logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3

Chapter 3
Maaga palang ay nag empake na ako papuntang Batangas, doon kasi naka tira si Mommy ngayon.
“Are you sure? ‘Di ka ba uuwing luhaan sa gagawin mo?” Umiling ako.
“Anderson, i can handle that. Kung ‘di man pumayag si Mommy, aba’y pipilitin ko s’ya. Walang atrasan ‘to, Andi,” ani ko. Ngumiti ako rito.
Alalang-alala kasi siya, alam niya kasing panay ang taboy ni Mommy sa akin kapag pumupunta ako doon para bumisita.
At wala kong balak sabihin sa kahit kanino na mamamatay na ko para lang mapilitan silang pumayag. Ayoko ng ganon, yung mapipilitan at kaka-awaan ako.
Nang marating ko ang mala palasyong bahay nila Mommy ay hindi agad ako pina-pasok. Itinawag pa nila ito sa loob.
Nakakatawa lang, dahil noon ay kahit labas masok pa ako, okay lang. Ngayon ay parang pinag-babawalan na ko.
“Pasok, ma’am,” ani ng Guard.
Pumasok ako saka niya ako iginaya sa golf cart para makarating sa mala palasyong bahay.
Nang makarating ako ay may mga naka abang na agad na katulong. Iginaya nila ako papasok ng bahay kung na saan si Mommy.
Naka-upo ito sa napaka gandang upuan habang dahan-dahang hinihigop ang tyaa nito.
“Good afternoon, Mi,” ngiti kong sabi.
“Ano ang iyong kailangan?” pormal ang pag sasalita nito.
Nakaka lungkot lang, sa halip na tanungin niya ako kung kamusta ako, ang tanong niya agad kung ano ang kailangan ko.
Kapag bang sinabi kong kailangan ko s’ya, papayag ba s’ya na maka sama ako?
“Bakit ka nandito?” mataray naman na tanong ni Mommy.
Ngayon ay dalawa nalang kami, dahil pina-alis niya ang mga katulong.
“Mi.” Medyo na luluha na ako, ngunit mas pinili kong ngumiti. “Mi, kapag bang sinabi ko na gusto kong makipag bonding sayo kahit isang araw lang o kahit ilang oras lang, papayag ka ba, Mi?”
“No,” she answered. And i expect that.
Tatayo na sana ako para mag paalam ng biglang may mag salita sa likod ko.
“Why not, Alia?" tanong ni Tito Angelo.
“Good afternoon po, Tito.” Bahagya akong yumuko.
“Good afternoon, Iha,” bati nito sa akin. Humarap naman ito kay Mommy. “Bakit ayaw mo, Alia?”
“Because i can’t be with her again.” Diretso ang sagot nito. Ni wala man lang itong pangangamba ng isagot iyon.
Masakit iyon... Pero okay lang.
May kaunting kirot sa aking puso, nanlabo na rin ang aking paningin. Ngunit kinagat ko ang aking labi para pigilin ang pag iyak.
“Pano mo nagagawang sabihin iyan sa harap ng anak mo, Alia?! Magulang ka, at anak mo s’ya. Alam kong may pag-mamahal ka parin sa ama niya, dahil ayon naman ang rason kung bakit ayaw mo siyang nakikita. Yes, kamukha niya ang ama niya, at dahil doon ay galit na galit ka. Sobrang baba ng rason mo, Alia.” Nilingon naman ako ni Tito ngayon. “Saan mo balak, Iha, mag bonding kasama ang Mommy mo?”
Lumiwanag ang aking mukha. “Palawan po sana, Tito,” nakangiti kong sabi.
“Sasama s’ya sa iyo, Iha, sa ayaw at sa gusto  niya,” mariin ang pag kakasabi ni Tito niyon.
“What?” gulantang na tanong ni Mommy.
“Narinig mo naman siguro, Alia, ayoko ng pina-uulit-ulit. Mag bo-bonding kayo ni Amelia for three days," ani ni Tito.
Nag thank you pa ako rito dahil sa kaniya ay matutupad ang first wishes ko.
Nung una sabi ko ay ayaw ko ng mapipilitan, pero kasi ‘di naman ako yung namilit diba? Saka ‘di naging dahilan yung sakit ko para sumama siya o mapilit siya.
Maaga kaming nakarating ni Mommy sa Palawan, napaka ganda doon. Pati buhangin napaka ganda, parang nga gusto kong i-uwi ang buong beach sa sobrang ganda.
Pati yata si Mommy nagandahan, dahil yung naka busangot niyang mukha kanina ay umaliwalas na.
“Bilisan mo ang pag bibihis, mag swimming tayo.” Napangiti ako ng sabihin niya iyon. Kahit na masungit ang tono niyon ay nakakatuwa.
Niyaya kasi niya ako mag swimming, at ngayon lang yon nan’yari sa buong buhay ko.
Nag bihis agad ako ng makarating ako sa kwarto.
Nang makarating ako sa place na sinabi ni Mommy na pagkitaan namin ay andoon na s’ya.
Ang bilis namin niya, sobrang excited ba niya?
“Antagal mo!” Nagawa pa nitong mag reklamo samantalang sobrang bilis kaya ng aking ginawang pag bibihis.
Nauna itong lumangoy sa akin, niyaya rin ako nitong pumunta sa medyo malalim na part ng dagat. Mas maganda raw kasi doon, wala masyadong tao.
Nang nasa malalim na parte na kami ng dagat ay kita ko ang maliit na ngiti na gumuhit sa kaniyang labi.
Ako naman ay halos mapunit na ang labi sa sobrang laki ng ngiti.
I saw her smile... Again. Matagal-tagal na rin ng huli ko siyang nakitang ngumiti.
Napakagaan lang sa pakiramdam na makita mo yung ina mo na ngumiti, ang gusto ko talaga noon pa ay maging mag kasundo kami ni Mommy. Dahil nga sa ayaw niya sa akin, ‘di kami makapag-usap ng matino.
“Alam mo, Anak, napa saya mo ko ngayong araw.” Bigla akong natigilan sa sinabi nito.
She called me Anak!
She said napa-saya ko s’ya...
Para yata kong aatakihin sa puso ng marinig ko iyon. Naluha rin ako sa sobrang saya.
And finally she calls me Anak, for the first time...
Chapter 3 | End

Book Comment (164)

  • avatar
    Neil Christopher Maligaya

    hehe

    8d

      0
  • avatar
    Caldoza Harold

    koya sana po toro an nyubko🥹🥹😭

    23d

      0
  • avatar
    Ãçe Mb

    split up

    26d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters