logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Angels Crossed Fate

Angels Crossed Fate

ArissaMei


Chapter 1

Chapter 1
Zamiell
Year 1896
"Are there any patients in your troup sir?"
"Thank you, but there's no need it's already taken care of"
Tumango ako at umalis na pero bago ako umalis sa lugar na iyon ay napatingin ako sa mga British na sundalo habang nagpapakuha ng litrato sa harap ng binomba nilang palasyo ng sultan katabi ang kanyon na kanilang ginamit. Sa aking paglalakad sa mga sira-sirang pamamahay, gusali, at istruktura ay may narinig akong isang tangis ng bata. Agad ko itong dinaluhan ngunit sa huli ay binawian na ito ng buhay, lumapit ang isang doktor sa akin habang napapailing na lamang.
Isa siya sa matatandang doktor na kasama ko rito sa Zanzibar, pagkatapos ng gyera na nagtagal lamang ng 45 minuto ay naupo na ang bagong sultan na siyang sumunod sa ninanais ng Britain. Isa na rito ang pagpapalaya sa mga alipin, ngunit sa kabila ng magandang adhikain nila, halos nasa isang-daan na ang nakikita namin na kung hindi patay ay may mga sugat.
Matanda, bata, babae o lalaki ay hindi nakaligtas, sa isang banda aking nalaman na iisang sundalo lamang ng kabilang panig ang siyang nasugatan. Kung kaya ang mga hospital ay puno ng mga pasyente na mamamayan ng Zanzibar, ilang araw na rin kaming paikot-ikot sa lugar upang makita ang mga naapektuhan. Ngunit hindi na rin sapat an gaming mga kagamitan, swerte na lang namin dahil kami ay nabibigyan ng mga kagamitan na dala ng mga barko ng British.
"Mtoto huyo ni kifo cha 128 kwa siku hii" (That child is the 128 death for this days)
"Majeruhi mangapi?" (How many are the casualties?)
Bilang lang ang mga doktor na marunong mag-ingles katulad ko, kaya naman isa ako sa mga nakikipag-usap sa mga sundalo tuwing kami ay nangangailangan.
"Nadhani ikiwa niko sahihi hesabu ya mwisho ni 307" (I think if I'm correct the last count is 307)
Tumango ako habang sinusulat ang nasabing bilang ng mga napahamak ngayon araw, nais ng mga sundalo na malaman kung gaano na karami ang bilang sa araw-araw, paalis na ako sa aking kinaroroonan ng hawakan ako ng matandang doktor sa balikat, dahilan upang tumingin ako sa kanya.
"Wewe ni mchanga sana kuwa daktari, kuna fursa nyingi kwako ikiwa utaacha mahali hapa. Haupaswi kuogopa kwenda ulimwenguni kote ikiwa unuweza kuzungumza lugha yao. Hakuna hatma kwako kwako hapa." (You're too young to be a doctor, there's a lot of opportunities for you if you left this pla
ce. You shouldn't be scared of going around the world if you can speak their dialect. There's no future for you in this place.)
Tinitigan ko lang siya sumandali, ilang araw pa lang ako sa lugar na ito ngunit may mga tao ng napapalapit sa akin, noong una ay hindi ko ito nagugustuhan, wala akong planong tumigil sa isang lugar upang magtagal ngunit kung kinakailangan katulad nito ay hindi ko maiiwasan.
"Doctor, how many is it?"
Nabaling ang tingin ko sa sundalong tumawag sa akin, tumango ako sa matandang doktor at lumapit sa sundalo.
"There are 307 this day"
"That's many, do you think you could let us know as early as possible the final count"
Lumingon ako sa buong paligid kung bukas nila nanaisin malaman kung gaano karami ang taong napinsala ng digmaan ay mukhang hanggang mdaling araw ay hindi kami matatapos. Napansin ng sundalo ang pagtingin ko sa paligid kung kaya ito ay napabuntong hininga na lamang.
"How foolish of me, war is something I shouldn't underestimate"
"I think it would take few more days to know the final count"
Tumango ito sa akin, bago umalis ay tinignan uli ako nito.
"I know it's disrespectful of me but could we take a picture of the doctors? The British Consul wants to see how this place would take its stand after the war"
"I'll tell my fellow doctors about that"
Tumango ito at ganoon din ako, bumalik na ako sa lugar kung saan namin inilalagay ang mga pasyente. Naghahalong amoy ng dugo, kalawang, at morphine ang sumalubong sa akin, nag-suot ako ng guwantes upang tumulong sa mga kapwa doktor.
"Askari wanataka kuchukua picha yetu" (The soldiers wants to take a picture of us)
Napahinga ng malalim ang mga doktor sa tabi ko, kahit ako ay hindi papayag dahil ayokong mag-iwan ng kahit anon alaala sa isang lugar, ngunit kung sila ay papayag wala akong magagawa kundi sumama. Ngunit sa dami ng pasyente ay mukhang matatagalan pa kami.
"Ikiwa wataenda kutunza wagonjwa, hakika kwa nini?" (If their going to take care of the patients, sure why not?)
Tumawa ang mga kapwa doktor namin ganun din ang ibang mga pasyente na nakarinig, lihim akong napangiti dahil sa gitna ng kaguluhan ay nagagawa pa rin nilang ngumiti at pasayahin ang sarili.
"Wacha tuimalize hii na tu kwenda sanjari na kile wanachotaka. Tunaweza kujivunia kwa vizazi vijavyo." (Let's finish this and just go along with what they want. We could brag it to the future generation)
Nagsi-tanguan ang mga doktor, ng kami ay natapos nag-simula ng mag-ayos ang mga doktor dahil nagkalat ang dugo at dumi sa aming mga damit. Ng matapos kaming mag-ayos at makapagpalit ng damit ay tumungo kami sa lugar kung nasan ang kamera, isa-isa kaming nakatayo at bago kami masilaw sa maliwanag na ilaw ay aking narinig ang isang hiling kung saan ay hindi lamang sila ang humihiling kundi ako rin.
Ng matapos kaming mag-ayos at makapagpalit ng damit ay tumungo kami sa lugar kung nasan ang kamera, isa-isa kaming nakatayo at bago kami masilaw sa maliwanag na ilaw ay aking narinig ang isang hiling kung saan ay hindi lamang sila ang humihiling ...
"Let's pray that this will be the last war we would be in and the end of slavery"
Year 1913
Ang pag-aakala ko na magiging payapa na muli ang mundo ay isang malaking pagkakamali, ang digmaan sa iba't ibang panig ng mundo ay kasulukuyan pa rin nangyayari, aking ipinagsasalamat na lamang na ang mga batang sinilang sa taon na ito ay musmos pa upang sumama sa mangyayaring makamundong digmaan na siyang kinatatakutan ng lahat.
Nasa taon ako kung saan onti-onti ng nag-aaklas ang mga bansa sa isa't isa at malaki ang nagiging epekto nito sa kanilang nasasakupan. Aking hinawakan ng mahigpit ang coat na aking suot habang binabagtas ang magulong daan ng England.
Aking natunghayan kung paano mag-reklamo ang mga manggagawa dahil sa pagliit ng kanilang sahod dahil sa pag-sisimula ng World War I. Sa huli ay hindi sila napagbigyan, umiiyak ang mga magulang na kung saan hindi nila malaman paano nila papakainin ang anak o ang batang dinadala sa kanilang sinapupunan.
"I thought you won't see the film"
Tinignan ko ang lalaking nangungulit sa akin kahapon pa na panoorin ang pelikula na ito.
"This is the first full-length Indian feature film that we shouldn't missed"
"There's a war coming and this is what you wanted to do"
Tumawa siya sa akin habang pinipigilan ang kanyang kamay sa panginginig.
"We're serving the army tomorrow, we would be busy so let's enjoy the remaining time"
Pinapanood ko ang pelikula sa harap ngunit hindi maalis sa akin ang takot na kanyang nararamdaman, isa kami sa mga doktor na sasama sa pag-sisimula ng digmaan at maaring ito na ang huling pagkakataon na makita ang lalaking katabi. Aming nabalitaan na ang unang binobomba ay ang lugar ng mga manggagamot upang hindi na malapatan ng lunas ang mga sugatan na sundalo.
"Aren't you afraid of what we would see tomorrow"
"I've seen a lot of it already"
Tumawa ang lalaking aking katabi kasabay noon ay napatingin samin gawi ang ilang taong nagawa pang panoorin ang pelikula sa gitna ng krisis.
"The way you talk is like you're older than me"
"You never knew"
Tinitigan niya uli ang aming pinapanood, pagkatapos nito ay mag-kasabay kaming naglakad hanggang sa narinig namin ang mga taong nasa gitna ng kalsada na sumisigaw ng tulong sa mga nakatataas. Magkabila ang mga taong kinukuhanan ng litrato ang kaganapan, sinubukan namin umiwas sa dami ng tao ngunit kami ay naipit na lang.
"Let's stay for a moment, this would be the last day we could hear the shouts of the people. The next day gunfire and bombing would surround us"
At katulad ng sinabi niya ay pinagmasdan namin ang mga taong sumisigaw para sa kanilang kinabukasan.
Year 1920
Aking pinagmamasdan ang mga sundalong lumalaban para sa alam nilang tama at hindi dahil sa kanilang pang-sariling ganid. Ilang minuto ay nakarinig kami ng bomba na muling pinakawalan ng kalaban, walang takot na biglang nagpaputok ng baril ang mga sundalo habang aking sinusubukan na gamutin ang pagdudugo ng balikat ng isa pang sundalo.
"You need to get to the camp, I can't do much more here"
Tumango ang sundalo, akin siyang pinasan habang sinusubukan umiwas sa mga putukan ng baril. Wala pang ilang segundo ay nakaramdam ako ng pag-baril malapit sa amin.
"Doctor go ahead! I could manage this, we need you more than I do"
Umiling ako at pinilit na buhatin muli ang sundalo, pero sa pagkakataon nito ay sinigurado ko na makakarating kami sa aming patutunguhan. Sa isang mabilis na galaw ay nakarating na kami sa aming kampo, agad ko siyang inilagay sa isang kama at tinuloy ang aking ginagawa.
"Damn it! We need more supplies!"
Tumingin ako sa paligid, katulad ng doktor na sumigaw ay wala akong makitang gamit. Dumadaan kami sa panahon na kung saan wala ng pondo ang pamahalaan, pera o ginto na magagamit, sumabay pa ito sa dumadagsa na pangdaigdigan digmaan. Dahil dito ay wala akong nagawa kundi gamitin ang mga gamit na natitira pa at maaring makatulong.
"Zamiell, pass me that cloth"
Binato ko ito sa kanya, natawa na lang ang mga kasamahan naming doktor dahil sa aking inasta.
"The youngest of us is the coldest person in here!"
Tumawa ulit sila pero nakatingin lang ako sa aking ginagawa.
"Doctor, thank you for saving me"
"You save more lives than I do"
Tumingin muli sakin ang sundalo at tumango.
"I hope that this would be the last war that I would be in"
Tinignan ko siya habang tinatapos ang aking ginagawa.
"The last soldier I heard that line from must be fighting till he died"
"Alas, I won't like that to happen to me"
Kinagabihan ay binalot ng katahimikan ang paligid, pinakukuluan ko ang mga ginamit namin sa mga sugatan na sundalo sa tagal ng aking pagkakalabi sa mundong ito ay puro digmaan ang aking nasasaksihan. Hindi ko akalain na magiging doktor ako ng ganitong kahabang panahon.
"You're lucky you're not a soldier"
Tumingin ako sa taong nag-salita mula sa aking likuran, inabot nito sa akin ang mga gamit at sinama ko ito sa aking mga pinakukuluan.
"They need doctors too"
Tumango siya habang naupo sa aking tabi at naninigarilyo.
"I always thought that after the first war there would be peace"
"Do war makes peace?"
Bumuga ito ng usok kaya naman tinakpan ko ang aking ilong.
"How would I know, were doctors. We think differently, for us we would save anyone who is needing our help"
Napatitig ako sa tubig na ngayon ay kumukulo na kasama ang dugong nanggaling sa mga gamit. Kung ako ang tatanungin, ang dahas ang hindi magiging sagot upang magkaroon ng kapayapaan. Ngunit kung ang aming mismong panginoon ay dumanas ng karahasan upang mailigtas ang tao sa kanilang kasalanan.
Pero nasasayang ang kaniyang pagsasakripisyo dahil ang mga taong kanya mismong niligtas ang nagdadala ng kapahamakan sa kanilang mga sarili.
"Zamiell, do you think that this war would come into an end?"
Muli akong napalingon sa matandang doktor na aking kasama, aking naalala ang dalawang doktor na madalas din kuma-usap sa akin, ngunit sa huli ay nakita ko kung paano sila nawalan ng buhay at pumunta sa paraiso kung nasan ang Panginoon.
Pareho silang namatay sa digmaan, ako mismo ang sumama sa kanila sa kanilang huling hantungan. Naaala ko pa ang gulat sa kanilang mata kung paano ako nabuhay sa kabila ng pagbobomba sa lugar kung nasan kami.
"Maybe"
"I can't wait for that day, but first I think we need money to live"
Tumayo ito mula sa pagkakaupo habang sinuksok ang dalawang kamay sa kanyang bulsu at inapakan ang upos na sigarilyo nito.
"Funny how war and money could revolve this world"
Tumayo rin ako habang nakatabi sa kanya at tinatanaw ang kalakihan ng lugar na maaring maging huling hantungan na rin ng mga nakakasama ko.
"After this I'm going to make sure I have tons of money"
"Even the government is losing a lot of money, they don't even knew where to get some to support us"
Naglakad siya habang tumatawa, hindi ko akalain na yoon na pala ang huling sandali ko sa lugar na iyon. Tama ang aking hinala na ito na ang kanilang huling hantungan, binomba ang aming lugar, karamihan ay nawalan ng buhay. Aking iniwan ang mga kagamitan habang inaayos ang kanilang bangkay at mag-alay ng isang munting dasal. Isinoot ko ang aking sombrero at sinimulan ng lisanin ang lugar na iyon.
Isinoot ko ang aking sombrero at sinimulan ng lisanin ang lugar na iyon

Book Comment (46)

  • avatar
    Rodrigo Jr Yandan

    jsjsjs

    26d

      0
  • avatar
    AyeshaAkiko Meñoza

    i love it

    29/07

      0
  • avatar
    ZorrillaLennie

    good

    27/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters