logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7 Mess

I WAS bothered by what we talked about the other day. It bothers me so much that I didn't sleep well the previous nights. It's just that, myself is arguing with me. I don't know.
I understand their side. From what they told me, how they felt, until Lielo walk out and silence enveloped us. I felt the sadness. I felt their anger.
The reason why myself is arguing with me is because I do not agree in what they want to do. I don't think all of this can be solved by killing. There's a part of me that doesn't want them to be eaten by sadness and revenge for the rest of their lives.
"At buhay ang kapalit non, Callistee. Buhay."
I sighed. Tumingin ako sa labas ng bintana ng kwarto na tinutuluyan ko habang nakatayo ako sa tapat ng bintana nito.
Though, I understand them. I understand how they feel. I understand why they want revenge and why they are so angry with those people. Because even me, I am angry with people like that.
Bad people. People who ruthlessly kill without mercy.
I hate them so much. I hate them because they are the reason why all my life, I struggled and suffered.
I don't understand why people like them choose to kill to live and to make money. Why don't they work, make money without hurting anyone?
But still, revenge is not good. It's not healthy. And I know, they're not that kind of people.
I sighed. I don't know anymore.
Sa mga nag daang araw, paulit ulit lang ang ginagawa namin. Naging lifestyle ko na ang ginagawa namin dito, parang nasanay na rin ako.
Minsan ay gusto ko na ring bumalik sa mundo kung saan ako nanggaling, saan nararapat ako. Pero hindi ko alam paano gagawin iyon. Hindi ko alam paano ako napunta rito kaya'y hindi ko rin alam kung paano ang pabalik.
Kumusta na kaya sa mundong iyon? Maayos ba ang lahat?
Pero napaisip rin akong. . . ilang araw lang naman akong nawala. Siguro naman ay ayos lang kung mawawala ako ng mga ilang araw sa mundong iyon. Dahil minsan ko na ring pinangarap na makalayo at tumakas sa reyalidad.
Days passed at habang nagtatagal ako rito sa mundong ito, I realized something. Lahat tayo ay may mga problema. Hindi lang ako, ikaw o kahit sino. Lahat tayo. At kahit tumakas pa tayo ay naroon pa rin iyon. And instead of running away from the reality, from the problems, maybe, It's better to face it and solve it, and learn from it.
Rest because you need it. But never give up.
At habang tumatagal rin ay tumatatak sa isip ko ang dapat na iwasan. Kung sino ang kalaban at iyon ang naka enkwentro namin. Sila ang kalaban na hindi dapat namin pagkatiwalaan.
"NAIDA."
Agad siyang ngumiti sa akin. Kababalik lang nito sa palasyo at basa ang buhok nito, mukhang kagagaling lang sa karagatan.
I smiled too. "Basang basa ka. You need towel? I'll get one for you."
"Ayos lang, salamat. Sanay na rin akong laging basa." She answered.
Agad ko siyang naintindihan. I nodded. "Alright."
"Pupuntahan ko lang ang ating hari, Callistee."
Ating hari. . .
Tumango ako sa kaniya ng may kaunting ngiti sa labi at agad naman siyang umalis sa harapan ko.
Napapansin kong lagi siyang wala rito sa kaharian at kung umuwi ay basang basa. Siguro ay dahil ginagamit nito ang kapangyarihan sa ilalim ng dagat para i-ensayo ang abilidad niya.
Lahat ng tao ngayon rito ay may kina-aabalahan bukod sa akin kaya ay napakatahimik ng palasyo. Tuloy ay bagot na bagot ako. Minsan ko nalang sila kung makausap dahil sa may ginagawa silang pinag uutos ng hari, si jaxith.
Ngumuso ako at bumalik sa kwarto na tinutuluyan ko. Nag ayos ako ng sarili at napagdesisyunan na pumunta sa bayan ng Aletheia ng mag isa.
Bago umalis ay humarap ako sa salamin upang tignan ang kabuuan ko. Suot ko ay isang mahabang puting damit na hanggang bukung-bukong ko. May kapa ito sa likuran at ito ay puti rin habang naka flat sandal naman ako.
Lahat ng sinusuot ko rito sa kaharian ng Aletheia ay galing kanila Prisha para may maisuot ako.
Maraming magagaling na maggagawa o mananahi sa bayan ng Aletheia kaya ay maraming magandang maisusuot sa mundong ito.
Nang lumabas ako ng palasyo ay sabay sabay na yumuko ang mga kawal sa akin. Saglit rin akong yumuko at humakbang paalis. Hindi pa rin talaga ako nasasanay na yinuyukuan.
Wala sa mga kasamahan ko sa palasyo, bukod sa kawal at katulong ang nakakita sa akin na umalis. Hindi na rin ako nag paalam pa dahil hindi na rin kailangan 'yon. Ayos lang ako na walang kasama at bukod pa r'yan ay may mga ginagawa sila't baka makadisturbo lang ako.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong naglakad papunta sa bayan ng Aletheia. Hindi naman gano'n kalayo ang bayan sa palasyo.
At gaya ng pag lagi kaming pumupunta rito nila Prisha, Shun o kung minsan ay si Hawk, Darshan o Alizeh ang kasama ko ay pinagtitinginan kami ng mga nasasakupan ng Aletheia. Minsan naman ay pag si Darshan ang kasama ko ay sumasama si Aalish sa amin.
Hindi ko na lang pinansin ang tingin nila at nagpatuloy sa paglalakad. Lahat ng nakakatitigan ko o tinitignan ko ay hindi nawawala ang ngiti sa labi ko.
Mas lalong lumaki ang ngiti ko nang may madaanan akong nagtitinda ng mga palamuti rito sa bayan. Napakaganda nito't kaaya-aya sa paningin. Ang iba sa mga palamuti ay gawa sa sheal sa dagat.
"Lagi kitang nakikitang pumupunta rito sa bayan." Nag angat ako ng tingin sa lalaking may edad na rin ngunit hindi gano'n katanda.
Ngumiti ako. Mukhang ito ang nagtitinda sa palamuting tinitignan ko.
"Opo. Nababagot lang ako sa palasyo. . ." Sagot ko.
Tumango tango siya. "Sa palasyo ka pala nanggaling." Mahina siyang ngumiti at malungkot ang mga mata nito.
"Bakit po?"
"May naalala lang akong kaganapan." Namamasa na ang mga mata nito at pakiramdam ko ay nilalabanan niya ang sarili upang hindi maiyak sa harapan ko.
Hindi ko na napigilan ang sarili't hinawakan ko ang kamay nito at ngumiti. "Ayos lang po. Minsan ay mas okay na ilabas natin ang nararamdaman natin at maging mahina kung minsan at bumangon ulit pagkatapos. Magiging maayos din ang lahat."
At tuluyan ko ng nakita ang pag tulo ng luha mula sa mga mata nito. And it's breaking my heart kahit na hindi ko siya kilala. Pakiramdam ko ay naiiyak rin ako at nalulungkot ang puso ko.
"Napaka buti mo. Malayo sa kasamaan na—"
Hindi ko na napakinggan ang sinabi niya ng magkagulo ang lahat at nakarinig ako ng mga sigawan at tilian. Nagkakagulo na ang mga tao rito sa bayan.
Agad akong napalingon sa direksyon sa likuran ko at nanlaki ang mga mata ko nang makitang natumba ang mga mesa at ang mga paninda ng mga tao roon.
Humakbang ako ng ilang beses sa direksyon na 'yon ng may nanlalaking mga mata.
Ang iba ay naririnig ko na ang paghagulgol.
"Nariyan na sila. . ." Rinig kong pabulong na sabi ng matandang nakausap ko. Nasa likuran ko ito.
Nakita ko sa hindi kalayuan ang mga kawal ng Aletheia na may hawak na mga armas. May hinahabol itong dalawang lalaking ang bibilis kung tumakbo.
"A-Anong nangyayari?" Nautal kong tanong sa kawalan.
"Pwede ko po bang itanong kung ano ang kaganapang 'yon?" Tanong ko nang may makitang kawal malapit sa akin.
Lumingin ito sa akin at mukhang namukhaan ako at yumuko bago sumagot sa matigas na boses.
"May sumugod na mga kalaban dito sa bayan."
Sa sinabi niyang iyon ay agad akong lumingon sa direksyon kung saan ko huling nakita ang dalawang tumakbong lalaking hinahabol ng mga kawal ng Aletheia.
Hindi ko namukhaan ang mga lalaking iyon sapagkat jacket ang suot nila at may tabon sa mukha.
Aztecs. . .

Book Comment (12)

  • avatar
    Chell Masbang

    500

    26d

      0
  • avatar
    John Lloyd Peleno

    happy

    26/07

      0
  • avatar
    ValderamaJerome valderama

    jerome

    09/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters