logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

My Knight in Shyning Armor (Filipino)

My Knight in Shyning Armor (Filipino)

Bobang


Chapter 1 Welcome Home

♫ Lemon ♫
After celebrating my 15th birthday, my mother decided to go back to the Philippines. It's been 7 years and I'm feeling kinda apprehensive doing so.
For sure I'll have to adjust, first with the climate and of course, the people I'll have to deal with. Language isn't an issue since we speak Tagalog at home and I do have English classes in school.
But still, everything will surely be different. It's like, I'll be in an entirely different world and I'm not 100% certain if I can actually cope with that.
I shouldn't be worried at all since we're going home with Tita Dahlia, meaning Kekang is going to PH with us. Oo, si Kekang. Mikael sya sa umaga pero nagta-transform sa gabi.
No, hindi sya closet queen. Lantad na sa lahat ang gender preference nya at wala akong problema dun.
I practically grew up with him. Si Tita Dahlia ang Executive Assistant ni Mommy kaya lagi silang magkasama at ganun din kami ni Kekang.
We're of the same age and we went to the same school. At sa pag-uwi nga sa Pinas ay parehong eskwelahan din ang papasukan naming dalawa.
Feeling ko nga ay ako lang ang kabado sa magiging new environment namin. Si Kekang kasi ay confident na with open arms syang tatanggapin ng mga bago naming schoolmates. I don't feel the same though, but I guess I have no choice.
"Lemon! Ano na?" taas ang kilay na tanong nya sakin. Tinaasan ko lang din sya ng kilay dahil wala akong ideya kung anong tinatanong nya. "Nakapag-empake ka na ba? Don't tell me my hangover ka pa ng birthday celebration mo?!"
"Stupide! Nakapag-empake na ko 3 days ago pa. Ikaw lang naman tong ngayon lang natapos mag-empake eh" natatawa kong sagot sa kanya.
"Oo na, oo na! Ikaw na ang girl scout. Call me Pong then!" may pagiinarteng sabi nya.
Napailing na lang ako. Well, I guess Kekang will definitely be welcomed with open arms. Who won't love this gay? Nakapa-refreshing lang ng personality nya.
After that short banter with my beks/sister/bff/mortal enemy ay lumabas na kami para puntahan sina Mommy. They too are busy packing their stuffs katulong ang mga iba pang assistants ng nanay ko.
Busy din sya sa pagbibilin ng ilang mga importanteng bagay para sa magiging bagong manager ng fashion house nya dito sa France. Hindi ko na alam kung ilang beses na nyang inulit ang mga bilin nya.
Hindi naman tuluyang pakakawalan ng nanay ko ang 18 Threads. Parang ibabalik lang nya sa Tita ko ang pagpapatakbo habang sya ay magbubukas ng sarili nyang shop sa Pinas.
Sa Tita ko naman talaga kasi ito. Nalipat lang to kay Mommy nung nagka-problema si Tita at hindi nya na kinayang patakbuhin.
"Hey Mom, what time is our flight?" tanong ko sa nanay kong di na magkandaugaga sa dami ng sabay-sabay na inaasikaso.
"In 2 hours fille," sagot nya sakin matapos silipin ang wristwatch nya.
Nanlaki naman bigla ang mata ko. ‘2 hours? Agad-agad? Akala ko in 2 days pa?’
"Excited ka na ba Lemon?" nakangiting tanong sakin ni Tita Dahlia.
"Naku Mamita, paanong excited eh ninenerbyos nga yan?" natatawang sagot naman sa kanya ni Kekang.
Agad namang napatingin sakin si mommy habang nakakunot ang noo. "Why is my daughter nervous?" she asked. I shrugged then heaved a sigh.
"I don't know. Siguro kasi new environment? New people to try and get along with?" sagot ko naman.
"Oh my fille, you don't have to worry about anything. You're a lovely girl, for sure magugustuhan ka rin nila," malambing na sabi nya sakin habang hinahaplos ang buhok ko.
"Of course Tita, mana yata sakin itong sisteret ko!" hirit naman ni Kekang kaya nagkatawanan kami.
A couple of hours passed and I found myself boarding a plane to the Philippines. It will be an 18-hour travel and for sure it will be exhausting. We will have a stopover at Doha and thankfully, I only have enough hand carry.
"O-M-G, can you tell I'm excited?" malanding tanong sakin ng malanding kaibigan ko.
"It's not THAT obvious!" ngiting asong sagot ko naman kaya inirapan nya ko.
"Wag mo kasi laging pinapaandar ang pagiging nega mo no!" sita na naman nya.
I must admit, out of 10 situations, 8 dun ay negative ang resultang iniisip ko. I can't help it if I'm insecure.
After everything that's happened to my family, my sense of security definitely hit rock bottom. I grew up shy at kung hindi siguro dahil dito kay Kekang, malamang ay hindi na ko natutong makisalamuha sa ibang tao.
"Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is 0800h and the temperature is 29°C."
Agad akong napamulat ng marinig ko ang sinabi ng stewardess. So, nasa Pinas na kami. ‘Wala na ngang atrasan to!’
We arrived at 8am, Saturday. Just great, dahil sa Lunes ay sasabak na rin kami agad sa eskwela. We're incoming Grade 9 students, pareho kami ni Kekang.
Bahala na si Batman!
Niyakap pa ko ni Kekang habang pababa kami ng eroplano. "Beks this is it! Buong buhay ko inasam na magkaron ng jowang Pinoy!" medyo may pagtalon pang sabi nya.
"Ikaw talaga! Malantod!" natatawa kong sabi pero binelatan nya lang ako.
"Inggit ka lang. Kasi mas maganda ako sayo at for sure, mas mapapansin ako ng mga boysss~" patuloy nya pa.
Napailing na lang ako. Totoo naman kasi. Kung hindi lang bading ang isang to ay talaga namang maganda sya.
Gwapo nga kung naging lalake lang. Kaso hindi eh, malandi pa sakin! Mas kumpleto pa nga nga sya sa makeup set.
"Lemon, let's go?" tawag sakin ni Mommy ng makita nyang medyo natigilan ako ng pasakay na kami sa oto tito ko.
Agad naman akong tumango saka sumunod. Sa hotel muna ang diretso namin ngayon habang may mga kailangan pang ayusin sa bahay na titirhan namin.
Bumili ng bahay si Mommy malapit lang sa school na papasukan naming. Malapit lang din yun sa lugar kung saan nya napiling itayo ang Victoria Fashion Street.
Doon din titira sina Tita Dahlia kaya wala talaga akong ligtas sa kalandian nitong si Kekang. But I guess that's a good thing, at least I got company.
Pagdating namin sa hotel na pag-aari ng tito ko ay sinalubong agad kami ng pamilya nya. Nakakatuwa pang kumpleto talaga sila.
Nandun ang Tito Rigo, ang asawa nya. Ganun din ang pinsan kong kambal, si Kippler at si Kellen, parehong ka-edad ko. Si Tito Rigo ang panganay na kapatid ni Mommy pero 2 taon lang ang tanda nito sa kanya.
Isa din sa mga sumalubong samin ang paborito kong tiyahin, Si Tita Ena. Sya naman ang bunsong kapatid ni Mommy.
Dumiretso kami sa restaurant para mag-brunch. Habang naghihintay ng pagkain ay napuno naman ng tawanan ang mesa dahil sa mga kalokohan ni Kekang.
Looking at everyone, it finally dawned on me. We’re really back!

Book Comment (12)

  • avatar
    May Ann Tabaniag

    Love 'it

    20d

      1
  • avatar
    Glenn Davies Amlos

    it a beautiful story

    12/07

      0
  • avatar
    Christian Dave Cabale

    great story

    08/08/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters