logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 3

Laveinna,
"Para po!" medyo pasigaw na bulalas ko kay Manong Jeepney driver. Kaya lang medyo bingi ata si Kuya at ini-snob lang ang beauty ko. Hindi siya tumigil kahit pumara na ako. Mabuti na lang at mabait yung isang Ale at ipinara niya ako kay Manong bingi. Nagpasalamat ako sa Ale bago bumaba. Papasok na ako ngayon dahil pinayagan na ako ni Nanay . Hindi ko naman kasabay ngayon si Lairre,  nauna na siya kanina pa at ang dahilan niya ay cleaners daw siya. As if hindi ko alam na nasa computer shop ang isang 'yun sa mga oras na ito at naglalaro.
Agad naman akong pinapasok nang guard. Isin-wipe ko muna ang ID ko bago ako makapasok. Isang prestigious school ang eskwelahang ito kaya naman ganon na lamang ang higpit nang security dito, kung wala kang ID, hindi ka makakapasok. Ang totoo, scholar lang naman ako rito ni Gov. Hernandez. Ini-apply kasi ako ni Papa noong nag Grade-9 ako dahil matataas naman daw ang marka ko. Kaya ngayong Senior High ay hindi na mahirap. May college rin kasi rito at laking pasasalamat ko kasi libre na ang pagpasok ko sa college bukod syempre sa mga ibang ambagan at projects.
Habang naglalakad sa hallway ay marami akong mga nakakasalubong hanggang sa makarinig ako nang isang matinis na boses na talagang ginigimbal ang buong hallway.
"Laveinna Encarnacion Ricarte!"
Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay agad akong napaurong at tumalikod. Maliwanag na nag-iba ako nang direksyon para hindi makasalubong ang kahiya-hiyang babaeng kaibigan ko.
Siya lang naman si Alecxis Rae Muntalban Caingcoy, ang babaeng pinanganak na ata para ikahiya nang mundo. Geez! Bakit ba kasi ang lakas lakas nang boses niya? Nakalunok ba ang isang ito ng microphone o ano? At tsaka bakit ba kailangan pang isigaw ang buong pangalan ko? Kainis naman!
"Ay! Ano ba 'yan ini-snob ako? Famous ang ate niyo!" Narinig ko pang sabi niya, doon na ako tuluyang napatigil. Naku! Kung hindi lang ako mabait ay talaga namang hindi ko siya papansinin. Nakangiti ko siyang hinarap at binuka ko pa ang kamay ko nang malapad sa kawalan.
"Baby B, hello!" masaya kong anas. Nakita ko naman ang pagkislap ng mata niya bago tumakbo papalapit sa akin.
Ayun siya at may new hair style na naman dala ang bagpack niyang Jansport. Mala-dora kasi ang isang ito kahit malimit niyang igiit na isa siyang gangster. Subalit, ang akala kong pagyakap niya sa akin ay naging isang malakas na batok. "Aray! Masakit 'yon ah!" angil ko. Baliw na siguro kami kasi rito pa namin napiling magrambulan. Napakasadista kasi ng isang ito. "Bakit ba namamatok ka? Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita sa halos 2 months na vacation!" nakangusong reklamo ko. Hinimas-himas ko pa ang sariling ulo.
"Boba ka kasi! Baby, pinahiya mo ako, grand entrance na nga 'yung pagsigaw ko tapos pa-famous ka pa at ini-snob mo ako! You want some?" sabay lahad niya nang kamao niya na parang anytime mag-ta-transform siya into a warfreak. Kaya naman nginitian ko na lang siya, 'yung mapangbolang ngiti. Ganito talaga kami nitong si Alecxis, medyo baliw na may pagka-abnormal, ganon ang status.
Magsasalita na sana ako nang biglang may isang bastos na dumaan sa gitna namin.
"Agang-aga, bumabatak kayong dalawa diyan, itigil niyo 'yan, mahirap na baka ma-rade tayo rito ipina-a-alala ko lang, hallway ito." Nagkatinginan kami ni Alecxis at sabay napasigaw.
"Yanniebabes!" Nagtatakbo kami na parang baliw sabay habol sa babaeng may dalang ilang libro habang mabagal na naglalakad sa hallway.
Siya naman si Yannievelle Fernandez, ang nag-iisang matino sa aming magkakaibigan. Inakbayan ko siya habang si Alecxis ay kumapit sa braso niya.
"I miss you Yanniebabes!" hirit ko kaagad.
"Yann, miss you so much!" Mangiyak ngiyak na bulalas ni Alecxis. Nababanas na napatigil si Yannie sa paglalakad at nginiwian kami. Matapos ay walang habas na itinulak papalayo sa kaniya.
"Grabe kayong dalawa! Alam kong dyosa ako pero hindi ko inaakalang pati kayo matitibo na sa kagandahan ko?" Agad kaming muling nagkatinginan ni Alecxis. Ngumiwi ako at umiling. Siya naman ay napangisi. With that, nagkaintindihan na kami.
"Tara na Alecxis, may masamang hangin dito," saad ko.
"Oo nga, tara na." Pagsakay niya sa trip ko. Nagsimula na kaming maglakad paalis nang marinig namin ang pagta-tantrums ng lukaret.
"Grabe kayo sa'kin! Oo na, miss ko na rin kayo!" Napatigil kami at patakbong bumalik. Walang ano-ano'y nag-group hug kami habang patalon-talong umiikot. Miss na miss ko na rin ang mga baliw na 'to. Pero parang may kulang. Akala ko ba kami ang Fantastic Four?
"Ang dadaya hindi nang-sa-sama!" Doon kami napatigil at napalingon sa likod namin. Nakita namin si Lizzette Ann Bien, ang kaibigan kong naka-jacket kahit tag-init pa. Nang makalapit siya ay agad niya kaming sinunggaban nang yakap.
"Group hug!" sigaw naming lahat kahit na nasa hallway kami. Muli ay nagtatalon-talon kami subalit dahil dakilang clumsy si Zzette hindi niya namalayang may teacher pala sa likod niya kaya naatrasan niya iyon.
"Sorry po, Ma'am! Sorry po!" mangiyak ngiyak na paumanhin niya. Pigil ang tawang napaiwas naman kami nang tingin.
"Mga kabataan talaga." Matapos sabihin ang katagang 'yun ay naglakad  na paalis ang guro. Grabe siya, maka-eksena lang 'no? Sige i-push 'yan.
Napatawa na lang kami nang makita ang nakasimangot na hitsura ni Lizzette.
"Sige ganiyan kayo, lagi niyo akong pinagkakaisahan!"
Natahimik kaming lahat sa sinabi niya hanggang sa basagin ko ito nang mapangbara kong salita.
"Ay! Shunga, ngayon mo lang na-notice?" Nginisian ko pa siya, matapos 'yon ay tumakbo na ako, alam ko kasing hahabulin na ako ni Lizzette. Sa loob ng apat na taon ko sa Junior High sa mga ganitong kasiyahan lamang umiikot ang buhay ko.
Test lang ang iniiyakan at pagkain lang ang pinoproblema ko. Kami kasi 'yung samahan ng mga pooritang tao sa school na ito. Pero hindi ko akalain na magiging kakaiba pala ang taong ito.
Matapos ang eksenang iyon ay nagtungo na kami sa classroom at doon nag-ingay nang nag-ingay habang parang kandidata sa pagka-pangulo na nakikipagkilala isa-isa sa mga bagong classmate. Bukod sa kami 'yung tropang poorita nasabi ko na rin bang kami rin yung tropa na feeling close? Kung hindi, at least ngayon nasabi ko na.
"Okay class be seated! You're not a Junior High School, my gosh! Take a seat! Mr. Gomez take your seat!" Para tuloy kaming mga uod na nagbalikwasan nang upo sa biglaang pagdating ng Teacher. Siya yata ang adviser namin. I'm taking the strand Humanities and Social Science.
"Bebe, nga pala bakit wala ka kahapon first day ah?" Biglaang tanong sa'kin ni Zzette. Nakatingin lang siya sa board para hindi mahalatang nag-uusap kami. Para-paraan!
"Inatake na naman ako." Kapag ganito ang sagot ko alam na nila kung ano iyon. Halos apat na taon na rin kaming magkakasama at kilala na rin namin ang isa't-isa. Kaya naman kilalang kilala na rin nila ako.
"Ano ba yan! Hindi na ba naalis 'yan? Ang creepy na niyan ah! Mamaya niyan kung ano na pala 'yan hindi namin mamalayan mangisay ka na lang diyan!" sabat naman ni Alecxis na pakunwaring nag-iinat, nasa unahan ko kasi siya.
"Baliw! Anong sinasabi mo riyan? Na baka may sanib na ako?"
"Anong malay namin," sabay pa nilang anas. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko at nahawakan ko ang note book tsaka naibatok sa kanilang dalawa. Napalingon samin si Yannie na katabi ni Alecxis.
"Oh! Anyari?"
"Nakabatak nanaman ang dalawang 'yan. Nakakatakot sila kung ano-anong pinagsasasabi." pabulong kong hiyaw. Natawa na lang siya at nasabing 'Hindi ka na nasanay.'
"Good morning! Before we proceed to our first lesson in this semester, let me introduce your new classmate. He's from Austin Academy in Spain and a transferee here in Southern Academy for good, Mr. Peter Einstein, come in!" pahayag nang guro. Sabi ni Lizzette, Cristine Mercado raw ang name nito. Adviser at teacher namin sa subject na politics, medyo strict daw at masungit. Nung tanungin ko naman kung papaano niya nasabi ang sagot niya sa akin, napagalitan daw kasi siya kahapon kasi may pa earphone pa raw kasi siya sa klase. Napa-face palm na lang ako. Wala talaga akong makukuhang matinong sagot sa kaniya. Medyo loka-loka kasi paanong hindi siya mapapagalitan nun, boba talaga. Tsk! Tsk! Tsk!
Ngunit sa pagbukas nang pinto ng classroom namin ay napatigil ako sa malalimang pag-iisip. Bumulaga sa akin ang mukha nang lalaki kahapon sa kanal. OMO! Anong ginagawa nang mahanging iyan dito?
"Hello! I'm Peter Einstein, nice to meet you."
Kagaya nang palagi niyang ginagawa ay ngumiti siya nang malawak.
At kagaya rin lang ng kahapon ay dumagundong nanaman ang puso ko sa hindi malamang dahilan.
Hindi ko maintindihan kung totoo ba ang nakikita ko. Hindi na nagpasikot-sikot pa ang mata niya sa buong silid at agad itong dumiretso sa akin, na para bang nahihinuha na niya kung nasaan ako. Titig na titig lang siya sa akin at ganon din naman ako sa kaniya.
Naramdaman kong sinisiko na ako ni Lizzette at napapatingin na sa akin ang buong klase. Marahil ay napapansin din nila kung paano kami magtitigan nitong alaki. Kahit ako ay hindi ko malaman kung bakit wala akong lakas na ilihis ang paningin ko sa kaniya. Ang mga mata niyang pamilyar na para bang dinadala ako sa isang mundong hindi ko alam. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya na para bang isa iyong hidden object na hindi malaman kung saan makikita.
Sa puntong 'yun ay bahagya siyang natawa. Tsaka niya ako inilingan. Doon na lang ako nagbalik sa huwisyo. Naalala kong iniwan at sinigawan ko nga pala siya kahapon sa may kanal. What I've done? Seriously, he's my classmate? From Spain eh galing kanal 'yan kahapon diba? Yung lalaking mukhang magsasaka sa kanal kahapon ay ka-klase ko? Oh my gosh!
"You may now take your seat Mr. Einstein." Ganoon nga ang ginawa ni Peter, humanap siya nang bakanteng upuan at doon siya naupo sa may bandang dulo katabi ng bintana. Maayos naman ang flow ng lesson ni Mrs. Mercado, sadyang ang wala lang talaga sa ayos ay ako mismo at ang puso ko.
Ang weird nga kasi, simula nang dumating si Peter ay hindi na nawala ang kabang nararamdaman ko. Kaya naman ang ending wala akong naintindihan sa klase, para akong nabaliw bigla.

Book Comment (57)

  • avatar
    Fhem De Castro

    Ayie this is a story for all ages. a history lesson in contemporary love romance. Beautiful, strong. I love how the plotline and the resolution go. it was so kilig and romantic.🥰🥰🥰Good job author💯💜💚

    29/05/2022

      1
  • avatar
    CastañedaGirly

    ganda sobra ❤❤❤

    11d

      0
  • avatar
    Paculanangjen

    must read . good novel

    23d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters