logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2 ANG SIMULA NG BUHAY NI ARIEL SA MAYNILA

(Carmen )
Anak magpakabait ka dun hah?! mag ingat ka palagi at wag mong pabayaan ang sarili mo, wag mo din kalimotang magdasal.
(Cinta )
Anak tandaan mo din yung lagi naming bilin sa iyo ni papa Carmen mo, wag manganak ng tao, wag manakit ng tao, wag mo din Silang awayin.
(Ariel)
Opo tandaan ko po ang lahat ng bilin ninyo ni papa,. lagi kopo kayo isasama sa mga panalangin ko at pangarap. ( nakangiting yakap sa mag asawa)
(Mga bata sa Probinsya)
Paalam ate Ariel mamimiss ka Namin dito lalo na yung pagturo nyo sa amin lumangoy, Pati sa Pag aaral,.
(Batang babae)
Ate ma mi miss namin yung pagturo mo sa amin ng Pag aaral wala na kaming guro.
(Batang lalaki ) Wala na ang aking inspirasyon, mawawalan na ako ng gana nitong kumain at mag aral kasi aalis na siya!.( mangiyak ngiyak na nagsasalita na para bang iniwanan ng jowa)
(Batang babae)
Hoy! tumigil ka nga dyan, Kala mo naman binata na ehh, may gatas ka pa nga sa labi tulad ko ehh, . Nakakahiya ka Kay ate Ariel!.
(Carmen)
Palabiro din pala tong Batang ito ayt, hahaha
hayaan mo hijo paglaki mahanap mo din yung para sa iyo , wag ka lang magmadali kasi bata kapa, e enjoy mo muna yan kasi paglaki ninyo mas mabigat na ang pagsubok at panibagong yugto na yan ng buhay niyo.
(Cinta)
Tama si manong Carmen niyo , magpakasaya muna kayo habang bata pa, maglaro kayo habang bata pa kasi paglaki niyo di na ninyo yan magagawa.
(Batang babae )
Oo nga po manong Carmen at manang Cinta kala naman kasi nitong Isa matanda na siya,
hmmp .
(Ariel)
Oh, Sha! Tama na nga yan , di naman ako habangbuhay na titira dun, Mag aaral lang naman ako Dun eh, uuwi din naman ako dito eh!?,
(Melanie) [bff ni Ariel ]
Hay naku dzong, mag aral ka muna ng mabuti hap, para paglaki mo kaya mo nang buhayin ang magiging pamilya mo !
and ikaw naman bff, mag ingat ka palagi dun kasi balita ko dami daw mga inggitira dun lalo na Pag nakita nila yung ganda mo, Pak talbog agad sila sayo !
(Ariel)
Hahaha , sige bff tatandaan ko yan , Pero yung Pak talbog agad sila sayo, di ko Alam Kong totoo ba yan o hindi ..
basta bahala na si tadhana dun!
(Cinta)
Sige na anak baka ma Huli kapa sa biyahe mo,ingat ka dun , similat ka hah,
wag mo din kalimotan yung bilin namin sa iyo !
(Ariel)
Opo Mama ,paalam na po sa Inyong lahat,.
sabay yakap Niya sa lahat at naglakad papuntang trisikel.
Pagdating Niya sa bus station ay sumakay agad siya, at natulog lang saglit , Paggising Niya ay huminto muna ang bus para kunuhay ng mga pasahero , Nang tumingin siya sa labas at nakita Niya ang mga tao na may kanya kanyang ginagawa may iba na nagtitinda ng pasalubong, may iba pagkain at inumin yung iba naman ay gamit pamaypay, lighter, sigarilyo at iba pa.
Nang tumingin siya sa Isang dako ay may nakita siyang binata na para bang may inaantay sa isip Niya, baka jowa Neto ang inaantay.
hanggang sa lumarga na yung bus. Ilang Oras din ang biyahe nila, mag uumaga nang dumating sila ng Maynila, at nagising si Ariel sa ingay Neto.
Nang bumaba na siya ay agad siyang lumapit sa tindahan upang maki tawag.
Pagkatapos nilang mag usap ng katapid ni Mang Carmen ay agad siyang sinundo, Buti nalang at nakilala agad siya ng mga ito dahil sinabi Niya yung kulay Niya, buhok Niya, kulay ng damit na suot nito.
mahaba Haba din ang biyahe kaya pagdating nila sa bahay ay agad siyang pinaligo para kumain na din kasama sila.
Namangha ng husto si Ariel sa hitsura ng bahay ng kapatid ng Ama Neto, Malaki ang bahay at dos andanas , may limang kwarto at malaking pool,.
May katulong na Isa, at tagaluto.
tinaggap siya ng pamilya Neto na walang Pag alinlangan, feel at home daw Ika nga nila .
Natuwa naman ang dalaga sa warm welcome nila sa kanya.
May sariling kwarto ang dalaga sa ibababa katabi ng maids quarter,.
kaya bago pa natulog si Ariel ay makipag kwentohan muna siya sa katulong nila .
(Ariel)
Ate matagal na po ba kayo dito sa Kanila?
(Minda)
Ay, oo hija maliit pa lang yung anak ko dito na ako nagtatrabaho, ngayon may asawa na siya at may apo na ako andito parin ako sa Kanila, mababait kasi amo ko.
(Ariel)
Oo nga po eh, ang bait nila, atsaka di sila pala mata pobre tulad ng ibang mayaman
(Minda)
Alam mo kasi hija naging mahirap din yan sila noon, di mo lang alam , grabeng pagsubok ang pinagdaanan ng mag asawang yan, bago pa ito makuha nila,.
(Ariel)
Bakit po ? ano po bang pagsubok ang pinagdaanan Nila bago po sila yumaman ng ganito,?
(Minda)
Sa pagkakaalam ko , namamasura lang DAW Silang mag asawa noon, kahit saan sila napadpad, sa kalsada din sila natutulog, minsan pa nga ay nagkasakit yung anak nila muntikan na din mawala sa Kanila Buti nalang at mabait ang Diyos may taong tumulong sa Kanila para magdala sa ospital ang bata,.
tapos simula non , tinulongan ang mag asawa na maghanapbuhay binigyan ng Kapital para sa negosyo , sinikap nilang dalawa na maipalago ang negosyo kaya ito na yung results Niya .
(Ariel)
Kakaiba din pala ang storya ng buhay nila, deserve din nila ito ,diba ate?!
(Minda)
Abay oo naman hija, sige matulog kana at Maaga pa tayo bukas , para na rin makapag pahinga kana din mula sa Haba ng biyahe mo.
(Ariel)
Sige PO ate, salamat po sa time at magandang Gabi.( with smile na tumalikod ang dalaga at pumasok na sa kanyang solid)
Sa loob ng kwarto Niya hindi pa rin makapaniwala si Ariel na makakapasok siya sa ganito kalaking bahay, tinitingnan Niya ang buong sulok ng kwarto Niya habang nakahiga.
At bumubulong na balang araw makapag pagawa din siya ng ganitong bahay at dun Niya ipatitira ang mga magulang Niya at mga kaibigan na naiwan Niya sa Probinsya.
Hanggang sa nakatulog ito.
kinabukasan ay nagising siya ng Maaga, bumangon siya para maligo ,at magsasaing Sana kaso di niya alam Kong pano at saan ang saingan, iba kasi ginagamit sa Probinsya kahoy lang okay na . Nang magising na din si aling Minda para maligo pagkatapos ay mag prepare na sana para sa lahat ng napansin niya si Ariel na nasa sala naka upo lang na para bang namamahangha parin sa laki ng bahay.
(Aling Minda)
Oh bat ka nandyan hija? aga mo naman nagising? nagugutom kanaba kaya maaga ka nagising?
(Ariel)
Ay hindi po ate Minda magsasaing po sana ako para sa lahat po kaso diko alam kong saan ako magsasaing?!,
(Aling Minda)
Nako hija,andito sa kusina ang saingan, lapit ka dito sa Rice cooker ito yung ginagamit namin dito para magsaing!
(Ariel)
Ay wow kakaiba naman nito medyo nakakatakot gamitin baka masira ko!,
(Aling Minda)
Hindi agad masisira yan hija wag lang basain para di ka ma kuryente, high tech kasi mga gamit dito sinasadys nila yan lalo na kong nagmamadali sila isang click lang lumuluto na!
(Ariel)
Ah, ganon pala yun ang galing naman sana magka ganito din kami para naman di mahirapan sina Papa Carmen at Mama Cinta!
(Sir Arnaldo)[Kapatid ni Mang Carmen]
Walang imposible hija kong gugustohin mo mag aral ka ng mabuti at magsikap di malayong mangyayari ang pangarap mo!
(Aling Minda)
Ay, kayo pala sir, ano po uulamin ninyo ngayon po?
(Ariel)
Ay, kayo po pala uncle?! magandang umaga po sa inyo! saad ni Ariel sa uncle niya na may ngiti dahil sa galak.
(Sir Arnaldo)
Pagkatapos mag agahan hija , magbihis ka ng pang alis mo dahil pupunta tayo sa school na papasukan mo!
(Ariel)
Sige po uncle, pero tulungan kopo muna si ate Minda sa pagluluto po para mabilis po matapos at di siya mahirapan po!
(Sir Arnaldo)
Sige hija,mukhang di kana mahihirapan dyan manang Minda meron ka ng taga alalay, pero pag pasukan na hija dapat focus ka sa pag aaral hap, para matupad mo yung mga pangarap mo sa pamilya mo! ngiti sabay panhik sa labas dala ang mga gamit niya pang opisina.

At nagsimmula ng mag asikaso ng ipangluluto ang dalawa, si Ariel taga hiwa ng mga ihahalo sa mga lulutuin ni Manang Minda. Maya maya ay natapos na sila at kumain na din si Ariel kasi sinabihan siya ni Manang Minda na susunduin siya ng tiyuhin niya para pumunta sa school.
pagkatapos ay nagbihis na ang dalaga at umupo na muna sa sofa habang inaantay dumating ang tiyo.
Isang oras ang nakalipas dumating na ang sundo niya,Pagkasakay niya ang humarorot agad ang kotseng sinaskyan niya sobrang kaba ang naramdaman niya, parang lalabas na yung kaluluwa niya dahil sa bilis neto, pero sa totoo lang katamtaman lang yung takbo ng kotse mga nasa 80 speed lang siya, keso first time kasi niya nakasakay ng ganoon kaya nabigla siya.
Pagdating sa school ay pina enrol agad siya at tinour sa buong paaralan, sa sunod na araw ay babalik siya para tingnan yung magiging silid aralan niya sa susunod na linggo na kasi ang balik skwela.
Masaya na may halong kaba ang nararamdaman niya.Masaya kasi makapag aral na siya at may halong kaba dahil hindi niya alam kong ano ang mangyayari sa pagpasok niya kong hindi ba siya ibubully ng mga magiging kaklase niya or baka terror ang mga magiging guro niya, naghalo halo na yung emotions niya habang nakasakay siya sakotse pauwi ng bahay.
(Sir Arnaldo)
hija, mag handa ka na rin bukas kasi pupunta tayo ng mall para bumili ng mga gagamitin mo sa school niyo ihahatid ko lang kayo bukas kasama si auntie loreta mo.
(Ariel)
Sige po uncle!
sabay pasok sa kwarto niya, dahil tapos na sila kumain at tumulong kay Manang Minda sa kusina, Kahit sa pagtulog niya ay ganon pa din ang nasa isip niya.Halos di nga siya makatulog dahil dun. Kinabukasan laki ng eyebag niya, buti nalang ay di napansin ng lahat ng mga tao sa bahay nila kasi nakasuot siya ng ballcap para di halata.
After nila namili ng mga gamit ay kumain muna sila sa fastfood.
(Auntie Loreta)
Kumusta yung pakiramdam mo hija?
(Ariel)
Huh?[medyo nagulat] ang alin po auntie?
(Auntie loreta)
Yung pakiramdam na andito ka sa maynila? hindi kaba naninibago? or nagugulohan?
(Ariel)
Ah, oo nga po eh naninibago ako sa pamumuhay dito, halos yata di na natutulog ang mga tao dito, sa probinsya kasi alas 6 pa lang ng hapon tahimik na ang paligid, dito parang 24/7 gising ang mga tao.
(Auntie loreta)
ganito talaga dito hija, masasanay ka din lalo na sa bago mong paaralan, kailangan mo din masanay sa pamumuhay dito para di ka ma bored at ma miss ang probinsya.
(Ariel)
Opo Auntie.
pagkatapos ay umuwi na sila...
Hanggang sa pagtulog niya ay di parin siya makapaniwala na nasa maynila na talaga siya, medyo na miss niya ang buhay niya doon, ang pamilya niya at mga kaibigan.Lalo na ang panghuli ng isda sa dagat na mi miss din niya pati ang bff niyang si Melanie .Hanggang sa nakatulog na talaga siya dahil na rin siguro sa pagod sa biyahe.Mahimbing ang tulog niya di nga niya namamalayan alas 7:am na ng umaga, kaya agad siya bumangon at naligo pagkatapos ay lumabas ng kwarto para tumulong kay Manang Minda sa gawaing bahay.

Book Comment (73)

  • avatar
    catorAngelita

    👏👏👏

    2d

      0
  • avatar
    Princess Nikki Embang Casuyon

    very unique

    2d

      0
  • avatar
    ミチタカ

    It's a real

    6d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters