logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6

" Mga walang kwenta yung rason niyo. Ang sabihin niyo nandito kayo kasi nagui-guilty kayo!" bigla nman akong napatayo sa sinabi ni Jully-ann.
" Guilty saan?" taas kilay na tanong ko habang lumalapit sa inuupuan nilang lahat.
" Kasi nalaman namin na ano, na ano---"
" ano?!"
" Na dito ka kumain." sagot ni Sean na nagpa laki sa mata ko. Pano nila nalaman? Bigla akong napatingin kay Winlab na nakaupo katabi ni Bryce. Pinanliitan ko siya ng mata dahil alam kong siya ng nagsabi sa kanila. Hindi talaga mapagkakatiwalaan. Hays!
" Winlab?" Nakataas kilay na tanong ko. Bigla naman siyang tumayo at lumapit sakin.
" Sorry na couz." yumakap siya sakin na naglalambing "Tinatanong kasi nila ako e nadulas ako." Binatukan ko siya.
" Aray naman! Hindi bagay sa ganda ko ang binabatukan couz." Reklamo niya. Nasulyapan ko si Bryce na nagpipigil ng tawa sa likod kaya tumingin ako kay Winlab at nginuso ang manliligaw niya. Nakuha niya naman ang senyas ko kaya nakita niya si Bryce na nagpipigil ng tawa kay nilapitan niya ito at walang pasabing binatukan.
" Ara--" magrereklamo na sana si Bryce pero nakita niya na si Winlab ang bumatok sa kanya kaya ngumiti siya ng pilit " Hi?"
"Bat moko pinagtatawanan?!" Bulyaw ni Winlab.
" Hindi ah!" depensa niya kaya piningot ni Winlab ang tenga niya.
" Wag mokong pinagtatawanang palaka kaaaaaaaaa!" sigaw ni Winlab at binitawan ang tenga ni Bryce kaya tumakbo eto.
" Hindi na kita lab!" sigaw ni Bryce habang tumatakbo. Tinawanan lang siya ng mga kabarkada namin pati na rin ako.
" Sundan mo uy!" utos ko kay Winlab pero binigyan niya lang ako ng bored look.
" Bahala siya!"
" Sige ka baka makakita yun ng iba dun sa labas, marami pa namang magaganda dito na kahit bahay namin." pananakot ko na tumahan naman dahil dali dali siyang tumakbo palabas. Tinawanan lang namin silang dalawa.
" Sorry Leah ah. Hindi ka namin napansin kanina." hingi ng tawad ni Jully-ann pagkatapos naming tumawa. Sumeryuso lahat ang mukha nila kaya sumeryuso na rin ako.
" Lagi naman e." sagot ko at pilit na tumawa
" Sorry talaga."
Lagi namang ganyan e. Sorry,sorry,sorry. Hindi mabubura ng basta sorry lang ang sakit na dinulot niyo pero dahil isa akong napakabuti at mapagpanggap na nilalang kaya itatawa ko nalang yan.
Isa isa ko silang tiningnan bago ko itinuon ang pansin ko kay Jully-ann at ngumiti.
" It's okay. No big deal." i lied, ofcourse.
Ngumiti si Jully-ann at yumakap sakin.
" Ang bait mo talaga.Thank you." Niyakap ko rin siya at kumalas din.
I smiled at them " Yun lang ba ang dahilan kung ba't kayo nandito?"
" Nope! We're also here to fetch you. Magdala ka ng dress dahil kela Jully-ann na tayo mag-aayos." Ngumiti si Mia kaya ngumiti nalang rin ako.
" Okay! Wait for me here kukunin ko lang ang mga gamit ko sa itaas tapos alis na tayo. Aryt?" Nginitian ko sila at tumalikod para pumuntang kwarto.
Pagdating ko sa kwarto dumiretso na ako sa closet ko para kumuha ng dress. Kukunin ko na ang cellphone ko sa kama ko ng may maramdaman akong nakatingin sakin mula sa pinto ng kwarto ko. Pag tingin ko si Sean lang pala. Kaya nagpatuloy nalang ako sa pagkuha sa cellphone ko.
Kukunin ko na sana ang bag ko para doon ilagay ang dress ko ng lumapit si Sean sakin at inayos ang buhok ko. Hindi na ako nabigla dahil lagi niya namang ginagawa to sa tuwing magulo ang buhok ko. Kaya nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko.
" Hindi ka talaga marunong mag-aayos." reklamo niya kaya tiningnan ko siya ng masama pero tinawanan niya lang ako.
" Wag kang mag-alala kapag naka boyfriend na ako, mag-aayos na ako ng todo." Biro ko. Naramdaman ko namang natigilan siya kaya nilingon ko siya at nakita kong magkasulong ang kilay niya.
" Hindi ka pwedeng magka boyfriend!" sabi niya kaya kinunotan ko rin siya ng noo.
" At bakit?"
" Basta!" inis na sagot niya at pinagpatuloy ang pag-aayos ng magulo kong buhok.
Ipinagsawalang bahala ko nalang ang sinabi niya at pinagpatuloy ang mga ginagawa ko.
Pagkatos kong ayusin ang mga gamit ko sakto namang tapos na rin niyang ayusin ang buhok ko kaya bumaba na kami.
" Mabuti naman at naayos mo na yang buhok mo mars!" sigaw ni Mia kaya napatawa ako ng bahagya.
" Hindi ako." sagot ko sinulyapan si Sean. Nakuha niya naman ang ibig kong sabihin kaya ngumiti siya na parang aso.
" Ka sweet na bata." biro ni Earl kaya tumawa kami.
" Tayo na nga! Ang daming sinasabi." supladong saad ni Sean at nauna ng lumabas. Dala dala na niya ang bag na nilagyan ko ng mga gamit ko kaya lumabas ako ng walang dala. HAHA.
Pumunta na sila sa mga kotse nila, nahuli ako kasi linock ko pa yung bahay namin. Hindi ko alam na hinintay pala ako Winlab matapos mag lock kaya nagulat ako ng makita ko siya sa likod ko.
" Ba't nandyan ka pa?" takang tanong ko
" Wala lang. Gusto ko lang sabihin na NAOWL!" tatawa-tawang aniya at tumakbo papunta sa kotse ni Bryce. Muntik pa siyang madapa kaya natawa ako ng sobra.
" Yan, kung ano-ano kasi ang sinasabi" pang-aasar ko kaya liningon niya ako at sumimangot. Lalo tuloy akong natawa.
Naglakad nalang ako papunta sa mga kotseng nakaparada sa labas ng bahay namin. Si Winlab nakasakay sa kotse ni Bryce. Si Jully-ann naman nakasakay kay Earl at si Mia kay Daniel. Ngumuso ako dahil parang wala akong choice kundi sumakay nalang kasabay ni Sean.
Hindi naman sa ayoko siyang kasabay pero pagod na pagod na kasi ako sa pang-aasar nilang lahat. Naiinis ako kapag inaasar ako kay Sean. Meron naman akong kotse pero nasa garahe at as if naman hahayaan ako ni Sean na mag drive kaya wala akong choice kundi sumabay sa kaniya.
Padabog akong sumakay sa kotse niya. Hayz! Hindi naman kasi ako pwedeng sumabay dun sa iba kong kaibigan. Baka ma OP lang ako dun dahil mags-sweet sila. Wag na, okay na lang ako dito kasama si Sean.
" O bat ganiyan mukha mo?" Tanong ni Sean habang inaayos niya yung seatbelt niya.
" Wala." nakasimangot na sagot ko
" Napaka burara mo talaga, tingnan mo nga yang seatbelt mo. Inuna mo pa yang pagsimangot mo dyan kesa sa safety mo. " saway niya sakin at siya na ang nag ayos ng seatbelt ko.
Bigla naman akong natigilan sa lapit naming dalawa. First time niyang gawin to sakin, kaya hindi ako sanay. Ang bango talaga ng mokong nato. Naliligo kaya to ng pabango? Hays! Mabuti nalang talaga best friend koto kundi nako baka nahulog nako. Teka NODAW? NAHULOG? Owemjee EREYZZZZ!
Bigla siyang lumingon sakin habang inaayos niya ang seatbelt ko kaya nahuli niya akong inaamoy siya kaya natulak ko siya bigla.
"ARAYYY!" sigaw niya dahil tumama yung likod niya sa manibela.
" Oh my god! Sean Sorry!" hingi ko ng tawad at linapitan siya.
" Ikaw kasi pabigla bigla ka!" paninisi ko sa kanya pero nakatitig lang siya sakin.
" Hoy? Galit ka ba?" Nag-aalalang tanong ko pero nakatitig pa rin talaga siya sakin.
" Lalabas na nga lang ako mukhang galit ka sakin e. Sa iba nalang ako sasakay. Sorry talaga." akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse ng hilahin niya ang braso ko pabalik kaya napaupo ako ulit.
" O akala ko ba galit ka? Sa iba nalang ako makikisakay, okay lang naman." lalabas na sana ulit ako ng hawakan niya ulit ang braso ko
" Napipikon na ako Sean ah, ayaw akong palabasin, ayaw ring magsalita? Magtititigan nalang ba tayo dito?" inis na tanong ko.
" Ang ganda mo." bigla naman akong natigilan sa pagmamaktol dahil sa sinabi niya.
" A-ano?" shet na malagkit bat ako nauutal e ilang beses na niya ako sinabihang maganda. Pero sa lahat ng oras na sinabihan niya akong maganda ngayon lang parang may laman. Aishh! Basta! Alam niyo yun? Yung sasabihan kang maganda tapos nakatitig siya sa mga mata mo? Kung crush ko siya baka mag expect na ako na crush niya rin ako pero sa kasamaang palad hindi kaya hindi ako natutuwa,nauutal nga lang.
" I said you're beautiful." Inulit pa talagaaaaaaa.
" Oki! Ilang beses mo na yang sinabi e. Kung hindi kana galit,mag drive kana kasi mukhang kanina pa sila umalis." utos ko na sinunod niya naman.
" Galit ka ba sakin?" basag ni Sean sa katahimikan habang nagd-drice siya.
" Hindi,bat naman ako magagalit?" Takang tanong ko.
Bumuntong hininga siya "Wala lang baka lang kasi nagalit ka kasi nahuli kitang inaamoy ako." sagot niya na nagpipigil ng tawa. Naramdaman ko namang uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Itinuon ko nalang ang pansin ko sa labas bago sumagot.
" Ba't naman ako magagalit kung nahuli mo akong inaamoy ka? Lagi ko na naman yung ginagawa ah." Rason ko.
" Lagi mo yang ginagawa pero nagpapaalam ka naman sakin e, iba yung kanina kasi hindi ka nagpaalam." lalo lang tuloy nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.
" E ano bang big deal dun? Ang lapit lapit mo e kaya kahit hindi kita amuyin maaamoy parin kita."
" E kasi--" hindi ko na siya pinatapos dahil nagsalita na ako
" O sige ganito nalang, para hindi kana binabagabag ng mga tanong diyan ng kung ano man yan. Hindi na kita aamuyin." direktang saad ko.
" HA?!" Mabuti nalang at sobrang traffic ngayon na halos hindi na makausad ang mga sasakyan kaya hindi kami nabubunggo kahit lagi siyang tumitingin sa gawi ko.
" O bakit ganyan ang reaksiyon mo?Hindi ka ba masaya na wala ng aamoy sayo?" taas kilay na tanong ko.
" H-hindi, o-okay l-lang kahit amuyin moko l-lagi." ngumiti siya sakin ng pilit.
" Napipilitan ka lang yatang pumayag e."
" NO! Nasanay na rin kasi akong inaamoy mo kaya okay lang."
" WAAAAAHHHHH!" sobrang saya ko dahil okay lang sa kanya na amuyin ko siya. Dahil sa sobrang saya ko niyakap ko siya.
" Thank you. Gustong gusto ko talaga kasi yung amoy mo e." Masayang saad ko.
" Oo na." natatawang aniya.
" Bitaw na oy, nag d-drive ako baka mabangga tayo." natauhan naman ako sa sinabi niya kaya dali- dali akong kumalas at umayos ng upo.
" Thank you talaga Seaaaaaan!" Parang batang sigaw ko.
Hanggang sa nakarating kami sa bahay nila Jully-ann hindi parin nawala ang ngiti sa labi ko. Sobrang saya ko lang talaga. Adik yata ako sa amoy niya e. Pinagbuksan ako ng pinto ni Sean. Bago ako lumabas ng tuluyan hinila ko muna si Sean papunta sakin at niyakap pati na rin amoy. NYAHAHAHA!
Ramdam kong nagulat siya sa ginawa ko pero wala akong pakelam sobrang saya ko lang talaga eh. Hindi nagtagal niyakap niya na rin ako.
" Yiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!" parang natauhan si Sean sa sigaw ng nga kabarkada namin kaya kakalas na sana siya sa yakap pero hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya.
" Akala ko ba ayaw mong inaasar nila tayo?" Tanong niya sakin na nagpagising rin sakin kaya dali- dali akong kumalas sa yakap at humarap sa mga kaibigan namin. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Sean sa gilid ko kaya kinurot ko siya.
" Aray naman!" reklamo niya kaya natawa ako.
" ANG SHWEEEEET!" sigaw ng mga kaibigan namin kaya natawa nalang din kami ni Sean. Gustuhin ko mang mainis, wala ako sa mood. Nangingibabaw ang pagiging masaya ko e.

Book Comment (9)

  • avatar
    Vince S. Tidalgo

    wow

    12/06

      0
  • avatar
    SacuponSanny

    good

    26/04

      0
  • avatar
    Rycel Dharence Melano

    this is so good I like this super

    26/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters