-Maria- "Hello! Anong klase ng disenyo ang gusto mo? Pintahan natin? Bulaklak ba?" masiglang tanong ng lalaki noong makapasok kaming dalawa sa loob ng kubo. Hindi pa nga niya ipinapakilala ang sarili niya, e. "Ah." Hindi ako komportable. Magka-edad ba kami nito? Hindi ko alam ang itatawag ko. Gulat akong napaatras nang mabilis siyang lumapit sa akin saka nito inilapit ang tainga sa mukha ko. "Ha? Flowers? Teka, 17 pa lang ako kaya huwag mo akong tawaging Kuya o bata." Umiwas ako ng tingin saka tumakbo patungo sa sulok. It seemed like he's comfortable here. Magkapareho lang kami ng edad kaya ang pangalan niya dapat ang itawag ko. Tumungo ako sa may banig saka niyakap ang unan. Hindi kasi ako makatanggi sa alok ni Lolo at Lola na pagdisenyo sa kubo kanina. "Anong pangalan mo? Ako si Maria," pagpapakilala ko, nag-squat ang lalaki sa tapat ko at naglabas siya ng nakatuping papel sa loob ng bulsa. He showed me the content of the paper and 'Gian' was written on it, in an artistic way. "Ako si Gian! Nice to meet you!" "Tatawagin na lang kitang, Mari? Ria? Mar?" he suggested that made me laugh slightly. He's realy trying to befriend me, maybe? "Anything is fine. Bakit nandito ka nga pala at gusto mong lagyan ng disenyo itong kubo?" tanong ko na mas niyakap ang unan. Muling tinupi ni Gian ang papel saka ito ipinasok sa loob ng bulsa. "Napadaan lang ako rito tapos binisita ko si Lolo Andres at Lola Marietta. Matagal ko nang sinasabi sa kanila na ako ang maglalagay ng disenyo ng kubo kaya dapat nila akong payagan." Peke ko siyang nginitihan habang abala ito sa paglabas ng lapis at natuping papel sa bulsa. "Talagang dapat ka pang payagan nila Lola, ha? Pero..." Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kubo. "Ayos naman na kahit hindi malalagyan ng ano mang kulay o design." "Pft, matagal ko nang na-plano ang mga ilalagay ko rito. Kagaya ng speaker at bookself!" "Speaker at bookshelf? Matagal ka na bang pumupunta sa kubo na ito?" I asked while he's drawing a floral pattern on the paper. He's drawing it perfectly, without even using an eraser! "Yup, binalak ko rin sanang hingiin 'to bilang sarili kong drawing place pero nalaman kong gusto nilang ikaw ang mananatili rito kapag nagbakasyon ka." Tumayo na si Gian saka inilahad sa akin ang natapos niyang iguhit. "Tapos ko na, anong klase ng bulaklak na pattern ang gusto mong disenyo ng pader?" Awang ang labi kong napahanga ng kanyang iginuhit. Iba't ibang klase ng bulaklak ang iginuhit niya bilang pagpipilian. Napakalinis at ayos, hindi pa siya gumamit ng pambura! Pero, ayaw ko ng bulaklak bilang wallpaper. Seryoso ba talaga siya? "Gusto mo itong maging drawing place mo? Close na close ka kay Lolo at Lola Marietta, kaano-ano ka namin?" I questioned but he just creased his brows on me. He shrugged and chuckled. "Ah, no no! Basta namalayan ko na lang na close ko sila." "Namalayan? Paano nga?" Hindi naman basta-basta na naging close niya na lang sila. He held his chin. "Let me think. Noong naging close ko sila ay dahil sa pagte-trespass ko rito sa kubo. Bagong tayo pa lamang ito noong pinaglaruan ko nang walang paalam." "Pft, HAHAHA!" malakas kong halakhak na napatakip pa ng bunganga sa lakas. Ang proud niya pa sa pag-amin na nag-trespass siya rito para lang maglaro! "Hah? Nakakatawa?! Oo, nakakatawa nga pero sinadya ko 'yon para mapalapit ako sa kanila tapos mapapadalas ko ang papunta rito sa kubo!" Gian then admitted again while scratching his head. "Gustung-gusto mo talaga 'tong kubo ni Lolo Andres!" wika ko na ikinaiwas ng tingin ni Gian na nahihiya. "A-Ah, sa totoo lang, sa 'yo raw ito kaya nagseselos ako." I stopped laughing and silenced myself when he said that, looking away. "You really love this place. Magpatayo ka rin sa bahay ninyo!" He tilted his head and knitted his brows on me. "Magpatayo?! Gusto mong utusan ko si Lolo Andres sa bahay para gawhan ako? Para mo na rin sinabing gusto kong magpasermon kay Mama." I glared at him who smiled at me. He's really weird! "Hindi naman sa ganoon! Pero hayaan mo, sayong-sayo na itong kubo kapag nakauwi na ako!" pagpapagaan ko ng kanyang kalooban. Nabigla siya sa sinabi ko kaya mabilis itong lumapit sa akin na ikinaatras ko. "Talaga? Sure?! Akin na 'to kapag umuwi ka na?" tumango ako sa kanya. "Oo, papakiusapan ko na rin si Lolo at Lola!" More than me, he's really onto this place. Knowing he had a reason to stay here, to have this as his drawing place. I gazed at his drawing. Since he's also a skilled one. "Kailan ka ba uuwi?" tanong ni Gian na malapit pa rin sa akin. Nakaramdam ako ng uncomfortable feeling kaya pinagkamit ko ang kilay ko. "Ah, after ng summerbreak?" Napasinok ako sa biglaan niyang paghawak sa mga kamay ko. Ni ang hawak kong papel ay nabitawan ko na. "Maghihintay ako! Kaya dapat na nating ayusin 'tong kubo!" Hindi niya pa rin ako binitawan lalo nang titigan niya ang mga mata ko. Kalaunan ay inilapit niya ang kanyang isang kamay sa mukha ko. Anong ginagawa niya?! I bit my lower lip when I felt nervous, I don't know but I my chest was tightening. "A-Anong---" "Maria, your skin's very soft and white---" "KYAAAH!" Dahil doon ay napasigaw na lang ako sabay sampal sa kanyang mukha, sinipa ko pa siya nang hindi ako nakontento dahil sa ginawa nito. Akala ko ba naman kung anong gusto niyang gawin para sa boluntaryong pagdisenyo ng kubo! "P-Pervert!" sigaw ko sa kanya na pulang-pula habang yakap-yakap ang sarili. He tried to stand up to explain. "H-Hindi! Nadala lang---" "Apo, bakit?" "Anong nangyari?!" Nang makita kong papalapit na si Lolo at Lola na nag-aalalang sumugod, nilapitan ko kaagad sila. "Anong ginawa ninyo?" Lolo worriedly asked as they looked at Gian who immediately stood up. "I-Iba po ang intensyon niya!" nagagalit kong sabi sabay turo kay Gian. "Nagkakamali po siya, pasensya na po!" "Si Gian anak? Anong ginawa niya sa 'yo, Maria? Ha?" Hinawi pa ni Lola ang buhok ko kaya humigop ako ng hangin. Umiwas ako ng tingin saka niyakap ang sarili upang maintindihan nila ang gusto kong sabihin. "Gian?" naniniguradong tawag ni Lolo na nasa harapan ko na. Itinatago ako kay Gian. "Mali po 'yong pagkakaintindi niya! Mari! Ria! Maria! Hindi ko na uulitin! Lalayo na ako ng ilang distansiya sa 'yo! Basta ituloy natin ang usapan natin!" pakiusap ni Gian sa nagmamakaawang tono pero tumalikod na ako saka sumama kay Lola papasok sa bahay. Kinausap na ni Lolo si Gian na umuwi habang ako itong nanatili muna sa loob ng kuwarto. Unang araw ko pa lang dito pero nakaranas na ako ng hindi ko madaling makalimutan. Hindi na ako mapakali kakaisip doon! Iba talaga ang pumasok sa isip ko sa inasta ng lalaking iyon! Wala na akong balak sa pagdisenyo ng kubo, higit sa lahat ay hayaan siyang makalapit doon! Tapos na kaming maghapunan at noong makapaghugas ako ng plato, pinakiusapan ko muna si Lola sa pananatili sa kuwarto sa gabing iyon. Wala akong ibang naiisip kundi ang ginawa ng lalaking 'yon kanina! Nanggigil tuloy ako! Umupo na lang ako sa may bintana ng kuwarto at pinagmasdan ang ma-bituing kalangitan. I sighed. "Wala na sigurong kagaya ng mga lalaki noong panahon ni Lola sa panahong ito," nanghihinayang kong bulong. Tumalon ako pababa saka muling hinalungkat ang mga itinagong liham ni Lola sa kahon. Nang makakuha ako ng isa ay bumalik ako sa bintana. I stared at the old letter. "Guys these days weren't like you anymore, Lolo." I then chuckled by myself. "They're not gentle anymore! They're perverts!" Lumingon ako sa may kubo, may ilaw roon na nagsisilbing liwanag sa harapan ng kubo. I twitched my lips out of imagining what had happened again. Ano bang nasa isipan niyon?! That Gian. Iirap na sana ako sa kawalan nang mapansin kong tila may gumagalaw sa gilid ng kubo kaso ay hindi ko maaninag dahil madilim sa bahaging iyon. Naningkit pa ako sa pag-aninag kung ano 'yong gumagalaw kaya naghinala na ako. Hindi naman siguro. Baka pusa lang 'yon o aso. I went outside my room and Lolo was the one I saw by the kitchen, drinking his late coffee. "L-Lo! Lalabas lang po ako saglit!" pamamaalam ko na ikinataka ni Lolong tumingin. "Aba, saan ka pupunta? Huwag ka nang lalayo, ha?" Tinanguhan ko siya. "Opo! Sa kubo lang!" Dumiretso na ako sa labas saka dahan-dahang lumakad palapit sa kubo. May gumagalaw talaga roon at hindi na galaw ng pusa o aso o ano mang hayop 'yon. I gulped. "May tao ba riy---" Suminok akong umatras nang may mabilis na tumayo roon at lumakad palapit sa akin. I saw a guy who was holding papers with drawings. He was showing them to me. "H-Hello Maria! Look! Iginuhit kita matapos kong makabesa ang itsura mo!" "H-Huh?" Napatigil ako, kunot kilay siyang tiningnan saka pinanood sa pagpapakita nito ng mga ginuhit niya. Naaaninag ko masyado ang iginuhit niya. Magkakaparehong mukha ng babae pero may iba't ibang hairstyle at bulaklak na disenyo sa buhok. At saka, ako 'yong iginuhit niya! "Siguradog maganda 'to! Sana alam mo na kung bakit ko sinabi 'yon sa 'yo kanina!" He lent the drawings to me but I only stepped backward first. "Gusto lang talaga kitang iguhit!" Bakit nandito pa rin siya? Gabi na at hindi pa ba siya unuuwi simula kanina?! At ang ginawa niya man maghapon dito, ay iguhit ang mukha ko?! "T-Teka, teka! Nandito ka pa rin?! Pinauwi ka na ni Lolo kanina, hindi ba?!" taka kong tanong na nagpahinto kay Gian. I looked away and pouted. "And, you did draw me just because of what happened?!" "Ah, oo haha!" Nahihiya siyang napakamot sa ulo. Babawiin niya na sana ang paglahad sa drawing niya pero pinigilan ko ang kamay nito saka ko tinanggap ang mga drawing. I performed a smile out of wonder. Namangha ako sa pagguhit niya sa akin nang wala man lang ginaya, basta kinabisado lang nito ang itsura ko. Malawak ang ngiting iginawad ko habang namamangha kakatingin sa iginuhit niya. "Hindi mo na dapat inabala ito maghapon para lang maintindihan kita!" tumatawa kong sabi sa kanya na ikinaangat ng kilay ni Gian. "Pero ang galing!" "Umuwi ka ba?" tanong ko sa kanya na mabilis tumango. "Oo! Noong pinauwi ako ni Lolo ay umuwi talaga ako saka kumain tapos kumuha ako ng mga papel sa bahay," tugon ni Gian na tila nagbibilang pa sa daliri. Napahigpit ang paghawak ko sa drawing niya, hindi ko namalayang mayroon pa pala akong hawak na liham ni Lola. I gritted my teeth and bowed. Maybe I really did misunderstand what he had done earlier. I sighed and nodded out of nowhere, I really did misunderstand him. "Sorry kanina!" I apologized to him with a genuine smile. Nabigla ito sa ginawa ko kaya mabilis niya na namang hinawakan ang magkabila kong balikat. His sudden movements were the wrong thing here! "Talaga? Bati na tayo?!" I smiled and nodded. "Yes!" He sighed and put his hands on his waist, nilingon niya ang kubo. "Ayos! Matutuloy ang usapan natin! Sa 'yo na ang iginuhit ko. Para sa 'yo naman talaga 'yan!" Nagtinginan kami nang sabihin niya iyon saka kami nagngitihan. Ngayon pa lang ako nakasaksi ng taong kagaya niya. Super persistent sa isang bagay kaya nagsikap pa itong gumuhit maghapon at gabihing manatili rito para lang magkaintindihan kami. I guess Gian's nice and not pervert at all. I laughed out of nowhere that made Gian scratch his head. "Anong nakakatawa? Maria!"
Thank you
Support the author to bring you wonderful stories
Cost 43 diamonds
Balance: 0 Diamond ∣ 0 Points
Book Comment (55)
GonzalesBernadette
I badly want continuation of this story po nakaka bitin🥹🥹🥹🥹
I badly want continuation of this story po nakaka bitin🥹🥹🥹🥹
23/11/2024
0🌷😘🌷
20/11/2024
0thanks
03/10/2024
0View All