logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 2

SANDRA POV'S
Katatapos lang namin ni papa mag hapunan, sa ngayon nag-uusap kami para sa pag alis ko bukas.
"Nak, wla na bang extend, haha?" Patawang Sabi ni papa
"Pa, naman kala ko po ba okey na tayo?" medyo kabado na naman baka Kasi biglang magbago pa ang isip ni papa.
"Ikaw talaga" habang ginugulo ni papa Yung buhok Ko.
"Pumayag na ako hindi na pwedeng bawiin Yun, alam mo naman si papa mo may isang salita" Makabuluhang Sabi ni papa.
"Basta Yung bilin ko sayo, huwag mong kalimutan nak"
Ang concern lagi ni papa sakin, talagang ma mimiss ko ito ng sobra.
"Oo naman pa, ikaw ang master ko Kaya susundin ko lahat Ng bilin mo" nakangiti kung Sabi Kay papa.
"Oh sige na matulog kana ng maaga, baka tanghaliin ka ng gising bukas" pabirong Sabi ni papa.
"Sige pa, tulog na ako goodnight" habang papasok sa aking kwarto.
Andito na ako sa aking silid, pinagmasdan ko ito ng mabuti
Mamiss ko itong lugar nato, ang dami Kung memories dito, Sa pag alis ko bukas diko alam kung kailan ako muling makabalik rito, Sigurado mataas-taas na panahon pa para makabalik rito, sana ay sa pag balik Ko, walang mag babago sa lahat.
Dinalaw na ako ng antok, Kaya naman pinikit Kuna ang aking mga mata.
KINABUKASAN
nagising ako ng may kumatok sa pinto, at tinig yun ni AIRA
nasa isip ko na naman na, Ang aga yata ng babaeng to.
"Sandy, bumangon kana dyan anong oras na, ma lelate ka sa flight mo!" pa sigaw na sabi ni Aira.
Teka flight?
ahh Oo flight?
Wahhhh.....dali dali akong bumangon habang pinag masdan yung oras,
It's already 6:25 am!.
Yan Kasi Sandra eh, pagsi-sisi ko saking sarili.
Kasi naman 7:30 yung exact na oras para sa flight, Nako buti naman at handa na lahat ng gamit ko, ang gagawin kolang ngayon ay mag ayos ng aking sarili.
"Sandy! ano na?" Inis na sigaw ng best friend Kong ma bunganga.
"Ito napo, mag re-ready na!" sigaw ko pabalik.
Simple lang yung ayos ko, naka baggy jeans na tinernuhan ko ng croptop, at nag suot ng denim jacket.
Nag lagay lang ako ng konting liptint at pulbo saking mukha, flight Lang naman to, At hindi party.
Kaya lumabas na ako ng kwarto, At bumugad sakin si Aira.
"Ikaw ha! dimo man lang sinabi saking na ngayon yung alis mo" pagtatampong sabi nito.
Dapat kasi tinawagan ko siya ka gabie, nakalimutan kulang, sa dami ba naman ng aking inisip.
AIRA POV'S
Ewan ko talaga rito sa best friend ko, may katangahan rin, kahit sumubra pa sa ganda.
Napatigil ako saking pag iisip ng bumukas ang kwarto ni Sandy.
At iniluwa run ang, Best friend kung ubod ng ganda, kahit sa simpleng porma nito ang ganda nya paring tignan.
Mapag tripan nga, para naman mabuhayan naka ngisi kung saad saking isipan.
"Sandy? yan naba susuotin mo?" tanong ko rito
Napakunot naman ang kanyang noo.
"Eh bakit pangit ba tignan?" tanong nya naman sakin, habang naka busangot.
"Oo, para kang mag aararo sa palayan HAHAHAH" tawang-tawa kung Sabi.
Nakita ko naman, ang awra nitong dina ma ipinta ang mukha, akma na itong papasok ulit sa kwarto nya ng dumating si tito galing kusina, at kinausap sya.
"Nak, kain kana malelate ka riyan, kakalabas mulang Ng kwarto tapos papasok naman" saad ni Tito sa best friend ko.
"Mag bihis lang ako ulit pa," Sabi ni Espren,HAHA rinamdam talaga nya ang sinabi ko.
"Bat kapa mag bibihis okey nayang suot mo?" tanong ni Tito.
"Ang pangit raw kasi, sabi ni Aira" pagsusumbong ni Sandy sa papa
Nya.
Tinignan naman ako ni Tito, at nginiti-an ko na lang siya.
"Huwag mong pansinin yang si Aira nak, Inggit lang yan kasi di makasama" tawang sabi ni Tito.
Napasimangot naman ako don, at ito namang best friend lumaki agad yung ulo sa sinabi ng papa nya.
Nag flip ito ng hair nya habang di-naanan lang ako.
Hindi man lang ako sinabay sa pagkain nya, marunong rin talaga mag ramdam tong bruha.
Kaya ako na ang pumunta sa kanilang kusina, na kusina ko narin
At Yun nakikain narin ako, diba may kakapalan talaga itong mukha ko.
SANDRA POV'S
nasa airport na kami ngayon, sumama nga pala si Aira sa paghatid ni papa sa kin rito.
"Bespren baka magbago pa desisyon mo?" saad ni Aira ng naka ngisi.
"Nga naman nak, pwede pa" dagdag ni papa na naka ngisi.
Okay to, hanggang rito nag bibiruan lang, wlang drama
Ayaw kurin talagang makita si papa na may luha habang aalis ako.
"Kayo talaga" tipid Kung sagot sa sinabi nila.
Tinignan ko si papa, nasa ibang direksyon ito nakatingin, nag teary eye na eh, itong papa ko talaga may ka dramahan pa.
"Pa" tawag ko Kay papa Dahilan upang maka tingin sakin.
"Nak yung bilin ko sayo" saad nito na pilit nag pigil sa luha Niya.
"Oo pa, noted Yun lagi" ngiti kung sabi kay papa.
"Bespren pag umuwi ka rito, pasalubungan mo naman ako ng chupapi na taga run ha" ngiting Sabi nito, Ito talagang best friend ko kaya
Tinapunan naman Ito Ng matalim na tingin ni papa.
"Ikaw Aira ha! wag mong bigyan ng ganyang idea tung anak Ko, sa ganyang kalokuhan" sermon ni papa.
At ngumisi Lang Ang bruha, tapos nag peace sign.
"Biro lang yun, tito hihi" pa ngiting pag umanhin nito.
At bumulong sakin...

"Seryusohin mo yun bespren" ngiting sabi nya, bruha talaga.
"Anong binulong nyan nak?" tanong ni papa na may halong curiosity.
"Wala pa hehe" tanging sabi kp na lang kay papa.
At Yun nanga kailangan Ng pumasok sa plane, Kaya hina-hug Kona si papa at bruha Kung best friend.
At kumakaway nako, habang papasok sa Airplane.
"Ingat ka nak," Saad ni papa habang kumakaway.
"Good luck bespren" dagdag pa ni Aira habang naka kaway rin sakin.
Tanging tango at ngiti lang ang tugon ko sa mga sinabi nila sa akin.
nasa loob na ako ng plane, diko mapigilan tung malilikot kung mga mata na maglakbay sa bawat sulok nitong plane.
At ayun dahil sa kalikutan ng mata Ko, may nahagip akong nilalang.
Naka sunglasses ito, habang naka Cross arm, ang cool lang tignan ng dating nito, kahit simpleng plain balck shirt lang ang suot nito.
Napa iwas agad ako ng tingin ng may gumuhit na ngiti sa labi nito.
Nakakahiya ka Sandra, ka babae mong tao nang papantasya ka, jusko nakakahiya naman sambit ko saking sarili.
Talagang nakakahiya eh, binaling ko nalang ang tingin ko sa bintana. Ang tamga ko kasi, naka sunglasses yung tao tapos tinitigan ko, without even thinking Kung nakapikit ba ito ng mata o nakadilat at bala nakatingin rin sa akin.
"May ghad Sandra katangahan nga naman" bulong ko saking sarili.
Hindi sa pag assume pero, naiilang na ako rito, Kasi naramdam kong nakatingin yung nilalang sakin.
Kaya pinikit ko nalang ang aking mata, para makatulog kaysa naman magtitiis akong magramdam ng awkwardness rito.
At ayon nakatulog nga ako.
Nagising kasi ako ng ingay, Sa babaan ng pasahero, kaya tumayo narin ako, bahagya kung tinignan ang pwesto ng nilalang kanina at nakahinga ako ng maluwag dahil wala na ito, maka kagalaw na ako ng maayos.
Nang nasa baba na ako ng plane, natanaw ko pa yung nilalang, na siyang nag papakaba sakin, hiyang hiya parin talaga ako sa nagawa ko kanina.
Buti nalang at nakasakay na yung nilalang, bumalik naman sa normal yung awra ko.
Yan kasi Sandra lesson learned at natawa ako sa sumagi saking isipan.
Saka nag hanap na ako ng masasakyan, para maka alis na dito sa airport.

Book Comment (111)

  • avatar
    SarauzJudy Ann

    I loved it

    10/01

      0
  • avatar
    GaRhonel

    great story & amazing , ,

    28/08

      0
  • avatar
    NasRyan Daniel

    wow what a nice book

    25/04/2025

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters