi ka na nagmamaktol pa dahil sa sinapit mong kasawian sa pag-ibig.”
“Ang daya mo, VIvi,” reklamo ni Ami. “May favoritism ka, ha? I-boycott kaya namin ang kasal mo?”
“Okay lang. At least may maite-take home pa kaming sobrang pagkain kapag hindi kayo dumating.”
“Hindi ko kailangan ng lalaki,” aniya.
“Kailangan mo!” sabay-sabay namang sagot ng mga ito.
“Akala nyo lang iyon.” Ibinalik na niya ang atensyon sa kanyang binabasa. Wala siyang panahong patulan ang isa sa mga kalokohan ng pinakamakulit nilang writer. “Ibigay mo na lang sa kanila ang pinsan mong iyon, Vivi. Mapapanis lang siya kung sa akin mo siya ipagduduldulan.”
“Pero bagay kasi kayo kaya nga sa iyo ko siya inirereto. Mabait naman iyon kung ito-tolerate mo lang ang kayabangan niya. Kunsabagay may maipagyayabang naman kasi. Henyo iyon sa pagkukutingting ng mga computers. Isa pa, alam kong magkakasundo rin kayo dahil mahilig din iyong mag-chat. Gusto mong kunin ang Yahoo ID niya?”
“Hindi na ako nagtsa-chat.”
Sa Internet chat kasi nagsimula ang pagkapundi niya ngayon sa salitang pag-ibig. She met the guy on a chatroom, fell inlove with him before he made a fool out of her.
“Okay lang iyon,” wika ni Vivi na excited pa rin ang itsura. Mukhang wala talaga itong balak na tigilan siya sa pagrereto sa pinsan nito. “Ikaw ang tipong babae ng pinsan kong iyon na matagal na rin namang naghahanap ng matinong girlfriend.”
“Hindi naman matino si Bing, ah,” singit ni Gracie. “Sa akin na lang ang pinsan mo, Vivi. Mabait ako at cute. Sa’n ka pa?”
“Oo, mukhang bagay nga kayo ni Basty.”
“Talaga? Sige, sige! Nakakatuwa naman ito!”
Kinantiyawan lang ito ng iba pang editors. Napailing na lang siya. Bahala na nga ang mga ito kung ano ang gusto nilang gawin. Basta siya, masaya na siya sa pagiging single niya. Nang minsan kasi niyang subukang makipagrelasyon, nabuwisit lang siya.
“So, Bing,” baling uli sa kanya ni Vivi. “Payag ka na, ha?”
“Sa alin?”
“Na i-meet ang pinsan ko. Siya ang bestman ni Alexandros dahil wala namang ibang kapatid ang papa kong iyon. Kaya magpaganda ka nang husto sa kasal ko.”
“Akala ko ba ibibigay mo na siya kay Gracie?”
“Si Basty naman iyon. Ang tinutukoy ko ay ‘yung isa kong pinsan. Si Benjie.”
Kumunot ang kanyang noo. Hindi niya gusto ang timbre ng pangalang iyon, ah. Benjie. Benj. Benjamin. Lahat ng iyon, ayaw niya. Dahil ang damuhong lalaking nagpa-ibig at nanloko sa kanya sa Internet ay iyon ang pangalan.
Si BenjPogi.

Book Comment (20)

  • avatar
    AquaAroha Mitchie

    Love always

    31/05

      0
  • avatar
    Sheillamae Marqueses

    sobrang ganda🥹

    24/05

      0
  • avatar
    Jamela Ocang

    Hshdvdbfbd

    21/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters