logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2: Ama

Matuling lumipas ang anim na taon at limang taong gulang na Ang aking si Luha na mas gumaganda sa aking paningin kaya naiyak na naman akong makita siya dahil naaalala ko si Luna.
"Luna, malaki na ang ating si Luha, at ang ganda niya at napakabait ni hindi marunong magtanim ng sama ng loob pero hanggang kailan ba niya daranasin ang lahat ng panlalait sa kanya?"
"Ama, ano bang hitsura ni ina? Bakit ang pangit ko?" Iyak ng bagong dating na si Luha kaya agad ko siyang nilapitan nito upang aluin. Bigla akong kinabahan, tuwing iiyak kasi siya ay maymasamang nangyari gaya ng sumpa ni Luna sa kanya.
"Anak. Maganda ang ina mo kasing ganda mo."
"Ibig ninyong sabihin kamukha ko siya? Na ganito ang hitsura? May pinagmanahan pala ako?" Lungkot na sagot ni Luha.
"Anak... Aking SI Luha...hindi lahat ng nakikita ng ating mata ay totoo. Minsan nililinlang ka lang nito. Kung mata ang gagamitin mong sukatan para husgahan ang kapawa mo, wala kang makikita kundi kapintasan nito."
"Anong ibig ninyong sabihin ama?"
"Gamitin mo ang puso mo anak. Gamitin mo ang puso mo na makilala ang kapwa mo. Hindi ibig sabihin dahil iba ka sa nakararami ay pangit ka o dahil maganda ka ay may karapatan ka nang hamakin sila."
"Naintindihan ko na po ama. Patawad po."
"Anak, hindi nila nakikita ang tunay mong ganda dahil ginagamit nila ang kanilang mata sa panghuhusga. Tandaan mo para sa amin ng ina mo ay ikaw ang pinakaganda. Kaya huwag ka nang umiyak anak. Mahal ka naman ni ama diba?"
"Ama...mahal na mahal din po kita. Magsisikap po akong maging iskolar para hindi kana po mag tatrabaho sa bayan."
"Luha, makita lang kitang mabait na bata na may puso para sa kapwa mo ay masaya na ako. Sana hindi ka magbabago anak."
"Ama!!! Ama!!!" Sigaw ng humahangos na si Luha. "Ama, Yung mga bata na umaway sa akin kahapon lahat po sila ay nagkasakit at namatay. Ako Po ang sinisisi nila. Ang pangit ko na nga raw po may sumpa pa daw ako! Totoo ba yun ama?"
"Dios ko Luna! Ito na nga ba ang sinasabi ko."  Tuwing may nagpapaiyak kay Luha ay namatay Ang mga ito at wala akong magawa doon kaya nga minabuti kong dito sa pusod ng kagubatan kami manirahan pero sadyang di maiiwasan.
"Ama....salot nga ba ako?"
"Anak hindi ka salot tandaan mo yan. Simula ng dumating ka sa buhay ko napasaya mo ako. Para kay ama isa kang biyaya. Pakiusap Luha, huwag ka nang umiyak. Nalulungkot si ama, gusto mo ba yun?" Umiling-iling si Luha.
"Pangako ama hindi na ako iiyak dahil ayaw kitang maging malungkot."
"Salamat anak."
Sa paglipas ng panahon ay tinupad ni Luha ang pangako niya sa akin. Tiniis niya ang mga panlilibak sa kanya ng mga tao dahil sa anyo niya. Dahil tuwing naalala niya na malungkot Ako pag-iiyak siya ay pilit niyang nilalabanan ang sakit at panlalait.
"Ama... san tayo pupunta?" Tanong ni Luha na nagtataka dahil nakabihis siya nang magandang bestida na binili ko sa bayan.
"Dadalawin natin ang kamag-anak ko para makilala mo ang mga pinsan mo gusto mo ba yun anak?"
Kita ko na tuwang-tuwa si Luha na makilala ang mga kamag-anak ko dahil simula nang siya ay nagkamalay ay kami lang dalawa ang laging magkasama.
"Mario? Ikaw na ba yan? Buhay kapa pala! Anong nangyari sa pag-ibig mong suntok sa buwan?" Tuya ng kapatid ko. Sa katunayan ay nagulat ako dahil nang balikan ko ang dati naming tirahan ni Luna ay walang nakakakilala sa kanya bilang Isang mangkukulam ang alam nila ay iniwan ako nang aking asawa.
"Mano, ito pala ang anak ko si Luha."
"Pweh! Anak mo yan? Paano mo naging anak yan? E ang pangit niyan! Nahihibang kana ba at pinatulan mo ang pangit na ina niyan kaya nagka anak Karin Ng pangit? Alalahanin mo sa ating magkakapatid ikaw ang may hitsura tapos ang anak mo ang pangit! Nakakasira ng araw!"
Nagsimula ng umiyak si Luha. Hindi niya mapigilan ang huwag masaktan sa sinabi ng tiyuhin. "Anak, tama na, huwag ka nang umiyak. Nagkamali si ama sa pagdala sayo dito patawarin mo si ama." Nagsimula na ring umiyak si Mario na niyakap ang anak na umiyak.
"Ama, umalis na po tayo. Huwag na po kayong umiyak. Hindi na po ako iiyak promise po."
"Sobra ka naman mag salita Mano, porke't ganito ang hitsura ng anak ko ay hinahamak ninyo siya? Bakit hindi ninyo siya matanggap na anak ko siya at kadugo mo siya?"
"Lumayas ka dito Mario! Wala akong pamangkin na halimaw! Ano ba't naparito ka? Pera? Pwes wala kang makukuha sa akin kahit singkong duling! Lumayas kayo!"
***
Galit na Galit si ama na nakakuyom niyang kamao kaya hinawakan ko ito at biglang kumalma si ama. Alam kong tulad ko ay dinamdam din niya ang panlalait ng kamag-anak dahil sa akin.
"Ama, huwag na po kayo magalit." Kinuha ko ang nakatiklop na kamao ni ama binuklat ko ito at hinawakan ang kanyang kamay. Napaiyak si ama at lumuhod sa harapan ko. "Tahan na po."
"Nalulunkot lang si ama anak, kasi ang buong akala ko, matatanggap nila ang mahal kong si Luha bilang pamangkin, pero sinaktan lang nila ang mahal kong si Luha."
"Ama, huwag na po kayong malungkot. Kasi po nalulungkot din si Luha. Diba po sabi ninyo, maganda ako?" Tumango si ama at ngumiti. "Simula sa araw na ito ama, hindi na ako iiyak kung hahamakin nila ang hitsura ko. Para sa akin, ikaw ama ang tanging pakikingan ko."
"Tama anak. Huwag mong paniwalaan ang lahat ng panghahamak nila. Hindi sila perpekto meron din silang kapintasan."
"Ama? Pangit ba ako?"
Umiling-iling si ama at niyakap ako. "Luha, ikaw ang pinakamagandang bata sa buong kaharian, tandaan mo yan. Ikaw ang aking prinsesa. Kahit wala tayong kaharian para sa akin ikaw ang pinaka magandang prinsesa." Ngumiti ako at niyakap si ama dahil ramdam ko ang sinseridad nang kanyang salita.
"Wala akong ibang pakikingan kundi ikaw ama. Mahal na mahal kita. Mula ngayon kahit sino ang manlalait sa akin ay hindi ko na didibdibin. Maganda ako sa inyo at inyon ang mahalaga."
Dumaan ang mga taon at labing waking taong gulang na ako. Gaya ng pangako ko kay ama ay hindi ko na binigyan pansin ang lahat nang panlalait ng mga tao sa hitsura ko ang iba ay nasanay na rin. May naging mga kaibigan din ako na kasing pangit ko din.  Nagsikap akong mabuti para sa aming dalawa ni ama dahil gusto ko siyang sa bahay nalang lalo pa ngayon at tumatanda na siya. Tuwing hinihikayat ko siyang mag-asawang muli ay laging siyang tumatanggi. Ang lagi niyang sinasabi ay wala na siyang ibang babaeng iibigin kung di si Ina lang. Kaya ganito nalang ang pagsisikap kong bigyan siya ng maalwang buhay gamit ang aking talino.
"Luha! Luha! Ang ama mo dali! Pinagbibintangan siyang kasabwat daw sa nakawan sa bayan."
Kinakabahan ako na sumunod sa kaibigan kong si Rosy na kasing pangit ko din. Iyak Ako Ng iyak habang hinawakan Ako ni Rosy kasi Hindi ko na Makita Ang Daan dahil sa mga luha ko sa mata. Hindi ko alam kung paano kami nakarating ni Rosy sa bayan  at doon nakita ko si ama sa plaza na pinagbabato ng mga taong bayan. Tinakbo ko si ama na halatang nasasaktan. Maraming dugo ang umagos sa ulo niya kaya na awa akong umiiyak habang yakap siya at naramdaman kong nahihirapan na din siya.
"AMA!!! AMA!!!" tawag ni dito at kahit nahihirapan ay unti-unti niyang binuka Ang kanyang mga mata Saka ngumuti.
"Aking si Luha, bakit ka nandito?" At biglang binato na naman siya at ang iba ay tumama sa akin.
"ITIGIL N'YO YAN! HUWAG NINYONG SAKTAN ANG AMA KO PAKIUSAP!" pero hindi ako pinakinggan ng mga tao at patuloy lang sila sa pagbato kay ama. Niyakap ko siya ng mahigpit habang walang tigil ang agos ng aking mga luha. Tinuroan ako ni ama na huwag magalit at maghiganti pero sa sandaling ito ay gusto kong silang isumpa dahil galit na galit ako sa ginawa nila sa napakabait kong ama. Kasabay ng pag aalab ng aking galit ay ang pagkulog ng kalangitan at nagsimulang umulan pero kahit ang ulan ay hindi kayang hugasan ang sakit ng aking puso.
"Ama ko, pakiusap gumising ka, ama, huwag n'yo po akong ewan, hindi ko po kaya ang wala kayo. Ama!!!" Iyak ako ng iyak ni hindi ko ininda ang sariling sugat, kahit ang lamig dahil basang basa na rin ako sa ulan.
"Luha...." mahinang tawag ni ama sa akin at hinaplos ang aking mukha.
"Ama, huwag n'yo po akong ewan! Ama!!!"
"Anak, huwag ka nang umiyak. Diba ayaw mo akong malungkot? Wala man ako sa tabi mo, pero nandyan lang kami ng ina mo. Babantayan ka namin dahil mahal na mahal ka namin."
"Ama ko, mahal na mahal ko din po kayo. Pakiusap huwag n'yo akong ewan."
"Anak, sa ilalim ng mesa, may iniwan akong itim na libro para sa iyo. Basahin mo yun para maintindihan mo kung bakit...kung bakit...kailangan mong maging matatag. Pakiusap huwaga kang umiyak. Iwasan mong umiyak. Ang pag luha ay maari mo lang gawin kung hindi muna maiwasan ang sakit. Pero habang kaya mong tiisin huwag mong sayangin ang luha sa mga taong hindi mo dapat iyakan."
"Ama!!! Ammaaaaa!!!"
"Mahal na mahal kita anak. Anak kita kahit--kahit---Luha ko..."
"AMA! AMA!" kahit anong alog ko Kay ama ay hindi na ito nagising pa. "AMMMMAAAA!!!!

Book Comment (52)

  • avatar
    Amada Aljur

    napaka sarapp SA pakiramdam na mag withdraw araw² kaya mag download na kayo libre nmn

    9h

      0
  • avatar
    Lolit Inocian Piañar Buta

    very interesting

    20d

      0
  • avatar
    Dela CruzJoan Angel

    i'm so super relate sa story but sometimes we need to accept what we are

    28d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters