CHAPTER 1 Levi’s POV "’Di ba ayan ‘yung anak ni kumareng Cindy?" "Abay! Oo nga! Siya nga iyan!" "Apakalaking tao hane, dalaga na rin gaya ng mga anak natin." "Hahaha! Fashion niya yata iyan dahil masyadong banal." "Ay oo nga hano, lingo-linggo nagsisimba iyan para mabawasan ang kasalanan ng kaniyang pamilya." "Sa tingin ba niya ay mababawasan ng kaniyang pagsisimba ang kasalanan ng kanyang ina?" "Ewan ko lang, hahaha. Eh halos araw-araw ngang may kasamang lalaki ang kaniyang ina sabi ni kumareng Selda." "Ay paano niya naman nasabi iyan… nakita pa niya?" "Abay oo naman! Kung minsan nga raw ay magkaakbay sila nang kasama nitong lalaki, minsan naman daw ay nakikita siyang nakikipaghalikan sa ibang lalaki." "Ay grabe naman pala." Ang aga naman nilang magtsismisan! Nakapagsaing na kaya ang mga ito? Ay bahala sila. Baka ihagis na lang bigla ng mga asawa nila ang kaldero nila dahil mas inuna pa nila ang tsismisan. Umagang kay ganda nga naman.. Hindi ko na lamang pinatulan ang mga matatandang walang magawa kundi ang pagtsismisan ang nanay ko. Si Lord na ang bahala sa kanila. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad papuntang tindahan nina John-John para magpabarya dahil paniguradong hindi na ako susuklian ng driver ng tricycle kapag buong singkwenta ang ibibigay ko. "Oh Levi… ang aga nating makipagdate ah," ngiting Asong sabi ni John-John. "Pabarya po ako," tanging sagot ko sa kaniya. Binaryahan niya naman ako bago nagsalita ulit. "Sinong ka-date mo Levi? Pahati naman!" Natatawa niyang sabi. "Makikipagdate po ako sa Panginoon," nakangiti kong sabi bago siya talikuran at magtuloy sa paglalakad. I sighed. It’s really hard for me because I need to face them every day. I have siblings to take care more than myself and I don’t have the time to listen to their gossips. I should just accept the fact that my life is full of toxic people. I sighed again. I know I can do this, there’s a saying that ‘Kill them with kindness’ and that’s what I will do. Nah… I just need to ignore them and pretend like they didn’t exist. What a life. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad papuntang bahay ng Auntie ko para makisakay para mapabilis ang punta ko sa Simbahan. "Tao po! Tah pasakay po ako!"-sigaw ko mula sa labas ng bahay nila na nahaharangan ng maliit na gate. Mabilis namang lumabas ang anak niya at nakita ako, ginawaran ko siya ng matamis na ngiti at tatanungin sana siya kung nandiyan ang kaniyang ina pero agad siyang sumagot. "Saglit lang daw po, Ate Levi." "Ah sige… hintayin ko na lang ditto, thank you," tugon ko. Mabilis naman siyang tumakbo pabalik sa loob ng bahay nila. Tuwing Sunday ako sumasakay sa kanila kaya parang alam na nila na pupunta ako. Mabait sila sa akin pati na rin sa mga kapatid ko kumpara sa mga kapitbahay namin, kaya nga lang sa kakupasan din ng pera ay kadalasan naniningil sila ng mataas sa akin na siyang pinagbibigyan ko dahil alam ko naman kailangan din nila. Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na rin si Auntie Jena na nakasakay sa tricycle nila, nilabas muna niya ito bago ako sumakay. "Sa Simbahan po tayo," sabi ko. Pinaandar na niya ang motor at tahimik kaming bumyahe. Mabilis kaming nakarating sa Simbahan, napangiwi ako dahil nag-uumpisa nang kumanta ang youth band. Kaagad akong nagbayad at naglakad na papasok sa simbahan. Pagkapasok ko ay kinakanta nila ang kantang may pamagat na ‘Who you say that I am’ napapasabay pa ako sa kanta habang naglalakad sa may gilid para hindi agaw pansin. Nang makakita ng bakanteng upuan malapit sa may bintana ay napagpasiyahan kong doon na pumwesto. Dinama ko ang kanta at napapikit. Otomatiko ring tumaas ang kanang kamay ko habang nakikinig sa kumakanta na nakatayo sa may unahan. Maganda ang pagkakakanta niya at damang-dama ko ang pinaparating no’n. Umigting ang bagang ko dahil may tubig na namumuo sa mga mata ko. Sinubukan kong pigilan pero pagkadilat ko ay kusa na silang bumagsak na parang ulan. Life has given me many difficulties but I know god planned it. There’s no problem that I can’t solved and that it’s okay to be weak. I believe in god and I surrender my life to him, but it doesn’t mean that I have no reason to live. I have my family and they’re giving me strength and will to move on. I know I can do this. I let my tears fall from my cheeks and feel the presence of God and give some prayers. I know that I have a lot of mistakes and sometimes I’m a bad person. I accept any punishment that will be given with open arms. I just want to thank you for all the things you had given us upon this day. I’m sorry and I hope you forgive me and my family for our sins, especially to the people who have done wronged to us. Forgive them for they have sinned. Like how you forgive me. Please guide me and lend us strength. Patuloy sa pagkanta at pagtugtog ang mga banda habang malaya ang bawat isang umiyak at bigyan ng papuri ang panginoong pinaka-makapangyarihan sa lahat. Gustong-gusto kong pumunta rito dahil nalilimutan ko kahit papaano ang mga problema ko at makaiwas din sa mga taong walang ginawa kundi manakit at maliitin ang taong walang kalaban-laban. Pagkatapos ng kanta ay nagsiupo na ang lahat at nagsimula nang magsalita ang Pastor. Ilang oras pa ang lumipas ay tumayo kami ulit at umawit para sa pagtatapos ng misa. Nagpasiya akong tumulong sa pag-aayos ng mga upuan at ilan pang mga Gawain bago ko naisipang umuwi dahil inabot na ako ng tanghalian. Sigurado akong wala na naman roon si Mama at paniguradong hindi pa kumakain ang mga kapatid ko. Lumabas na ko sa Simbahan at naglakad papunta sa sakayan ng jeep, sakto namang ako na lang ang kulang sa buhay ni Manong driver este sa sasakyan kaya nakaalis na kaagad kami. Mga isang oras ang naging byahe namin bago ako bumababa sa jeep. Napagpasiyahan ko ring maglakad na lang para tipid sa pamasahe. Pagkauwi ko sa bahay ay naabutan ko ang dalawa kong kapatid na naglalaro ng hampasan na may kasamang iyakan. Mayamaya ay napatingin sila sa gawi ko. Napangiti ako dahil kaagad na umalis ang kapatid kong si Jacob sa harap ni Ramina para puntahan ako. Si Jacob ang bunso naming kapatid at si Ramina naman ang sumunod sa kaniya. “Ate! Si Ate Ramina… binatukan at hinampas niya ang ulo ko!” Umiiyak niyang sumbong. To be continued.
thanks
23/12/2024
0its ah good story
23/07/2024
0goods story
30/01/2024
0View All