logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Missing Piece

Missing Piece

sweetnessofmarie


PROLOGUE

Chapter 1
“Cry”
Nasa beach ako ngayon kasama si Mama at Papa. Tirik na tirik ang araw kaya halos bawat sandali akong pinapahiran ni Mama ng sunblock lotion. At ngayon naman ay si Papa naman ang nilalagyan niya. Papa tried to keep up his cool, but he ended up laughing because Mama was intentionally tickling him. I smiled.
They’re both genuinely happy at this moment and I loved that. Minsan lang kasi kaming makapagbonding tatlo, lalo na’t palaging tambak ang workloads nilang dalawa sa kompanya namin. Masyado kasi silang hands-on sa mga business na pinapaktakbo nila.
Today is Papa’s birthday. Kung hindi dahil sa halos isang buwan kong pamimilit sa kanilang dalawa ni Mama bago pa man ang birthday niya ay hindi kami paparito. Muntik na nga silang magalit sa akin pero alam ko naming malakas talaga ako sa kanila kaya hinid nila nagawa iyon. Papa would just simply prefer a dinner with us, his family. It is what we used to, every year. It’s not that I somehow disliked that, it’s just I wanted it to be more memorable.
Kakaunti lamang ang mga memorable moments naming magpapamilya. When I graduated in Elementary with honors and I was able to celebrate it with them. Mama finally established her childhood dream to be a doctor because her parents forced her to enter the business industry. And when Papa successfully closed a deal with an investor that led our company to its highest peak. At nagsunod-sunod na ang lahat. After a year, our company became one of the most powerful one in the country.
All that we have now, are on the hands of my dedicated and hardworking parents.
Kaya labis-labis na saya ang nararamdaman ko ngayon.
This is just a public beach and not a private one. Naisip ko kasi na masyadong elegante ang accommodation sa mga private at hinding-hindi talaga mag-eenjoy sina Mama at Papa dahil mas gusto nila ang simple. Kaya ito ang iminungkahi ko sa kanila and thank God, pumayag sila. Malapit n g matapos ang summer pero heto kami at humahabol. Today is also Monday, so kami-kami lang ang nandidito.
Mayamaya pa ay binuksan ni Mama ang picnic basket at inilapag ang mga pagkaing dala namin sa mga plato na nasa ibabaw ng telang kinauupuan din namin. Tinulungan ni Papa si Mama na ilapag ang mga kubyertos habang ako naman ay abala sa pagkuha ng litrato gamit ang camera ko sa ibat-ibang anggulo.
Si Mama pa mismo ang nag-ihaw ng karneng manok. Afterall, roasted chicken cooked by Mama turns out to be Papa’s favorite dish. Syempre hindi rin mawawala ang mango float. This dessert is my favorite! Saka ito rin ang favorite na dessert ni Mama. Habang si Papa naman kahit itanggi pa niya na hindi siya mahilig sa desserts ay hindi niya mahi-hindian ang mango float lalo na’t si Mama ang naghanda nito.
Hindi kami naiitan ngayon kasi nasa ilalim kami ng isang puno.
Bago kami nagsimulang kumain ay kinantahan muna namin si Papa ng birthday song. Hindi ko iyon pinalampas at nagsimulang i-video ‘yon gamit ang camera ko.
“Happy birthday, Papa!”
Muntik na nga siyang umiyak pero napigilan niya iyon ng kilitiin siya ni Mama sa kanyang tagiliran. Kinuhanan ko iyon ng litrato. Sinuri ko ito at tila ba hindi ko na makilala ang mukha nilang dal’wa. Blurred pala ang kuha ko. Mukha na tuloy silang kung ano. Natawa ako.
Kumuha uli ako ng litrato at sa kabutihang palad ay hindi na iyon blurred! Hindi ko na napigilan na madagdagan pa ang saya na nararamdaman ko mula pa nong nakarating kami rito sa beach.
It is just mid-noon. We took our time chatting and joking around with each other. Si Papa nga ay nabilaukan dahil sa sobrang pagtawa niya sa mga corny jokes ko habang si Mama ay halos nakahiga na sa pino at puting buhangin.
Natigil naman kakatawa si Mama nang mapansin niya na kung ano sa mukha ko.
“Darling, your cheeks are burning red.” Nag-aalala nitong saad.
Kinapa ko kaagad ang pisngi ko habanag abala si Mama kakahanap ng lotion sa tote bag niyang dala.
“A-aray.” Tanging sambit ko na lamang na napagtanto na na-sunburn na pala ang bahaging iyon ng mukha ko. Mahapdi talaga.
Lumapit sa akin si Mama at ipinahid ng marahan sa pisngi ko ang laman ng ointment na hawak-hawak niya. Hindi ko napigilang ngumiti.
Napansin ko si Papa sa gilid na masaya kaming pinagmamasdan ni Mama.
Matapos pahiran ako ni Mama ng ointment ay ipinasuot niya sa akin ang isang beach hat na kapareho ng suot niya ngayon. Kulay puti iyon, singputi ng buhangin na nakalibot sa amin ngayon. Hinayaan ko lamang siya na isuot iyon sa akin. Nakita ko ito kanina sa loob ng sasakyan pero hindi ko iyon kinuha. Dinala siguro ito ni Mama kanina nang hindi ko napapansin.
“Wear this, honey.” Si Mama.
“Aye, aye, Mama!” masigla kong tugon sa kanya.
Nakita kong muli ang pag-angat ng kurba mula sa kanyang labi. Namana ko mula kay Mama ang labi ko, maging ang hulma ng aking mukha pati na rin ang maputi at makinis na kutis. Madalas ngang turingan kami ng mga tao na magkapatid raw kami. Ibinaling ko ang tingin ko kay Papa, tanging ang mga magaganda and medyo singkit niyang mata ang namana ko sa kanya. Hindi naman iyon naging problema sa akin, lalo na’t bumagay ito sa kabuuang anyo ko.
Napansin ko ang tila ba pagkalukot ng ekspresyon ni Papa.
“Nagseselos ako, Fraiya…” parang bata nitong sabi kay Mama na tila ba ay nagpapa-cute.
Nilingon niya ito at natawa si Mama sa ginawa ni Papa.
I immediately took my camera from the sand. Kinuhanan ko iyon ng litrato.
“Hon, tigilan mo ‘yang pagpapa-cute mo sa akin. Hindi na bagay sa ‘yo, hindi ka na teenager!” panunukso nito kay Papa.
“Oo nga, Pa!” pakikisali ko naman.
“My two precious angels are bullying me!” he exclaimed. Mas lalo kaming natawa ni Mama sa kanya.
Nagpatuloy ang kulitan naming tatlo . I recorded the whole thing. I took pictures and videos of us.
Buti nalang talaga at nakapagdala ako ng extra batteries. Matapos ang sandaling iyon ay napagpasyahan naming magtampisaw sa dagat.
Inilapag ko ang suot kong hat sa kinauupuan ko ngayon at kinuha ko mula sa brown sling bag ko ang isang waterproof camera. I bought it last week with my spare allowance for this month.
Una akong nakatampisaw sa dagat. Ang sarap sa pakiramdam.
The sea calmed my senses. Kung bibigyan ako ng pagkakataon ay pipiliin kong manirahan na lamang dito.
Agad naming sumunod sa akin si Mama. Habang naiwan si Papa na naglalagay ng sa tingin ko ay lotion sa mukha at braso niya.
Kapareho rin pala kami ng suot ni Mama ng rash guard. Parehong kulay peach and speaking of peach ay favorite color ‘to ni Mama.
Nang tuluyan na ring lumusong si Papa ay agad ko silang inanyayahan para sa isang family photo. Agad naman pumayag sina Mama at Papa. Pumwesto ako sa gitna nilang dalawa at itinutok ang camera sa direksyon namin. Pinindot ko ang ’shutter button’ tumunog iyon , nangangahulugang nakakuha na ito ng litrato. Nagpose pa kami ng kung ano-ano at kinuhanan ko ng litrato ang lahat ng iyon.
Ang saya…
Sana ganito nalang kami palagi…
Hindi namin inisip ang mga problema namin sa mga sandaling iyon. It was so pure and strong just like those waves on the sea. Pero hindi ko akalaing sa bawat paghampas ng alon sa tabing-dagat ay mistulang oras na pumapatak.
Nakabibighani at nakapipigil-hininga.
***
Hours after that short getaway vacation, Mama and Papa died.
Gumuho ang mundo ko sa aksidenteng iyon. Ni hindi ko akalaing iyon na ang huling araw na makakasama ko pa sila at mas lalong hindi ko inakala na mawawala lang sa akin ang lahat sa isang iglap lamang.
Ito ba? Ito ba ang kabayaran ng panandaliang kaligayahan naming tatlo? Napaluha ako.
Matindi ang buhos ng ulan nang maaksidente ang sasakyan namin pauwi. Isang trailer truck na tila nawalan ng preno ang dumagan sa kotse na minamaneho ni Papa. Masyadong mabilis ang lahat ng pangyayari. Wasak na wasak ang harapan ng kotse namin pero mas wasak pa roon ang puso ko. Nang makita ko si Papa na duguan at walang malay at ganoon din si Mama. Ni hindi ko magawang hawakan man lang sila kasi naipit ang magkabila kong kamay sa kung ano mang bagay na nandirito sa backseat kung saan ako nakaupo. Wala akong maramdamang anumang pisikal na sakit sa mga oras na iyon, ang tangi ko lamang naramdaman ay ang pagpiga ng puso ko sa sinapit ng mga magulang ko.
“M-MAMA! P-P-PAPA!!!” I cried out.
“M-M-MAMA!!!”
“PAPA!!!”
I called them but they didn’t answer. Patuloy akong sumisigaw at nagpupumiglas, nagbabaka-sakaling may tumugon dito. I prayed to God, nonstop. For my parents to live.
Lord, parang-awa mo na…
Please let my parents live…
Pero wala. Wala niisa sa kanila ang nagsalita. Walang niisa sa kanila ang sumagot. I can’t sense the life flowing within them anymore. They’re gone.
Sa mga sandaling iyon ay ginusto ko na ring lumisan at sumama sa kanila. Kung mamamatay man ako, sana ngayon na lang, tutal kasama ko rin naman sila.
My vision was blurry, but I was able to recognize them both. I could now feel it, my body is under an excruciating pain, but I ignored it. Hot tears were flowing nonstop down to my cheeks.
Bago pa man mawala ang paningin ko, nakita ko ang iilang tao na nasa harapan ng sasakyan namin. Kahit madilim na ay nakikita ko pa rin sila dahil sa naka-on ang headlight nito. Then that familiar red and blue light flashes come into sight with that piercing sound of a siren.
Somebody, please tell me. This is just a nightmare, right? Because I don’t think that reality could be this cruel and unforgettable.

Book Comment (93)

  • avatar
    DelrosarioBenzonjay

    grabe

    22d

      0
  • avatar
    Jv Matulac

    so very attractive

    17/08

      0
  • avatar
    QuiambaoKurt Angelo

    follow me in Angelo vlog's

    15/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters