logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Taste Of Sunflower

Taste Of Sunflower

kopiijelly


Chapter 01

-Maria-
Sa wakas ay dumating na rin ang pinakahinihintay kong summerbreak sa school year na ito. Matagal na kasing plinano ng mga magulang ko na mananatili muna ako sa lolo at lola ko sa probinsya lalo na't magiging abala sila sa kanilang mga trabaho sa buong summer.
I don't know why my parents were really sticked to their works. I rarely see them spending their time together, without thinking any topic about work.
Naninibago ako sa nakikita kong dami ng punong nadadaanan ng sasakyan namin. The province was so green! It refreshened my eyes who were tired from buildings and tall concretes from the city. Siguradong presko rin ang hanging malalanghap ko rito sa loob ng dalawang buwan.
Huminto na ang sasakyan sa medyo masikip at hindi sementadong kalsada. Kitang-kita sa tabi ng kalsada ang maliit na batis, malapit sa malawak na taniman ng palay.
Awang ang labi ko sa excitement na bumaba ng kotse. Malalim ang paghinga ko sa paglanghap ng napakasariwang hangin na sa probinsya lang talaga malalanghap.
"You'll be staying with your Lola Marietta and Lolo Andres for the whole summer, Maria. Mag-iingat ka rito, ha? Huwag mong pagsakitin ang ulo ng Lolo at Lola!" paalala ni Mama sa akin sabay halik sa noo ko.
"We're sorry to bring you here for your summerbreak. Promise, babawi kami sa Christmas break mo," dagdag naman ni Papa na binuhat ang mga bagaheng naglalaman ng mga kagamitan ko. Ngumuso ako kay Papa kaya nakapameywang itong sumimangot pabalik.
"Papa naman! Kahit hindi na! Kayo na lang ng trabaho ninyo ang bumawi sa isa't isa!" They both chuckled together when I acted like that. Suddenly, Papa messed my hair that made me pout at him.
"Huwag ka nang magtampo! Siguradong mag-e-enjoy ka rito, okay?" sabi ni Papa sa akin kaya tumango na lang ako sabay ngiti. Mas gusto ko nga ring dito na muna ako manatili upang makapagpahinga mula sa syudad.
"Oh, Miranda at Dan!" Gulat akong napalingon nang marinig namin ang boses ng matandang babae mula sa bahay. Nasasabik kong sinalubong si Lola ng yakap na mahigpit na siyang napayakap pabalik.
"Masyado naman yata kayong maaga?!" sabi naman ng boses ng matandang lalaki mula sa pintuan ng bahay kaya sunod kong sinalubong si Lolo. Na-miss ko sila! Ilang taon na rin simula noong huli akong bumisita at noong huli ko silang nakasama!
"Lolo! Lola! Ako na ito!" tumatawa kong sabi sabay pakita sa sarili. Gulat naman silang napahalakhak.
"Hala ka, napakalaki mo nang dalaga, Maria!" ani Lola sabay pisil sa pisngi ko. "Kailan lang yata noong binubuhat at pinapaligo pa lamang kita!"
"Lola naman! Nakakahiyang marinig!"
Biglang ginulo ni Lolo ang buhok ko saka niya hinawakan ang balikat ni Lola. "Ang gandang dalaga na ng apo ko. Hawig na hawig mo ang Lola mo noong ka-edad mo siya!"
Biglang pinalo ni Lola si Lolo dahil sa hiyang naramdaman at ako itong napahalakhak sa kakanood sa kanila.
"Ito naman! Kaytanda-tanda ay nambobola pa rin!"
Natatawa kong hinawi ang buhok ko palikod sa aking tainga. Iba talaga ang presensiyang dala ng probinsya.
Nagpaalam na si Mama at Papa sa amin matapos nilang idala ang mga gamit ko sa loob ng bahay na tinitirhan ni Lolo at Lola. Masasabi kong simple lang ang bahay nila pero hindi naman ito 'yong kubo kagaya ng mga karaniwang bahay sa probinsya.
Sinabi ni Lolo kanina na may itinayo siyang maliit na kubo sa backyard at makikita raw doon ang sunset na puwede kong tambayan. Siguro ay sapat na 'yon para ma-enjoy ko ang bakasyon ko.
Nagpahinga na muna ako sa magiging kuwarto ko matapos kong i-upload sa aking social media account na nandito ako sa probinsya. Kalaunan ay tinatawag na ako ni Lola para kumain.
"Maria? Kain na! Lumabas ka na riyan!" mahinhing pagtawag ni Lola sa akin kaya mabilis akong dumiretso sa hapagkainan at laking gulat ko nang bumungad sa akin ang tila may handaang inihandang pagkain. Naparami naman yata! At may softdrinks pa!
"Wah? Lola! Ang dami naman yata nito!" gulat kong komento na umupo na saka tinig-iisang sinulyapan ang mga ulam at panghimagas. May mga prutas pa!
"Huwag ka nang mag-alala. Kumain na lang tayo, pibaghandaan talaga namin ng lolo mo ang padating mo rito." Umupo na rin si Lola sabay latag ng pinggan sa tapat ko. "Kaya kain ka lang, ha? Ito kasing lolo mo, panay plano kung anong iluluto para sa atin ngayong araw na ito!"
Nagtataka kong tiningnan si Lola sa sinabi niya. "Siya po ang nagluluto?"
"Hay nako, pinipilit niya ang sarili niya dahil alam niyang gusto ko ang mga putahe niya kahit ako na lang dapat ang taga-luto." Humalakhak na lang ako nang mahina dahil sa nalaman kong kabutihan ni Lolo.
"Napakasuwerte mo talaga sa kanya, Lola!" wika ko at sakto namang pumasok si Lolo sa pintuan ng kusina, may dala itong basket at kanyang inilapag sa may lababo. "Nakuha ko na ang mga halamang-gamot mo, Marietta. Aba, kakain na ba tayo?!"
Inilapag na ni Lola ang pinggan sa parte ni Lolo na katapat niyang kumain.
"Sakto lang ang dating mo," sabi ni Lola sa kanya dala ang matamis na ngiti.
Lolo just giggled when Lola started talking about him with me again. I watched them eat together as they talked about how they met and how they fell in loved with each other back then. Nakakagaan lang sa kalooban na makakita ng ganitong klaseng pagsasama.
Knowing I rarely see my parents laughing together,expressing their love with each other and flirting. Na-entertain talaga ako sa panonood kung paano asarin ni Lolo si Lola pero at the same time, naglalambingan sila. Dahil pa rito, naku-curious lalo ako kung paano magkaroon ng kagaya ni Lolo.
"Alam mo ba noon, Maria? Kay-aga-aga ay kumakatok na sa bahay ang lolo. Naiistorbo na rin yata ang mga kasama ko sa bahay dahil sa kanya!" tumatawang kuwento ni Lola habang pumipitas kami ng talong sa backyard nila.
"At ang dahilan niya lang pala sa maagang pagbisita ay bigyan ako ng bulaklak dahil mawawalan na siya ng oras para gawin iyon sa buong araw."
"Tuwing gabi, kapag may panahon siya ay isinasama niya pa ang mga kaibigan niya. May dala na silang mga instrumento, babatuhin nila ang bintana namin ni Ate saka nila kami haharanahin," dagdag ni Lola habang ini-imagine ko ang kinukuwento niya. "Natatawa na lang kami sabay sara ng bintana ng kapatid ko tuwing bubulyawan na sila ni Papa dahil sa ingay nila. Sintonado pa naman silang lahat noon!"
"Pero kahit papaano, dahil sa mga ipinakita ng lolo mo noon, napasaya niya naman ako. May itinatakas pa siyang bisikletang may kargadera sa kapitbahay niya para lang kunin ako sa bahay. Isasakay niya ako sa bisikleta upang mamasyal kaming dalawa sa parke sa gabi."
Pumitas si Lola ng talong saka niya ito inilagay sa hawak kong basket. "Kumpara sa ibang lalaking kagaya niya na gustong maging sundalo, pagiging Chef ang nais ni Lolo Andres."
"Pero," pambibitin ni Lola kaya napataas pa ako ng kilay. "Pero po?"
"Pero hindi niya natupad iyon kaya bumabawi siya sa akin ngayon. Nagsisikap siyang magluto para lang may maihain sa amin ng Mama at Tita mo noong masarap na pagkain? 'Yong tipong sosyal talagang luto?"
I let Lola watch me giggle after getting entertained. Now I know why Mom was so good in the kitchen, maybe she was inspired by Lolo! Hearing their lovestory's just so satisfying.
Iyon 'yong tipo ng lovestory na hindi ko na maririnig o mawi-witness sa mga panahong ito. Hindi pa roon natapos sa pagku-kuwento si Lola nang idinala niya ako sa kuwarto nila ni Lolo saka niyang ipinakita ang isang makalumang kahon na naglalaman ng maraming liham.
Ilang beses akong napakurap kakatingin sa mga liham nang isa-isa.
"Anong ibig sabihin nito, Lola? Ibinigay ni Lolo ang lahat ng ito sa 'yo?!" hindi makapaniwala kong tanong, tinig-iisang tiningnan ang mga liham na matagal nang nakatago.
"Liham naming dalawa 'yan sa isa't isa noong nagbibigayan kami," sabi ni Lola sa akin. Binabasa ko na ang mga nilalaman at masasabi kong ang cheesy pero damang-dama 'yong feelings nila sa isa't isa. Kung mababasa lang ito ng mga ka-edad ko ang maki-cringe sila!
Tumatawa kong binabasa ang mga sulat. "Mas marami naman yatang inilalapag si Lolo na recipe ng mga putahe kaysa sa paglalarawan sa 'yo, Lola!"
"Haha, sinabi ko rin sa kanya 'yan noon pero sinabi niyang iyan ang paraan niya ng pagpapadama ng kanyang pag-ibig." Biglang inilapit ni Lola ang mukha niya sa akin na tila may ibubulong. "Huwag mong sasabihin o ipapahalatang nalaman mo ang mga ito, ha?"
Itinaas ko ang kamay ko. "Promise po, Lola!"
"Pero, pakiramdam ko. Sobrang saya sigurong makaranas ng katulad ng ganito. Hindi na kasi ako nakakakita ng ganitong lovestory," ani ko na napahigpit ang pagkakahawak sa liham.
Bumuntong-hininga lamang si Lola saka hinawakan ang ulo ko. "Iba na ang panahon, apo. Kung makakakita ka pa siguro ng ganitong uri ay mapagtatawanan ka lang siguro?"
Mapagtatawanan? Baka nga. Pero, kung tutuusin ay kung ganoon siguro ang uri ng panliligaw at pagkakakilala ang naranasan ng bawat isa hanggang ngayon, kagaya rin siguro ng pagmamahalan ni Lolo at Lola ang nararanasan nila. Hindi humihina o naglalaho man lang. Napakatibay.
I wonder, what if the kind of classical love story will be the romance type I'll experience?
Maybe I'll end up getting old with that someone as our love never fades. Like my grandparents.

Book Comment (55)

  • avatar
    GonzalesBernadette

    I badly want continuation of this story po nakaka bitin🥹🥹🥹🥹

    23/11/2024

      0
  • avatar
    Jennifer Gaco

    🌷😘🌷

    20/11/2024

      0
  • avatar
    Zia

    thanks

    03/10/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters