logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Sumpa ni Luha

Sumpa ni Luha

SurfireLove


Chapter 1: Luha

Sa madilim at masukal na kagubatan ay may magkasintahang tumatakbo habang hinahabol ng mga taong bayan na galit na galit at may mga dalang itak at nga pamalo.
"Mario, ibigay mo sa Amin Ang mangkukulam!" Sigaw Ng kapitan ng kanilang barangay.
"And'yan na sila Luna, kailangan nating makalayo."
"Hindi ko na kaya Mario, nahihirapan na ako, hindi ko na kaya. Masakit na ang tiyan ko sa kakatakbo."
"Hindi maari Luna, huwag Kang sumuko ngayon. Kung pagod kana bubuhatin kita Ang mahalaga ay makalayo tayo dito!"
"Hindi! Umalis kana Mario, Hindi ka dapat nadamay pa dito iwan mo na lang ako ako lang ang hinahanap nila."
"Luna hindi kita iiwan dito kahit anong mangyari. Mahal na mahal kita para ibigay sa kanila."
"Aghhhh, Mario humihilab na ang tiyan ko, tingin ko manganganak na ata ako."
"Hindi ka nila pwedeng abutan dito Luna, pakiusap huwag ka dito magsilang papatayin ka nila Oras na Makita ka nila Yun Ang Hindi ko kayang Makita, Hindi Luna pakiusap."
"Patawad Mario pero hindi ko na talaga kaya. Agghhhhh!!!"
"Luna! Anong ginawa mo!"
"Isisilang ko ang anak ko dito Mario, saksi ang buwan at mga bituin na siyang magiging proteksiyon ko ngayong gabi. Gamitin ko Ang Huli at natitura Kong salamangka upang pansamantalang huwag Sila makapasok sa pusod Ng kagubatan.
Naupo si Luna at nagdarasal Saka biglang nagliwanag at tila binalot kami ng liwanag na yun. Naramdaman ko Ang paghawak niya sa aking kamay Saka nahiga sa damuhan. "Balang araw, araw... Agghhhhhhh!!! Agggghhhh....!!!
Hindi na natapos ni Luna Ang sasabihin dahil nagsimula nang umagos Ang mga dugo sa kanyang hita at napimilipit an siya sa sakit. "Luna... sige pa,  konte pa, lalabas na siya!"
"Ang anak ko, pakiusap ama... ina.... tulungan ninyo akong mailabas ang anak ko." Umiiyak na tawag ni Luna sa mga magulang. "Agghhhhh... Aggghhh... UWAHHH...UWAHHH....UWAAHHH"
"Luna, babae ang anak natin at napakaganda niya Luna."
"Napakaganda niya Mario, tulad siya ng isang buwan at bituin na napakaningning sa langit."
"Kasing ganda mo siya Luna. Walang kaparis Ang kanyang ganda tulad mo."
"Natatakot Ako para sa magiging buhay niya Mario." Iyak ni Luna at naawa Ako sa kanya kaya niyakap ko siya. "Hindi nila dapat malaman na anak ko siya."
"Luna...Anong binabalak mo?"
"Pangangalagaan ko ang anak ko. Pro-protektahan ko siya sa abot ng aking makakaya kahit sa huling beses."
"Luna, kung ano man yang iniisip mo huwag mong ituloy pa Ang mabuti pa ay umalis na tayo magpakalayo-layo tayo kung saan Hindi nila tayo masusundan."
"Hanggang dito nalang Ako Mario."
"Hindi! Bubuhatin kita, kailangan nating umalis. Papalapit na sila. Papatayin ka nila at ang anak natin."
Hindi Ako pinakinggan ni Luna bagkos ay nagdasal ito. "Bilang anak na babae ng ika pitong henerasyon ng mga lahing Ijimat ay sinusumpa kita na lumaking tanging ang tunay lang na magmamahal sayo ang makakakita sa tunay mong ganda. Bilang sandata mo sa pagharap ng mundo, papangalanan kitang Luha. Ang sino mang magpapaiyak sayo ay dadanasin ang lupit ng aking sumpa!"
"Luna! anong ginawa mo sa anak mo?" Nakita ko Ang unti-unting pagbabago Ng Mukha Ng aking anak, ito ay pumangit. "Luna anong ginawa mo sa ating anak!"
"Mario, alam kong mahal mo ako. E pangako mo na mamahalin mo ang anak ko. Epangako mo!"
"Luna!"
"Tumakas na kayo! Itakas mo siya! Sa tamang edad ibigay mo sa kanya ang tanging pamana na maiiwan ko para lumaki siyang isang mabuting tao. Gusto kong maintindihan niya na hindi porket mangkukulam kami ay masama kami dahil naiiba kami sa nakararami. E pangako mo Mario na ituturing mong anak ang aking si Luha kahit...kahit Hindi mo siya kadugo. Pakiusap Mario, pakamahalin mo ang anak ko. Pilitin mong mabuhay siya ng normal. Sa takdang panahon. Mawawala ang sumpa ko kung iibigin din siya ng lalaking iniibig niya."
"Luna!"
"Mahalin mo si Luha na parang anak mo Mario ipangako mo! Mahal na mahal ko ang anak ko."
"Pangako Luna!"
"Mario salamat sa pagmamahal mo sa akin kahit magkaiba tayo. Patawad hindi kita masamahan Hanggang sa pagtanda natin gaya nang pangako natin sa isa't Isa. Masaya Ako at nakilala kita Mario. Mahal na mahal din kita Mario. Mahal na mahal. Patawarin mo Ako sa aking pag Iwan sayo Ngayon. Kung mabubuhay ako ulit sa hinaharap, hahanapin kita at pakamamahalin kita. Susuklian ko Ang kabutihan mo sa akin Mario, hangad ko na nakatagpo ka Ng babaeng pakamahalin ka at Ang aking SI Luha. Tandaan mo, mawala man ako ngayon, ayo ni Luha ang pag ibig ko."
"Luna, mahal na mahal din kita. Kailan man ay hindi kita tiningnan na iba. Naging masaya din Ako nang dumating ka sa Buhay ko. Mahal kita kahit hindi yun maintindihan ng marami. Pakamahalin kita Hanggang sa hiking sandali ng aking buhay.
"Salamat mahal kong Mario. Sige na andyan na sila. Pakiusap umalis na kayo ni Luha. Pakiusap."
***
Tumakbo na si Mario na umiiyak at lingon ng lingon sa akin dala ang aking anak na si Luha na iyak din Ng iyak. "Anak, magiging malungkot ang tatahakin mong Buhay Mula Ngayon pero katulad Ng Gabi may darating na liwanag at mahanap mo din ang lalaking para sa iyo, patawad anak kung ito lang ang maisip Kong gawin para pangalagaan ka."
"Andun Ang mangkukulam!" Ring kong bose's ng mga taong bayan na papalapit. Tinipon ko ang aking huling lakas at naupo ako at nagdarasal.
"Ako si Luna, ang huling mangkukulam ng Ijimat, aking iaalay ang aking huling buhay upang ibalik sa umpisa Ang lahat, burahin mo sa isip Ng mga taong bayan na may Isang Luna na mangkukulam. Mula Ngayon ay makakalimutan Ang tungkol sa akin. Aking kahilingan ay dingging."
Biglang lumakas ang hangin at kumulog Saka kumidlat at tila nagbabadyang uulan. Rinig ko parin ang iyak at sigaw ng aking si Luha. Gustohin ko mang  balikan sila ni Mario ay na nganganib hindi na pwede. Kasabay Ng pagbuhos Ng ulan ay unti-unti nawala ang aking lakas at unti-unting pagkaubos ng aking hininga. "Luha..."
***
Napalingon ako sa lakas Ng kidlat na nagpaiyak pa Kay Luha. Niyakap ko siya dahil mukhang uulan din. "Pangako Luna mamahalin ko ang anak mo. Gaya ng pagmamahal ko sayo." Niyakap ko Ang aking si Luha. "Anak, sana lumaki kang maging mabait na bata at may puso gaya ng iyong ina. Pangako aalagaan kita anak."
Habang papalayo ako ay biglang nagising ang natutulog na si Luha at biglang umiyak. Alam ko sa mga oras na ito ay naramdaman marahil ni Luha na wala na ang ina kaya napaiyak din Ako. "Huwag ka nang umiyak anak. Tahan na, andito lang si ama. Hindi kita iiwan. Pangako hindi magsisimula tayong muli. Ipagtatanggol kita sa lahat."
Ipinagoatuloy ko Ang pagtakbo Hanggang sa narating ko ang lagusan sa kaharian Ng Alessandro. Tiningnan ko Ang paligid may iilang tao din Ang nakatira dito sa may bukirin. "Anak ko, simula sa araw na ito ay dito na tayo maninirahan. Dito tayo magsisimula. Alam ko kahit wala na ang iyong Ina ay kasama parin natin siya."
Napansin ko Ang mga tao na nakatingin sa akin na tila naaawa pero nang Makita nila ang hitsura ni Luha ay natatakot sila kaya mas binalot ko si Luha upang huwag nila makita. "Luna hindi ko alam kung anong magandang maidudulot ng sumpa mo sa anak natin, sana kayanin ng ating si Luha ang lahat gg panlilibak sa kanya."

Book Comment (52)

  • avatar
    Amada Aljur

    napaka sarapp SA pakiramdam na mag withdraw araw² kaya mag download na kayo libre nmn

    6h

      0
  • avatar
    Lolit Inocian Piañar Buta

    very interesting

    20d

      0
  • avatar
    Dela CruzJoan Angel

    i'm so super relate sa story but sometimes we need to accept what we are

    28d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters