logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7

 
 “Let’s go,” yaya agad ni Franco sa akin pagkatapos n gaming graduation.
 
“Teka magpapaalam muna ako sa mga magulang natin.” Sabi ko at iginala ko ang aking mga mata sa paligid para hanapin ang mga ito. Nakita ko naman na kausap ng mga ito ang dean namin.
 
“I already did.” Mabilis na sagot ni Franco.
 
“But…” wala na akong nagawa ng akayin ako nito papunta sa kotse. Mabilis nitong pinaandar iyon na parang may humahabol dito.
 
“Franco, slow down,” sabi ko rito.
 
“Hindi na kasi ako makapaghintay pa, Princess.” Nakangiting sagot nito.
 
“Saan ba talaga tayo pupunta?”
 
“You’ll see when we get there.” Anito at hinawakan ang aking kamay. Napansin kong pinagpapawisan ang kamay nito, pero hindi na lang ako nagtanong pa hanggang sa mkarating kami sa aming patutunguhan.
 
Sa isang subdivision kami tumuloy. Nakakunot ang noong tiningnan ko si Franco, pero nasa pagda-drive ang atensyon nito. Huminto kami sa tapat ng isang malaking bahay.
 
“Who own this place, Franco?” nagtataka na talagang tanong ko.
 
“Tito Menandro,” maikling sagot nito.
 
Nag-isip ako kung sino ang tinutukoy nito. Narinig ko na ang pangalang iyon, pero hindi ko matandaan kung saan nang biglang may maalala ako. Menandro din ang pangalan ng mayor ng San Bartolome.
 
Is he going to… No… Franco said we will plan for it after our graduation. Nagtatalong sabi ng isip ko.
 
Nang mai-park nito ang sasakyan ay kaagad nitong binuksan ang pintuan sa tabi ko. Kasabay ng paglabas ng sinasabi nitong Tito Menandro mula sa pintuan ng malaking bahay. At hindi nga ako nagkamali, s’ya nga ang mayor ng San Bartolome.
 
Litong-lito ang aking isip habang sumasabay sa mga hakbang ni Franco palapit sa lalaki.
 
“Franco, hijo. Napadalaw ka,” magiliw na salubong sa amin ni Mr. Menandro Beuncamino.
 
“Can you marry us, Tito?” ang direktang tanong nito na ikinabigla ng may-edad na lalaki.
 
Ako naman ay halos hindi na humihinga sa kabiglaan. “Franco, what are you saying?” naguguluhang tanong ko rito.
 
“Marga, I know this is not our plan. But after our argument, I realized that a big part of me was lost. Pakiramdam ko masisiraan na ako ng bait nang mga sandaling iyon. Hindi ko kayang lumipas ang isang araw na hindi kita nakikita o nakakausap man lang. And I already told you, hindi ako mabubuhay ng wala ka sa piling ko.” Ang tuloy-tuloy na sabi ni Franco sa akin.
 
“But, Franco…We still need to do it properly. ‘Ni wala tayong mga papeles na dala dito,” logical na sagot ko dito.
 
“Hindi naman basehan ang papel para ‘di tayo maikasal. Ang importante Marga, mahal natin ang isa’t-isa. Huwag kang mag-alala ako na bahala sa lahat. Ako na rin ang bahalang magpaliwanag sa mga parents natin.” Ngumiti si Franco sa akin at pagkatapos ay tumingin kay Mayor Beuncamino, “Tito can you make an agreement for us?”
 
Tumango-tango naman ang lalaki. “Come inside and what’s her name again?” tanong ni mayor kay Franco.
 
“Marga. Marga Agustin, Tito,” mabilis na sagot ni Franco.
 
Wala na akong magawa. Ako man ang tanungin, gusto ko na ring makasal kami ni Franco.  Gusto ko na ring bumuo ng pamilya kasama ito. At mahal na mahal ko si Franco, kaya wala ng dahilan pa para tumanggi ako.
 
Pumasok kami sa loob na magkahawak-kamay at naupo sa sofa sa salas. Nakita kong pumasok ang matandang lalaki sa pinaka-library nito. Makalipas ang ilang sandali ay lumabas din ito agad at tinawag kami pareho.
 
“Do you have you’re rings?” tanong ni Mayor Beuncamino kay Franco.
 
“Yes, Tito.” At inilabas ni Franco mula sa suot nito suit ang isang kaheta na naglalaman ng dalawang singsing.
 
Hindi na ako nagulat pa roon. Sigurado akong bumili na agad noon pa si Franco pagkatapos naming ma-engage dalawa. Ganito siya kasiguradong pakasalan ako.
 
Nagsimula ng mag-officiate ng kasal namin si Mayor Beuncamino. Halos wala na akong maintindihan sa bilis ng mga pangyayari. Hanggang sa tanungin na kami nito, “Do you, Franco Saavedra take Marga Agustin to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, in sickness and in health, in good times and woe, for richer or poorer, keeping yourself solely unto her for as long as you both shall live?”
 
“I do,” seryosong sagot ni Franco na hindi ako hinihiwalayan ng tingin.
 
Dumadagundong na puso ko sa sobrang kaba ng mga sandaling iyon. Lumingon naman sa akin si Mayor Beuncamino. “Do you, Marga Agusin take Franco Saavedra to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, in sickness and in health, in good times and woe, for richer or poorer, keeping yourself solely unto him for as long as you both shall live?”
 
“I do,” naluluha kong sabi habang nakangiti kay Franco. Maging ito man na kaninang seryoso ay kita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata.
 
“Pakisuot na ang mga singsing ng bawat isa tanda na kayo ay kasal.”
 
At dagli naman namin iyong ginawa.
 
“By the authority vested in me, I now pronounce you man and wife. You may now kissed the bride,” nakangiting pagtatapos ni Mayor sa seremonya ng kasal namin.
 
Nawala ang mga ngiti sa labi ko at ganoon din si Franco.  Ito ang unang beses na hahalikan ako ni Franco sa aking mga labi at kauna-unahang beses na mahahalikan ako sa labi. Kinakabahan ako at alam kong ganoon din si Franco.
 
Unti-unting lumapit ang ulo ni Franco sa akin. Nasasamyo ko ang mabango nitong hininga na tila nagpapahilo sa akin. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata at nang maglapat na ang aming mga labi, pakiramdam ko para akong idinuduyan sa ulap.
 
Matagal na naglapat ang mga iyon. Ninamnam ang bawat pagdampi ng mga  labi sa isa’t-isa. Halos mapugto na ang mga hininga namin ng mga oras na iyon. Kung ‘di pa tumikhim si Mayor na nasa harapan namin ay hindi pa ‘ata kami maawat.
 
Namumula ang mukha ko ng bitawan ni Franco ang mga labi ko. Pakiramdam ko nangangapal ang mga iyon.
 
“Ahmm. Pirmahan n’yo muna itong dalawa bago n’yo ituloy ang ginagawa ninyo.” Natatawang sabi nito sa amin. May inabot itong papel kay Franco at pinirmahan iyon ng binata. Pagkatapos ay iniabot sa akin at ako naman ang pinapirma. Pumirma rin si Mayor bilang katunayang mag-asawa na talaga sila ni Franco.
 
And just like that, we were married. Pero sa halip na sa amin kami tumuloy ay sa Manila kami nagpunta.
 
“Where are we going?” tanong ko sa aking asawa.
 
Aking asawa…Hmmm…Parang ang sarap sa pakiramdam.  Kinikilig na sabi ko sa aking sarili.
 
“It’s our first night, remember? Huwag mong sabihin sa aking hindi natin ito ice-celebrate?” may himig panunudyong sabi nito.
 
Pinamulahan ko ng mukha. Hindi ko naisip na ganito nga pala ang ginagawa nang lahat ng bagong kasal. Kinakabahan ako. Walang akong kamuwang-muwang sa mundo ng pag-aasawa, maliban sa mga nababasa at napapanood ko sa mga movies.
 
Humugot ako ng malalim na paghinga. Bahala na. sabi ko sa sarili.
 
Sa Makati kami nakarating ni Franco. Nagpabook ito sa isang kilalang hotel doon. Dinala ako nito sa isang restaurant sa loob noon at masaya kaming nagcelebrate. Kitang-kita ko ang kakaibang kislap ng mga mata ni Franco ng gabing iyon. Mas lalo pa iyong tumingkad kaysa dati.
 
Nang matapos ang masayang dinner namin ni Franco ay umakyat na kami sa itaas. I don’t pero bigla akong kinabahan. This will be our first night together.
 
Nag-aalangan pa akong pumasok sa loob ng bumakas ang pinto ng suite namin. Pakiramdam ko parang biglang uminit ang paligid. Dahan-dahan naman akong iginiya ni Franco papasok sa loob.
 
Napansin kong may mga gamit na kami doon. Napailing na lang ako. Franco never fails to amaze me. Kahit ang kaliit-liitang detalye ng mga bagay ay hindi nito nakakalimutan. He’s always ready.
 
“Do you want to go shower first or gusto mo ako muna?” tanong ni Franco sakin.
 
Naupo ako sa kama at kunwa’y may hinahanap sa aking bag. “You go first,” sabi kong hindi ito nililingon.
 
“Alright.”
 
At narinig ko na lang ang pagsarado ng pinto ng banyo.
 
Huminga ako ng malalim. Ngayon ko lang napagtantong kanina ko pa pala pinipigil ang hininga ko.
 
Akma ko ng bibitawan ang bag ko ng makita kong umiilaw ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag, si Kuya.
 
Sumilip muna ako sa may banyo, bago ako lumabas sa may verandah.
 
“Yes, Kuya—”
 
 “Where are you, Marga? Ang sabi ni Mommy wala ka sa bahay at kasama mo si Franco. Where are you right now?” sunod-sunod na tanong nito na parang may pilit na itanatago sa likod ng kanyang tinig.
 
Naguluhan ako. Hindi naman ito ganitong makipag-usap sa akin dati. There was something in his voice. Parang takot na takot ito.
 
“I’m here in Makati, Kuya. Long story. I’ll just tell you later,” mabilis na sabi ko rito.
 
“No, Marga. We will not talked later. We will talked now.”
 
Unti-unti ng bumangon ang kaba sa dibdib ko. Sinilip ko munang muli si Franco, pero nasa banyo pa ito.

What is it, Kuya? I’m with Franco right now.”
 
“You need to fly to Singapore immediately. But, I want you to do it now.” Nagpapanic na sabi ni Kuya sa kabilang linya.
 
“Ha? But, why?” naguguluhang tanong ko rito.
 
Narinig kong humugot ito ng malalim na paghinga sa kabilang linya bago, “I’m sorry, Marg,”  anito sa tinig na tila hirap na hirap. Ang Marg ay ang kaisa-isahang endearment  sa akin ni Kuya.
 
“Why? Why you’re saying sorry?” litong-litong tanong ko rito. Isang mahabang katahimikan muna ang namayani bago ito sumagot.
 
“It’s breast cancer, Marga. Stage two.” Anito sa napakahinang tinig ngunit dinig na dinig ko.
 
Nanlambot ang mga tuhod ko. Kung wala ang railings sa harap ko ay baka napaupo na ako sa sahig. Para akong biglang nabingi sa sinabing iyon ni Kuya. Pakiramdam ko unti-unting gumuguho ang mundo ko.
 
Umiling ako. No. I don’t have it. I am as healthy as the bull. Mariing tanggi ko sa sarili.
 
“Marga, are you still there?” nag-aalalang tanong ni Kuya.
 
“Yes, Kuya. I’m here.” Sagot ko. “Tell me, you’re joking right?” at bahaw akong tumawa.
 
“This is not a joke, Marga!” ang pahiyaw na sabi nito na halos ikabingi ko. Narinig ko pang may hinampas ito sa kabilang linya at sinundan iyon ng pagmumura.
 
Doon na ako tuluyang naupos. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gulong-gulo ang isip ko. Marami pang sinasabi si Kuya sa kabilang linya, ngunit tila ‘ni isa doon ay wala akong narinig.
 
Why me of all people? Why?! Tanong ko sa aking sarili. Paano na si Mommy? Si Daddy? Nagpapanic na sabi ng isip ko. At paano na si…. Napatingin ako sa pintuan ng banyo. Nanatiling sarado pa iyon. Napahagulhol na lamang ako.
 
Matagal ako sa ganoong posisyon. Parang hindi ko na kakayaning tumayo pa. Samu’t saring isipin ang nagsasalimbayan sa utak ko.
 
Paano na si Franco? Paano pa kami bubuo ng pamilya kong ganito ang kalagayan ko? Paano n’ya ito haharapin kapag sinabi ko sa kanya? Tatanggapin pa ba kaya niya ako? Paano kong hindi? Paano? sabi ko sa sarili habang tahimik akong umiiyak sa pagkakalugmok. Ngayon pa lang ay durog na durog na ang puso ko sa sobrang sakit.
 
Tumingila ako sa langit. Para namang nakikisama ang iyon sa nararamdaman ko, ang kaninang maliwanag na kalangitan ay biglang nagdilim at nagsimulang pumatak ang ulan. Abot abot ang aking dasal na sana, isang masamang panaginip lang ang lahat, ngunit bakit tila hindi ako magising? Ang saya-saya ko kanina, ngunit bakit naman ganito ang kahahantungan ng lahat?
 
Umiyak akong muli. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa wala ng maitulong luha ang aking mga mata. Isa lang ang laman ng isipan ko ngayon. Si Franco.
 
Tumayo ako sa aking pagkakalugmok. Bitbit ang cellphone sa aking isang kamay ay pumasok ako sa loob. Isang desisyon ang nabuo sa aking isipan at sana maunawaan ako ng lahat, lalong higit si Franco.
 
Dere-deretso ako sa banyo. Binuksan ko iyon at naabutan kong naliligo pa rin si Franco. Niyakap ko ito mula sa likuran. Napapitlag naman ito. Hindi nito inaasahan ang ginawa ko.
 
Pareho na kaming basa ng tubig na nanggagaling sa shower. Humarap ito sa akin at unti-unting iniangat ang baba ko habang ibinababa naman nito ang sariling mukha. Naglapat ang mga labi namin. Sa umpisa ay masuyo lang iyon na parang nananantya. ‘Di katagalan naging mapusok na ito. Naging mapaghanap at tila uhaw na uhaw.
 
Iwinaksi ko ang lahat ng laman ng aking isipan, at itinuon ko ang atensyon sa ginagawa ni Franco. Pakiramdam ko may binubuhay itong kung ano sa kaloob-looban ko. Wala akong alam sa ganitong bagay, pero kakalimutan kong lahat ng inhibisyon sa aking katawan at susunod lang ako sa idinidikta ng aking puso. Kahit ngayong gabi lang. Para kay Franco.
 
Ginaya ko ang uri ng paghalik nito. Mas mapangahas. Mas nakakaakit. Napaungol ito sa ginagawa ko. Naramdaman kong bahagyang natigilan ito sandali, pero sandali lang iyon, pagkatapos ay mabilis na kumilos ang mga kamay nito. Isa-isa nitong inalis ang kasuotan ko. Hanggang sa wala na itong itira.
 
Kitang-kita ko sa mga mata nito ang pananabik at tila apoy iyong nagliliyab habang pinagmamasdan nito ang kahubaran ko. Namumula ang mukha ko sa ginagawa nitong paghagod ng tingin sa buong katawan ko. Nais kong takpan iyon ng aking mga kamay, subalit  ayokong ma-discourage ito. This is our first night together… and maybe our last. Kaya wala akong dapat ikahiya dahil asawa ko siya. Mananatiling asawa ko s’ya sa aking puso.
 
Maya-maya pa pinatay nito ang shower at dahan-dahan ako nitong binuhat pabalik sa kama. Nagwawala ang puso ko. Sa sobrang kaba halos hindi ako makahinga. Maingat akong inilapag ni Franco sa kama. Muli, sinuyod nito ng tingin ang aking katawan. Mababakas sa mukha nito ang paghanga, pagnanasa, at pagmamahal para sa akin.
 
Hindi na ako makapaghintay pa. Ako na mismo ang kusang tumawid sa pagitan namin. Nang hindi na makontento ang mga labi nito sa labi ko, pinagyaman noon ang buong katawan ko. Bawat daanan ng mga iyon ay tila may apoy na napupukaw sa loob ko. Nakakadarang. Nakakapag-init.
 
Walang parte ng katawan ko ang hindi nito nahagkan. At habang ginagawa niya iyon, ramdam ko sa aking mga hita ang kanyang kahandaan. Maya-maya pa ay pumosisyon na ito sa ibabaw ko at tila nananantya. His trying so hard not to hurt me  so much at my first.
 
Unti-unti, his trusting deeper, but the pain wasn’t go away. It’s unbearable. He kissed me all over my face to ease the pain I am feeling, at maya-maya pa mas bumilis pa ito na tila may hinahabol. At tinatangay ako nito sa dako pa roon hanggang sa sabay naming marating iyon.
 
Pareho kaming hinihingal ng matapos. Ibinagsak nito ang sariling katawan sa tabi ko. At masuyo akong pinagmasdan. Napansin nito ang luha sa aking mga mata na ‘di ko namalayang kusang bumagsak doon.
 
“I’m sorry, My Queen. Did I hurt you so bad?” masuyong tanong nito sa akin.
 
“No, Franco. I was just too happy, that’s all.” At niyakap ko ito ng mahigpit.
 
“Oh, Marga. You made me the happiest man in the world.” Hinalikan akong muli nito sa mga labi. Matagal. Na para bang ayaw na nito iyong pakawalan pa.
 
“I want to do it again, but I know you’re sore over there.” At nilingon nito ang bahaging tinutukoy.
 
Sa silaw ng malalamlam na liwanag sa loob ng aming kwarto ay kapansin-pansin ang pamumula ng mukha ko. Masuyo akong kinabig nito at dinala sa kanyang dibdib.
 
“I love you, Marga. Now and forever,” bulong niya sa akin habang yakap-yakap ako.
 
Hindi ko nakuhang sumagot, dahil anumang sandali ay nagbabanta na namang tumulo ang mga luha ko. Maya-maya pa, naramdaman kong unti-unti’y bumibigat ang paghinga nito, hanggang sa makatulog na ito ng hindi ako binibitiwan.
 
Maingat akong tumayo at nagbihis. Tinawagan ko ang kapatid ko at sinabi ko dito ang aking desisyon.
 
Bago ako tuluyang umalis doon, isang masuyong halik sa labi ang iniwan ko kay Franco kasabay ng pagpatak ng aking mga luha. Pagkatapos, walang lingong-likod akong umalis.
 

Book Comment (111)

  • avatar
    Frich Arjay Equiza

    because somehow

    4d

      0
  • avatar
    Christianmyl Abella

    nice but sad

    8d

      0
  • avatar
    Casi Rajaboayan Kasem

    us to vha papedtayan

    13d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters