logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5

Chapter 5
NANGINGINIG ang mga kamay kong binuksan ang kahon at dahan dahang lumabas. Pagkabukas ko ay tumambad saakin ang mukha ng isang matandang babaeng nakangiti.
"Anong ginagawa mo at nagtatago ka riyan hija?" Tanong nito, napakabait niyang tingnan at alam kong hindi ako makakapag-sinungaling sa kanya.
Hindi ako sumagot.
"Alam mong mas delikado ka sa palasyong ito." Nakangiti niya paring saad.
"H——hindi ko po alam ang gagawin ko..." Mahina kong tugon. Tinatanya kung tama bang sumagot pa ako sa matanda.
"Oras na makita ka ng mga bantay huhulihin ka nila."
Napayuko na lamang ako, mukhang kapahamakan talaga ang sasalubong sa akin sa palasyong ito.
"Halika, sumunod ka sa akin."
Hindi parin naaalis ang kanyang ngiti. Kaya naman nang umalis siya ay wala akong nagawa kundi ang sumunod, maingat akong naglakad papunta sa lugar na pinasukan ng matanda.
Isa itong maliit na silid na puno ng mga libro, hindi naalis sa mukha ko ang pagkamangha. I always wanted to go to a library like this, but I never got a chance to do so.
"Hindi ito library, silid ko ang lugar na ito."
Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko ng lumitaw sa harapan ko ang matanda.
"S——sino kayo?" Hindi mapigilan ang sariling tanong ko. Sa oras na iyon ay sumeryoso ang matanda sa akin at deretso akong tinitigan.
"Ikaw hija, sino ka?"
Ako?
Hindi ko alam kung sino ako.
"Manang? Manang Omeng?"
Bumakas sa mukha ko ang gulat at takot nang marinig ang tinig ng isang lalaki.
"Magtago ka sa likod at huwag kang aalis!" Ani ng matanda at pinagtago ako sa likod ng aparador na puno ng libro.
"Manang Omeng?"
Ilang sandali lamang ay naramdaman ko ang malakas na aura at hindi basta-bastang presensya.
"Akala ko'y nasa ensayo ka hijo? Anong ginagawa mo rito Zavan?" Sagot ng matanda na tingin ko'y si Manang Omeng.
Zavan? Isn't he the prince? Shit!
"I've heard the package has arrived. But I saw these dusts inside the box, mukhang may nakapasok sa palasyo!"
Natutop ko ang aking bibig nang maalala ang duming aking nakuha, mukhang naiwanan ng bakas ang kahon.
"Kumalma ka Zavan, kung sinuman ang nakapasok alam kong hindi siya mapanganib." Sagot ni Manang Omeng.
"Are you sure?"
"Oo naman Zavan, bumalik ka na at mag ensayo. Nalalapit na ang paghahanap ninyo ng mga bato."
"I'll get going then."
Maya-maya pa'y naramdaman kong umalis na ang prinsipe sa silid ng matanda. Hindi rin kaagad bumalik si Manang Omeng kaya naman sinamantala ko ang oras na iyon upang tumakas.
Ngunit mukhang mali ang naisip kong pagtakas, dahil sa pintuang nakita ko ay nagpupulong ang mga guwardiyang bantay sa palasyo. Agad akong nagtago at sinubukan silang pakinggan. Masyado silang malayo sa akin ngunit pinilit ko ang sarili kong marinig sila.
Naramdaman ko ang pag-iiba ng kulay ng aking mata, mukhang nabuksan ko na naman ang aking abilidad.
"May ipinasok akong babae doon sa loob ng truck kanina, biglang nawala!"
"Ang tanga mo! Paano kung nakapag libot-libot na iyon sa palasyo? Paano kung masamang tao ang babaeng iyon, edi nanganib tayo ngayon?"
"Kailangan ko siyang mahanap, ang ganda niya sana kaso papaslangin ko siya oras na makita ko siya!"
"Simulan na natin ang paghahanap bago pa may masamang mangyari!"
Napahawak ako sa aking bibig upang pigilan ang bahagyang pagkabigla sa aking mga narinig. Mukhang oras na ng katapusan ko, kailangan ko nang makatakas dito.
Mula sa pinagtataguan ko ay bumalik ako sa silid ni Mang Omeng, hindi ko na siya nakita doon kaya naman naghanap ako ng pintuan palabas.
Napakalaki ng palasyo at masyadong madami ang pasikot-sikot, anumang oras ay pwede akong mawala. Ngunit hindi ko hinayaang mawala ako, naghanap ako ng pintuang pwedeng malabasan.
Then I found one! Lumabas ako sa madamong bahagi ng palasyo, sa tingin ko'y ito ang likod ng palasyo dahil madaming kahoy at halaman. Hindi na rin ito masyadong naaalagaan dahil luma na ang paligid.
Napatingala ako dahil sa init na nagmumula sa kalangitan. Mukhang nakahanap ako ng daan palabas.
"What is a witch doing here?"
Namimilog ang mga mata akong napalingon sa nagsalita.
Isang lalaking may hawak na palakol, ngunit umuusok ang kanyang mga kamay.
Tama ba ang nakikita ko?
Umuusok ang kanyang mga kamay!
Ganoon na lamang ako napaatras dahil sa magkahalong takot at kaba. Hinahanap parin nila ako, at sa tingin ko'y hindi sila hihinto hangga't hindi nila ako nahahanap.
"Hayun iyong babae!"
Namilog ang mga mata ko at dahil sa gulat ay bigla akong napatakbo. Hinabol ako ng mga guwardiya, at dahil hindi ko alam ang pasikot-sikot sa palasyo ay napalibutan nila ako.
Napahawak ako sa aking dibdib at muling napalingon sa lalaking nakasalubong ko, hindi na umuusok ang kanyang mga kamay ngunit hawak niya parin ang palakol. Nagtatanong ang kanyang mga mata. At tingin ko'y mabait siyang mapanganib.
"Hindi ka na makakatakas!" sigaw ng guwardiya at bigla akong hinawakan sa braso.
Malakas akong nagpumiglas at tumakbong muli, ngunit biglang sumakit ang mga tuhod ko kaya naman nadapa ako sa damuhan.
"Sabi nang wala ka nang takas!" Aigaw nitong muli at hinila ang buhok ko.
"ARRGH!" Sigaw ko nang halos maputol ang ulo ko dahil sa lakas at bigla ng kanyang paghila.
"Maganda ka sana kaso delikado ka!" Ani ng guwardiya at tiningnan ang aking kabuuan. Tiningnan ko siya ng matalim dahil ang paraan ng kanyang pagtitig ay animo'y may binabalak na masama.
"Ang ganda mo talaga." Pag-uulit nito at saka dumila. Dahil sa inis ay sinuntok ko siya sa panga at dinuraan.
Damn you, yuck!
Nakita ko ang pagkainis sa kanyang mukha dahil sa ginawa ko. Wala pang isang segundo ay nakasalampak na naman ako sa damuhan habang namimilipit sa sakit ng aking tiyan.
"Walang hiyang babae!" Sigaw nito atsaka sinipa akong muli, hindi ito nakontento dahil ang tiyan ko ang pinagdiskitahan nito dahilan upang mapasuka ako ng dugo.
Tuluyan akong napaupo. Marahas kong pinunasan ang dugong lumabas sa aking bibig atsaka tinitigan ng masama ang guwardiyang walang awang nagpapahirap sa akin.
"STOP!"
Lahat kami ay napatigil nang magsalita ang lalaking may hawak na palakol atsaka lumapit sa amin.
Pinagmasdan niya ang aking kabuuan. Kasabay ng pagmamasid niya sa akin ay ang pag-oobserba ko sa kaniyang pisikal na anyo. Hindi ko maipagkakailang anak mayaman siya. Pati ang pawis niya'y kumikinang, nakakahiya naman sa akin na ni minsan ay hindi man lamang kuminang.
Matalim na nakatitig sa akin ang maganda niyang mga mata, maging ang pagkurba ng kaniyang labi at pag-taas ng kaniyang makapal na kilay ay hindi nakaligtas sa akin. Amusement filled his face, he's fully aware that I am observing him. Kumalabog ang puso ko nang ngumisi ito, mukhang alam niya ring pilit kong binabasa ang kaniyang reaction.
He gripped his poleaxe, and I saw how his biceps firmly showed beyond his see through ripped shirt.
"Masyadong matapang ginoo eh, kailangan turuan ng leksyon!" Biglang singit ng guwardiya.
Nangunot ang noo niyong lalaki at sinamahan ng tingin niyong guwardiya.
"Kailangan na——"
"I said stop!" Ma-awtoridad nitong saad at saka muli akong pinasadahan ng tingin.
Napaiwas na ako ng tingin dahil naramdaman ko ang sakit ng tiyan. Bigla akong namilipit, ngunit sa kabila ng kaawa-awa kong reaksyon ay hindi man lamang ako nakabasa ng gulat sa kaniyang gwapong mukha. Animo'y sanay na sanay na siyang makakita ng taong nahihirapan, at walang-wala ang paghihirap ko.
Lintik na buhay to.
"The team is still practicing right?" Tanong nito.
Nakita kong tumango ang mga guwardiya, muling kumurba ang labi ng lalaking may hawak na palakol at saka humalakhak.
"Bring her to the labyrinth."
Nagkatitigan muna ang mga guwardiya, animo'y nagtatanong kung seryoso ba ang lalaki sa kaniyang sinabi.
"To the maze! NOW!" Sigaw nito na ikinagulat ng mga guwardiya. Dahil doon ay mabilis silang nagsikilos upang dalhin ako sa lugar na sinabi ng lalaki.
Labyrinth?
"ARRRGHH! YOU SHIT!" sigaw kong muli sa sakit nang bigla akong kaladkarin ng guwardiya paalis doon. Pumasok kami sa likod na bahagi ng palasyo at saka lumabas sa isang makahoy na lugar.
Madilim iyon, parang gubat na tinitirhan ng mababangis na hayop. Huli na nang mapansin kong nakatayo ako sa harapan ng isang napakalaking maze.
I gulped, ’Anong ibig sabihin nito?’
"We have a pawn now," Dinig kong bulong ng lalaking nag-utos na dalhin ako dito, wala narin ang kanyang palakol, "The team is still inside right?" Tanong nito sa guwardiyang may hawak saakin.
Tumango ang guwardiya.
"We'll be having a ride then." Pagkasabi noon ay walang takot itong pumasok sa loob ng Maze. Nanghina ako at napasalampak sa damuhan nang bigla akong binitawan ng guwardiya.
Maya maya pa'y itinutok nito sa akin ang baril. My breathing became rapid, is this idiot going to kill me?
"Pumasok ka sa Maze na iyan kung hindi ay pasasabugin ko ang ulo mo ngayon!" Pagbabanta nito, napalunok ako at napalingon sa madilim na Maze.
Oras na pasukin ko iyon, hindi ko alam kung makakalabas pa ako ng buhay. Ngunit oras na hindi ako sumunod ay mawawalan na ako ng buhay.
"Isa!"
Halos mapalundag ako habang tumatayo dahil sa bigla nitong pagbilang.
"Dalawa!"
Tinalikuran ko ang guwardiya at humarap sa labyrinth, bumuntong hininga ako at nagsimulang humakbang papasok sa maze.
"Upang makabalik, kailangan mong makakuha ng isang importanteng bato. Kakaiba ang batong ito sa normal na bato, kumikinang ito kaya naman mapapansin mo agad. Hindi ka pwedeng lumabas ng walang hawak na bato," Saad ng guwardiya at bahagyang tumawa, "Kung makalabas ka ng buhay." Dugtong nito.
Napapikit ako, sumusobra na ang guwardiyang 'to sa akin.
Kaya naman hindi na ako nakapagpigil. Matalim akong lumingon sa guwardiya nang may nang-iinsultong ngisi sa labi, "Kumikinang?"
Tumango ang guwardiya, "Oo."
Napawi ang ngisi ko, napalitan ito ng matalim kong titig sa guwardiya na natuod dahil sa ginawa kong ekspresyon, "Kumikinang—ina mo ka."
Ganoon na lamang gumuhit sa mukha ng guwardiya ang gulat, mabilis ako nitong tinutukan ng baril. Ngunit hindi nabago ang ekspresyon ito, lumabas ang ugali kong iyon dahil sumobra na ang guwardiya. Porke't hinahayaan ko lang s'yang maliitin ako'y okay lang? Huwag silang aabuso, marunong din akong magalit.
Humakbang akong muli, ang kailangan ko lamang gawin ay makahanap ng bato. Kahit isang bato lang, lalabas ako ng buhay dito. Hindi ako pwedeng mamatay, kailangan kong lumabas ng buhay.

Book Comment (26)

  • avatar
    Joan Laluan

    cocomelon round and Uruguay is the best of the day I have to go to the house and get the rest of my head and I will go to the house to get the food and stuff to go to the store and I will be there for you to get the cthghfnjgfjnyfnjyfnjyfnjyfyunfhnydtnhdgtsrarsyndmyjyfmjutmjufynjfnhtdhtdtdthndmjygmjugymjfnnhydtdyrsyrshntdhmtdyfjytmfcytumyxtjnxtyjnytxjndfnhdt nhgfxdgnhxgdhnt dnh,nthd myjfyf jmfyj mfy jf jmyfj m yfjnf gnhcg bcgbcfgbccccgbcvcggcvcn,hdtt,fhnfxymjyrxjmtyxmjfyxjmfyjxmyxfjm fjym fyjy

    2d

      0
  • avatar
    Amada Aljur

    hahahahahahahaha hahahaha hahahahahaha HAHAH hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha good good good good! huh huh huh huh huh huh huh huh huh huh huh ! hi! how he has h? u us! hehehe ebeiehejsugs not just have him he has his house he has his house he has his! hehehe just have him he has JJ happy Halloween just gan

    4d

      0
  • avatar
    Johnlord Jurolan

    ohh yeah

    12/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters