logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2 MY LAST WISHES

Chapter 2
MY LAST WISHES
#1 Maka sama si Mommy at makapag bakasyon ng kasama siya.
#2 Mapatawad na ako ni Lola.
#3 Maka bonding sila Lola, Lolo at sila Tita ay Tito.
#4 Reunion with friends.
#5 I wish... Mapatawad na ko ni Deacon.
#6 Makapunta muli beach ng kasama si Deacon.
#7 I wish... We can dance again, like a teenagers.
#8 Mapag-masdan muli ang palubog na araw habang naka upo sa tabing dagat.
#9 Kapag dumating yung huling araw... Gusto kong siya ang katabi at kasama ko.
#10 Meet my father.
Biglang tumulo ang luha sa aking papel na sinusulatan. Para kasing napaka imposible pa na man’yari yung mga hiling ko, except doon sa huli.
Kumirot ang aking puso ngunit binale-wala ko nalang iyon dahil. Hindi ako susuko hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko.
Tumayo ako ng ma-tapos ko iyon isulat. Ilang oras ang inabot kada isang hiling dahil sobra ko iyong pinag-isipan ng mabuti.
Ayokong masawi, gusto ko lahat iyon makuha bago ako dumating sa huling hiling.
Desperada na ko... Kakapalan ko na ang mukha ko para lang matupad ang aking mga hinihiling. Mamatay rin naman ako, kaya ano pang ikakahiya ko?
Nag umpisa akong mag research kung ano bang magandang galaan ngayong October, at sakto nga naman ay nakita ko ang napaka-gandang beach sa Palawan.
Doon ko ya-yayain si mommy, alam kong ‘di s’ya papayag. Ngunit akin parin itong pipilitin.
Mom leave me when my father died. I live alone without parents or guardian, ang tangi lang nag aalaga sa akin ay ang mga katulong namin.
Mom has her new family, at masasabi mo nga talagang masaya s’ya sa bago niyang pamilya. Hinayaan ko nalang si Mommy, dahil kung saan sasaya ang isang tao, doon sila. And all i want is see her smile. ‘Di ko s’ya pinilit na manatili sa tabi ko, dahil alam kong ‘di niya iyon ikakasaya. Ngunit sana ay kahit ito nalang una at huling hiling ko ay mapag-bigyan n’ya na ako.
Hindi ako humiling ng kahit ano sakanya simula ng iwan n’ya akong mag-isa, kaya gusto ko kahit ito lang... Kahit onting oras o panahon lang, mapagbigyan n’ya na ako.
Pag labas ko ng bahay ay dumiretso na ako sa isang restaurant na madalas naming kainan ni Deacon. Bukas ko balak umpisahan tuparin ang mga wishes ko, kasi kung mamatay man ako. Wala namang tutupad sa mga wishes ko.
Umupo ako sa spot na palagi naming inuupuan. Doon din sa spot na iyon ako nakipag break.
Nang maka-upo ako ay pakiramdam ko ay may kasalan ako sa spot na ‘to, at alam ko naman sa sarili ko na meron.
Umorder ako ng pagkain ko at isang bottle ng wine. ‘Di naman sa balak ko na maginom, pero... Kasi nalulungkot ako ngayon.
Malungkot akong kuma-kain. Pilitin ko man ngumiti ay malungkot na ngiti parin ang kinakalabasan.
‘Di ko nga alam kung bakit ko na isipang lumabas mag isa, sana pala ay isinama ko si Anderson. Ngunit grabe na kasi ang dinulot kong istorbo sa kaniya. Alam kong busy s’ya sa trabaho, ngunit pinag-lalaanan niya parin ako ng oras kahit na pagod na pagod na s’ya.
Grabe ‘di ko man lang na isip na sobra-sobra ang naidulot ng pag mumukmok ko kay Anderson. Nakakahiya, but thankful ako dahil andiyan siya para masandalan ko.
Ilang oras na yata kong naka tabay rito, pero ang tangi ko lang nagawa ay tumulala. Pa-ubos narin ang isang bote ng wine, pero sabi ko sa sarili ko, pag naubos ko iyon ay saka ako uuwi.
May nakita akong nakatayo sa gilid ko, nang tingalain ko kung sino iyon, bigla kong napatayo.
“Deacon...” mapungay ang mata ko ngunit ang kaniya ay madilim.
Bumuntong hininga ako saka yumuko at ipinatong ang wine glass sa lamesa.
“Deacon, i-”
‘Di ko naituloy ang aking sasabihin ng biglang may sumulpot na babae.
“Baby, i told you wait me outside,” ani nito. Napatango tango ako saka kinagat ang aking ibabang labi.
Oo, aaminin ko. Nasasaktan ako. Pero sino ba naman ako, ‘di ba? Sino ba naman ako para masaktan?
Alam ko sa sarili ko na ‘di ko na siya pag-aari at wala na akong karapatan sakanya. Pero ‘di ko parin maiwasan ang pag seselos.
Napatingin pa ito sa akin. “Who is she?” Ngiting tanong nito kay Deacon.
Pero sa halip na sagutin siya ni Deacon ay hinapit nalang nito ang bewang niya saka iginaya na pa-alis.
He hold her like how he hold me. Damn! That’s hurt.
Umupo ulit ako saka bumuga ng malalim na hininga.
Parang wala na talaga kong pag-asa na matupad ang mga hiling ko na tungkol sa kaniya. May bago na s’ya, at sana maging masaya s‘ya habang buhay.
Dahil kapag ako naman ang kaniyang pinili ay hindi naman kami magtatagal, gaya ng iba. Sapagkat ako‘y lilisan sa mundong, hindi madikta ang oras at panahon.
Chapter 2 | End

Book Comment (164)

  • avatar
    Neil Christopher Maligaya

    hehe

    8d

      0
  • avatar
    Caldoza Harold

    koya sana po toro an nyubko🥹🥹😭

    23d

      0
  • avatar
    Ãçe Mb

    split up

    26d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters