logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 2

Laveinna,
Nang mga oras na iyon ay nagdesisyon na lang akong lumabas  ng bahay para magliwaliw. Nagtungo ako sa Park 'di kalayuan sa bahay namin. Dito ako malimit magpalipas nang oras kahit noong bata pa ako. Sa lawak ng San Ignacio, ito sa lahat ang paborito ko. Katabi lang kasi ng park na ito ang Lake of Happiness.
Sabi ni Tatay nung panahon daw ng Amerikano pinangalanan ang lawang ito. Pero giit naman ni Nanay ay noong panahon daw ng Hapon. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko sa kanila, pero 'di bale na lang kasi kahit kailan pa man pinangalanan ang lawang ito para sa akin ay isa itong napakagandang likas na yaman.
Naglabas ako ng sketchpad at ng lapis. Tsaka ako umupo sa tabi ng matandang puno at iginuhit ang lawa. Ngunit bago 'yun ay isinalpak ko muna sa tainga ko ang earphone ko, nag-sound trip ako habang nagda-drawing.
Hilig ko na talaga ang pag-guhit simula nung bata pa ako. Naalala kong una kong naiguhit noon ay ang mga magulang ko at katuwa tuwang hawig na hawig talaga nila iyon. Naalala kong ipina-frame pa iyon ni Tatay dahil talagang natutuwa raw siya sa akin.
Ilang oras din ang tinagal ng pagda-drawing ko at halos limang tanawin na ang naiguhit ko mula sa aking posisyon dito. Ilang saglit pa ay nakaramdam ako nang gutom. Kaya naman nagpasya akong umuwi na.. Sana!
Kaya lang kasi habang naglalakad ako sa gilid ng daan pabalik sa bahay ay hindi ko namalayang may bukas na manhole pala sa nilalakaran ko, and the next thing happen.
Nahulog lang naman ako. Great! Just great!
"Waaa!" impit na irit ko nang mahulog at lumagapak ang pwet ko sa lupa rito sa loob ng manhole. Gosh! Ang malas ko! Paniguradong kung may nakakita sa akin ay na-video-han na ang kashungahan ko. 'Yung tipong may background pang Coffin Song. Geez! Can't imagine.
Buti na lang at ipinagpapasalamat kong walang laman ang kanal na ito dahil kung hindi na-tegi na talaga ako. Bakit ko ba kasi naisipang mag-drawing habang naglalakad.
"Kakainis naman!" Nagpapadyak pa ako sa inis nang makatayo ako. Tsaka masama akong tumingin sa itaas kung saan ako nahulog. "Paano ako nito makakaakyat!" hiyaw ko at nagsimula na akong mag-tantrums. "Tulungan niyo ako! May tao ba riyan? Nahulog po ako! Yohooo!"
Actually hindi naman ganon kataas ang nabagsakan ko. Mga 8 feet lang iyon pero hindi ako maka-akyat, medyo maliit lang kasi ako. Medyo lang naman.
H'wag nang kwestyunin nangangagat ako!
"Tulungan niyo po ako!" Nakagat ko ang labi ko nang maamoy ko ang masangsang na amoy rito. Pero keri pa naman kasi mukhang lumang kanal na ang isang ito. Syete lang kasi nagugutom na talaga ako.
Subalit biglang umurong ang gutom na 'yon nang makarinig ako nang kaluskos. OMG! Hindi kaya may ahas dito? Shems! I need help!
"Tulong! Nahulog po ako walang sumalo, tulong!" Naghihisterikal na hiyaw ko. H'wag naman sanang ito na ang huling araw ko. Kasi ang pangit lang nun wala pa akong lovelife matetegi na agad ako, nakakaloka naman ata 'yon.
Napapadyak na ako ng paa nang mas lumakas pa ang pagkaluskos. OMG! Hindi na ako nagbibiro, natatakot na talaga ako.
"God! Pramis magpapakabait na talaga ako, tulungan niyo lang po ako. Omg! Tulong!"
Tinawag ko na ata kanina pa ang lahat ng pangalan ng mga Santo at Santa para mahingian ko nang tulong kaya lang wala ring nangyari. Anong gagawin ko?
Ti-nry ko na ring mag-ala-spider man at kumapit na ako sa pader kahit na medyo may kalagkitan, para lang maka-akyat, pero wala ring nangyari. Akmang uulitin kong kumapit sa pader nang may biglang nagsalita.
"Medyo tanga ka kung iisipin mong makakaakyat ka riyan."
Natigilan ako nang marinig ko ang boses niya. Hindi ko malaman sa sarili ko kung tuluyan na ba akong nahibang o ano. Bakit ganoon pinakabog ng pamilyar na boses na 'yun ang puso ko, hindi dahil sa takot kundi dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi na ba ako normal kung sasabihin kong nakararamdam ako nang galak dahil sa narinig ko ang boses niya na para bang kay tagal ko nang kilala?
Nang magkaroon ako nang lakas ng loob ay agad ko siyang hinarap. Doon bumungad sa akin ang isang napaka-gwapong lalaki. Nasa mga 18 years old ang mukha niya. Matangos ang ilong na para bang eksperto ang humulma nang kanyang mukha dahil napaka-perpekto niyon. Maputi sya at napaka-kinis ng balat niya. Nakasuot siya nang isang medyo dark white na longsleeve at nakashort siya na lampas tuhod habang naka-sumbrero, 'yon bang parang sa mga magsasaka. Pero may dala siyang medyo may kalakihang bag pack. Anong ginagawa nang isang gwapong nilalang sa isang lumang kanal na ito?
Nagulat ako nang tanggalin niya ang sombrero niya at ipatong iyon sa kaniyang dibdib. Nagbibigay galang? At talagang nahibang ako nang tumawa na siya habang nakatingin sa akin. Napaawang ang labi ko nang makita ang pantay-pantay at nagpuputian niyang mga ngipin. 'Yung feeling modelo ng tooth paste! Para bang may itinurok na anti-tinga para lagi lang maputi. My gosh!
"Miss naglalaway ka." Doon ko lang na-realize na naglalaway na nga ako. OMG! Nakakahiya!
Agad kong pinahiran ang labi ko dahil sa kahihiyan. Pero natigil na lang ako nang dahan-dahan siyang lumapit habang seryosong nakikipag eye-contact sa akin. Sa puntong iyon doon ko naramdaman ang kakaibang kirot sa puso ko. Hindi pangkaraniwan kasi mas masakit kesa kanina pero may halong saya. Sa bawat paghakbang na ginagawa niya ay siyang paglakas din nang kabog sa puso ko. Ramdam ko ang biglaang pagpasok ng hangin sa loob dito na talagang pati buhok ko ay tinatangay. Ibig lang sabihin nito ay may daan palabas pero wala iyon sa isip ko sa puntong ito.
Nilalamon ng malalim na tingin ng lalaking ito ang sistema ko. Ang pamilyar niyang mata na para bang nakita ko na ay siyang aking ina-alala. Wala akong maisip kung saan ko iyon nakita pero para talagang pamilyar siya.
Kasabay niyon ang pagalingawngaw ng awiting Sayo by Silent Sanctuary sa paligid at dahil iyon sa pabagsak ng cellphone ko at pagkahugot ng earphone mula roon. Tuluyan siyang nakalapit sa akin at sa hindi ko malamang dahilan ay napangiti ako.
"Ang pangit mo." Nakangiting sabi niya.
"Excuse me?" Nakangiti lang din ako, ewan ko ba, hindi ako inaatake ng kaartehan ngayon. Para bang napakaganda ng araw ko at para bang ang usapang ito ay nangyari na at muling naulit muli.
"H'wag kang ngumiti hindi kabagay-bagay."
"H'wag ka ring ngumiti, nakakawalang gana."
"Ano! Nakakawalang gana? Sa gwapo kong ito?" Tumaas-taas na ang kilay niya sa puntong 'yun pero nakangiti pa rin siya. Iyon bang feeling na hindi nangangawit ang panga niya kakangiti.
"Saan banda? Hindi ko makita." Tuluyan na akong natawa. Nag-a-asaran kami pero nakangiti lang sa isa't- isa. Ang weirdo lang.
"Ito oh!" sabay pa-pogi sign niya. Napailing naman ako at nagkunwaring nagmamaldita.
"Huwag mo nga akong kausapin, close ba tayo ha?" Sa puntong iyon ay natahimik kami, tipong may hinihintay kami pareho na may mangyayari. Teka nga, ano bang pinagagagawa ko?
"Hoy! Ikaw bakit ka nandito?"hiyaw ko bigla nang ma-realize kong parang shunga lang iyong pag-uusap namin. First of all hindi ko naman siya kilala.
"Dito ang bahay ko." Nakangiti niyang sagot pero hindi katulad ng kanina ang ngiti niya ngayon, may halong lungkot na ito. Hanudaw?
"Lah? Adik ka ba kuya? Teka, 'di kaya wrong turn ka? OMO! May cannibal sa San Ignacio?!" bahagya akong napaatras sa takot, malay mo bigla na lang akong sunggaban.
"Hibang ka!" Natawa siya na siyang tuluyang ikinanguso ko naman. Kainis ang isang ito. Bakit ba kasi ang gwapo niya? Este, bakit ba kasi feeling close siya?
"Ano kamo? Bakit? S-Sino ka ba?" tanong ko sa inis. Ewan, ngayon lang ako tinopak ng inis. Nginitian niya lang ako.
"Magandang tanong iyan pero pasensya na, I don't give my name to stranger like you." Nanlaki ang mata ko sa isinagot niya sa akin. Lalo na nang ngumisi pa siya. Ngayon ko nalaman kung saan nanggaling ang hangin kanina. Palagay ko ay dala- dala ng hambog na ito ang hangin. Kaimbyerna! Gwapo nga, mahangin naman, wala rin.
"Ako pa ang sinabihan mo nang ganyan ah! Ikaw nga itong feeling close kanina, iba ka rin ano?" Badtrip na talaga ang isang ito. Tapos 'yung feeling na badtrip ka na nga ngingitian ka pa nakakahibang na talaga.
Nagulat ako nang bigla siyang umupo at ibinaba ang bag niya.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko.
"Pumasan ka sa akin iaangat kita, Miss."
Ewan ko ba kung natural lang siyang masayahin o nang-a-asar na talaga siya. Kanina pa siya ngiti nang ngiti, 'yung totoo?
"Wag na lang oy!"
"Okay, choice mo 'yan. So, ano iiwan na ba kita?"
"Ang sama mo!" giit ko. Sino bang gentleman na lalaki ang iiwanan ang isang babae sa kanal?
"At ang OA mo naman. Tss! Pumasan ka na kasi para tapos na ang problema, may pasok pa ako at late na late na ako." Masaya pa rin ang boses niya. Ang weirdo niya talaga. Wala akong nagawa kundi ang pumasan sa kaniya. Nang makaakyat ay tumakbo na ako palayo at nag-iwan lang ng katagang.
"Salamat Mr. Weirdo! Sana hindi na ulit tayo magkitang mahangin ka!"
Ewan ba at nabadtrip talaga ako sa kaniya pero hindi ko maipagkakailang sa puntong 'yun ay nahulog agad ako. Kagaya nang pagkahulog ko sa manhole na 'yon nang hindi ko inaasahan ay nagkagusto ako sa taong unang beses ko lang nakita. Ito ba ang tinatawag na love at first sight? Pero hindi pwede 'yon.
Erase! Erase! Erase!

Book Comment (57)

  • avatar
    Fhem De Castro

    Ayie this is a story for all ages. a history lesson in contemporary love romance. Beautiful, strong. I love how the plotline and the resolution go. it was so kilig and romantic.🥰🥰🥰Good job author💯💜💚

    29/05/2022

      1
  • avatar
    CastañedaGirly

    ganda sobra ❤❤❤

    12d

      0
  • avatar
    Paculanangjen

    must read . good novel

    24d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters