logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Compromise

Napapikit siya at parang balak na sana niyang muling tumakbo para makatakas. Pero what's the point baka kapag tumakbo siya ngayon bukas ay nasa bahay na niya ito at kausapin pa ang magulang niya. Kailangang harapin na niya ito ngayon.
"Melody mauna ka na kakausapin pa ako ni Sir." paalam na niya sa kaibigan.
Pinauna na niya ito dahil may klase pa ito. Pero ang totoo ay ayaw niya itong umalis. Pinakalma rin muna niya ang sarili bago niya ito tuluyang hinarap.
"So dito ka pala nag-aaral?" Panimula agad nito.
Medyo nakakaloko ang ngiti na parang nagsasabing akala mo natakasan mo na ako. Medyo naging defensive siya kaya pabalang siyang sumagot.
"Di pa ba obvious?"
"Ganyan ka ba sa lahat ng mga professors mo?" tanong nito na nawala na ang ngiti sa mga labi.
Kanina ay sobrang charming nito at laging nakangiti sa mga estudyante pero ngayon ay biglang sumeryoso na ito. Inalis na rin nito ang salamin. Props lang talaga yon.
Kita niya ang pagbabanta sa mata nito na hindi niya magugustuhan kung ano man ang gagawin nito sa kanya kapag nagpatuloy siya sa paraan ng pananalita.
Napilitan siyang magpakumbaba. "I'm sorry," halatang galing yon sa ilong at walang sinseridad pero tinanggap na rin iyon ni Derek.
"So Patricia may tatlo ka nang absent sa klaseng to. Pagpapatuloy nito. "I won't tolerate absences."
"Sandali dalawa pa lang absences ko." Protesta niya.
"Nakalimutan mo yata absent ka rin kahapon. Noong magkita tayo you're supposed to be in this class." he reminded her.
"Pero hindi ikaw ang professor ko kahapon kaya wala ka pang karapatan na ideclare na absent ako kahapon." Pangangatwiran niya. Inaasar ba siya nito?
"Tama ka nga pero yung pagkawala mo sa klase kahapon eh patunay na nasa labas ka ng unibersidad kung saan tinakbuhan mo ako, pagkatapos mo akong paluin ng bag sa ulo kahit alam mong ikaw ang may atraso sa akin."
Hindi siya nakapagsalita doon. Ang pagtakas niya ang proof na may kasalanan siya dito. Flight is an evidence of guilt sabi ng Dad niya.
Nagpatuloy ito sa pagsasalita.
"Nagasgasan mo ang motor ko kaya dinala ko sa shop at kailangan ko pang magpatingin sa doktor para lang siguraduhing wala akong bali. And that's all because of you."
Medyo namutla siya sa sinabi nito. Hindi na talaga ito nagpaligoy-ligoy pa. Napalunok siya at nakagat ang ibabang labi.
"Wala ka bang sasabihin?" tanong nito.
"Sorry na talaga hindi ko naman talaga sinasadya yung nangyari." Paghingi niya ng tawad dito.
"Hindi mo sinasadya? Eh tung bukol ko?" tinuro nito ang ulo nito na pinalo niya.
"Nagsosorry na nga."
"Sorry lang?"
"Ano ba ang gusto mo?" Hindi niya ito masabihan ng opo o matawag na sir kahit pabalat bunga lang.
Nag-isip muna ito habang matamang nakatingin sa kanya. Pagkatapos ay tumayo ito at pumunta sa may pinto. Sinarhan nito yon at nilock.
Bigla siyang kinabahan. Ano bang balak nito bakit nito nilock ang pinto? Sasaktan ba siya nito? Momolestiyahin? Kung anu-ano na ang naglalaro sa utak niya.
Hindi naman ito mukhang maniac. Pero sabi nga ng dad niya dati hindi siya dapat nagtitiwala dahil lang sa guwapo ang lalaki. Ang ibang mga serial killers katulad ni Ted Bundy ay mga matatalino at guwapong lalaki. Kaya nga madali ang mga itong makapambiktima.
Nakatayo pa rin ito sa may pinto. Pagkatapos ay dahan dahan itong lumapit sa kanya. Lalo siyang kinabahan. Sisigaw ba siya? Bigla siyang napatayo at umatras mula dito. Tinakpan niya ang dibdib bilang depensa sa sarili.
"M-marunong akong magkarate at tsaka malakas akong sumigaw." pagbabanta niya dito.
"Ano bang pinagsasabi mo dyan?" takang tanong nito. Tiningnan siya nito pagkatapos ay bigla itong natawa. "Iniisip mo ba na may balak ako sayong masama? Puwede ba hindi ako pumapatol sa estudyante isa akong professional at tsaka no offense you're not my type."
