logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6: Pagbabago

Nanibago ako sa pagising na may katabi at nakayakap sa akin. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Alam kong madaling araw pa. Sanay na akong magising ng maaga. Gaya ng utos niya ay ginising ko siya.
"Kamahalan, gumising na kayo."
"Bakit? Umaga na ba?"
"Madaling araw pa po."
"Bakit mo ako ginising ng ganito ka aga?"
"Dahil alam kong nandidiri kayo sa akin. Ayokong makita nilang kasama mo ako buong magdamag. Ginagawa lang natin to dahil alam nating kailangan."
Nang marinig ko ang pag sara ng pintuan ay Saka palang ako tumayo ako at tinggal ang piring. "Inay, position ko pong haharapin Ang bagong yugtong ito ng Buhay ko." Sinimulan ko ang araw na may ngiti sa labi. Maaga akong lumabas ng palasyo at naglakad-lakad, ni hindi niya suot ang magarang kausotan ng prinsesa. Naawa siya sa mga taong bayan na namamalimos sa gilid ng kalsada at mga batang iyak ng iyak dahil sa gutom.
"Ina, kung maging isang Reyna ako ay tutulungan ko sila kahit maibsan lang ang gutom nila."
Pinikit ko ang mata mga mata upang huwag Makita Ang mga taong kaawa away pero Wala akong magawa para sa kanila at nagpatuloy Ako sa paglakad. Nagkakagulo ang mga tao sa may palengke. Marami na rin ang mga bahay na sira na.
"Sana makita ng hari ang kalagayan ng kanyang nasasakupan."
Hindi niya alam na napalayo na pala siya. Hanggang sa humantong siya sa plaza kung saan kinuyog ang kanyang ama. Napaiyak akong umupo sa malaking bato kung san ko yakap si ama habang nalagutan ito ng hininga. "Ama, miss na miss na kita. Kasama mo na ba si ina? Masaya kana ba d'yan? Patawad kung naiyak ako. Namimiss ko lang po kayo." Yakap ko ang sarili habang umiiyak. Nang biglang may bata na nag-abot sa akin ng tinapay.
"Ate nagugutom kaba kaya ka umiiyak? Heto ate hati nalang tayo." Napangiti ako sa bata at umiling. Hindi parin siya tumigil sa pag alok kaya kumuha ako ng kaunti at binalik sa kanya ang tinapay. "Huwag ka nang umiyak ate, pag gutom kana etulog mo nalang yan ganun din ako. Ganun ang sabi ina."
Tiningnan ko siya. Butas ang mga damit niya at gusgusin siya. Naka paa lang siya at walang suklay ang buhok. Awang-awa ako sa kanya. "Ina, akala ko kaawa-awa ako kasi nag iisa nalang ako, mali pala mas nakakaawa pa pala ang batang ito na nasa harapan ko."
Walang sabi-sabi at niyakap ko siya. Nagtataka man ay umiyak din siya. "Ate, salamat sa yakap mo. Kahit paano hindi na ako nalulungkot sa pagkawala ni ina."
Nanatili pa ako sa plaza nang maalala kong walang kakainin ang mga bata na naka palibot sa akin ay naisipan ko ang bahay ni ama at ang perang inipon niya.
"Dito lang kayo. Babalik din ako."
Sanay ako sa takbuhan at tinakbo ko ang layo ng bahay namin. Wala ng tao ng madatnan ko. Ni wala na ring natira sa mga gamit namin ni ama. Nag punta ako sa may likuran at naghanap ako ng pwede pambutas ng haligi. Kinuha ko ang naipon ni ama sa apat na poste at nilagay ko sa supot. Pagkatapos ay bitbit ko ito pabalik sa bayan bumili ako ng mga tinapay at prutas. Nang makita ng mga bata dala ko ay bigla silang natuwa at pumalakpak. Masaya akong makita silang masaya at busog. Naupo ulit ako sa bato at naiyak ako ng bigla nila akong niyakap at sabay nag pasalamat.
"Ama huwag ka pong magalit kung hindi muna ako mag aaral. Binili ko muna ng pagkain ang pera para sa kanila. Tutuparin ko parin ang pangarap ko ama. Hayaan n'yo muna akong makatulong." Padilim na at mukhang uulan pa kaya naisipan ko nang umuwi. "Uuwi na ako mga bata. Ingatan ninyo ang sarili ninyo."
"Ate bumalik ka huh?" Tumango ako kahit hindi ko alam kung kailan. Naglakad na ako sa daan ng biglang lumakas ang hangin at ulan. Kahit malayo pa ay sinikap kong maka uwi. Ayaw sana ako papasukin ng sabihin kong ako ang asawa ng prinsepe ay nagtawanan sila. Hindi ko nalang pinansin. Pagkabukas ko sa pintuan ay nagulat ako ng ang prinsepe ang bumungad sa akin.
"Saan ka nangaling at bakit ngayon ka lang? At bakit ang dumi mo?"
***
Pagkagising ko ay siya agad ang una kong hinanap pero ayon sa dama namin ay hindi pa daw nila ito nakita kaya pinuntahan ko siya sa kanyang kwarto at katok ako ng katok pero walang sumagot kaya nagkusa na akong buksan ito pero wala akong Luha na nakita. Nang biglang umulan ay natakot ako kung saan siya nagpunta o baka nilayasan na ako. Isipin palang na lalayasan niya ako ay may mabigat na pagtutol akong naramdaman. Kaya lumabas na ako para hanapin siya nang magkasalubong kami na kapwa nagulat.
"Saan ka nangaling at bakit ngayon ka lang? At bakit ang dumi mo?"
Hindi ko mapigilan ang huwag sumigaw sa galit. Buong araw akong hindi mapalagay nang hindi ko siya nakita ni hindi siya dumalo sa agahan, tanghalian at hapunan. Nang bumuhos ang ulan at madilim na ay aalis na sana ako para hanapin siya pero heto ang pasaway na pangit dumating na. Ang ikinagulat ko ay medyo namamaga ang mata niya. "Umiyak ba siya?" Tila nilalamig din siya dahil basang basa siya sa ulan at marumi ang kanyang damit.
"Galing ako sa bayan. Nakikipaglaro ako sa mga bata dun."
"Nakikipag laro ka lang? Ni hi hindi ka nagpaalam? Sana man lang nagpasabi ka hindi yung magugulo ang palasyo dahil sa pagkawala mo. Kung naging maganda ka lang baka isipin naming may kumuha sayo."
"Patawad di na ako uulit."
"Magbihis kana! Pangit pa sakit pa sa ulo!" Galit na turan ko at yumuko lang ito na dinaanan Ako.
Sumakit ang ulo ko sa buong araw na sinamahan ko si ama. Malaking problema ang kinaharap ng kaharian dahil sa mga peste daw na sumira sa mga ani ng nila. Natatakot na magkagulo ang mga tao dahil sa kulang na supply na pagkain. Nanganganib na maubos ang inimbak na supply. Kahit si ama ay sumakit ang ulo sa problema. Bumalik ako sa silid para maka pag-isip nang tawagin ako ng aking katiwala dahil gusto daw akong makausap ng aking ama. Pinuntahan ko agad ito at nagulat ako ng kausap niya ang kanyang heneral.
"Maupo ka Jamil."
"Malaki ang problema natin. Yung kaban ng bigasan natin pinasok ng mga taong bayan. Wala na silang makain kaya gumawa sila ng ganito ka laking problema. Ang mas kinakatakutan ko ay alam ng ibang kaharian ang sinapit nating taghirap ngayon baka mag-isip sila na magsimula ng digmaan. Anong maganda nating gawin?"
Galit na Galit Ako dahil wala akong maisip na pwedeng gawin para resolbahin ang problemang kinakaharap. Papasok na sana ako sa aking kwarto para makapagpahinga nang maisip ko si Luha, ang aking asawa. Kaya doon ako tumuloy at nagkagulatan kaming dalawa sa pinto.
"Kamahalan anong ginagawa ninyo dito?"
"Gusto kong dito matulog ngayong gabi masama ba?"
"Hindi naman po."
"Kung ganon pagsilbihan mo ako!"

Book Comment (52)

  • avatar
    Amada Aljur

    napaka sarapp SA pakiramdam na mag withdraw araw² kaya mag download na kayo libre nmn

    9h

      0
  • avatar
    Lolit Inocian Piañar Buta

    very interesting

    20d

      0
  • avatar
    Dela CruzJoan Angel

    i'm so super relate sa story but sometimes we need to accept what we are

    28d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters