"You know, it's really hard to believe that someone from this amazing class will ever cheat. They indeed benefited from it, I was impressed for a short time." Nag-iwas ako ng tingin sa teacher namin at dumiretso na lang sa upuan ko habang nakayuko, may nabangga pa nga ako sa sobrang pagmamadali. Katatapos lang ng PE class namin at nakabalik na kaming lahat sa loob ng classroom, sobrang init lang dahil pinatay ang aircon bago kami lumabas papunta sa field. "Having an influencial family is handy, 'no? Nakakahiya naman sa scholars natin." Mahinang tumawa ang teacher namin. "Sana hindi na maulit, 'wag niyo na ring pagtangkaan na gawin," agad na sumagot ang mga kaklase ko, at nang makalabas na ang teacher namin na iyon ay naging tahimik ang paligid. Mas yinuko ko pa ang ulo ko para matakpan ng buhok ko ang mga mata ko, hindi ko alam kung dapat ko bang pagsisihan na hindi ako simunod kay Papa na huwag na lang pumasok ngayong araw. Napalingon ako sa likod ko nang maramdaman kong may kumalabit sa akin. "Cabagua, na-check mo na ba 'yong test kanina?" "Ha?" Naguguluhang tanong ko. "Hindi naman tayo nag-checking..." Napakunot ang noo ko nang makita kong nagpipigil ng tawa ang katabi niya, makalipas ang ilang segundo ay doon ko lang napagtanto kung anong ibig niyang sabihin. Napansin kong hindi maayos ang paghinga ko, kanina ko pa tinitiis 'to at parang hindi ko na yata kaya. The bell then rang, students exited the classroom and few were left inside to sleep or study, some brought their own lunch and decided to eat here. Wala akong ibang choice kung hindi ang lumabas. Nang tumayo na ako ay naramdaman kong parang may naapakan ako, nang abutin ko iyon ay nagulat ako sa nakita ko. "Nakita mo ba 'yong--" natigilan ang katabi kong si Jileo nang makita niya kung anong hawak ko, marahas niyang hinablot iyon at kinapa-kapa ang lens. Napanganga siya nang maramdaman na basag na iyon. "Nakaka-inis talaga." "Sorry, sorry." Nataranta na ako at hindi alam ang gagawin, kukunin ko sana 'yong salamin niya kaso tinabig niya ang kamay ko. "Papalitan ko na la--" "'Wag na." Kahit na sinabi niya na iyon, rinig ko pa rin na nainis siya dahil sa nangyari at natural lang naman dahil nasira ko ang gamit na pinakamahalaga sa kaniya. "Sorry talaga," bulong ko na lang bago lumabas ng classroom. Hindi ko na dinala ang school uniform ko dahil hindi pa naman ako magpapalit, hindi ko na rin inalala na puno pa ng pawis ang PE uniform ko. Marami akong nakasalubong na estudyante ngunit nawala rin sila noong makarating na ako sa safe place ko. Maraming halaman sa gilid ng building at halos matabunan na iyon kaya walang masyadong pumupunta rito, madalas akong pumupunta rito kapag kailangan kong maglabas ng emosyon. Dati ay sa CR ako pumupunta pero unti lang kasi ang cubicle sa building namin kaya napipilitan akong lumabas agad. Yinakap ko ang tuhod ko at binaon ang mukha ko roon, nararamdaman kong nababasa na ang braso ko pero hinayaan ko lang iyon. Ano nga bang dahilan kung bakit tayo narito? To suffer? "Umiiyak ka ba?" Agad akong napa-angat ng ulo at natumba sa pagkaka-squat nang makita na may tao, kahit na medyo malabo pa ang paningin ko dahil sa luha ay nakilala ko pa rin kung sino ito. Nilahad niya ang kamay niya para siguro tulungan akong makabangon ngunit imbis na abutin iyon ay mas lalo lang akong naiyak. Bakit may tao rito? Ngumiwi si Jileo at lumuhod, nag-alangan pa siya na tapikin ang likod ko pero ginawa niya pa rin naman-- hindi nga lang nakatulong para tumigil ako. "Bakit ka ba umiiyak?" Lumingon ako sa kabilang direksyon at huminga ng malalim, bahagya akong kumalma pero hindi pa rin tumitigil ang pag-agos ng luha ko. "Umiiyak ka ba dahil doon sa salamin?" tanong niya pa. Humugot muli ako ng malalim na hininga bago ko siya nilingon, tiningnan ko ang mukha niya at hinanap ang pagbibiro roon pero mukhang ang seryoso niya. Mas maganda na siguro na irason iyon, sigurado naman akong alam niya na rin ang tungkol doon. "Pwede mo namang palitan kung gusto mo talagang palitan, basta tumahan ka na." Hindi niya talaga siguro alam kung paano tumahimik. "Pero hindi ko naman din ipipilit, kaya ko rin namang palitan." "Tumahimik ka na, please. Oo na, papalitan ko na..." "Hindi kita pinipilit, ha--" "Sinabi ko ba?" Hinilot ko ang sintido ko dahil nagsisimula na iyong sumakit pagkatapos kong umiyak. Dahil sa daldal niya ay hindi ko na napansin na tumahan na pala ako. Napansin kong may hinahanap siya sa bulsa niya kaya, hinintay ko lang siya hanggang sa ipakita niya ang kamay niyang may hawak na panyo. Inalok niya iyon sa akin pero tiningnan ko lang iyon habang iniisip kung anong sumapi sa lalaking 'to. Parang noong isang araw lang, ayaw niyang makipagbati. Napakunot ang noo ko nang ilapit niya sa mukha ko ang panyo, natural lang na lumayo ako nang mapansin ko ang pagtigil niya ay bumalik na lang ako. Magaan niyang pinunasan ang mga luha ko at mahinang bumuntong-hininga. "Kailangan mo rin ba ng yakap?" In all honesty, na-wirdohan ako sa tanong niya at mukhang na-realize niya rin 'yon kaya napabuntong-hininga ulit siya. "Ka-kalimutan mo na lang na sinabi ko 'yon." "Bakit ka nandito?" tanong ko. "Ah, sorry. Sinundan kita..." mahinang sagot niya. "Nag-alala kasi ako..." "Ha?!" "Bakit? Hindi sa may gusto ako sa-- Oh my ghad, basta," hindi niya na tinuloy ang pagpapaliwanag kaya binigyan ko siya ng mapanghusgang tingin. "May naalala lang akong tao sa 'yo, okay na ba 'yon?" Tumahimik na lang ako at pinunasan ang mata ko gamit ang aking kamay, natigilan ako sa aking ginagawa nang maabutan kong pasimpleng inaayos ni Jileo ang nagulong bangs ko. Napahinto siya sa ginagawa niya at napatingin sa akin. "Nagmumukha ka na kasing slapsoil." "Pag-iisipan ko kung kailan ko papalitan, basta papalitan ko 'yang nasira ko." Wala na akong ibang maisip na sasabihin kaya tumayo na lang ako at pinagpagan ang pants ko bago lumakad palayo. "'Wag ka nang umiyak, ha!" "Hindi ka pa yata kumakain, pumunta ka na nga sa canteen!" sigaw ko pabalik at tumakbo na. A new memory.
ang ganda talaga ng mga estorya
23/01
0thanks
09/09/2024
0exelent
30/04/2024
0View All