Halata sa boses nito ang pang-aasar sa kanya. Medyo napahiya siya doon pero hindi siya nagpahalata.
"Bakit mo nilock ang pinto?" tanong niya dito.
"Eh kung takbuhan mo ako uli kapag nalaman mo yung halaga nung repair? Umupo ka na nga." Utos nito sa kanya.
Sumunod na lang siya dito. Wala naman na talaga siyang magagawa nacorner na talaga siya.
"So magkano ang babayaran ko?" tanong na lang niya pero defiant pa rin.
"Ang estimated na babayaran mo sa akin eh ten thousand pesos." Nanlaki ang mga mata niya. Halos dalawang buwan niyang allowance yon.
"A-ang laki naman." Napakagat labi na naman siya. Paano niya babayaran ito?
"Kung hindi mo siguro ako tinakbuhan at nagsorry ka na lang baka hinayaan na lang kita but since you showed no remorse I will not give you a pass." Seryoso ito pero nahuli niyang medyo ngumiti ito. Mukhang ineenjoy nito ang nangyayari sa kanya ngayon.
Huminga siya ng malalim. "Okay sige naiintindihan ko. Pero puwede bang hulugan?" pakiusap niya dito.
"Mukha ba akong bumbay na nagtitinda ng kumot at payong?" tanong nito.
"Alam mo namang estudyante lang ako. Nabubuhay lang ako sa allowance ng nanay ko. Ang totoo nga may sakit siya ngayon." Hininaan niya ang boses na parang maiiyak.
Baka madala ito sa paawa effect niya. Magaling siyang artista. Ilang beses na rin siyang nakalusot dahil sa pagdadrama niya.
"Sorry pero hindi ako nadadala sa ganyan. Style ko rin yata dati."
"Pusong bato," bulong niya.
"Anong sabi mo?"
"Wala ang sabi ko alam ko naman na may puso kang maawain. Tsaka kahit baligtarin mo pa ako ngayon wala talaga akong pera."
"Fine hindi naman ako malupit. Pagbibigyan kita. Papayag ako na hulugan pero dalawang buwan lang ang ibibigay ko sayong palugid four gives."
"Hindi na ako kakain noon," reklamo niya dito.
"Then magtrabaho ka." Binigyan siya nito ng application form "may opening para sa student assistant mag apply ka nang hindi ka kung saan-saan naglalakwatsa at nang hindi ka nakakaaksidente," suhestyon nito.
Masama ang loob na kinuha niya ang form mula dito. "Okay your dismissed kita na lang tayo bukas Patricia."
Gusto sana niyang sabihin ditong huwag siyang tawaging Patricia pero tumayo na ito at nauna na itong lumabas sa kanya.
Binasa niya ang form "Student assistant", kahit kailan hindi pa niya nasubukang maging working student. Ang totoo maganda ang suhestyon ni Mr. substitute professor pero her rebellious side eh nag-aamok.
The nerve of that guy para utusan siya sa dapat gawin. Pero paano nga ba niya ito babayaran?
Tinapon niya sa basurahan ang form bago lumabas ng classroom. Kinuha niya ang cellphone at tiningnan lahat ng mga tao sa kanyang contact list. Napangiti siya meron na siyang ideya kung saan siya makakakuha ng kailangan niyang pera.
"Hello toby," sa napaka sweet na boses ay tinawagan niya ang isang manliligaw. "Ano kasi may problema ako," Ayaw niya sanang humingi ng tulong dito dahil binasted na niya ito pero madatung ang lalaki at galante. Di lang talaga niya matiis ang pagiging mahangin nito kaya niya binasted.
"May kumpromiso kasi ako. Baka puwede naman akong makautang sayo ng ten thousand." Saglit lang siyang naghintay at umoo agad ang nasa kabilang linya.
Talaga?" Napangiti siya doon willing daw itong magbigay ng pera kahit hindi pa raw utang basta pumayag lang siyang makipagdate dito.
Kahit napipilitan ay pumayag na siya. Isang beses lang naman at pagkatapos noon ay mababayaran na niya si Mr. substitute professor.

Book Comment (88)

  • avatar
    Khione

    highly recommended! a very interesting story.

    23/08/2022

      0
  • avatar
    AlboJoy

    a very exciting story. just keep writing author.

    13/06/2022

      0
  • avatar
    torresalex cantoria

    very good novel

    16/08/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters