Lumabas ako sa cubicle kung saan ako nagpalit ng uniform, mas presko na ngayon dahil nakapagpalit na ako. Bumuntong-hininga ako habang tinitingnan ko ang repleksyon ko sa salamin, hindi na rin ako nagtagal sa loob ng CR dahil napansin kong malapit na ring matapos ang lunch time. "Ilabas niyo na kasi 'yong answer key ni miss." Nang makabalik ako sa classroom namin ay naabutan kong nagtataasan sila ng boses, hindi naman na bago ang pagiging maingay nila kaya hindi ko na lang pinansin. Ngunit nakita ko silang nagkukumpulan sa upuan ko kaya napatakbo agad ako palapit doon, isa sa mga kaklase ko ang hinahalukay ang laman ng bag ko na agad ko rin namang pinigilan. "Anong ginagawa niyo?" "Bakit ka nagagalit?" nakangising tanong nito at nilapag sa lamesa ko ang gamit na nakuha niya. "May hinahanap lang kami." "Sa bag ko?" "The answer key for the test is missing," tinuro niya ang class president naming namomoroblema na kahahanap ng nawawalang answer key. "Naisip ko lang na baka kinuha mo kasi, alam mo na." "Tigilan mo na nga 'yan," awat sa kaniya ng vice president naming nanonood lang, mukhang hinayaan niya nga lang na gawin ito dahil hindi naman 'to mapapakailamanan kung pinigilan niya. "Bumalik na kayo sa upuan niyo, parating na si sir, mamaya na lang natin hanapin." Wala na akong ibang choice kung hindi ang ayusin na lang ulit ang bag ko at bumalik sa upuan ko, mas mapapasama lang ako kung palalakihin ko ang gulo pero hindi ibig sabihin noon ay palalampasin ko 'to dahil may araw din siya sa akin. "Cabagua, Miss is looking for you." Tinapos ko na ang pag-aayos ko na muna ang bag ko at kinapa ang desk drawer ko para sana hanapin ang phone ko ngunit laking gulat ko na lang nang may makapa akong parang papel, nang kuhain ko iyon ay napabuga na lang ako ng hangin at nilibot ang tingin sa buong classroom. Sino namang naglagay nito rito? Ganito na ba sila kadesperado para lang mapabagsak ako? Dumiretso ako sa faculty at naabutan kong naghihintay si Miss sa tapat ng faculty, nilapitan ko ito at mabilis na bumati bago ipinakita ang papel na hawak ko. "Is this what you're looking for, Miss?" Mabilis niyang kinuha ang answer key at ngumisi, tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa at umiling-iling. "Wow, Cabagua, you're getting bolder these days..." "I don't know what happened, I don't know who put that under my desk but all I know is that I didn't--" "No need to prove your side, you're here with the paper and it's enough evidence," she cut me off and patted my shoulder. "But, don't you think it's unfair that I'll let you slide this time?" "Hindi ko nga po kinuha iyan," diin ko, hindi ko mapigilang magtunog walang galang dahil kahit ilang beses kong depensa ang sarili ko ay mukhang hindi talaga siya maniniwala sa akin. "Okay, let's say na hindi mo talaga kinuha ito pero nakita mo na ang answer key so unfair pa rin sa kanila dahil alam mo na ang sagot," mahinahon ngunit puno ng yabang nitong salita. "Alam mo kasi, Cabagua, mahirap paniwalaan na hindi mo talaga ginawa dahil alam mo na ang reason." "Are you looking down at me, Miss?" "Oh, no," she denied and smiled. "Anyways, thank you for bringing this back to me, you may now go back to your class." Hindi ako papayag na mamaliitin lang nila ako, hindi ako papayag na hindi mabibigyan ito ng hustisya dahil hindi ko naman talaga kinuha ang answer key. "You'll revise that, miss, am I right?" napalingon ito sa akin. "I'll make sure that I'll get the highest score without looking at that." I don't know, I knew it was one of the dumbest thing I've done in my whole life aside from cheating on the exams but it's not impossible-- I just got to slowly kill myself on the process. We were dismissed an hour early kasi nagpeprepare ang mga teachers for an upcoming event kaya napagkasunduan namin ni Jileo na ngayong araw na lang din pumunta sa mall para mapalitan na ang nasira kong eyeglasses niya kanina. "Do they accept cards?" "Oo siguro," parang hindi pa siya sigurado sa sagot niya. Nauna na siyang pumasok sa loob ng store, sinundan ko lang siya at agad na hinanap ang counter. Nakita ko naman na may nakalagay na sign doon, mabuti na lang ay tumatanggap sila ng ibang payment method. Pera ko ang gagamitin ko, hindi pera ng parents ko dahil hinding-hindi ako makaka-hingi sa kanila lalo na sa sitwasyon ko ngayon. Hinihintay ko na nga lang na palayasin na nila ako sa mansyon nila. "Bakit hindi ka na lang mag-contacts?" bigla kong tanong sa kaniya habang sinusundan ko siyang magpa-ikot-ikot sa store. "Hindi ako sanay," aniya. Tumigil siya sa tapat ng men's glasses at kinuha ang nasa pinaka-taas, matangkad naman siya kaya abot na abot niya. "Lasik?" curious ko pang tanong. "Mahal?" hindi niya siguradong sagot at lumingon sa akin. "Pangit ba?" Dapat ba akong magsabi ng totoo? Honesty is the best policy naman, 'di ba? "Oo, pumili ka ng iba." I scanned the shelf and tried to find a frame that suits him more, I found something with a roundish frame and pointed at it. "Ito, oh." "Pero parang mas gusto ko 'to," aniya at tiningnan ang hawak niyang salamin habang nakasimangot. "Ayaw naman sa 'yo." Binalik niya na sa pinagkuhaan niya ang hawak niyang salamin at sinubukan ang sinuggest ko kanina, mas bagay sa kaniya iyon kesa sa kanina. Bumaba ang tingin ko sa phone ko nang makita kong may message na dumating, hinahanap na ako ni mama. Aureia I'll stay at school to study, huwag niyo na po akong sunduin Malamang, pag-uwi ko ay wala si mama sa bahay dahil nasa hospital siya dahil on-call siya. papa, on the other hand, have an on-going project for the city kaya predicted ko na mag-isa lang ako sa bahay. The payment was quick, mabilis lang din na nawala ang pera ko sa isang iglap-- though, wala pa naman akong planong na gastuhin iyon so okay lang naman. Kailangan na lang namin na hintayin na magawa ang salamin niya, may waiting area naman sila rito na pwedeng tambayan. Naramdaman kong kumirot ang tyan ko, nagwawala na rin iyon dahil hindi pala ako nakakain ng lunch kanina. "Bibili ako ng milktea, gusto mo rin ba?" tanong ng katabi ko, umiling na lang ako bilang sagot kahit na nagugutom na ako. Mas gusto ko ng kanin pero hindi rin ako pwedeng magtagal dito sa mall kaya sa bahay na lang ako kakain. Pinanood ko na lang siyang lumabas ng store, may stall pala sa tapat nito kaya roon na lang siya dumiretso. Hindi na kaya ng tyan ko, nagugutom na talaga ako. Kinuha ko lang sandali ang wallet ko at iniwan na ang bag ko sa ibabaw ng pwesto ko bago lumabas ng store. "Anong flavor in-order mo?" tanong ko nang makalapit na. "Taro," sagot niya habang abala sa pagtitipa sa phone niya. "Make it two, please." Tumango naman ang staff at naghanda na ng isa pa. "Paano mo nabasa?" "Kabisado ko 'yong menu," binigyan ako ni Jileo ng mapanghusgang tingin. Muli akong napatingin sa phone ko dahil sa isang tawag, hindi talaga ako titigilan ni mama at mukhang hindi yata siya busy. Lumayo muna ako sa stall para masagot ang tawag, katahimikan ang sumalubong sa akin nang masagot ko iyon kaya nagtaka ako. "Ma," tawag ko. "Anong oras ka uuwi?" mahinahong tanong nito. "I'll be home before 6," mabilis kong sagot, muli akong nagtaka nang hindi na sumagot si mama and only to find out na namatay na ang phone ko dahil drained na ang battery. Well, I guess that just happens. Kailangan ko na ring maka-uwi dahil magrereview pa ako para sa long quiz bukas sa math, kailangan kong panindigan ang sinabi ko kanina. Bumalik na ako sa stall nang makita kong tapos na ang order namin, kukuha na sana ako ng pambayad pero may pumigil sa akin. "Bayad na 'yan," pigil sa akin ni Jileo at sumimsim na. Tinago ko na lang ang wallet ko sa bulsa ng palda ko at kinuha ang isa pang milktea bago iyon inalog para mahalo, napansin kong may pie sa counter pero hindi ko na lang pinansin dahil hindi ko naman iyon in-order. "Oh," nagtaka ako nang iabot sa akin ni Jileo ang pie, tinuro ko pa ang sarili ko para masigurado na agad naman niyang sinagot. "Hindi ako kumakain niyan," tanggi ko at akmang babawiin niya na nang hablutin ko iyon. "Pero sa akin na 'to, 'di ba?" Nakakahiya naman, way na rin siguro 'to para magka-ayos kami. Napa-angat ako ng tingin sa kaniya nang ayusin niya ang bangs ko, mas matangkad kasi siya. Hanggang baba niya lang yata ako, hindi naman siya ganiyan katangkad dati noong junior high kami. Sa katunayan nga lang ay mas matangkad pa ako dati. Tinalikuran ko na siya at natigilan nang may makita akong pamilyar na tao sa hindi kalayuan, nakalagay ang phone niya sa kaniyang tainga dahil siguro ay may katawagan. Nagtama ang mga mata namin at sigurado akong nakilala niya rin ako pero umakto siyang parang walang nangyari at lumakad na lang palayo. Malapit lang naman ang university nila Ascian dito kaya hindi imposibleng magkasalubong kami. We went back inside the store and spent the rest of our time waiting for the new pair of glasses, agad niya ring ginamit noong matanggap na namin dahil na rin siguro nahihirapan siyang pakiramdaman ang paligid niya. Nang makalabas na kami sa exit ay may naabutan kaming iilang mga kotse sa parking lot, kinabahan nga ako noong may nakita akong pamilyar na kotse pero kamukha lang pala noong kay mama. 'Yon ang akala ko... "Ingat ka," paalam ko kay Jileo at mabilis na kumaway bago tumakbo palapit kay mama na nakatayo lang sa tabi ng kotse niya, nakahalukipkip ito pero kalmado lang ang itsura kaya mas lalo lang akong nakaramdam ng kaba. "Get in the car." And so I did, pumasok agad ako sa loob ng kotse ng walang ibang reklamo at hinintay na umandar ito. "You're getting worse, Aureia. I'm not telling this to your dad, be thankful," said mama as she drive out of the parking lot. "May nakapagsabi sa akin na nandito, I'm so disappointed." "Who told you?" "Someone," mabilis niyang sagot, mukha ring walang balak si mama na sabihin kung sinong nagsumbong pero may pinagsususpetyahan na ako. Hindi naman kami nagtagal sa byahe at nakauwi rin agad, dumiretso agad ako sa loob ng bahay nang makarating kami at akmang aakyat na sana nang magsalita si mama. "We fixed it, kausapin mo na lang ang adviser niyo para malaman mo kung ano na lang ang gagawin mo in exchange of the deal." Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa narinig ko, aaminin kong ayaw kong maging malaki ang consequences pero at the same ay iniisip ko rin na baka maging unfair ko. Pero ganun naman ang mundo, unfair naman palagi. Pagkatapos na pagkatapos kong mag-dinner kasama si mama ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko para makapagsimula na sa pag-rereview, wala naman nang makaka-istorbo sa akin dahil pumunta na rin sa hospital si mama. Habang nag-aaral ay napansin kong ilang beses na bumuhay ang phone ko dahil sa notifications, hindi ko naman pwedeng patayin iyon dahil ginagamit ko ang phone ko para sa timer. Binuksan ko na lang ang app ko na iyon at akmang imumute ko na ang chatroom ng class namin nang mapansin kong may nagmemention sa akin. Hindi lang sa chat room pero pati na rin sa isang post, hindi naman na ako masyadong nag-oopen ng social media accounts ko kaya hindi ko alam kung ano ang nangyayari. so cool, luv it @Aureia Cabagua Hi, bff Fairest of the all Stop na, guys! It's bad kaya, you're all ruining the vibe coco m-- lmao so cool, luv it removed a message I checked the post to see what's going on and was dumbfounded to see it. shoutout to my classmate who got caught cheating and now stole the answer key for the quiz tomorrow! Your fighting spirit is unbeatable, damnnnnn hope you could share the answers lol, sharing is caring There were so many reactions on the post and all of them were laughing, the comments kept mentioning my account and some even commented things they thought would be funny. It was horrible... Muli na naman akong minention sa chatroom pero this time ay may kasamang message na, and again all of them were reacting with a laughing emoji... including my friends, Thalia and Hazel. Fairest of them all @Aureia Cabagua Hi, girly. 'Wag kang magbigti, ah. Sunod-sunod ang mga nag-react ng tumatawa sa message na iyon at kasama roon ang taong hindi taong akala ko ay hindi katulad nila.
ang ganda talaga ng mga estorya
23/01
0thanks
09/09/2024
0exelent
30/04/2024
0View All