logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3: Jamil

Kaaalis lang nang manggagamot nang sinabi niyang ako ay nagdadalang tao. Hindi ko inaasahang magbubunga ang ginawa ng hari sa akin na kanyang taga silbi. Kaya naglakas loob na akong kausapin ang hari tungkol sa pagdadalangtao ko.
"Kamahalan kailangan kitang makausap." 
"Anong sadya mo sa akin Luisa?"
"Nagdadalang tao po ako!"
"Ano?" Kita ko ang gulat na dahilan at napatayo siya. "Hindi pwede yan! Hindi ako pwedeng magkaanak sayo! Hindi ako pwedeng magkaanak sa isang alipin na walang maipagmàmayabang kahit ganda."
Nasaktan ako sa panlalait ng hari dahil sa kapangitan ng aking hitsura pero alam ko na iyon dahil Hindi ito Ang unang beses Kong narinig mula sa kanya. "Anong gagawin ko sa bata?"
"Ipapatapon kita sa malayo lugar nang hindi nila malalaman Lalo na nang aking mga anak. Kung mabibigyan mo ako ng prinsipe ay mas maganda.  Sa takdang panahon kukunin ko siya upang ipapakilala sa Alessandro bilang sunod na hari pero kung babae ang magiging anak mo gaya ng mga anak ko ay habambuhay kana sa lugar na yun kasama ang anak mo at dun kana rin mamamatay!"
"Huwag po kamahalan parang awa niyo na!"
Kahit anong pakiusap ko ay hindi ako pinakinggan ng hari. Nang gabing din iyon ay may mga inutosan ang hari upang ipatapon ako sa malayo. Wala akong magawa dahil oras na lumabas ang balitang may kaugnayan ang isang aliping tulad ko sa maharlika ay papatayin ako. Gaya ng sabi ng hari ay sa malayong-malayo ako pinatapon ni wala akong katulong kaya tiniis ko ang lahat.  Darating Ang maghahatid nang pagkain at aalis din. Ako lang mag-isa sa lumang bahay sa gilid ng bundok hanggang sa dumating ang araw na isinilang ko ang isang batang lalaki na biniyayaan ng aking hitsura.
"Anak ko, kamukha mo si ama, Ang gwapo mo anak." Tinawag ko siyang Jamil na ang ibig sabihin ay tanging pag-asa. Hangad ko, na tulad sa pangalan niya ay magiging pag-asa siya ng lahat at pag-asa ko.
Simula nang ipinanganak ko si Jamil ay nakailang sulat na ako sa hari pero hindi parin niya dinalaw ang kanyang anak na ikinasama ng loob ko. Kaya minabuti ko nalang ang palakihi si Jamil na Isang mabuting Bata.
Dumaan ang mga tao at lumaki na si Jamil na maraming tanong. Tulad nalang kung bakit wala siyang ama tulad Ng mga bata sa bayan. Kung bakit nasa gilid kami ng bundok nakatira na malayo sa bayan.
"Nay, bakit po tuwing lalabas ako ay pinapasuot ninyo ako ng maskara?"
"Dahil gusto kong sanayin mo ang sarili mo na etago ang tunay mong damdamin sa likod ng maskara. Gusto ko lumaki kang matapang pero may puso. Gaya ng maskara, kailangang matakot sila sa panlabas mong anyo upang makita mo kung sino ang tunay mong kaaway at kaibigan. Maraming pangit ang makikita mo sa mundo anak, pero hindi ibig sabihin dahil naiiba ay pangit na at dahil pangit ay dapat tratohing naiiba o dahil maganda ay nakakaangat."
"Anong ibig niyong sabihin nay?"
"Kahit pangit ka pa kung tanggap ka nila, sila ang dapat na iniipon mo sa tabi mo. Sila ang dapat na pagyamanin mo dahil minahal ka nga nila kahit pangit ang hitsura mo paano pa kaya kung malalaman nilang ang totoo sa likod ng maskara."
"Hanggang kailan ko esusuot ang Maskara?"
"Hanggang hindi mo matagpuan ang tunay na magmahal sayo bilang ikaw."
"Ano huh?"
"Makinig ka Jamil, hanggang suot mo ang maskara, hindi ka nila basta-basta matatalo dahil hindi nila mababasa ang galaw mo. Hanggang takot sila sa maskara mo hindi ka nila maaring saktan. Huwag na huwag mong tanggalin ang maskara mo sa taong hindi ka mahal bilang ikaw. Dahil oras na makakakita sila ng kaunting takot sa tunay mong anyo, ay aapakan kalang nila at dudurugin."
"Nay? Kahit sino po ay hindi pwedeng makita ang tunay kong anyo kahit si Anton?"
"Walang sino man!"
Labing dalawa si Jamil nang mas naging aktibo ito at gustong makilahok sa lahat Ng patimpalak sa bayan.
"Inay gusto ko pong sumali sa palaro sa bayan. Gusto ko pong maging mandirigma."
"Papayag ako bazta ipangako mong hindi mo ipatatanggal ang maskara mo kahit anong manyari. Dapat hindi nila makita ang tunay na ikaw upang hindi ka nila matalo."
Naguguluhan man si Jamil ay hindi nalang siya nag tanong pa isa lang ang alam niya ang maging malakas.
Labing walo na si Jamil pero hindi parin nagpapakita ang hari ni walang balita kung kukunin niya ito gaya ng sinabi nito sa akin. Lumaki itong kuhang kuha ang tindig at hitsura ng aking ama kaya naiyak akong Makita ito. Pero isang araw ay hindi ko inaasahang ang pagdating nang isang panauhin na nagpapakilalang inutosan ng hari upang sanayin si Jamil sa nalalapit na niyang pagtira sa kaharian. Tulad ko ay nagulat din si Jamil na makita ang isang dayuhan.
"Ina? Sino siya?"
"Anak, si Felipe ang magiging guro mo sa pagsasanay."
"Huh? Guro? Hindi ko po kailangan ng guro! Hindi po ako mag-aaral sumasakit po ang ulo ko!"
"Guro mo siya, at ituturo niya ang lahat ng pwede mong malaman bilang paghahanda pag ikaw na ang hahalili sa iyong amang hari."
"Huh? May ama ako? At hari siya? Kung ganun po bakit hindi ko siya nakikita? Bakit hindi ko alam na may tatay ako?"
"May mga bagay na hindi ko sinasabi sayo anak. Makinig ka..." sinalaysay ko ang buong katotohanan sa aking anak. Galit na pinagsusuntok ni Jamil ang pintuan kaya wala akong magawa kung di ang yakapin siya.
"Magiging hari ako ina! Isinusumpa ko magiging mas magaling pa akong hari kaysa sa kanya."
Walang araw na sinayang si Jamil, sa loob ng dalawang taon ay mas lumakas pa si Jamil na kinakatakutan ng lahat. Pero sadyang nagbabago ang ugali ng tao oras na nakaramdam sila ng kasikatan. Nakakalimutan nila at dapat at mahalaga.
"Jamil, ang mga kadalagahan sa bayan ay may gusto ata sayo." Narinig kong turan ni Anton ang kanyang bestfriend.
"Wala akong panahon sa mga babae! Hindi ako nag sanay para sa kanila kahit gaano pa sila ka ganda." Galit na Turan ni Jamil sa kaibigan pero ang sumunod na sinabi ni Jamil ay nagpapaiyak sa akin. "HOY! MGA PANGIT KAYO! ANG LAKAS NAMAN NG LOOB NINYONG MAGPAPAPANSIN SA AKIN. HINDI KO NGA MAGUSTUHAN ANG MGA MAGANDA MAS LALO NAMAN ANG MGA PANGIT!" Lumaki ang ulo ni Jamil. Isama pa ang nakakasakit niyang dila. Lahat ng tao ay takot na takot sa kanya.
"Anak, tingin ko ako ang nagkamali sa pagpapalaki sayo. Tinuruan kitang maging malakas na kinatatakutan ng lahat. Para hindi ka kailanman aapihin nila. Pero hindi ko tinuro ang magaspang mong ugali. Hindi kita tinuruan maging malakas para manghamak ng walang kalaban-laban."
"Ano bang ikinagalit ninyo nay? Ang pagsabihan ko ang mga babaeng yun na ang papangit nila? Dapat ba magsinungaling ako nay?"
Napahawak Ako sa aking puso dahil sa narinig. "Mana ang ugali mo sa iyong ama. Hambog at walang puso. Hindi porke't anak ka ng hari o may maganda kang hitsura ay lalaitin muna ang mga hindi biniyayaan ng hitsura."
"Bakit nay? Nasasaktan kaba dahil yun ang rason kung bakit hindi ka nagustuhan ni ama? Dahil pangi--" *PAK*
"OO PANGIT AKO! HINDI AKO BINIYAYAAN NG GANDA! PERO DAPAT MO RING TANDAAN NA HINDI LAHAT NG GANDA AY NAKIKITA SA LABAS. MINSAN KAILANGAN MO RIN TINGNAN ANG KALOOBAN NILA. MADALING NADADAYA ANG MATA KAYA HUWAG MO ITONG GAMITING PANG HUSGA! GAMITIN MO ANG PUSO MO ANAK. ALAM KO ANDYAN YAN.. DAHIL ANAK KITA."

Book Comment (52)

  • avatar
    Amada Aljur

    napaka sarapp SA pakiramdam na mag withdraw araw² kaya mag download na kayo libre nmn

    6h

      0
  • avatar
    Lolit Inocian Piañar Buta

    very interesting

    20d

      0
  • avatar
    Dela CruzJoan Angel

    i'm so super relate sa story but sometimes we need to accept what we are

    28d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters