logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

Chapter 4
"PEOPLE of 2nd District, calm down! Everything will be alright, hayaan ninyo at hahanapin namin ang mga taong iyon. Mga masasamang tao! Kamatayan ang nararapat sa kanila! Ang lahat ay inuutusang kumalma!" patuloy na saad ng Duke, kanina lamang ay wala nang nakikinig sakanya ngunit pagkasabi niyon ay muling nagsigawan ang mga tao.
Sumang ayon sila sa sinabi ng Duke.
Kamatayan ang nararapat sa amin.
Ang mga taong tahimik lamang kanina ay nagulo na rin dahil sa pwersahang pagpipilit ng mga guwardiya na huwag tumakas. Hindi sapat ang sinabi ng Duke upang tuluyang huwag matakot ang mga naroroon dahil sa nalaman nilang nangyaring nakawan.
Maaaring ang iniisip nila ngayon ay napasok sila ng mga masasamang tao kaya naman kinakailangan nilang makatakas.
"Stand up!" Nagulat ako nang maagaw ako ni Marcus sa kamay ng mga guwardiya, "Stand up now, let's go!"
Tumayo ako ngunit muli lamang akong naagaw ng nasuntok kong bantay.
Shit.
"No, you must go now! You guys go! Ihatid mo si Laura, ingatan mo siya!" Dumagundong ang tinig ko kay Marcus nang hindi ko na maabot ang kamay niya.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, at sa oras na yaon ay kinakailangan kong mag desisyon.
Isang desisyon na magpapabago ng buhay ng lahat.
Isang desisyon na ikaliligtas nina Marcus at Laura.
Ngunit desisyon na ikapapahamak ko.
"Verulia!" Sigaw ni Marcus ngunit patuloy lamang akong nahila ng guwardiyang animo'y galit na galit saakin.
"Verulia!" Sigaw rin ni Laura.
Naguguluhan na ako, at nagsisimula nang mabuo ang takot sa aking puso. Kapag nagpatuloy ito lahat kami ay mapapahamak.
Hindi ako sinukuan ni Marcus, kinuha niya ang aking kamay at patuloy akong hinila sa guwardiya. Nananakit na ang katawan ko dahil nabubunggo na rin ako ng maraming tao.
Gamit ang aking buong lakas ay itinulak ko ang guwardiyang may hawak sa akin at tumalon papunta kay Marcus. Ganoon na lamang dumoble ang pagkalabog ng dibdib ko nang masalo ako ni Marcus at niyakap ng mahigpit.
"Stop being stubborn!" Galit na wika ni Marcus habang yakap ako, pagkatapos niya akong pakawalan ay hinila niya ako patakbo sa kanyang sasakyan.
Everything went wrong.
"Verulia!" Laura is crying. Hawak hawak niya ang kamay ko habang tinutulungan akong makaakyat sa likod ng sasakyan.
Nanghihina man ay pilit akong umakyat sa likod ng sasakyan.
"Marcus! Marcus dumudugo iyong tuhod ni Verulia!" Natatakot na sigaw ni Laura kay Marcus na handa nang magmaneho sa sasakyan.
Shit.
It's now swollen. Hindi ko ito pinansin noong nasa loob kami ng shop kanina hanggang makarating kami sa lugar na ito, mukhang mas lalong lumala ang sugat ko nang hindi ko pinapansin.
"Ouch, shit!" Napapikit ako ng mariin nang madulas ako sa likod ng sasakyan at tuluyang nahulog sa lupa.
"Verulia!"
My vision became blurry. Tuluyang nanghina ang mga tuhod ko. I keep on receiving kicks from different people. Wala silang pakialam sa mga natutumba, they only think about themselves.
"Laura, take care of yourself please. Take care of my lola for me." Nanghihina kong saad matapos akong mahulog sa sasakyan.
Patuloy paring nagkakagulo ang mga tao, nahinto narin sa pagsalita ang Duke dahil wala na muling nakinig sa kanya.
"Verulia, no! I'm sorry, please come with us! Veluriya! Verulia!" Iyak ni Laura, ngunit umiling ako. Mas lalo lamang silang mapapahamak kung ipipilit nilang makasama ako.
"GO HOME!"
"Arghhh!" Iyak ko nang hilahin akong muli ng guwardiya. Wala itong pakialam kung nasasaktan man ako, hinihila lamang ako nito papalayo sa sasakyan ng mga kaibigan ko.
Mula sa driver's seat ay nakita kong sumilip si Marcus. Kitang-kitang ko ang magkahalong inis, galit at pag-aalala sa kaniyang hitsura. Ramdam kong gusto niya akong takbuhin, ngunit hindi madilim kaya hindi siya makakabwelo.
Yes, the has this extraordinary where he can execute anything in the dark. But it isn't dark, the place was crowded and we are in trouble.
"Take care of Laura please..." I mouthed Marcus, "ARRGH!" Reklamo ko nang maging marahas ang paghablot sa akin ng guwardiya.
Alam kong naintindihan ito ni Marcus dahil blanko na ang ekspresyon nito nang ibinalik ang tuon sa pagmamaneho. Nanghihina si Laura na umiiyak sa likod ng sasakyan habang tinitingnan akong hindi niya maabot-abot.
"Laura... take care of my lola."
I'll be back, I promise.
"Marcus!" sigaw ko bago niya buhayin ang sasakyan, hindi na siya nakatingin sa akin, nasa loob na siya ng sasakyan, ngunit alam kong naririnig niya ako, "Marcus, iuwi mo nang maayos si Laura! Trust me this time, please— ARGH!" Buong lakas kong sigaw habang hatak hatak ako ng guwardiya.
"Son of a bitch you will not get off this time from me!"
"Argh!" Sigaw ko nang malakas niyang hilahin ang buhok ko at patulak akong ipinasok sa malaki nilang sasakyan. Ganoon na lamang ako nagpumiglas palabas sa sasakyan ngunit mabilis na kumilos ang guwardiya upang isarado ang pinto ng malaking sasakyan na sa tingin ko'y truck.
Nagsimula na ring umandar paalis sa ikalawang distrito ang sasakyan ni Marcus. Bago pa man naisara ang truck ay nakita ko ang pag-alis ng mga kaibigan ko. Laura was crying at the back and Marcus drove his automobile away from the district, away from me.
This may sound weird but I felt happy. I felt really glad they left safe.
Alam kong kahangalan ang maging masaya pa ako sa gitna ng gulong ito ngunit masaya nga ako.
At least they'll be going home, even without me.
Makakauwi sila, kahit na hindi ako kasama.
In the midst of my chaos, I'm happy they left me.
"I found the thief..." Dinig kong saad ng guwardiyang may hawak sa akin kanina sa kapwa niya mga bantay atsaka malakas na pinalo ang truck.
Napapapikit ako ng mariin.
Is this my end now?
***
YOU WILL NEVER know what will happen to you later or tomorrow. Walang kasiguraduhan ang buhay, lalo na't hindi mo alam kung anong mangyayari maya-maya o kaya'y kinabukasan.
I'm a thief, a deceiver, a bad person and I'm trapped now which I never expected would happen to me in my whole damn life.
"I found the thief!" Mayabang na wika ng guwardiyang humila sa akin sa gitna ng magulong paligid kanina.
I can perfectly hear them. At ganoon na lamang ako nagulat at napaatras sa takot nang biglang bumukas ang pinto ng truck.
Blankong napatingin sa akin ang iba pang bantay dahil ibinida ako ng guwardiyang kumuha sa akin, nagtatanong ang kanilang mga mata kung ako ba talaga ang magnanakaw o nahuli lamang akong basta-basta.
Pinipigilan kong umiyak, pinipigilan kong matakot. It's not the right time to show my weakness now.
"Liar. She's just a random girl of District 2!" Saad ng isa pang guwardiya.
Pumasok sa truck ang guwardiyang kumuha sa akin at lumapit. Wala itong emosyon at bigla na lamang ako nitong hinila sa buhok.
"AARGGHH!" Sigaw ko sa sakit nang itinulak ako nito bigla. Nasubsob ako sa sahig at tuluyang nakahandusay dahil sa sakit.
"She's just a random girl, but she's my type." Saad ng guwardiyang tumulak sa akin at malakas na isinara ang pinto ng truck.
Yuck!
I'm stuck inside.
Napakadilim sa loob ng truck, kahit nakabukas ang mga mata ko habang nakatingin sa taas ay wala akong maaniag.
I closed my eyes and took a deep breath. I forced myself to awaken my senses. Pagkatapos ay dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata atsaka inilibot ang paligid.
I can now see everything, pakiramdam ko ay nag-iba na naman ang kulay ng mata ko. Nangyayari ito tuwing pinipilit kong makakita sa isang napakadilim na lugar na kahit sino ay hindi makakakita. My eyes changed its color, and I can now see everything clearly like it's presumably bright.
Mabilis ang aking paghinga habang pinagmamasdan ang paligid.
May malalaking kahon sa pinakadulo kasalungat ng pintuan, pwede akong magtago roon dahil alam kong kasya ako doon. But how, I can't even bend my knees right now!
"Oh shit!" napabangon ako ng may biglang kumatok sa gilid ng sasakyan, pagkatapos ay naramdaman kong umandar ito papaalis.
I panicked, ‘Shit! Where are they taking me? I'm trapped inside and I don't know how to escape!’
Masyadong masakit ang aking ulo, katawan at tuhod upang tumakas. But it didn't stopped me para tumayo at subukang sipain ang pintuan. Lumikha ito ng malakas na ingay, alam kong mabubulabog ang sinumang makarinig niyon, ngunit hindi huminto ang truck at patuloy lamang itong umandar.
I kicked the door again, kahit na masakit ang aking mga paa ay ginawa ko iyon. I knocked hard, hanggang sa napaupo na ako dahil walang nagbukas. Hindi huminto ang sasakyan, mukhang madadala nila ako kung saan man sila paroroon.
Can I just die now?
Mula sa aking kinauupuan ay nakakita ako ng isang basag na bote. Maaaring alak ang laman ng mga kahon!
I can freely move because I can see everything.
Kaya naman iika-ika ko itong pinuntahan atsaka marahas na binuksan. Hindi mga alak ang laman nito kundi mga salamin! Why are there big mirrors here?
Mula sa kadiliman ay nakita ko ang aking sarili. You may think I'm crazy, but I'm really seeing myself inside this dark damn truck.
Madungis ako, punit punit din ang pantalon ko dahil sa ilang beses na paghila sa akin at pagkadapa ko kanina. Dumudugo din ang aking mga tuhod, ang aking kamay ay may mga pasa, magulo ang aking maalon at mahabang buhok, at marumi ang aking mukha.
"What happened to you..." bulong ko sa aking sarili sa harapan ng salamin.
Bigla na lamang akong napaluha nang maalala ang nangyari kanina;
"MAY PATAY! MAY PATAY!"
We are not murderers, we don't kill. Sa kasamaang aming ginagawa ni hindi pa namin naisip ang pumatay para lamang mabuhay. Kung may namatay nga sa lugar na iyon, sigurado akong wala sa amin ang may gawa noon.
How about them?
Nakauwi kaya ng maayos si Laura at Marcus? How about my Lola? Maayos kaya siya ngayon? How about the people in the streets? Paano ko sila ngayon maiaahon, kung maging ako'y nasa matinding panganib.
"WE HAVE arrived!"
Dinig kong sigaw ng driver, dahil nasa harapan akong parte sa loob ng truck.
Where are we now? Where the hell am I now?
"Open the gates! The officials has arrived!"
"Open the gates!"
Dinig na dinig mula sa labas ang sigaw ng tila mga bantay sa gate. Narinig ko ang pagbukas ng malaking gate dahil masyado itong malakas, at kung hindi ako nagkakamali, tanging ang palasyo lamang ang mayroong ganito.
Are we entering the palace now?
Ngayon, mas nasiguro kong nasa panganib nga ako. Hindi nga ako pwedeng maka-apak sa ikalawang distrito, paano pa kaya sa Palasyo? I would die before I get a step even in the pathways of the Palace.
It's too precious, and I don't belong to any place like this.
"On the way!"
"On the way to the Palace!"
Lumakas ang pagkabog ng aking dibdib, hindi nga ako nagkamali. Patungo kami sa Palasyo! I need to escape, hindi ako pwedeng mahuli ng mga guwardiya dahil siguradong papatayin nila ako!
Beggars are not allowed in the Palace, and I'm a beggar. I'm one of the poorest people in the Kingdom of Eufrata, I'm just a dust in this firmament.
"Open the trucks! Get the packages! Bakit hindi natuloy ang balak ninyo sa District 2?"
"Nagkagulo eh. Naging magulo ang mga tao, may mga salot na nakapasok. Nagkaroon daw ng nakawan at patayan, kinakailangan umalis ng mga opisyal bago pa may mangyari."
"Ganoon ba? Nahuli ba ang mga salot?"
Salot.
"Hindi eh. Mukhang galing na naman sa unang distrito."
"Ang mga hampaslupa talagang iyon!"
Hampaslupa.
Napa-hawak ako ng mahigpit sa salaming nasa aking harapan. Maaaring kami nga ang pinakamahirap na tao sa Eufrata, ngunit wala silang karapatang maliitin kami ng ganoon-ganoon na lamang. We are also humans, not just any scourges, and vagrants. We are also people of Eufrata!
"Ilabas na ang mga package! Nasaan ang mga salamin?"
"Nasa truck na ito!"
Bigla akong kinabahan.
‘Shit. Shit. Shit. What the hell should I do? Anong gagawin ko, nasa truck na kinaroroonan ko ang mga salamin!’
Bago pa nagbukas ang malaking pintuan ng truck ay nakatago na ako sa isa sa mga malalaking kahon. Isang napakalaking liwanag ang tumama sa loob ng truck, nasa loob na ako ng kahon ngunit sumakit pa rin ang aking mga mata dahil sa liwanag. I am somehow shocked dahil nakapagtago pa ako sa loob ng kahon, ngunit dahil sa inaasam na kaligtasan ay hindi ko na iyon prinoblema.
I closed my eyes, at nang buksan ko iyong muli ay bumalik na sa dati ang aking paningin. Sigurado akong bumalik na rin sa dating kulay ang mata ko.
"Hakutin na ang mga kahon at ipasok sa palasyo!"
Napapikit ako at tahimik na nanalangin na sana ay huwag akong mahuli nang magsimulang hakutin ng mga trabahador ang kahon.
"Ang bigat ng isang to!" reklamo ng taong may hawak ng kahon ko. Sana naman ay huwag na nilang buksan, siniguro kong maisara ng mabuti ang kahon pagkatapos kong pumasok.
"Puro ka reklamo! Kung hindi mo kaya magsabi ka lang at nang matanggal ka na sa trabaho!"
"Pasensya na po."
I suddenly felt sad. Maging sa palasyo ay hindi din pantay ang turing ng ibang tao, people with high positions treat lower people like shits. Hindi nila maalalang ang mga ito ang bumubuhay sa kanila habang sila ay prenteng nakaupo lamang sa kanilang kinalulugaran.
Alam kong nagtataka ang may dala ng kahon na kinalalagyan ko dahil mabigat ito kumpara sa ibang kahon kaya naman naramdaman kong bahagya itong huminto at ibinababa ang kahong kinalalagyan ko.
Muling kumalabog ang puso ko.
"Nasaan iyong babae dito?"
Kung kanina ay kumalabog lamang ngayon ay nagkarera na. Tinig iyon ng guwardiyang nagtulak sa akin sa loob ng truck!
"Anong babae? Walang babae diyan! May sekreto ka bang ipinapasok sa palasyo?" Tinig ito ng babaeng kanina pa nag-uutos sa mga trabahador.
"Wala madam. Pasensya na."
"Balik na sa trabaho!"
Muling binuhat ang kahong kinalalagyan ko, saka ako napahawak sa aking tainga at ulo.
Bakit ko naririnig ang mga bagay na ito?
Sagrado ang loob ng truck kanina, at imposibleng makarinig ako sa loob. Ngunit bakit malinaw ko silang naririnig?
"Ay put——" dinig kong mura ng may hawak sa kahon ko ng bahagya akong nagpanic, kaya naman sigurado akong nagalaw ang kahon. Napapikit ako at pinilit na ikalma ang sarili.
Mas marami pang problema ang dapat kong solusyonan kaysa sa panibagong abilidad na natuklasan ko.
Is this another gift of mine?
Tahimik akong nagdasal na sana ay magamit ko ng maayos ang mga abilidad ko at huwag akong ma tanga, dahil nakaka praning ang mga nangyayari sa akin ngayon.
Noon, nakakakita ako ng mga bagay na hindi basta bastang nakikita. Ngayon naman, nakakarinig ako ng mga bagay na hindi dapat naririnig. Now, I'm really crazy.
"Saan po ang kahong ito?" Tanong ng may buhat sa aking kahon.
Muli na naman akong kinabahan, saang lugar na kaya ako sa palasyo napadpad? I've never been to the palace before, maswerte na ang ibang taga lansangan dahil nakapagtrabaho sila sa palasyo bago mapalayas ngunit ako ni minsa'y hindi pa nakakaapak sa palasyo magmula ng mapalayas kami. Dahil tila nagbago ang lahat, hindi na ito tulad noon. Hindi na kami maaaring pumunta sa palasyo, at walang sinuman sa aming mahihirap ang nakakaalam kung bakit.
"Sandali, mukhang iyan ang salamin na inaantay ni Prinsipe Zavan! Ihatid mo na lamang sa baba, huwag kang aakyat at baka mapalayas ka roon ng mali sa oras." Tinig ito ng isang matanda.
Prinsipe Zavan?
"Opo."
"Ako na lamang ang magbabantay." Muling saad ng matanda.
Bakit kailangan niya pang bantayan? Hindi tuloy ako makakatakas!
Nagpatuloy sa paglalakad ang may buhat sa akin sa hindi ko alam na parte ng palasyo hanggang sa maramdaman kong ibinaba ako nito.
"Sige na, ako na muna ang magbabantay bago dumating si Zavan sa pag-eensayo." Tinig itong muli ng matandang babae.
"Mauna na po ako."
Paalam ng lalaki.
Nakahinga ako ng maluwag, hindi ko alam kung saang parte na ako ng palasyo pero kailangan kong makatakas. Ngunit paano ko iyon magagawa kung nakabantay ang matandang ito sa akin?
Ilang minuto pa akong naghintay na mawala ang presensya ng matanda ngunit hindi talaga ito umalis.
"Lumabas ka na riyan."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat, ako ba ang tinutukoy ng matanda? Kung ako nga ay paano niya nalaman na naroon ako't nagtatago?
"Lumabas ka na bago ka pa mabuksan ni Zavan." Pag-uulit nito. Mukhang ako nga ang kausap.
WAIT? WHAT THE HELL?

Book Comment (26)

  • avatar
    Joan Laluan

    cocomelon round and Uruguay is the best of the day I have to go to the house and get the rest of my head and I will go to the house to get the food and stuff to go to the store and I will be there for you to get the cthghfnjgfjnyfnjyfnjyfnjyfyunfhnydtnhdgtsrarsyndmyjyfmjutmjufynjfnhtdhtdtdthndmjygmjugymjfnnhydtdyrsyrshntdhmtdyfjytmfcytumyxtjnxtyjnytxjndfnhdt nhgfxdgnhxgdhnt dnh,nthd myjfyf jmfyj mfy jf jmyfj m yfjnf gnhcg bcgbcfgbccccgbcvcggcvcn,hdtt,fhnfxymjyrxjmtyxmjfyxjmfyjxmyxfjm fjym fyjy

    2d

      0
  • avatar
    Amada Aljur

    hahahahahahahaha hahahaha hahahahahaha HAHAH hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha good good good good! huh huh huh huh huh huh huh huh huh huh huh ! hi! how he has h? u us! hehehe ebeiehejsugs not just have him he has his house he has his house he has his! hehehe just have him he has JJ happy Halloween just gan

    4d

      0
  • avatar
    Johnlord Jurolan

    ohh yeah

    12/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters