"Hindi ka na naman papasok?" tanong ng kaklaseng si Melody kay Trixie. "May bagong action movie na palabas ngayon. Manonood na lang ako kesa makinig sa boring nating professor," sagot ni Trixie dito habang naglalagay siya ng make-up. Nagpalit na rin siya ng damit kaya hindi na rin sya nakauniporme. Handa na siya sa paglalamyerda. "Pero may quiz tayo ngayon," paalala nito. "Hello eh di lalong hindi ako dapat pumasok. Ano naman ang isasagot ko doon eh hindi naman ako nagreview. Ikaw nagreview ka ba?" tanong niya dito. "Hindi rin pero nakailang absent na ako. Baka i-drop na ako ni Sir kapag di na naman ako pumasok. At sigurado hindi na ako mapapatawad ng parents ko kapag bumagsak na naman ako. Baka patigilin na ako sa pag-aaral ng mga iyon," paliwanag nito. Sinimangutan niya ito. Ang totoo ay takot lang itong mawalan ng allowance. "Okay lang kung hindi makakasama mag-aaya na lang ako ng iba." Nilabas pa niya ang kanyang cellphone para kunwari ay nagmessage siya sa ibang kaibigan para mag-ayang lumabas. "Sige mauna ka na. Baka malate ka pa sa klase kasalanan ko pa. Ciao." Tinalikuran na niya agad ito para itago ang disappointment niya. Kahit sinabi niya na puwede siyang mag-aya ng iba wala talaga siyang ibang makakasama. Puro busy ang mga kaibigan niya, kaya talagang nag-iisa lang siya ngayon. Pagkatapos makaalis ni Melody dahil papasok na nga ito ay lumabas na siya ng restroom na malapit lang sa university at naglakad na parang walang patutunguhan. Nawalan na rin siya ng ganang manood ng sine. Hindi niya gusto ang araw na ito. Infact pinilit pa niya ang sarili na bumangon kaninang umaga. Wala siyang choice kundi tumayo. Ayaw niyang magpakita ng kahinaan sa mga tao sa paligid niya. So she forced herself to act normal. "Nakakainis. Saan naman kaya ako pupunta?" tanong niya sa sarili habang sinisipa ang mga maliliit na bato na nakaharang sa daraanan niya. Nang maubos na ang maliliit na bato ay may nakita siyang isang lata ng sardinas na nakakalat. Imbis na pulutin iyon at itapon sa basurahan, sa lata niya nilabas lahat ng inis niya at sinipa yon ng pagkalakas-lakas. Sabay sigaw pa niya, "Buwisit kang araw ka. Bakit ka pa dumating?" Wala siyang pakialam kung may nakarinig pa sa kanya. Her frustration and anger was quite evident. Medyo nakaramdam naman siya ng konting satisfaction pagkatapos niyang masipa ang lata at makasigaw. "Nasaan na kaya yon?" Medyo palinga-linga pa si Derek halatang may hinahanap. Hindi na niya halos maalala ang daan papunta sa Hermogenes University. Buti na lamang at motorsiklo ang dinala niya kaya kahit naligaw siya hindi naman siya masyadong naipit sa traffic. May usapan sila ng pinsan niya na magkikita at medyo late na siya. Kahapon pa lang siya nakakauwi pero imbis na magpahinga para mabawasan ang jetlag maaga pa siyang gumising. Ang pamilya nila ang may-ari ng university at isa sa mga board of director ang mga tiyuhin niya at ang pinsan. Dito rin siya nag-aral dati pero hanggang second year lang ang inabot niya dahil nagloko nga siya. Sa Amerika na lang siya nakapagpatuloy ng pag-aaral at doon na rin siya nakatapos at nakapagmasteral pa sa Computer Engineering. Dapat ay mapopromote na siya sa isang software company na pinagtatrabahuhan pero napagpasyahan pa rin niyang umuwi. Malapit na siya at halos tanaw na niya ang malaking arko na nakapangalang Don Hermogenes University nang biglang may tumama sa ulo niyang lata ng sardinas mula sa kung saan. Nakahelmet naman siya kaya hindi siya nasaktan sa tama ng lata. Pero dahil sa pagkabigla nawalan siya balanse at sumadsad ang motor niya. "Damn it!" napamura siya sa sakit. Buti na lang din at nakajacket siya dahil kung hindi sugat-sugat na siguro ang braso niya. Itinayo niya ang sarili at ang motor. Sumakit ang katawan niya pero mukhang wala namang nabali sa mga buto niya. Iyon nga lang may gasgas na ang motor niya na bagong bili pa naman. At ang jacket na binili pa niya sa Amerika eh siguradong may sira na rin. Tumingin siya sa paligid hinahanap kung sino ang nambato ng lata sa kanya. Pero halos walang tao sa lugar. Pinulot niya ang lata na tumama sa kanya. Isang matandang babae na nakaupo lang ang nakita niya. Imposibleng ito ang nagtapon. She's too old at hindi galing sa direksyon nito ang lata. Lumapit siya rito at nagtanong kung may nakita ba itong nambato ng lata sa kanya. Itinuro nito ang isang babae na palayo nang naglalakad. Hindi niya ito agad napansin kanina dahil medyo malayo na ito at patakas na. Tinawag niya ito, "Miss!!" Hindi man lamang ito lumingon kahit malakas ang boses niya. "Hey Miss!!" Napilitan na siyang habulin ito nang di pa rin ito huminto sa paglalakad. Nang malapit na niya itong maabutan ay napansin naman na siya nito at tuluyang nilingon. Mukhang mainit ang ulo nito pero mas mainit ang ulo niya. "Bakit ano ang kailangan mo?" matabang na tanong ni Trixie sa lalaking nakablack jacket. Kanina pa mainit ang ulo niya at hindi niya gusto ang mga taong nang-iistorbo. She didnt try to hide her obvious annoyance dahil sa pagtawag nito sa kanya. "Galing sayo to diba?" tanong nito. Ipinakita nito ang lata na ubod ng lakas niyang sinipa just a minute ago. May tumutulo pang sauce sa lata ng sardinas. "H-hindi yan galing sa akin nasa kalye na yan nang makita ko," pagdedeny niya agad. Medyo kinabahan siya. Malaki kasi ang binabayarang multa kapag napagbibintangang naglittering. Pero hindi naman mukhang MMDA o tanod ang lalaki. Masyado itong guwapo at maporma para manghuli lang ng mga nagkakalat sa kalye. At kahit parang kumain ng alikabok ang suot nitong jacket ay halatang mamahalin ang suot nito. Pero puwede din namang galing sa ukay iyon. Ang hindi ukay ay ang kaguwapuhan nito. Maputi at mamula-mula ang balat, medyo may kakapalan din ang kilay nito na magkasalubong na habang nakatingin sa kanya. Matangos din ang ilong nito. Mukhang hindi ito madalas nabababad sa ilalim ng araw kaya sigurado siyang hindi ito tanod o MMDA. Pero mukhang galit ito sa kanya dahil sa lata. "Alam mo bang tumama sa helmet ko ang lata na ito kaya sumadsad ang motor ko at nagkadamage?" medyo nakakunot ang noong inform nito sa kanya. "H-ha w-wala akong kinalaman sa lata na yan," pagsisinungaling pa rin niya dito. Pero alam niyang halatado na siya. "The old lady over there pointed at you. Nakita ka niya so please stop lying," sagot nito. "Sabi ko na ngang wala akong alam. Huwag ma akong istorbohin." Nagkunwari na siyang galit. Nagtangka na rin siyang magwalk-out. Pero pinigilan siya nito. Hinawakan nito ang braso niya. "Hey not so fast lady. Hindi ka man lang ba magsosorry?" napapantastikuhang tanong nito. "Hindi ako magsosorry dahil wala akong kasalanan. Bitawan mo nga ako," pagmamatigas niya. Parang gusto na siyang batukan nito sa inis. Halatang nagpipigil lang ito. Pero kahit umusok pa ang bubunbunan nito hindi talaga siya aamin. Magmaang-maangan pa rin siya kahit makita pa ang footprint niya sa lata. "Then pay up. Pagkatapos noon I'll call it quits," sabi na lang nito. "Mangarap ka mister. Now let go of me," pagmamatigas niya. "What if I dont want to?" hamon nito. Tiningnan niya ito ng masama at pagkatapos ay isang ideya ang naisip niya. Bigla siyang nagsisisigaw, "Saklolo!! Saklolo!!" Sinamahan pa niya iyon ng konting drama para magmukha talaga siyang biktima. Nabigla ito sa ginawa niya kaya nabitiwan siya nito. Napansin naman niya ang pagkalito nito kaya pinalo niya ito ng bag at pagkatapos ay tumakbo siya nang pagkabilis-bilis.
highly recommended! a very interesting story.
23/08/2022
0a very exciting story. just keep writing author.
13/06/2022
0very good novel
16/08/2024
0View All