Nanginginig ang aking kamay na nilapag ang bracelet yari sa shells sa itaas ng kabaong ni Lolo. Pumatak ng paunti unti ang aking luha at namayani sa paligid ang hikbi ng aking lola. Maraming nakiramay sa amin. Sa kabilang banda,kaharap namin ang mga Montenegro. Si Senyor at Senyora habang nasa gilid ang magkapatid na Montenegro.Ang katabi naman ni Manuel ay si Chloe. Malaki ang naitulong nila sa amin para mabigyan nang magandang libing ang lolo. "Berny ,asawa k-ko. S-Sama na ako s-saiyo.." Lumampasay si lola sa lupa habang unti unting pumapailalim ang kabaong ng lolo. Nakagat ko ang labi at pinigilan ang hikbi. Hinawakan ko sa braso si lola at hinila. "L-Lola..tama na." Ang mga dumalo ay napahikbi narin dala sa pighati ni lola. "Hindi! sabi ni lolo mo p-pag aaralin kapa niya! Sabi niya magkokoloheyo ka sa Manila. Sabi niya-" Lumuhod ako at niyakap si lola ng hindi ko na makayanan. Pinupunit ang puso ko sa sobrang sakit. Nakatatak pa sa aking alaala ang mga masasayang panahon namin ni lolo at lola. Tinulungan ako ng mga kaibigan ni lola na dalhin siya. Inakay siya nang mga ito. Hinayaan ko siya at hinatid na lamang ng tingin. Unti unti nang kumunti ang tao ay lumuhod ako sa pwesto ni lolo habang unti unting tinatabunan ng lupa ito. "Bigyan niyo po ako ng lakas ng loob lolo. Gabayan niyo kami sa buhay ni lola. Huwag niyo kaming pababayaan. S-Sana magsilbing anghel ka namin ni lola." Pinunasan ang kahuli hulingang luha. "Aurora? Puwede kaba naming makausap ni Juanito?" Napatingin ako kay senyora Patricia ng lumapit ito sa akin. "P-para saan po?" "Naging mabuti kayo sa amin kaya gusto sana namin na tumulong sainyo. Pwede ba natin ito pag usapan sa mansyon?" Tumango ako bilang pag sang ayon. Nilibot ko ang paningin sa loob ng malaking library ng mansyon. Nalulula ako sa nagtataasang mga libro. Biglang bumukas ang pinto at pumasok doon si Senyor at Senyor. Tumayo ako sa pag kakaupo at yumuko bilang pag galang. "Magandang araw ho." Kinabahan man ako pero isinantabi ko iyon dahil alam kong para sa ikabubuti ko ito. "Maupo ka hija." Naupo ako at nahihiyang tumingin s mag asawa na nakaupo sa harapan ko. "Ilang dekada narin ang lolo mo naninilbihan sa amin. Mula pa nang mamatay ang ama ko sila na kaagad ang namahal sa lupa. Aaminin ko na malaking kawalan ang lolo mo sa amin." Si Senyor at ngumiti sa akin. "Tutustusan namin ang iyong pag-aaral at pangangailangan niyo. Nakita namin ang kondisyon ng iyong lola at kailangan niyang magpa check up." "Salamat po talaga sa tulong Senyor. Hindi ko na rin po alam ang gagawin ko. Nahihirapan narin po ako lalo na wala sa katinuan si lola." Ngumiti si Senyora. "Bata kapa Aurora. Naawa kami saiyo. Kung gusto mo dito kana sa mansyon." Agad akong umiling at umiwas. "Okay na po kami doon ni lola. Sobrang nakakahiya na po." May kinuha si Senyor sa bulsa at ibinigay sa akin. "Benepisyo yan ni Berny na naiwan sa amin. Naghuhulog yan sa akin para itago ko." Namilog ang mata ko ng makitang makapal na sobre iyon. Sa anyo palang na panlabas nito alam ko nang pera ang laman nun. Tahak ko ang pasilyo palabas dala dala ang sobre. Kumakabog ang dibdib ko nang sobra. Hanggang ngayon sariwa pa isip ko ang mga nangyari sa amin ni Manuel sa kubo. Kung paano niya pa ako ulit hinalikan sa labas ng bahay namin ng ihatid niya. Sa sala na ako ng mansyon ng biglang masalubong ko si Manuel at Chloe. Nang magtama ang paningin namin ni Manuel ay napaiwas ako. "Hi! Kim Aurora right?" Tumango ako ng dahan dahan. "Nakikiramay pala kami sa mga nangyari. Pero alam mo ba. Magaling ako mag bake. Ang kumain raw ng cake ay nakakawala ng stress." Ngumiti ito at hinila ako. "Halika ka!" Napamulagat ako ng hilahin ako nito papuntang kusina nila. Kahit sa kusina nila ang gaganda ng pinggan at baso. Mukha talagang mamahalin. Pinaupo ako nito at may kinuha sa ref nito. Nakita kong humilig si Manuel sa hamba ng pintuan at tumingin sa akin ng seryoso lang. Naagaw ni Chloe ang pansin ko nang nilapag niya sa harap ko ang isang hiwa ng cake. Mukha palang nito masarap na. Alam kong ilang taon ang agwat ni Chloe sa akin pero ang jolly niya. "I baked that. Alam mo kung nalulungkot ako nagbabake ako. Minsan ginagala ako ni Manuel sa ibang isla rito." Kumirot ang puso ko. Una sobrang nagiguilty ako dahil ako pa ang makakasira sa kanilang dalawa. Nasa kasunduan na silang dalawa na ikasal. Tapos sisirain ko lang iyon? Ako na walang ipagmamalaki. Hindi ko mapapatayan kung gaano kayaman sila Chloe. Isa pa ayokong ma disappoint sila ni Senyor at Senyora sa akin. Kung anoman itong nararamdaman ko. Kailangan nang pigilan. Because I know this is bad. Napalunok ako habang unti unting nilalapit sa bibig ang kutsarang may cake. "Masarap ba?" Tumango ako rito at ngumiti. "M-Masarap.." "Ay! teka lang! Manuel paki intindi muna si Aurora ha. May kukunin lang ako. " Anito at iniwan kaming dalawa. Kumalabog ang puso. Lalo na nang marinig ko ang yapak niya at ang pagkulong nang mga braso niya sa akin. Itinuko niya ang isang kamay sa mesa habang ang isa ay nasa likod ng aking inuupan. "Masarap ba?" Bulong nito sa tenga ko. Unti unti akong tumango at umiwas. Kumuha ako ulit sa cake at kinain. Para unti unting maibsan ang kaba sa dibdib. Nang ikatlong subo ay ang siyang pagyuko ni Manuel at paghalik sa aking labi. Namilog ang mata ko nang kinagat at sinipsip nito ang ibabang labi ko. Itinulak ko siya agad at luminga sa paligid. Baka may makakita sa amin napakalaking eskandalo nito. "Ano bang ginagawa mo k-kuya M-Manuel." Nakita kong pumasada ang dila niya sa labi at kinagat iyon. Hindi siya nagsalita. Namuo ang galit sa aking dibdib dahil sa ginawa nito. "Alam mong nandito ang fiance mo bakit mo ako hinalikan?! Paano kung nakita tayo? Manuel ayokong makasira ng relasyon." Impit na sabi ko. Pilit pinigilan ang pag alsa ng boses. His jaw clenched at umiwas nang tingin. "Pinagkasundo lang kami pero hindi ko siya fiance." "E bakit siya nandito palagi kung ganon?" Hay! Ewan! Bakit ko pa iyon natanong. Huminga ito ng malalim at umiwas. ''I'll tell you this evening. Magkita tayo sa kubo." "Ayoko." Agad na tanggi ko rito. "Magkikita tayo. Papaintindi ko lahat Aurora." Umiling ako at napalunok sa kaseryosohan ng boses nito. "A-Ayoko-" "Aurora, hindi ako nakatulog nang maayos kagabi at hindi ako makatulog mamaya kung hindi kita mahahalikan.." "H-Hindi lang nga halik yung ginawa m-mo e." "Pasalamat ka iyon lang..kung ako ang masusunod.." Bitin nito sa sasabihin at pumasada sa aking kabuuan ang kanyang mata. Napapikit ako ng mariin at tumango na lamang. Mamaya mag uusap kami. Aayusin ko ang dapat ayusin. Ayoko makasira nang isang relasyon. ~~~ Tinitignan ang mahimbing na natutulog na lola sa kama. Kinuha ko ang hibla ng kumot at itinakip sa katawan nito. Inabot ko ang noo at hinalikan. "Kaya natin to lola.Mag-aaral ako ng mabuti." Pumasok ako sa kuwarto ko at tinignan ang sarili sa salamin. Gusto kong makausap si Manuel ngayon sa kubo. Kung anuman ang namamagitan sa amin hanggang doon nalang iyon. Nabahidan na ang aking inosenteng kaisipan ng dahil sa kanya. Hindi ko na hahayaang lalagpas pa doon. Hindi ko hahayaan ang sarili na umikot ang pag iisip sa ganong bagay. Kailangan kong pigilan ang nararamdaman lalo na't isang halik lang nito sa akin napapabigay na ako. Si Manuel ay para kay Chloe. Si Chloe ay napakabait. Ayoko maging kontrabida sa buhay nila. Pinuyod ko ang buhok at hindi na nagbihis ng damit. Sa tingin ko ayos na ang suot kong lumang bestida. Napayakap ako sa sarili habang tungo ang kubo. Alam kong madilim pero hindi ako natatakot dahil may mga bantay sa lupain ng mga Montenegro. Kaya lang ako nakakapasok dahil umaakyat pa ako sa malaking bato rito. Kumapit ako sa matulis na bahagi ng bato at hinila ang sariling katawan upang makaakyat. Hindi naman ako nahirapan hanggang nasa ituktok na ako. "Aurora?" Dahil sa biglang pagtawag sa aking pangalan. Nadulas ako sa bato. Umecho ang aking tili sa dalampasigan at narinig ang pagmumura ni Ezekiel. Nahila man ako nito pero ang isang tuhod ko ay napatuko sa buhangin na may bato. "Ah! Ang s-sakit!" "Shit! Anong ginagawa mo diyan?!" Galit nito sa akin at inalalayan akong makaupo sa malaking bato para tignan ang masakit sa aking tuhod. Sinubukan ko siyang sipain pero nasalo nito ang isang paa ko. "Kahit kelan talaga pahamak ka Ezekiel!" Lumuhod ito sa paanan ko at tiningala ako habang kagat ang labi niya. "Ikaw nagpapahamak sa sarili mo. Gabing gabi na bakit ka nandito?" Napalunok ako dahil naalala kung bakit nga ba ako nandito. "W-Wala..n-namamasyal lang!"binawi ko ang paa pero humigpit ang hawak nito sa paa ko. "Huwag malikot.Hihilutin ko ito..." Natahimik ako habang nakikita siyang nakaluhod sa paanan ko. Ngayon ko lang nakitang naka topless ito at nakashorts lamang. Kahit malamig dito nakashorts lang siya! "A-Aw!" "Tsk,namamaga. Bakit kaba kasi diyan dumaan." Sermon nito sa akin. Tumahimik nalang ako habang minamasdan siyang hinihilot iyon. Dumapo ang mata ko sa nag iigtingan na muscles niya sa likod. Ang muscles niya sa braso ay mukhang matitigas. "Masakit pa ba?" Umawang ang labi ko at umiling. "H-Hindi na.." Hinilot hilot pa nito iyon at nakaka relax ang pag galaw ng kamay niya doon. Napapikit ako at napadilat ng may dumamping mainit na bagay sa aking binti. "E-Ezekiel!" Napamulagat nang hinalikan pala nito ang aking binti sa senswal na paraa. "Para hindi na sumakit. Hahalikan ko nalang.." Ngumisi ito at tumaas ang halik nito sa aking hita. Pilit kong hinila ang binti pero mas malakas siya. Kumalabog ang puso kong tila binayo sa lakas ng kabog. "Aurora.." anas nito at napalunok ako nang tumaas pa ang halik nito sa aking hita na malapit sa hibla ng aking bestida. "Gusto kita Aurora.. Gustong -gusto." "Eze-Ah!" Sa bilis ng paghablot nito at pagsuntok halos hindi ko masabayan ang pangyayari. Sumalampak si Ezekiel sa buhangin dahil sa pagsuntok ni Manuel. "M-Manuel! Huwag! ano-" Aawat sana ako at pipigilan siya sa pagsuntol ulit pero napatigil ako sa tingin niyang nakakamatay. Pulang pula ang dibdib nito at taas baba. "Shut up!" Sigaw nito sa akin na ikinaatras ko. Namuo ang takot sa aking sistema. Tumayo si Ezekiel at ngumisi lang na tila hindi apektado. Napatili ulit ako nang hablutin siya ni Manuel at padarag na hinilig sa puno ng niyog. "What kuya?" may halong sarkasmo ang boses ni Ezekiel pero umiigting ang panga. " Layuan mo siya." diin na babala ni Manuel. Isang palis lang ni Ezekiel sa nakasakal na kamay ni Manuel sa kanya ay naalis n nito at nakipagsukatan ng tingin. "Baka nakakalimutan mong may fiance ka." Seryosong anito sa kuya niya. Natutop ko nalang ang labi at napayuko. Pinalis ang luha gamit ang nanginginig na kamay. Tinulak siya ulit ni Manuel sa puno ng niyog. "Hindi to laro Ezekiel. Seryoso ako dito.. Wag kang makealam dahil alam ko ang dapat gawin." "Pwes seryoso rin ako ,kuya." Diniinan pa nito ang huling kataga. Napalunok ako nang tinignan ako ni Ezekiel at umalis. Kumirot ang puso ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman at ibinuhos na lamang sa luha. Basang basa na ang pisngi ko. Hindi tumingin sa akin si Manuel. Biglang itong sumigaw at sinuntok ang niyog. Napatili ulit ako napaatras. "M-Manuel.." Sambit ko May parte sa akin na parang may kasalanan ako. Na mali ang ginawa ni Ezekiel sa akin. Tinapunan ako nito ng nanunusok na tingin. "Masarap ba? Gusto mo siya ha? Aurora?!" "Manuel h-hindi y-yung tuhod k-ko ho. N-Nahulog ako sa damuhan. M-may sugat ako.T-tignan mo o-" Hindi ako magkandaugaga sa pag explain dito. "Gusto mo ba siya o hindi ha?!" "Manuel hindi!" "E kung ganon bakit mo hinayaan? Kitang kita ko yung pagpikit mo. Ano yon!" Mas napaiyak ako dahil wala na akong masagap na sasabihin lalong lalo na nakikita kong galit siya ngayon. Ngayon kolang nakitang ganito siya ka galit. "Manuel-" "Umalis kana Aurora." Nanlumo ako sa narinig at pilit na hinakawan ang kamay niya pero halos matumba ako ng hawiin niya iyon na parang nandidiri. "Manuel-" "Umalis ka o baka saktan kita!" Nasindak ako sa brutal nitong pinakita sa akin. Mabilisan akong tumango ng sunod sunod dahil sa takot. Tumalikod ako at walang lingong inakyat ang mataas na bato. Sa nakalipas na dalawang linggo hindi ako lumapit sa dalampasigan. Inabala ang sarili sa gawain sa bahay at sa eskwelahan. Kung maari ayoko nang masangkot sa buhay ng magkapatid. Aaminin ko na may gabing napapaiyak ako pag naaalala ang huling pag uusap namin ni Manuel. May parte sa puso ko na kumirot. May parte rin na umuudyok na tama na at umiwas na. Sa eskwelahan usap usapan ang magkapatid. Kung gaano kahanga sa kanila ang mga ito. Kung gaano kagaguwapo ang mga ito. "Di'ba Aurora?! Nakita mo na ang mga yun sa malapitan diba? Naku, ang labi ni Manuel talaga ang gusto ko e. Tsaka ung panga! tapos minsan nang nakita ng pinsan kong nagbasket daw iyon sa liga dito noon. Yung gitna ng hita raw sobrang mabukol at malaki! naku! ang sarap non." Humalakhak si Princes at hinampas pa ako sa balikat. Napangiwi ako at umirap. Kung alam niyo lang na nahalikan na ako ng labi na iyon. Kung alam niyo lang na natikman na nun ang aking dibdib. Hay naku. Nagpatuloy pa sila sa pag usap habang ako ay natulala na lamang. Aaminin kong may puwang sa puso ko na namiss ko siya. Hindi ko sila nakitang dalawa dito sa Hacienda. Ang huling dinig ko, lumuwas daw ang mga iyon pa Manila. Umuwi ako sa bahay ng mag alas tres. Dahil iyong perang binigay sa akin ni Senyor Juanito ay tinatago ko may pang gastos ako sa pang araw araw namin ni lola. Dala dala ko ang supot ng ulam at bigas. Hinanda ko ang ngiti sa labi para iharap kay lola. "Lola!" Hinubad ko ang sapatos at nilagay sa lalagyanan. "Lola! andito na ako! may dala na akong bigas at hapunan!" "lola?!" Nangunot ang noo ko nang may maamoy na kakaiba . Nilukob ako ng kaba at takot. Madalian kong binuksan ang kuwarto ni lola. "lo-" Nabitin sa ere ang aking pag tawag nang nakita ang malamig na katawan ni lola na nakabitay sa sariling kuwarto nito. "Lola!" sigaw ko at nakita ang sulat sa kama. Pasensya apo. Mahal kita. Gagabayan kita. Sobrang miss ko na ang lolo mo. Paalam. "Lola!!" Umalingawngaw ang aking sigaw sa buong bahay.
thank you novelah
17/10
1amazing
30/04/2025
0diamond free
25/03/2025
0View All