logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER7

"Ma," hinawakan ko ang kamay niya at pinisil.
Ang lungkot. Aalis na sila at maiiwan na naman ako dito.
"Anak, magkikita pa naman tayo e. Kailangan ko talaga na bumalik doon, sorry talaga." Ngumiti siya pero kitang-kita ko ang namumuo niyang mga luha.
"Mag-ingat ka, Ma." Palakas nang palakas ang tibok ng puso ko. Ang lungkot, bakit naman ganito bigla?
"Vernice, we will miss you!" Sabi ni Georgina at niyakap ako.
"I love you, mag-ingat ka rin dito." Niyakap din ako ni Noah. Mas lalo pa tuloy akong nawiwili sa kanila. Gusto ko na tuloy na tumira silang lahat dito.
"Sige na," Gusto kong umiyak pero hindi ko talaga ginawa. Kasi kapag iiyak ako ay iiyak din sila, ayoko naman nang ganoon.
Niyakap ko si Mama nang sobrang higpit. Pinapanood ko ang sasakyan nila na umalis, ang lungkot. Ewan, naiiyak ako.
"Tangina!" Sabi ko nga ba e! Hahagulhol talaga ako, nagmamadali pang lumapit si Almira sa akin at binigyan ako ng panyo.
Kasalanan ko bang sanay ako sa buhay na maraming kasama at kausap? Ang lungkot kasi dito, sa totoo lang.
Pumasok na ako sa loob, medyo okay na naman ako. There's no room for sadness right now, may usapan pa naman kami ni Vault na pumunta sa simbahan ngayon.  Kinuha ko ang cellphone ko na naiwan pala coffee table at may naka pop-up na message galing kay Vault.
'Sa convenience store ako mag-aantay'
Napangiti na lang din ako, tuloy nga ang plano namin. The unnamed excitement crawled over my system again.
"Papa, aalis po ako." Paalam ko sa kanya matapos kong mag-ayos.
Tumingin muna siya sa malaking wall clock bago bumaling sa 'kin, suot niya ang kulay brown na bota, kulay brown din na sombrero at makakapal na leather jacket at mukhang kakausapin niya 'yong foreman.
"Where? Gagala ka?"
"Magsisimba lang po."
Tumango siya at gumiti.
"Magpasama ka."
Mabilis akong umiling. Wala namang mananakit sa akin, hindi naman ako pupunta sa gyera at maayos naman ang weather ngayong araw.
"Kaya ko naman po,"
"Anak,"
Hindi na siya umangal, siguro dahil alam niyang malungkot ako ngayon kaya pumayag na siya.
Pinaharurot ko ang kotse at dumeritso sa napag-usapan naming tagpuan.
Lumabas na ako ng kotse at kinakabahan pa ako dahil medyo makulimlim na ang paligid, maayos pa naman ang panahon kanina, ah? Ewan ko kung tama ba na nandito ako.
May nakita akong isang upuan at doon muna ako umupo, ang iba tinitignan ako na mukhang nagtataka. Nasaan na kaya siya 'no? Akala ko ba ay nandito na siya?
"Nasaan ka na ba?" Bulong ko, tinignan ang cellphone if may message ba pero bigo ako.
Luminga-linga ako sa paligid pero walang Vault na nagpakita! Akala ko ba mas mauuna siya?
Me:
'hello? Nasa harap na po ako ng convenience store:)'
I waited for his reply pero kahit comma ay wala, kahit isang tuldok wala! 5 minutes na nga 'yong lumipas pero wala.
Me:
'nagsimula  na ata ang mass:) '
I still waited for his reply. Parang tanga lang akong nakatitig sa cellphone ko pero wala talaga! Kumulob na naman kaya sobrang kaba ko na, sigurado akong nawawala na sa sarili si Papa ngayon.
8:30 am na, ilang minuto ba ako kailangang maghintay sa lalaking 'yon?
8:59am.
I was already walking back and forth.
Nasaan na kasi siya? Wala namang reply! Nangangawit na po ako, please lang!
9:00am
Hindi na ako mapakali, siguro tapos na 'yong mass, gutom na gutom na rin ako.
Madilim na ang ulap. Uuwi na ba ako? Paano kung uulan? Kumulob nang malakas kaya umalis na ako sa puwesto ko at pumasok sa loob ng kotse, mas safe pa ako dito.
Me:
'Hey?'
Bumuhos na ang ulan mula sa labas kaya ina-atake na naman ako ng anxiety. Hinawakan ko lang dibdib at paulit-ulit na huminga nang malalim. May nakita pa akong batang babae sa labas at may hinahanap sa lalagyan ng basura. Naaawa ako sa kaniya. Wala ba siyang magulang? Sana naman kung hindi kayang bumuhay ng anak ay gumamit nalang ng contraceptives. Mga anak ang nagdudusa e.
Huminga ako nang malalim, sobrang sikip ng dibdib ko, nababaliw na ako dito sa loob. Naninigas pa ang katawan ko sa kaba. Walang Vault! Walang text! Wala lahat!
10:00am
Mas lalong lumakas ang ulan at wala akong ibang magawa kung hindi pumikit na lamang at niyakap ang sarili. Wala ng mass ngayon, kung pupunta naman siguro si Vault dito ay kanina pa. Ano ba ang trip niya sa buhay?
12:00pm
Kahit isang message ay wala akong natanggap kaya malungkot akong umuwi. Buti at tumila na ang ulan kaya medyo hindi na ako kinakabahan.
"Vernice naman! Bakit ngayon ka lang umuwi?" Salubong ni Papa sa 'kin na talagang galit na galit. Galit si Papa at hindi ako sinipot ni Vault, masyado na akong lugi ngayong araw.
"May ulan, Pa!" Yumuko ako, wala ako sa mood ngayon.
"Gusto mo ba akong patayin sa kaba, Vernice? Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo! Vernice naman!" Sagot niya.
"Pa, alam kong alam mo na okay lang ako doon kasi alam kong pinasundan niyo ako."
Pinasundan niya ako, hindi niya ako maloloko. Tumakbo na ako sa taas.  Ang sama ng loob ko ngayong araw.

Book Comment (24)

  • avatar
    Guisadio Sederap Grenerd Jed

    ire-rate ko ang chapter 1 ng 8/10 hindi kagaya ng ano ng chapter 2 kasi because it's chapter 2 ay maganda in chapter 1 naman medyo lang 10/10 the chapter 1 medyo na gandahan naman ako pero hindi naman sobrang ganda

    21/07/2024

      0
  • avatar
    Charie Ybaez

    maganda po siya

    19/07/2024

      0
  • avatar
    James Kenneth Banzuela

    hshsgsiwjwjs

    16/07/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters