-Maria- Nang matapos na namin ni Lola sa pagku-kuwento ay nagpaalam na ako sa kanya para diretsuhin ang kubo ni Lolo kung saan ako na-excite. Medyo mahina ang naaabot na signal dito kaya isasantabi ko muna ang gadgets. I got a lot of plans to do here! I want to go to the rice field where my grandfather goes. I want to wander the forest part near his ricefield. May hill din daw si Lolo na malapit sa palayan niya kaya balak ko ring mag-picnic doon sa oras na makakalabas kami papunta sa bayan. Walang laman ang kubo pero kahit na mainit ang panahon, presko naman dito dahil nasa silong ito ng malaking akasya. Kitang-kita rito ang napakalawak na palayan. Lagpas ng palayan ay tabi-tabing bundok na masisilayan sa dulo. May maliit na daan sa kabilang side ng bakod nitong kubo at puwede ring magtampisaw sa batis na dumadaloy sa kabilang side ng daanan. Nagdala ako ng unan saka banig dito sa kubo para dito matulog kung gustong magpahinga. Balak ko rin sanang lagyan ng disenyo ang lugar pero mukhang pambata na ang ganoong paraan. Biglang may kumatok sa maliit na bahay na kinaroroonan ko at nakita ko si Lolo na may dalang nakasupot na saging. "Lo!" tawag ko sa kanya. I came near him as I carried the bag of banana he was lending. Lolo roamed his eyes on the place. I stared at him as I thought about Lola's story. Sobrang guwapo rin siguro ni Lolo noon! "Ayos ba 'tong kubo, apo? Pagpasensyahan mo na't hindi sanay si Lolo sa mga gawaing pagpapatayo ng bahay!" Mabilis akong tumango sa kanya. "Ayos na ayos po talaga!" Since you're the best at cooking! "Nako, mabuti kung ganoon, dito ka muna sa ngayon. Sa susunod, idadala kita sa bukid kasama ang Lola!" "Sige po! Paalam po!" maligaya kong sagot nang papaalis na si Lolo habang kumakaway sa akin. Sinundan ko siya ng tingin nang lumabas ito sa may gate ng backyard kung nasaan ako. Lumakad siya sa may daan pakanan. I want to follow him. I just wanted to see the kind of refreshing view beyond the forest part beside their house. Maybe there's a very wide ricefield? Hinintay kong makalayo si Lolo bago ako pasimpleng lumabas ng gate. Imbes na sa kanang bahagi ang tunguhin ko, sa kaliwang daan ako dumiretso. I expected that the more forest-part was the left direction. Kakahuyang bahagi ang kaliwang part ng daanan pero malawak na palayan naman sa kanan. Tinakbo ko ang maliit na daan hanggang sa naramdaman ko na ang pagod kaya hawak ko ang tuhod kong huminto, hinihingal pa. I stood up firmly when I saw a parked bicycle, leaning on a mango tree. Saktong may papalikong daanan pakaliwa na kokonekta sa kalsada sa harapan. I curiously went near the parked bicycle and held the handle. It seemed too old too but there's a carrier in it. Bakit nandito ito? Nasaan ang may-ari? Sasakyan ko na sana ang bisikleta nang mapansin kong may nagmamartsa palapit sa akin. "Wah! Anong gagawin mo sa bisikleta?!" gulat na sabi ng babae sabay turo sa akin. Mula siya sa pakaliwang liko ng daanan. Her hair's length ended over her shoulder's level, two purple ribbons were tied on both sides of her hair. "A-Ano. Susubukan ko lang sanang sakyan kasi wala naman 'yong nagmamay-ari," sagot ko at muling binitawan ang bike. Medyo umiwas ako ng tingin dahil tila sinusuri ng babae ang itsura ko. "Sa 'yo ba 'tong bike?" "Teka, bago ka rito?" Sabi na nga ba't tatanungin niya. "Alagang syudad ka po ba, Ate?" Natatawa akong napakamot sa pisngi. "Ah haha? Oo, galing ako sa syudad at magbabakasyon lang ako kina Lola Marietta at Lolo Andres." "Hala!" Bigla niyang ipinalakpak ang kanyang kamay. "Ikaw 'yong apo ni Lolo at Lola Marietta? Si Ate Maria?!" I creased a brow on the girl when she mentioned my name. She knew me already? Or maybe we knew each other before yet I couldn't remember her. "Yes, I'm Maria. Nagkakilala na ba tayo dati?" I asked but she only shook her head. "Ako si Gelai Romero! Mas bata ako sa 'yo at ngayon lang din kita nakilala." "Pero, paano mo nalaman ang pangalan ko?" "Kinukuwento ka ni Lolo at Lola Marietta sa amin!" Sa amin? "Binabanggit nila na may apo sila sa syudad at ikaw 'yon, sigurado! Ipapasyal na muna kita!" Hindi ako nakapalag nang hilahin niya ako sa pulsuhan patungo sa daanang pinanggalingan niya. Paano na 'yong bisikleta niyang iniwan namin? "Paano na 'yong bike mo, Gelai?" tanong ko na nagpapahila sa kasama ko. Napailing na lang si Gelai. "Hindi akin 'yon, nakita ko na lang na ginagamit kanina ng kapatid ko tapos ipinabantay niya sa akin doon." "Kapatid? Nasaan na siya? Bakit mo iniwan 'yong bike?" pagbibigay-katanungan ko na naman hanggang sa huminto kami sa mas malawak nang kalsada. Ito na ang daan na makakabalik sa frontyard ng bahay nila Lola. Nasa tapat kami ng may kalakihang bahay, malawak din ang nasasakupang lupain ng lugar kaya aakalaing mayaman ang nagmamay-ari. "Bahay niyo ba 'to?" I asked Gelai but she only hid herself beside the gate of the house. Bigla niya rin akong hinila patungo sa tabi nito. "Hindi, medyo malayo ang bahay namin mula rito pero dahil sa magaling kong kapatid, nakaabot na naman kami rito." Gelai heaved a sigh out of exhaustion while hiding. Sa tingin ko ay 14 years old na siya since 17 na ako kaya baka ilang taon lang ang agwat namin. "Anong pinagtataguan natin?" At bakit ako nakikisabay sa kanya? Bakit napunta ako sa lugar na ito? "Shh muna Ate! Dito nakatira 'yong kaibigan ko mula sa school at may kapatid siyang mahusay mag-bake at magluto." Taka kong pinagmasdan si Gelai nang tila nagpapantasya ang itsura niyang napangiti. "Hayst! He's also charming but not that popular as he is. Pero mabait din!" Mahusay magluto? Mag-bake? Natawa ako sa inasta ni Gelai kaya tinaasan niya ako ng kilay. "May gusto ka ba sa kanya?" Itinaas lang ni Gelai ang kanyang hintuturo sa harapan ko kaya napatahimik ako. "Hep hep, wala po ata Ate! Pero sinong hindi magkakagusto sa kanya? Siya 'yong tipo ng lalaki na hinihintay ng babae!" She just sounded so cheesy! Biglang ni-sway ni Gelai ang buhok niya nang tinawanan ko pa siya. "Hmp, hindi mo pa kasi siya nakikilala o nakikita. Kung ikaw 'yong may type ng lalaki na kaya kang bigyan ng flowers, ipagluluto ka at 'yong ma-ginoo type? Siya na 'yon, ano!" Medyo napahinto ako sa paghalakhak nang mahina nang sinabi ni Gelai iyon. Hindi siya nagbibiro sa pagde-describe sa tinutukoy niyang lalaking nakatira dito. Mahusay magluto, kaya kang bigyan ng flowers? "May crush ka na ba, Ate?" nakapameywang na tanong ni Gelai sa akin. I creased my brows on her out of my surprise. "Eh?" "Tsk, tsk! Crush! 17 ka na raw, e. Kaya imposibleng wala pa!" I only smiled at Gelai with all my honesty. "I don't have any, Gelai." "Pft, eh, naging boyfriend? You're so pretty po!" Umiling pa rin ako dahil totoo naman. "Wala talaga. Pero 'yong type ko? Kagaya ni Lolo Andres. I mean..." "Hah? Matanda?" gulat na tanong ni Gelai. "N-No! Ibig kong sabihin, 'yong lalaking kaya kang ligawan kagaya ng panliligaw ng mga lolo natin sa panahon nila." "Ehh?" Ni-sway lang ni Gelai ang buhok niya saka ako inirapan. "Ang weird. Wala na kayang ganoon pero 'yong kagaya lang ng kapatid ng kaibigan ko ang masasabi kong naiiwang ganoon." "More like classical type ba siya?" tanong ko kay Gelai na proud nitong ikinangiti. "Ah-huh! I think he's that type you're looking for!" Napalundag pa kami patago ni Gelai nang bumukas ang gate. "Halika na!" Muli niya akong hinila pabalik sa kung saan kami nagkita kanina. Hinihingal kaming huminto at nagtataka ako kung bakit kami umalis. "Siya ba 'yong lalabas kanina?" tanong ko habang pinupunasan ang pawis sa noo. "O-Oo, siya nga! Mukhang nagpe-prepare sila sa birthday party ng bunso nila sa susunod na bukas! Siguradong maiimbitihan tayo, makikita mo na siya!" She even gave me a thumbs up and a wink out of excitement. Gelai's really into that guy, eh? She even wanted me to meet this whom she described very well. I smiled at her. "Siguro nga, haha!" Napansin naming wala na ang bisikleta kaya nagtinginan kami. "Wala na ang kapatid mo, baka hinahanap ka na?" "Hmp, siguro nga. Sige na, magkikita ulit tayo!" Kumakaway itong nagpaalam sa akin saka niya tinahak ang daan padiretso. Sana nga ay magkikita ulit kami next time. She's kind of nice, pero masungit yata 'yon. Good luck sa paghahanap sa kapatid niya! Tumatawa akong lumakad pabalik sa bahay nila Lola hanggang sa nakabalik na ako. I was about to go back inside the playhouse when Lolo, Lola and a stranger welcomed me by the entrance. "Lola? Lolo?" I asked and they all looked at me. Pati ang lalaking bagsak ang buhok, may gray na headphone at nakasuot ng jumper outfit, black and white stripes ang shirt nito. Our eyes met but I avoided when he showed a thumbs up. That seemed familiar, eh? "Apo, saan ka galing?" tanong ni Lola. "N-Naglakad lang po ako!" "Nako, buti na lang at nakabalik ka na. Gusto mo bang lagyan ng disenyo 'tong kubo mo?" Biglang nilapitan ni Lolo at Lola ang lalaki. I watched how Lolo tapped the guy's shoulder. "Tutulungan ka niya! Siya na rin ang nagboluntaryo lalo't sakto lang ang dating niya kaninang nakabalik na ako," wika ni Lolo kaya tinaasan ko ng kilay ang lalaki na may headphone. Kilala niya sina Lolo at Lola? Anong ipinuntan niya rito? At boluntaryong magdidisenyo sa kubo?
Thank you
Support the author to bring you wonderful stories
Cost 36 diamonds
Balance: 0 Diamond ∣ 0 Points
Book Comment (55)
GonzalesBernadette
I badly want continuation of this story po nakaka bitin🥹🥹🥹🥹
I badly want continuation of this story po nakaka bitin🥹🥹🥹🥹
23/11/2024
0🌷😘🌷
20/11/2024
0thanks
03/10/2024
0View All