logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7

Chapter 7
Zamiell
Year 2019
"Kailangan ba talaga natin lumipat?"
Porpeng once again looked at me with his bored eyes, pero tinuloy niya ang ginagawa niyang pag-eempake sa mga gamit namin.
"Baka nakakalimutan mong hindi ka tumatanda, baka mamaya may makakita sayo na kakilala natin"
I sighed, matagal na kami rito sa Manila. Palipat-lipat lang kami ng lugar dito but still I can manage to hide when someone that I knew would come across.
Natututo na rin ako ng bagong pananalita, nagagalit kasi si Porpeng pagka nagsasalita ako ng puro at malamin na tagalog, para raw akong galing sa baul kung magsalita. Kaya sinabi niya mag-aral ako ng taglish isang uri ng bagong lengguwahe, and I'm pretty sure that I'm getting good at it.
"Nakakatamad naman kasi na dalhin tong mga gamit, we can leave it here and buy some new ones sa lilipatan natin"
"Nako kuya alam kong marami ng bagong teknolohiya, pero dapat pahalagahan pa rin natin tong mga lumang gamit"
"Pinapahalagahan ko naman, ayoko lang magbitbit"
Tumawa si Porpeng sa akin habang binabalot mabuti ang mga libro niyang luma na, tumulong ako sa kanya. I have little possessions that really didn't take too much of my time to pack.
"Kaya nga umarkila ako ng truck at helper na mag-dadala ng gamit natin sa Bulacan"
Sa Bulacan kasi niyang naisip manirahan uli, ika nga niya he wants the place where he is born to be his last. Kaya bilang regalo na rin sa kanya ay bumili ako ng lupa at bahay gamit ang aking ipon, it would be better if sa San Miguel uli kaya lang ayaw ni Porpeng dahil baka may makakilala sa amin. Kaya sa San Ildefonso, which is a town near San Miguel ako bumili ng lupa malapit din iyon sa mga bukirin na nakalakhan ni Porpeng.
"Tapos na ba lahat Kuya?"
"Oo, tara na. Kukunin na yan nung inarkila mong truck at helper na nasa labas"
Sabay kaming pumunta sa kotse na pinundar niya para sa amin, ako ang magmamaneho dahil sa katandaan na rin ni Porpeng. 78 years old na siya ngayon pero sa lilipatan na naman namin na lugar ay mag-tuturo na naman siya, mahal daw niya ang kanyang gawain pero dapat naka-retire na siya. Ang kulit-kulit talaga nito, handa naman akong mag-trabaho para saming dalawa but he won't allow it dahil sa edad ko ngayon nag-aaral pa dapat ako, di tulad noong araw.
"Kamusta na kaya sila Cecil at Rosa"
"They never contacted after several years"
Parehas kaming natahimik, natatakot at nag-aalala kami para sa kanilang dalawa. Ang huling sulat namin na naipadala ay bumalik sa amin dahil daw wala ng nakatira sa address nila. Sinubukan ko silang hanapin but I failed miserably, I don't know where they are anymore, wala man lang clues or any farewell.
"66 at 65 na rin ang dalawang yon, tumatanda na talaga kami samantalang ikaw. Still glowing as ever"
I laughed at him and so is he, nakikita ko kasi sa araw-araw ang pagbabago at pagtanda niya, katulad ng kanilang mga sabi-sabi. Galing sila sa alabok at dun din sila babalik, at alam kong kung darating ang panahon na yun ay sa langit ang punta nila dahil sa kabutihan ng kanilang loob.
"You should sleep, malayo pa ang byahe natin"
Tumango siya sa akin at bahagya kong sinilip sa rearview mirror kung nakasunod pa ba ang truck na naglalaman ng gamit namin. Ng makita ko ito ay tumingin muli ako sa daan kung saan we will live our new lives ahead.
***
Natapos namin ng isang araw ang pag-aayos ng mga gamit namin, bungalow style lang din na bahay ang binili ko. May dalawang kwarto, may pwesto para sa office ni Porpeng, may sala, ang dining area ay halos sakop na rin ng kusina, isang banyo sa labas na katabi ng kwarto namin, at isang malaking garden na gustong-gusto ni Porpeng, may duyan na gawa sa yantok at isang maliit na papag sa ilalim ng puno.
Kaya ngayon ay umalis si Porpeng, sasamahan ko sana siya kaya lang nag-tagal siya sa university kung saan siya mag-tuturo. Kaya tatawagan na lang daw niya ako kung magpapasundo siya, balak niya rin bumili ng binhi ng mga halaman na gusto niya mailagay sa garden.
Ginamit ko ang oras para mag-ikot sa paligid, may mga maliliit na bahay, malaking bahay, konting tindahan, isang maliit na chapel, at syempre ang baranggay hall nila. Ang mga hospital, schools, at iba pa ay nasa bayan malayo mula rito kaya kailangan sumakay ng tricycle o kaya sasakyan para makarating doon.
Umuwi muna ako ng matanggap ang text ni Porpeng na matatagalan pa siya, tinago ko muli ang cellphone na binigay niya. Hindi naman ako nahirapan aralin ito kahit mas sanay ako sa may keypad kesa sa touch screen, pero lagi kasing nangungulit si Porpeng na dapat ako sumabay sa agos ng panahon. Nahiga na lamang ako habang nag-babasa, nakatapos na ako ng isang libro ng makarinig ako ng ingay sa labas.
"Salamat mga hijo, pwede naman ako magpasundo sa anak ko"
"Wala po yun Sir Lubert, nagkataon lang din po na parehas pala tayo ng uuwian at dala ko naman po ang sasakyan ni papa"
Sumilip ako sa pinto, may kasama si Porpeng na dalawang binata. Parehas silang matangkad, moreno, at maayos ang pagmumukha, pero mas mukhang matured ang isa kumpara doon sa kasama niya.
Dala ng mga ito ang pinamili ni Porpeng, nilagay nila ito sa mesa sa sala habang pinaupo sila ni Porpeng sa upuan, pumunta sa kusina si Porpeng para kumuha ng juice at cake na hindi niya naubos kahapon. Ng makita niya akong nakasilip sa kwarto ay pinanglakihan niya ako ng mata, kumuha ako ng papel at nagsulat.
'Ayokong lumabas, may ibang tao na ngayon ko lang nakita'
Idinikit ko ito sa labas ng pinto sumandali, ng makita kong nabasa na ito ni Porpeng ay tinanggal ko na, pinaningkitan ako ni Porpeng ng mata, while I just gave him some bored look habang nakasilip pa rin sa pinto, hindi naman ako nakikita ng dalawang binata.
"Mukhang hindi lalabas ang anak ko, mahiyain kasi yun"
"Nako okay lang po, pero sana po makilala namin siya"
Sinabi ng lalaking mas batang tignan kesa sa kasama niya, nililibot niya ang paningin niya sa bahay.
"Kayo po pala ang bagong teacher na sinasabi ng ate ko"
Sinabi naman ng mas matured na tignan na lalaki.
"Sa pasukan ay magtuturo ako pero sa kolehiyo, mga college student na kayo diba?"
Tumango sila parehas habang kumakain ng binigay ni Porpeng.
"Sir, itatanim niyo po ba ngayon yan?"
"Oo, bakit mo natanong hijo?"
Nagkatinginan silang dalawa habang tinitignan ang relos nila.
"Tulungan na po namin kayo!"
Sandali, tulungan? Magtatagal pa sila? Edi pano ako lalabas dito? Kaka-kita pa lang nila kay Porpeng kanina pero masyado na ata silang malapit sa kanya? Ayoko magkulong dito sa kwarto, lalabasin ko na sana sila para sabihin na ako na ang tutulong kay Porpeng ng matigil ako ng makaramdam ng isang malakas na ihip ng hangin.
"Nakakunot na naman ang iyong noo, Zamiell"
"Nakakainis kasi yung mga tao sa may sala, hindi ako makalabas dahil sa kanila"
Tumawa si Archangel Gabriel sa aking sinabi habang nilibot ang mata sa kwarto ko tsaka naupo sa isang upuan sa harap ng study table na nilagay ni Porpeng. Hindi naman ako nag-aaral at pwede akong magsulat sa mesa sa labas pero naglagay pa rin siya ng mesa dito.
"Tumutulong lang naman sila sa taong kasama mo"
Sumilip ako sa labas ng bintana, dahil sa hindi ko makita ng maayos dahil naka-harang ang blinds inadjust ko pa ng konti ng makita sila sa may garden, sinigurado ko rin na hindi ako makikita, nakakahiya na nakasilip ako dito ng parang ewan.
"Mabubuti ang kanilang loob, nakakatuwa rin na marunong silang magtanim na hindi na nakikita sa mga kabataan ngayon"
Mula sa pagkakasilip ko sa kanila na ngayon ay abala sa pagtatanim ng binhi ay tumingin ako kay Archangel Gabriel, malungkot ang kanyang mga mata habang nakatingin pa rin kala Porpeng na nasa garden.
"Hindi kita masisisi kung ganyan ang tingin mo sa kanila, lumalala na rin ngayon ang kalikasan. Nung nakaraan lamang ay nalaman ko na mas lumalala ang Deforestation sa mundo"
"Ginagawa nila ito para rin sa kanilang kikitain, nalaman ko na kadalasan ay para ito sa agrikultura"
Tumango naman ako at naupo sa gilid ng kama habang nilabas ang cellphone ko upang ipakita sa kanya ang nabasa kong article tungkol sa deforestation para sa taon na ito.
Inabot ko sa kanya ang cellphone ko pero umiling siya sa akin.
"Basahin mo na lamang sa akin, halintulad sa iyo ay hindi ko inaaral ang teknolohiya"
Tumango ako at binasa ang article na nakita ko, hindi lang din naman tao ang dapat kong tignan sa mundo, pati na rin ang kalikasan dahil ito ang nagbibigay buhay sa mga tao.
"According to the World Bank in the span of 25 years forest shrank by 502,000 square miles. Dahil dun ang mga various species is affected, nawawalan sila ng tirahan at onti-onti nagbabago ang takbo ng ecosystem. There are times na ang mga hayop ay lumalabas sa supposed to be diversity kaya minsan ay napapatay sila ng mga tao o ginagawang pet"
Bumuntong hininga siya sa sinabi ko, nakatanaw pa rin siya sa labas ng bintana habang malalim ang iniisip.
"Kung lahat ng tao ay katulad nila na pinapahalagahan ang kalikasan, kahit paunti-unting mga kabataan ay matulad sa kanila"
"May mga tao na pinapahalagahan ang kalikasan, marami rin akong nakikitang advocacies ukol dito"
Hindi niya ako sinagot, halata sa kanyang mata ang pag-iisip kaya hinayaan ko lamang siya. Tumayo na rin ako upang makita ang ginagawa nila, napabusangot na lang ako dahil hindi ako makalabas ng kwarto.
Madalas na kinatatakutan ng mga tao ang mga anghel na tulad namin, makikita sa bibliya kung paanong sinasabi ng anghel sa tao na wag sila katakutan, nagulat na nga lang ako at sila Porpeng ay naging pamilya ko pa. Baka pag lumabas ako at nakita ako ng mga ito ay makaramdam sila ng takot kaya mas pinili ko na lang dito sa loob.
"Zamiell tingin mo ilang taon na sila?"
"Bakit tinatanong mo pa sakin? Alam ko naman na alam mo ang edad nila"
Tumawa siya sa sinabi ko while I looked at him confused at his question and gestures.
"Mas gusto ko na nagiging kumportable ka na sakin. Sa tingin ko ay nagiging mabuti rin ang lagi nating pag-uusap"
Dahil siya ang messenger ng Ama, lagi ko siyang nakakusap kaya naman mas comfortable na ako ngayon sa kanya. Para ko na lang din kinakausap si Cecilia dahil magkatulad silang matalino, matalinhaga, at pala-ngiti.
"Labingpitong gulang ang isa, ang isa naman ay dalawang taon ang agwat sa iyo. Paano kaya kung sumama ka sa kanila?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, ako? Sasama sa kanila? Paano ako sasama sa kanila? Nakangiti siya sakin na parang may naiisip na idea, I shooked my head because the thought of what he is thinking might be a bad one.
"Mag-aral ka sa paaralan na kanilang pinapasukan, hikayatin mo ang mga kapwa tao nila na gumawa ng ikabubuti ng kanilang kapwa at kalikasan. Kung ating nanaisin na mapalaganap ang kabutihan, nararapat lamang na makihalubiho ka sa kanila"
Umiling muli ako habang tinatawanan niya ako, hinawakan niya ang magkabila kong balikat.
"Asahan ko na ikaw ay susunod sa aking opinyon, bibisitahin ko sa panaginip si Porfirio para mas lalo kang mapapayag"
"No! He's going to make me do it! Kukulitin niya ako hanggang sa um-oo ako!"
Tumatawa siya habang nilabas ang kanyang pakpak at binuksan ng malaki ang bintana ko, kasyang-kasya ang tao sa bintana na ito.
"Kaya nandyan ang pamilya hindi ba? Upang ilagay sa tamang landas ang mahal nila sa buhay, kaya tignan natin ang gagawin ni Porfirio para sayo. Mukha rin magamit mo na ang mesa na ito"
Nakatitig ako sa kanya ng umalis siya, horror is stuck in my face, one thing that I hate is studying and I don't think na hahayaan ni Porpeng na makaalis ang opportunity na ito. I'm sure he would be thrilled, sa pagkakataon na ganito hiniling ko na mas matanda sana ako tignan, hindi mukhang binata or teenager.

Book Comment (46)

  • avatar
    Rodrigo Jr Yandan

    jsjsjs

    26d

      0
  • avatar
    AyeshaAkiko Meñoza

    i love it

    29/07

      0
  • avatar
    ZorrillaLennie

    good

    27/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters