logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

The New Professor

"Saan ka ba nanggaling akala ko ba magkikita tayo uli sa school noong hapon?" tanong ni Melody kay Trixie nang magkita uli sila sa school kinabukasan.
"May nakita akong baliw na lalaki. Kailangan kung tumakas natakot na akong bumalik sa school kasi baka inaabangan ako," kuwento niya dito.
"Manliligaw mo na binasted?"
"No he's some biker guy. Ingleserong biker guy." Naalala niyang may pagka American ang accent nito kahapon.
"Binalak ka bang raypin?" takot na tanong nito.
"Ang OA mo naman rape agad? Wala syang masamang ginawa sa akin."
"Eh ikaw tong nagsabing baliw. Sinaktan ka?"
"Hindi nya ako sinaktan, ang gusto nya pabayaran sa akin yung motor nyang nasira dahil sa kagagawan ko."
"Eh kasalanan mo naman pala tapos sasabihan mo siyang baliw."
"Wala akong pera pambayad. Ubos na nga ang allowance ko kaya tinakasan ko. Huwag na nga natin siyang pag-usapan naiinis lang ako. Dahil sa kanya nasira ang araw ko."
"Oo nga pala absent si prof kahapon at ang balita ko may substitute." Pagbabalita nito.
"Talaga lang ha. I bet another old boring professor." Sabay ang kunwaring paghihikab.
"Diyan ka nagkakamali. I heard bata pa, galing states at higit sa lahat guwapo." excited na kuwento nito.
"So bakit siya nagtuturo dito?" Para sa kanya professors are plain looking and boring.
"I heard kamag-anak siya ng may-ari ng university pero im not sure."
"Well whatever aabsent na lang uli ako."
"Ano ka ba ayaw mo bang makilala yung professor?" pigil nito sa kanya.
"I don't care basta ako aalis."
"Pero nandito na tayo sa klase," apila nito.
"Ano naman eh di lalabas na lang ako tutal hindi naman niya ako kilala. Kahit makasalubong ko pa siya di niya ako masisita."
"Bahala ka basta ako hihintayin ko siya."
"Goodluck." At lumabas na nga siya ng klase. Tatambay na lang siya sa canteen o matutulog sa library.
Naglalakad na siya sa hallway nang biglang may nakita siyang pamilyar na lalaki. Madali niya itong nakita dahil mas matangkad ito sa karaniwan.
Biglang nanlaki ang mga mata niya sa gulat dahil yun yung lalaking pinalo niya ng bag sa ulo kahapon. Makakasalubong niya ito. Hindi ito nakatingin sa direksyon niya dahil parang may hinahanap ito.
"Oh my God." Napaatras siya at nagmamadaling bumalik sa klase.
Hinahanap ba siya nito? Pero hindi naman nito alam na estudyante siya dito. Hindi naman siya naka uniform kahapon.
"Bakit bumalik ka?" nagtatakang tanong ni Melody sa kanya.
"Y-yung baliw na lalaki nakita ko sa labas." Hindi maalis ang kaba niya.
"Ha?"
"Hindi na ako aabsent."
Umupo na siya sa silya at nagtago sa likod ng kaibigan. Medyo tinakpan din niya ang mukha para incase sumilip yung lalaking baliw eh hindi siya makita.
"Ano ka ba ang weird mo talaga," puna ng kaibigan sa kanya.
"Basta itago mo ako."
"Bahala ka nga diyan."
Ilang minuto pa ay hindi na niya nakita ang lalaki. Mukhang hindi naman siya nakita nito. Patayo na uli sana siya nang biglang bumungad ito sa pinto. Napatalikod tuloy siya at sabay balik sa upuan.
"Oh my God!" biglang balik na naman ang kaba niya.
Tuloy-tuloy lang itong pumasok sa klase kaya lahat ng mga kaklase niya ay biglang natahimik at natigil sa pagkukuwentuhan. Lahat nakatingin sa bagong dating.
"Good afternoon class. I'm Derek Francisco at ako muna ang pansamantalang papalit kay Mister Osorio who's on leave," maaliwalas ang mukha nito.
Halos narinig niya ang sabay-sabay na paghinga ng malalim ng mga kaklase niyang babae. Pati ang kaibigan niyang si Melody ay hinawakan ang braso niya halatang kinikilig.
Pero siya iba ang iniisip. Hindi pa ito tumitingin sa direksyon niya. Hindi niya alam kung makikilala siya nito. Medyo may kakapalan naman ang make-up niya kahapon pero imposibleng makalimutan siya nito.
Malakas ang pagkakapalo niya dito. Tiningnan niya ang pinto. Kung bigla siyang tatayo at tatakbo palabas makatakas kaya siya?
Pero malapit ito sa pinto at sa haba ng biyas nito malamang madali siyang mahuhuli. Naka all black gear ito ng makita niya kahapon, almost reminiscent of the dark knight.
Ngayon naman ay nakalight yellow polo at gray slacks ito. He's even wearing eyeglasses. Parang may dalawang magkaibang katauhan ito. Hindi ito nakaglasses kahapon sana nga ay malabo talaga ang mata nito at hindi siya nakilala.
"Magroroll call na muna ako at dahil hindi ko pa naman kayo kilala just kindly stand-up as I call your name and then tell me a little about yourself."
"Lagot na ako!" hindi na siya mapakali. Nasa pinakalikuran sila kaya akala niya ay hindi pa siya nito napapansin.
Nagtawag na ito. Habang siya naman ay hinihiling na sana ay lumindol para makalabas sila ng building at hindi na nito abutan ang pangalan niya.
She's sinking deeper into her seat habang palapit ng palapit ang pangalan niya sa tatawagin nito.
"Miss Melody Ramirez."
"Present sir," tumayo agad ang kaibigan niya. Siya naman ay agad yumuko.
"Sir you can call me melody. I'm 18 years old single and available. By the way Sir may tanong ako kung okay lang."
"Sure. Go ahead."
"Ilang taon na ba kayo Sir?"
"Im 25," mabilis na sagot nito.
"Wow sir ang bata nyo pa pala. May asawa na ba kayo o girlfriend."
"I'm still single." Sabay ngiti nito. Nakaelicit nang malaking kasiyahan sa mga kaklase niyang babae ang sagot nito.
"Thank you sir," halatang-halata na nagpapacute ang kaibigan niya at pagkatapos ay umupo na ito.
Siya na ang susunod. "Miss Patricia Romero." Nakayuko pa rin siya at hindi tumatayo kahit nabanggit na nito ang pangalan niya.

"Miss Patricia Romero. Is she here?" Iniscan na nito ang buong klase. Sinisiko na siya ng kaibigan pero hindi siya natinag.
Ito na tuloy ang nagsalita. "Sir nandito siya."
Sabay turo sa kanya. Gusto niyang batukan ang kaibigan sa ginawa nito. Pero wala na siyang magagawa. Kahit napipilitan ay tumayo na siya.
"Masama ba ang pakiramdam mo Patricia?" tanong ni Derek. Hindi halata sa boses nito na kilala siya. He even sounded concern.
"O-okay lang ako." Sagot niya dito.
Nakatingin lang ito sa kanya at nakangiti. Parang sinasabi na huwag na siyang mahiya. Kaya nagpakilala na rin siya.
"T-trixie ang nickname ko and im 19 years old." Nakatingin pa rin ito sa kanya hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi ba siya nito nakilala?
"Okay thank you Trixie." At balewalang tumawag uli ito ng ibang estudyante.
"Hindi nga niya ako nakilala." Biglang gumaan ang pakiramdam niya.
Natapos ang roll call at nagsimula na itong maglecture. Siya naman ay hindi maalis ang tingin dito. Hindi talaga siya puwedeng magkamali ito yung lalaki. Kahit yung boses nito ay pareho. He got a very commanding yet charming voice. Yung para kang mahihipnotize kapag narinig mo.
You just cannot help but listen. O baka naman dahil sa guwapo talaga ito. Hindi lang niya agad yon napansin kahapon dahil sa gusto nga niya itong takasan. Pero ngayong nakatayo ito sa harapan niya aminin man niya o hindi kitang-kita ang charm nito. At kahit yata ang mga lalaki sa klase niya eh parang fascinated dito. Kaya kahit siya na madalas na inaantok sa math ay nakinig sa lecture nito.
"Okay see you tomorrow. Class dismissed."
Tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag nang sabihin nito ang dismissed. Pero palabas na sana siya ng klase nang bigla itong nagsalita.
"Miss Romero I believed ito na ang huling klase mo sa araw na ito. Puwede ba muna tayong mag-usap?" He's smiling at her.
Kung iba ang titingin it was a nice harmless well meaning smile but she knows better.
He remembers everything!!

Book Comment (88)

  • avatar
    Khione

    highly recommended! a very interesting story.

    23/08/2022

      0
  • avatar
    AlboJoy

    a very exciting story. just keep writing author.

    13/06/2022

      0
  • avatar
    torresalex cantoria

    very good novel

    16/08/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters