Tumatak sa aking isipan ang nakita. Isang linggo na rin ang nakaraan ng hindi na ako pumupunta sa mansyon ng mga Montenegro. Busy rin naman kami ngayon sa pag-aani ng mga mangga sa umaga. Kung hapon natutulog ako ng dalawang oras at pagka alas kwatro ng hapon nagsisimula na naman akong gumawa ng bracelet na beeds. Hindi na iyon yari sa shell kasi hindi na ako pumupunta sa tabing dagat. Dahil malapit iyon sa mansyon. Iniiwasan ko na ang mapalapit doon. Palagi nalang kasing mag nangyayari sa akin. Una nawala ang first kiss ko,pangalawa,naninikip ang dibdib ko ng makitang may hinahalikan na iba si Manuel o baka dahil nabigla lang ako kaya ganon. Naligo ako at nag-ayos. Umupo sa aking sariling kama at kinuha sa ilalim ng kutson ang naipon kong pera na nakapaloob sa malaking pitaka. Nagsimula akong magbilang at nalamang 800 pesos iyon. "550 ang uniform sa Stella Maris Academy sa bayan. Meron pa akong 250 nito. Kasya na siguro ito sa school supplies." Sabi ko sa sarili at nagsuklay na. Buong anihan yan lang naipon ko kasi minsan bumibili rin kami ng konting groceries ni Lola Tessa. Nagsuot ako ng kulay brown na bestida at hinayaan ang medyong basa pa na buhok na nakalugay. Kinuha ko ng bayong sa kusina at nagpaalam kay lola. "Lola,pupunta akong bayan. Bibili ako ng school supplies." "Maghahapon na Kim pwede mo naman yan ipagbukas na." Umiling ako kay lola. "Lola, di'ba may kasabihan tayo? Kung pwede mo naman gawin ngayon bakit hindi? Tsaka tapos na ako sa bracelet lola." May kinuha ito sa bulsa at binigay sa akin. "May 200 pa ako dito, idagdag mo sa pera mo." Kinuha ko iyon. "Sige lola, bibili akong ulam at gamot ni lolo ito." "Hindi sabi ko idagdag mo." "Sakto na ito lola. Next week pa naman iyong pasukan. Makakapag ani pa tayo ng mangga." "Naku, ikaw na bata ka ang bait mo. Sige maglakad kana at gagabihin kapa." "Opo lola!" Tinahak ko ang mabatong lupa na daanan at minsan may mga putik pa. Hindi maiwasan na malagyan ng putik ang aking tsinelas. Sa bayan ay hindi na pahirapan dahil semento na ang daanan. Grabe yung pawis ko dahil sa paglalakad. Sobra akong nasiyahan ng makabili ng notebook na limang piraso. Pumili rin ako ng dalawang ballpen at isang papel. Dahil nga 250 lang yung budget ko iyon nalang inuna ko. Sa isdaan pumili rin ako ng preskong isda. May nakita akong bangus na preska. "Manong! Magkano po kilo ng bangus?" Tinanong ko ang nagbabantay na balbasaradong lalaki. "Libre na! Basta pahinge ng number mo!" kumindat pa ito sa akin. Hala! Ganon lang ba? "Sige! Number 29! birthday ko yun kuya!" Napatigil ang lalaki at napakamot sa ulo. "Putek san ba galing na planeta ito. Maganda sana pero ang slow." bulong bulong nito. "Po? Ano po kuya?" "Wala!" "Asan na isda ko kuya? Nagbigay na ako ng numero ko." napakurapkurap ako dito ng magalit ito. "Hindi yun numero!" "Pero yun sabi niyo e. Tsaka binigay ko na sainyo. Ang daya niyo pala. Baka pati yang kilohan niyo madaya rin." "O' siya siya! Ayan! Isang kilo na yan. Huwag ka na ulit dumaan dito a!" Parang napipilitan pa na nagbigay ito sa akin ng isang kilong bangus. Siya itong nagsabi e. Binigay ko naman yung numero ko. Bakit nagalit? Masaya akong umuwi sa baryo namin. Dahil nga natagalan sa palengke ginabi na ako sa pag-uwi. Nakalubog na ang araw ng nasa lubak lubak na daan ako. Mabuti nalang may posteng nakailaw kaya nakikita ko pa ang daan. Sobrang tahimik at kuliglig lang ang aking naririnig. May traysikel na biglang huminto sa aking gilid. Si mang Domeng pala! "Uuwi ka Kim? Sakay na." Ngumiti ako at tumango. "Salamat Mang Domeng! Nakakapagod maglakad." singhap ko at pumasok sa traysikel. Rinig na rinig ko ng kuliglig at ingay ng dahon ng mga puno na nagbabanggaan dahil sa marahas na hangin tila uulan pa yata. Kinabahan ako ng tinignan ang daan na walang ilaw. Puro matalahib na punong kahoy sa gilid at naghahabaang damo. "Manong Domeng, di'ba hindi ito ang daan?" Kinabahan ako ng hindi ito kumibo at diretso ang tingin sa unahan. Hanggang sa niliko pa nito sa madilim na parte na tubuhan. Alam ko ang nararamdaman ko. Kapag kinakabahan at natatakot alam kung hindi maganda ng sitwasyon. "Manong! Ibaba niyo ko!" Uminit ang aking mata pero nanlamig ang katawan dahil sa kaba. "Tumahimik ka! Noon pa ako saiyo nanggigigil e. Mabuti nakita kita mag-Isa." tila naging demonyo ang boses nito. Malayo na ang mukha sa Mang Domeng na nakilala ko noon. Pumikit ako ng mariin at inagaw ang manibela ng trysikel pilit iniabot ang preno para huminto. "Putek kang bata ka! Mabangga tayo!" sigaw nito ng gumewang ang traysikel. "Itigil niyo Manong! Ang sama niyo! Isusumbong ko kayo!" Sigaw ko rito. Pero nakatikim ako ng sampal. Tumagilid ang aking mukha at naramdaman ang metal na likido na umagos mula sa aking bibig. "Magsumbong ka kung mabubuhay kapa!" Humaguhol ako kahit mabilis ang pagtakbo nh traysikel hindi ako nag dalawang isip na tumalon para makalabas sa traysikel. Isang bagsak ng katawan ko sa mabatong daan at maputik. Naramdaman ko agad ng sakit at pagtama ng siko sa bato. Hinawakan ko iyon at tinignan ng traysikel na huminto. Bumaba doon si Mang Domeng at tinakbo ako. "Tulong!" sigaw ko at mabilis na tumakbo. Hindi ko na ramdam na huminga at tumitibok ang aking puso. "Bumalik ka! Papatayin kita!" Napatakip ako sa tenga ng umecho ang boses nito na malademonyo."Tulong! Tulungan niyo ako!" I cried.. Kahit masakit ang katawan pinilit kong makatakbo ng mabilis. Papaliko na sana ako sa nilikuan namin kanina ng hinablot nito ang aking buhok at hinila. Bumagsak ako sa maputok na lupa at agad niya akong dinaganan. "Huwag Manong Domeng!" pagmamakaawa ko ng walang sabi nitong hinalikan ako sa leeg. "Ang bango mo!" "Huwag p-po!" "Titikman kitang bata ka. Ang sarap-" biglang bumulagta ito sa sahig agad akong bumangon at inayos ng strap ng king bestida na napigtas na pala. Punong puno ng putik ang aking katawan at may mga dugo ako sa kabilang tuhod. Nagtakip ako ng tenga at pumikit ng mariin. Dahil sa sobrang takot hindi ko na alam ang gagawin kundi ang umiyak sa pighati at sobrang takot. Ramdam na ramdam ang pag nginig ng kalamnan. Sa kabila ng pag iyak kita ko na may ilaw na nangagaling sa dalawang kotse. Ang pag sigaw ng walang hiyang Mang Domeng na tama na. Ang pag impit nito sa sakit. Isang mura sa isang pamilyar na boses ang aking narinig. Ingay ng mga boses na tingin ko ay pulis. Yapak ng sapatos ang aking narinig. May tumabi sa akin at hinawakan ako sa buhok. "H-Huwag-Pakiusap-" iyak ko at nanatiling nanginginig. Isang mura pa ang narinig ko. Hindi makaangat ng tingin dahil takot sa lahat. "Si Manuel to." he growled huskily. Natahimik ako sa iyak at unti unting inangat ang tingin. Nanginig ang aking labi at mas dumami ang luha. Lumuwag ang sumisikip na dibdib at nawala ang takot. Umigting ang panga nito at nakita kong may dugo ang kamao. Inangat ko ang kamay para hawakan ang kanyang mukha pero sa sakit ng katawan ang pagnginginig hindi ko magawa. Nanatili iyon sa ere pero siya na ang umabot ng kamay at dinala sa kanyang mukha. "Let's go.." Aniya at sinikop ako sa lupa. Hindi ininda ang putik at dugo sa aking katawan. Naramdaman ko ang kaginahawaan sa kanyang bisig. Binaon kopa ang mukha sa kanyang dibdib. "U-uuwi ako,n-nag-aalala s-si lola-"Natigil ang sasabihin ng dumampi ang labi nito sa aking noo. "Ako na ang bahala. Matulog ka muna.." ramdam ko ang kontrol na galit sa kanyang boses at panginhinig ng kamay nito. Tila galit parin sa isang bagay at gustong magwala. ~~~ "Okay na ako.G-Gusto ko ng umuwi." Ginamot ng doktor ang aking mga sugat. Ramdam ko ang sakit. Pero mas labis sa akin ang pag-aalala kay Lola. Baka ano ang mangyari sa kanya kapag nalaman niya ito. Nakakunot ang noo at nasa akin ang seryoso nitong mata. Hindi nawala ang galit sa ekspresyon nito. "Dito kana muna hija. Pinatawag ko na ang lola Tessa mo. Maya maya nandito na yun." Si senyora Patricia na nakaupo sa aking tabi. May pag-aalala sa mukha nito. Nahiya ako sa kanilang tulong sa akin. Naging abala pa ako sa kanila."Maraming salamat t-talaga senyora.." Tinignan ko rin si Manuel. Tipid akong ngumiti sa kanya. "Salamat rin ,Manuel. Di ko talaga alam na ganon ang mangyayari. Pinagkatiwalaan ko po kasi si Mang Domeng kasi taga baryo natin siya." Pumait ang aking sistema. Nahaluan ng galit at lungkot. "Hindi na kayo iba sa akin hija. Lalo na ang lolo Berny at Lola Tessa mo. Matagal na silang magsisilbihan sa angkan. Kaya kahit sa ganito. Makatulong naman kami kahit paano." Malambot ang ekspresyon ng mukha ni Senyora. Hindi mo aakalain na may anak na dahil mukhang bata pa rin at dalaga. "Manuel? What's wrong?" Isang babae ang dumating galing sa itaas ng hagdan. Dahan dahan lumipat ang tingin ko sa babaeng iyon. Mestisa at may kulay itim na itim na buhok. Sobrang straight iyon at mukhang malambot. Naka dress na kulay pink ang babae. Umangat ang tingin ko sa mukha nito. The epitome of beauty. Yan masasabi ko. Perpekto ang matang malalam,ang pilik matang malamanika. Malambot ang pulang labi nitong tignan at may dimple sa kaliwang pisngi. "Chloe, gabi na. You should rest." Si senyora. Nakita ko kung paano iakla nito ang kamay sa braso ni Manuel. Ito pala siya,ang babaeng kasama ni Manuel sa dalampasigan. Ang nakita kong kahalikan niya. May kumudlit na sakit sa aking dibdib. Sobrang kabog ang naramdaman. Umiwas ako ng tingin at hindi na nag angat ng tingin pa. May mga binigay na gamot ang doktor at may tinanong sa akin kung ok lang ba ako. Kung walang kahiy anong dinadamdam emosyonal. Kumalat ang nangyaring iyon na parang apoy. Maraming nag alala sa akin lalo na mga kaibigan ni lola. Hindi na rin ako lumabas pa at hinintay na lamang ang pag abre skwela. Kinalimutan ko ang masalimuot na nangyari sa akin. Nagpapasalamat dahil naligtas ako kahit paano. Kinalimutan ang pag nakaw sa aking ni Ezekiel ng unang halik. Kinalimutan maging si Manuel. Alam kong hindi malabo ang pagkikita namin dito lalo na lupain nila ito. Gusto ko nalang ituon ng husto ng atensyon sa pag-aaral sa college. Tinanggap ko ang scholarship sa akin ni Senyor Patricio. Kaya nagkapag aral sa Stella Maris Academy. May ibang katulad ko na mahirap ang nakapag kolehiyo dito dahil sa scholarship. Ang unang araw ng pasukan ay naging masaya at magaan. Marami akong naging ka kurso na kakilala ko at kaibigan. "Grabe yung teacher natin no? Sobrang terror." si Princes. Isang kaibigan at kapit bahay namin. "Mabuti rin maaga nag dismis e. Nakakakunsyume yung busangot niyang mukha e". Si Maribel isa sa kaklase ko rin. Maaga ang dismisal namin sa unang araw ng pasok. Hapon at maganda ang sikat ng araw. Nagsusuka ang aming gate ng maraming studyante. Nakakasaya talaga ang college life. Masaya kapag maraming kaibigan. "Kim diba nakapasok kana sa mansyon ng Montenegro?" Tumango ako sa tanong ni Maribel. "Oo, doon nagtatrabaho si Lolo at lola e." "Ang swerte mo! Ang gwapo naman kasi ng Magkapatid e. Sayang hindi nagtatrabaho si mama sa hacienda nila. Nasa Manila e." Kumakain kami ng fishball. Naglalakad lang papuntang Masidlak Falls. Nasa tagong bahagi iyon ng niyugan. Dadaan pa sa manggahan at mga bulaklak. "Pag nagka pera lang ako ,pupunta akong Manila." tila pangarap na sambit ni Princes. Tahak namin papuntang Masidlak falls. Pumitas ako sa rosas at nilagay sa aking tenga. Ngumiti ako kina Maribel at Princes na umawang ang bibig. "Bagay ba?" nangingiti kong tanong. "Ay ano ba yan. Tanggalin mo nga,nagmumukha kaming panget ni Princes e." si Maribel. Humalakhak si Princes at ako. "Ang ganda mo kasi Kim. Nakakainggit. Bagay sayo sa Manila ka. Tiyak,pag aagawan ka doon. Mga mayayaman pa." "Kontento na ako rito. Masagana dito at malayo sa tukso. Sabi nila, sa mga naririnig ko. Ang manila raw maraming buildings at mga ilaw. Lalo na raw tukso." Sabi ko at bumusangot. "Pero maraming trabaho doon Kim. Totoo! Halos ipatikim na sayo yung trabaho doon. Hindi ikaw maghahanap kundi ang trabaho ang hahanap sayo." "Kontento na ako rito. Tsaka, plano kong maging guro sa pampublikong skwelahan dito." "Bahala ka, basta ako. Gusto ko mag Manila." Si Maribel. Nakakaengganyo ang tubig ng sapa. Kulay asul iyon at kumikinang pa. Kitang kita ang bato sa ilalim nito. Napangiti ako at halos takbuhin naming tatlo ang lupa at isa isang tinabi ang sapatos. "Ang ganda ,sobra!" Manghang sambit ko at mas inakyat ang malaking bato upang tuluyang maka punta sa sapa. Napawi ang ngiti ng may makita. Sa kubo, Maraming nandoon. Sa dami nila isa lang ang nakanakaw ng aking pansin. Si Manuel na kasama ang dinig kong fiance niyang si Chloe. Nandoon rin si Ezekiel na nakikipagtawanan kasama ang ibang kalalakihan na kasing kisig at gwapo nila. Dinig na dinig ko ng tawanan nila. Tila nag iinuman pa. May kanya kanya silang kasamang babae. Bigla akong lumamya. "Ay ang swerte natin. Nandiyan ang mga Montenegro. May bonus pa!" Si maribel at humagikhik. Ang Masidlak falls ay dinadayo talaga ng taga Baryo minsan karatig barangay pa. Kaya natural lang dapat,pero bakit ang bilis bilis nang tibok ng puso ko? Umiwas ako. Hindi na sinulyapan pa ang kanilang banda. Dahil isa lang ang kubo rito. Napili nalang namin sa Malaking bato. Hinubad na ni Maribel at Princes ang kanilang uniform at nag panty at bra. Wala naman silang dapat ikahiya dahil magaganda ang katawan nila. Agad silang tumalon sa tubig habang ako nakaupo pa at tumusok sa fishball na dala namin at uminom sa juice. "Kim! Dali! Ang ginaw ng tubig! Putek baka maraming ihi na dito!" Si Princes kaya humagalpak kami sa tawa ni Maribel. "Ano ka ba! May vitamins sa ihi!" "Luh? Anong vitamins?" "Vitamins UTI." Humagalpak sa tawa si Maribel habang ako ay nabulunan. Umecho iyong tawa naming tatlo. Napatigil ako at tinignan ang kubo at nalamang nakatingin na ang iilan sa amin. Mabilisan kong iniwas ang tingin. "Bilisan niyo! Hapon na o!" Sabi ko sa kanila ng lumangoy langoy pa silang dalawa. Naaliw sila sa pamumulot ng ibat ibang kulay ng bato. "Wow! Ang ganda." Dahil idadagdag ko na naman ito sa mga koleksyon ko para sa bracelet. Hinubad ko ang aking uniporme at nilapag sa bato. Naasiwa ako dahil kulay pink na bra at pink rin na panty ang suot. Lumusong ako sa tubig. Naghanapa ako sa ilalim nito ng iba't ibang bato. Nilagay sa kamay at nilapag sa mga gamit namin sa malaking bato. Napangiti ako sa ganda nito. Lumusong pa ako sa tubig at naaliw sa ilalim. Marami rami na akong nahawakan ng may humawak bigla sa aking paa. Napasigaw ako sa ilalim ng tubig. Ramdam kong may nainom ako. Agad akong bumalik sa ibabaw at nangapa habang habol ang hininga. Sa pagkapa ko may kamay na himawak sa aking baywang. Minulat ang mata at nakitang nakangisi si Ezekiel. "Bwesit ka talaga kahit kailan! Bakit mo yun ginawa?!" bigla akong nairita sa presensya niya. Nakatopless ito. Kita kong may tattoo ito sa katawan. Medyong batang bersyon ni Manuel. Kaso,pilyo at playboy to. Alam ko, marami na akong narinig tungkol sa kanya. Humalakhak ito at kinagat ang ibabang labi. "Nakita kasi kita. Medyo napapalayo kana kaya sinundan kita." Inirapan ko ito at tinulak. "Kailan kapa nag alala? Kaya ko sarili ko." "Kaya mo sarili mo pero muntik kanang magahasa noon. Alam kong galit ka sakin e. Pero ang unfair mo naman. Maayos ka naman sa kuya ko tapos sakin hindi? It hurts!" Umaksyon pa ito na tila nasasaktan. "Nagmamalasakit lang naman ako."Dagdag pa nito. Hindi naman ako suplada e. Pero galit talaga ako ng hinalikan niya ako at masyado siyang swabe e! "Lumayo ka nalang kasi sakin. Nakakairita kasi pag mumukha mo." "Oh?! Parang nag lilihi a. Nabuntis ba kita ng halik ko?!" Shit! Tinulak ko na siya ng malakas. Asar na asar na ako sa mga pasaring niya sakin. "Pwede bA?! Bakit ba lapit ka ng lapit sa akin?! Kung tingin mo madadala mo ako sa mabulaklak mo na bibig,pwes hindi! dun ka sa mga babae mo! Please!" Ramdam ako ang galit at pag init ng aking batok. Nakita kong natahimik ito at napayuko sabay tango. Shit! Ngumuso siya at tipid na ngumiti sa akin. "I'm sorry kung galit ka dahil sa halik. Masyado ka kasing maganda. Pero hindi ako bato, Kim. Tao rin ako. Pasensya." Nakaramdam ako ng guilt sa dibdib. Napalunok ako ng seryoso siyang tumalikod. Bakit ako naguguilty at naghihinayang?
thank you novelah
17/10
1amazing
30/04/2025
0diamond free
25/03/2025
0View All