logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 4

Laveinna,
"Tulaley ka ata Eina? Anyare? Naging puti na ba ang uwak? Nagpalit na ba nang panty si Lizzette?" dire-diretsong tanong sa akin ni Alecxis.
"May galit ka ba sa'kin Alecx? Foul na 'yun ah!" angil agad ni Lizzette. Muli ay narito nanaman kami sa hallway at papunta kaming soccer field sa may malaking puno para tumambay at doon kakainin ang mga baon naming pagkain. Poorita nga kasi, 'di namin afford ang mga pagkain sa canteen.
"Eto naman hindi na mabiro! Tahan na iiyak ka pa!" Natatawang bulalas muli ni Alecxis.
"Tanan? Anong Tanan?" singit ni Yannie, napangiwi ako. Bingi ba 'to o shungabels na?
"Ay! Ang Yannie 'di nagtutuli, ang sabi ko tahan hindi tanan!" Nang dahil doon ay napatawa kaming apat.
Kapag kasama ko talaga ang mga ito nag-i-iba ang mood ko. Ang saya lang kasing magkaroon ng kaibigang katulad nila. Pranka at hindi plastik. Ganito ang pagkakaibigang nagtatagal. Sana sa darating pang panahon ay manatiling matibay at masaya ang friendship namin.
"Ang damot mo talaga kahit kelan Alecx! Pahingi ako!" Nagmamaktol si Lizzette kasi hindi siya binigyan nang ketsup ni Alecxis kahit kaunti lang. Kaya naman ini-inggit namin siya. Hotdog kasi ang ulam niya kaya lang wala siyang ketsup.
"Heto oh! Zzette iyo na itong akin tapos na akong kumain." Ngumunguya-nguya pa ako habang inilalahad kay Lizzette ang panaklob ng baunan ko na may mga ketsup. Nagkatinginan silang tatlo sabay tingin sa akin.
"Yung totoo Eina? May buwaya ba diyan sa tyan mo? Wala pa nga kami sa kalahati ubos mo na agad?" gulat na gulat na pahayag ni Yannie. Napakamot naman ako nang ulo.
"At talagang simot siya mga bebe, ano ito? Dinilaan?" pang-aasar sa'kin ni Alecxis habang hawak-hawak ang baunan ko na ngayon ay wala nang kalaman-laman.
"Ang bastos mo!" react ko.
"Tss! Dinilaan ng aso, ang berde mo!" dugtong pa ni Yannie sa sinabi ni Alecxis. Natatawang nag-apir pa sila. Kainis pinagka-isahan ako, este kami pala ni Lizzette.
"Wait nga pala bebe Eina, magkakilala ba kayo ni Peter? Napansin ko kasi nagkatinginan kayo nito kanina." Pang-e-echos sa akin ni Lizzette habang nasa hotdog pa rin ang atensyon. Saktong umiinom pa naman ako nang tubig kaya muntik-muntikan na akong mabilaukan.
"Oh! Okay ka lang? Mag dahan-dahan ka nga sa pag-inom, hindi naman mauubos ang tubig no!" puna sa akin ni Alecxis. Hindi talaga nauubusan nang sasabihin ang isang ito.
"M-May pupuntahan lang ako sa Library, diyan na kayo, bye!" Hindi pa man sila nakapagsasalita nang tumakbo na ako papalabas nang soccer feild. Narinig ko pa ang sigaw ni Lizzette na hindi ko pa raw sinasagot ang tanong niya.
Ano namang isasagot ko sa kaniya? Na oo nakilala ko siya sa kanal? Ang baho naman ata kung ganon ang magiging sagot ko. Tapos anong sunod na tanong? Bakit ako nasa kanal? Edi nalaman nila ang kashungahan kong paglalakad habang nagda-drawing? Ayoko 'no! Baka mamaya gawan nila ako nang isyu kay Peter at sabihin nilang crush ko 'yun.
"Ako? Crush si Peter? Maldo Andwae!" (No way) mahinang bulalas ko pagkapasok na pagkapasok ko nang library. Like duh? Ang bilis naman ata non.
Maglalakad na sana ako para kumuha nang libro sa may fairytale section nang may biglang nagsalita sa likod ko.
"Sinong crush?" Pakiramdam ko ay nabato na naman ako sa kinatatayuan nang marinig ko ang boses na iyon. Kung hindi ako nagkakamali, ang boses na iyon ay mula kay Peter Einstein. Wala sana akong balak kausapin siya at maglalakad na lang sana nang bigla ako nitong harangan. OMG! 'Di kaya narinig niya ako? My gosh ang bunganga ko kasing ito non-stop!
"Naaalala mo ba ako, Miss?" Sinong hindi makaka-alala sa isang mahanging katulad mo? Pero thankful ako dahil mukhang wala naman siyang narinig kanina. Iiwasan ko na lang sana ulit siya kaya lang napakakulit niya at patuloy niya lang akong hinaharangan.
"Ano bang kailangan mo? Busy kaya ako!" pagtataray ko. Natawa naman siya na tila ba hindi makapaniwala.
"Don't tell me, you forget about me?" taong niya muli. Ang kulit niya talaga!
"Hindi kita nakakalimutan. Oh! Ano? Happy ka na ba?" I said it sarcastically. Bahagya ko siyang tinulak para maka-daan ako.
Naramdaman ko pa ang kakaibang kuryente nang maglapat ang mga balat namin pero sa ngayon ay binalewala ko muna iyon. Nagtungo ako sa pinakadulo ng Fairytale section kung saan doon ko itinago ang librong 'Hey Horizon' na isa muli sa mga akda ni Ten.
Inilapag ko iyon sa lamesa at walang pakialam na nagbasa. Burado na ang isang ito sa bawat writing platform na sinusulatan niya at napakamahal din ng librong ito. Nakita ko lamang ito rito sa library kaya tinago ko na. Nung una nga ay nagtataka ako kung bakit meron nito rito at doon ko na lang naalalang historical fiction ang isang ito kaya siguro nandito ito sa library.
"Hey Horizon," Narinig kong basa nitong mahanging ito. Aba't akalain mong nandito pa rin siya kahit na tinaray-tarayan ko na siya kanina. "Hindi ba 'yan yung Historical Fiction ni Ten na may Erotica sa bandang gitna?" Doon ako napalingon sa kaniya. OMG! 'Di nga? May erotica ito sa bandang gitna? Teka nga lang.
"Ang spoiler mo!" giit ko.
"Biro lang." Nag-awang ang labi ko.
"So, biro lang na may erotica rito?" tanong ko, umaasa akong sana oo kasi medyo pa-inosente ako kahit na may mga nababasa na rin akong ganoon.
"Hindi 'no! Ang ibig kong sabihin biro lang na sa gitna dahil nasa panghuli yon!" Inis na naisarado ko ang libro.
"Pang-asar ka ano!" Hindi ako nagtatanong nagsasalaysay ako.
"Kaunti lang!"
"Lumayas ka na nga lang dito! Panggulo ka lang!"
"Quiet!" Nagulat ako nang marinig ko ang malakas na sigaw ng librarian.
"Ang ingay mo kasi!" sisi pa sa'kin ng hambog na ito.
"Anong ako, ikaw kaya!" pabulong kong bulyaw sa kaniya. Kaya lang itong taong ito tinawanan pa ako. Ano sa tingin niya? Nag-jo-joke ba ako? Ka-imbyerna!
"Alam mo bang ang kwentong iyan ay hango sa totoong buhay?" seryosong saad niya kaya nilingon ko siya. Pakiramdam ko ay minsan lang mag seryoso ang isang ito, palagi lang kasi siyang nakangiti na tila ba walang kaproble-problema sa buhay "Iyang kwentong 'Hey Horizon' ay hango sa totoong buhay, kwento iyan ng buhay sa panahon ng Espanyol. I think mga 18th century sa tantya ko at sa pagkakatanda ko. Buhay iyan nang isang dalagang tsinay na alalay sa isang hacienda at isang Senior na may-ari ng Hacienda. Kumbaga parang langit at lupa sila." Ewan ko at parang mas interesado pang pakinggan siya kesa ang basahin ito. Naaliw talaga ako sa boses niya. Para bang dinadala ka kung saan mang dimensyon.
"Anong nangyari sa huli?" Wala sa sariling tanong ko. Naku-curious talaga kasi ako kung anong nangyari sa pag-iibigan ni Geneva Cartello at Senor Manuel Ignacio.
"Nagkatuluyan sila at nagkaroon ng anak!" nakangiting bulalas ni Peter pero maya-maya ay naging seryoso ito, "Pero kalaunan ay namatay sila pareho dahil hindi matanggap nang ama ni Senor Manuel na ipinagpalit siya nang anak sa isang mahirap na intsik kaya pinapatay niya ang pamilya ng anak at ang kaniya mismong anak."
Para akong sinaksak sa nalaman ko. Hindi lang sakit dahil sa nalaman kong mamamatay rin ang dalawang karakter kundi sakit sa hindi malamang dahilan.
"At naiwang mag-isa ang anak nila."
Nang sabihin niya ang katagang iyon ay nakatingin siya sa akin. Naramdaman ko ang paglalim nang aking paghinga,  masama na ito. Nadadala nanaman ako sa nobelang binabasa ko.
"M-May book two ba ito?" Kinakabahan talaga ako sa hindi ko malamang dahilan.
"Maaari?" seryosong saad niya na tila ba may ibang kahulugan.
"Maaaring meron, maaaring wala. Paano ko masasabi, bakit ako ba si Ten? Hindi naman diba?" Biglang bumalik lahat nang inis ko sa isang ito nang dahil sa pagtawa niya. Kainis talaga! Kakainis!
Bakit nga ba nagpa-pa-spoil ako sa isang ito? At bakit ko rin ba kinakausap ang isang mahanging tulad niya? Peste siya! Pang-asar, kahit kailan.
"Wala kang kwenta lumayas kana nga! Kainis ka!" hiyaw ko sa inis.
"Hoy! Kayong dalawa diyan sa fairytales Section, get out!" malakas na hiyaw nang librarian. Agad tuloy kaming napatayo at lumabas na nang library. Kasalanan itong lahat nang Peter Einstein na 'yun! Tsk!
~•~
"Ano ba ate, maawa ka naman sa pan cake oh!" rinig kong reklamo ni Lairre. Kaya naman nagbalik ako sa katinuan at doon ko na lang nalamang mino-murder ko na pala ang pan cake na nilutong meryenda sa amin ni Nanay.
Narito kami sa bayan sa maliit na karinderya ni Nanay. Dito kami dumiretso paglabas naming dalawa kaninang alas dos. Upang tumulong sana kaya lang ang sabi ni Nanay mag-meryenda raw muna kami.
Kaya naman, ito at kumakain kami, 'yun nga lang, iba ang trip kong gawin ngayon. Kung hindi kasalanan ang pagpatay nang tao, pinatay ko na 'yung Peter na 'yon. Kaya lang kasalanan 'yon kaya naman ito at sa utak ko na lamang siya mino-murder. Subalit hindi ko inakalang madadamay ang kawawang pan cake. Geez! Kasalanan ni Peter ito! Lahat kasalanan niya! Kasalanan niya rin kung bakit na-tegi ang pan cake. Ibuburol ko na ba ito?
"Ano bang sinasabi mo diyan ate? Ibuburol mo ang pan cake? Nasisiraan ka na ba?" Nanlaki ang mata ko sa gulat. Hindi ko inakalang nasabi ko pala iyon nang malakas, ang akala ko ay sa isip ko lang iyon nasabi.
Omygosh! Ang bobo ko talaga paminsan-minsan. Oo!Paminsan-minsan lang, matalino kaya ako!
"What I mean is, 'yung langgam ang ibuburol ko, este kailan ibuburol si Mang Pedring?" pandalasdasan kong pagdadahilan. Nakita ko kung paano mag-awang ang labi niya habang nakatingin sa akin. 'Yung tingin bang parang isa akong alien mula sa ibang planeta.
"Ate ano bang nangyayari sa'yo. Si Mang Pedring na kapitbahay natin ibuburol? Buhay pa naman 'yun ah!" Padabog siyang tumayo mula sa pagkakaupo "Baliw ka na ate nakakatakot ka!" Gimbal na iniwan niya ako. OMO! Buhay pa pala si Mang Pedring? Ay grabe ako, parang sa statement ko kanina sinasabi kong gusto ko na siyang ma-tegi. Agad akong napa-sign of the cross at ipinalangin ang aking kalapastanganan.
Nakakatakot na nga ako. Kasalanan itong lahat ng Peter na 'yun e.
"Oh! Enang, tapos ka na ba diyan?" Biglang sulpot ni Nanay kaya agad akong napatayo.
"Ay! Opo Nay, tapos na po ako. May maitutulong po ba ako?" tanong ko para naman ma-enlighten ang mood ko at mawala sa isip ang balahurang Peter Einstein na 'yon.
"Oo meron, paki-kuha 'yung order nang lalaking 'yon. Suki natin 'yon kaya umayos ka Enang ha!" paalala sa'kin ni Nanay. Mukhang naalala niya ang ginawa kong paghampas ng tray sa lalaking costumer niya noon. Paano kasi, manyakis kaya nahampas ko. Muntikan pa ngang magka-Barangay-an, buti na lang at nadaan sa madaling usapan.
Napalingon ako sa lalaking tinutukoy ni Nanay. Isang lalaking naka-jacket kahit na tag-init ngayon, may dala siyang laptop at seryosong nagta-type. Nakatalikod siya sa direksyon ko pero sa wari ko ay hindi naman ito katandaan. Hindi naman siya mukhang manyakis kaya naman agad ko nang inayos ang damit ko tsaka kinuha ang ballpen at ¼ na sinusulatan ni Nanay.
"Ako na pong bahala 'nay!" masayang tugon ko tsaka lumapit sa lalaki. Busy siya sa pagta-type nang kung ano sa laptop niya kaya hindi na niya naramdaman ang presensya nang paglapit ko. "Sir, ano pong order niyo?" magiliw na saad ko.
"Ah! Isang pansit na lang," walang lingon na anas niya. Akmang isusulat ko na ang sinabi nito nang matinigan ko ang boses niya. Teka? Ano ba 'yun, parang tetano ata sa tainga 'yun ah. "At tsaka pakidagdagan ng—" Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil mukhang natinigan niya rin ako. Bigla siyang humarap sa akin na talagang ikinalaki nang mata ko.
"Ikaw!" sabay naming sigaw. Oo, siya nga! Siya nga si Peter Einstein! Pati rito ba naman?

Book Comment (57)

  • avatar
    Fhem De Castro

    Ayie this is a story for all ages. a history lesson in contemporary love romance. Beautiful, strong. I love how the plotline and the resolution go. it was so kilig and romantic.🥰🥰🥰Good job author💯💜💚

    29/05/2022

      1
  • avatar
    CastañedaGirly

    ganda sobra ❤❤❤

    11d

      0
  • avatar
    Paculanangjen

    must read . good novel

    23d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters