logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5

Myla’s POV

Kinabukasan, maga ang mga mat akong bumangon. Nag-celebrate naman kami. Naglasing sila papa kasama ang mga kaibigan niya tapos si ate Mirna nanood ng live ng iniidolo niyang K-pop group. Ako naman, nahiga lang sa kama at iniisip kung paano ko mapapapayag sila mama na pag-aralin ako sa Manila.
Alas-tres palang ng madaling-araw pero gising na gising na ako. Ie-enroll ko na ang sarili ko sa napili kong paaralan, sa UP Diliman.
Dahan-dahan lang ang ginagawa kong pag-galaw. Baka kasi mabuking pa ako ni Ate Mirna. Iisa lang kasi kami ng kwarto at siya lang ang may laptop. Minsan pinapahiram niya, kadalasan hindi.
Madali akong naka-punta sa site upang i-download ang mga forms na kailangan ipasa. Binilisan ko na ang pag-fill in sa apat na forms saka dali-daling sinend sa nakalagay na designated email address.
Matapos non ay binura ko sa history ng laptop lahat ng sites na napuntahan ko. Ni-log out ko din lahat ng account ko saka dinelete ang mga files na ipinasa ko.
Matapos ng lahat ng iyon ay ibinalik ko ang laptop kung saan ko ito kinuha saka nahigang muli na parang walang nangyari.
Hay. Certified Iska na ‘ko! Napapangiti ako sa ideyang iyon.
Hindi ko namalayang naka-tulog pala ako. Nagising nalang ako sa tilaok ng manok kasabay ang maingay na pagtunog ng phone ko.
Pagtingin ko ay ilang missed calls galling kina Mia, Sephany, Julian at Rosell. Ano naman kayang problema ng mga ‘to. Napa-ayos ako ng upo ng may pumasok na text galling kay Mia.
“Hey Miles! We felt bad na iniwan ka namin kahapon. As a grad gift, we invite you to go the mall with us! Papunta na kami sa bahay niyo. See ya!”
Shit naman. Ngayon pa nag-aya eh ang sakit ng katawan ko at gusto kong magpahinga. Saka, alas-siete palang eh.
Lumabas na ako ng kwarto at agad na nag-tungong kusina. Bubuhusan ko pa lang sana ng mainit na tubig ang mug ko ng makarinig ako ng busina ng sasakyan.
Nagtinginan kami ni papa na nabala rin sa pagbabasa ng dyaryo.
“Sino ‘yon?” May bisita ka ba?” naka-kunot noong tanong ni papa.
Tumungo lang ako at hindi na tinuloy ang balak na pagkakape.
“S-sila Mia po. Aalis daw kami. Sinundo nila ako,” pagpapaliwanag ko pero imbes na sumang-ayon nalang, nandito nanaman ang pagiging praning niya.
“Aalis ka pala hindi ka gumising ng maaga,” pagalit na saad niya saka ibinagsak ang hawak na dyaryo.
Malay ko ba. Ngayon ko nga lang din naman nalaman.
Hindi nalang ako sumagot.’
“Oh! Ba’t nakatunganga ka pa diyan! Mag-bihis ka na! Nakakahiya ka, pinaghihintay mo pa sila.” Heto nanaman tayo. Basta’t naririnig ko ang mga salitang ‘yan parang may nati-trigger sa loob ko na mapaisip.
Ano kayang feeling na hindi ka kinakahiya ng magulang mo. Badtrip kasi eh. Imbes na proud at ipagmalaki ako, siya pa mismo ang humihila sa akin pababa. Sana all nalang talaga.
Dali-dali nalang akong naglakad papasok ng kwarto upang ihanda ang mga damit saka punasan na rin ang mga munting butil ng luha.
Ilang minuto ang lumipas at tapos na ako sa pagligo. Mabilis lang naman akong maligo. Saka, wala naman na akong kung ano-anong nilalagay sa mukha ko kaya hindi nakaka-konsumo ng oras.
Nag-suot lang ako ng maluwag na t-shirt at mid-thigh maong shorts. Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko pa si papa na nandoon pa rin sa dati niyang pwesto kanina, patuloy pa rin sa pagkakape.
Naramdaman niya ata ang presensya ko kaya napa-angat siya ng tingin. Agad nangunot ang noo niya.
Pumikit lang ako at nag-bilang sa isip.
3…
2…
1…
“Ano ba ‘yang suot mo? Ang baduy mo talaga.” Napahugot nalang ako ng malalim na hininga saka maayos na nag-paalam.
“A-alis na po kami,” saad ko nalang at dumiretso na sa labas. Dala ko naman na ang wallet at phone ko sa bulsa ng shorts ko. Madadaanan ko na din ang sampayan sa labas. Maiksi lang ang buhok ko kaya hindi ko na gaano sinusuklay.
“May pera ka jan?” dinig kong tanong ni papa ng pasigaw. Hindi nalang ako sumagot. Hindi rin naman siya mamimigay kung sinabi kong wala. Malalaman niya namang may ipon ako pag sinabi kong meron. Uutangin niya yun ng uutangin hanggang sa maubos.
Pina-andar na agad ni Mia ang kotse niya. Mayaman sila. Isa ito sa dahilan kung bakit ayaw nila akong tanggapin sa grupo nila. Baka nga inampon lang nila ako dahil ako minsan ang gumagawa ng assignments at projects nila noong may klase pa.
Pumayag nalang ako sa trato nila sa akin. Wala akong magagawa. Pipili’t aarte pa ba ‘ko? Sila lang ang unang lumapit sa aking para makipag-kaibigan. Kahit plastikan lang.
Ang ingay nila sa sasakyan hanggang sa makapasok kami sa mall ay panay lang sila kwentuhan. Ano pa bang silbi ko dito? Compensate your face. Pinagmukha niyo lang akong hangin dito.
Dibale na, pabor naman sa kagustuhan ni papa. Para na din maka-iwas ako sa sandamakmak niyang sermon sa mga kamalian ko na hindi maubos-ubos.
When Julian noticed my silence, she clings her arms on mine. Aalisin ko na sana dahil naiirita ako pag may gumaganon sakin pero hinigpitan niya lalo kaya hinayaan ko nalang.
“Myla, pwedeng pasama? May bibilhin lang ako sa store na yun,” saad niya sabay turo sa tinutukot niyang bilihan ng mga alahas.
Napahinto ako sa paglalakad pero sina Sephany ay tuloy -tuloy lang.
“Magkita nalang daw tayo sa restaurant na binook ni Mia,” pagpapaliwanag niya kaya tumango nalang ako.
Kaya pala kumapit ng parang tuko, may kailangan. Hindi naman siya ganitong ka-close sa akin eh. Ang madalas ko lang maka-usap ay sina Mia at Sephany.
Sumunod nalang ako sa direksyong pinaghilahan niya sa akin.
Ilang minuto siyang namili ng set ng mga mamahaling alahas. Ewan ko kung saan niya gagamitin yan eh meron naman na siyang suot ngayon.
For me, it’s just a waste of money and time. Uubusin lang ng mga maka-mundong pagnanasa ang pera mo para sa pansarilimong kaligayahan, imbes na i-donate mo nalang sa mas nangangailangan.
Matapos niyang mag sukat-sukat ng mga alahas ay hindi rin naman siya bumili.
“Tara na Miles, wala akong mapili. Ang chi-cheap.” Napahinto ako sa paglalakad dahil sa binulong niya. Cheap sa kanya ang sampung libong set ng mga alahas. Pwede nan gang pambayad utang ni papa yun eh.
Napailing nalang ako sa kakaibang perspektibo niya sa buhay. Nagpatuloy na kami sa paglalakaad at napahinto akong muli nang maramdaman ang tawag ng kalikasan.
“Ba’t ka bah into ng hinto?” inis na tanong niya.
“A-ano kasi–Ano. Pwede bang pasama sa cr? Hindi ko kasi–”
“Ayoko. Hindi naman ako naiihi. Ikaw nalang antayin ka nalang namin sa restaurant. Bye!” dire-diretsong saad niya saka naglakad na. Hindi ako naka-sunod agad dahil madaming tao.
Hindi ko na siya napigilan. Dahil na rin sa malapit ng pagsabog ng pantog ko ay napahinto na ako sa paglalakad.
Hindi ko naman alam ang restaurant na sinasabi niya.
Then it hit me.
Kung talagang mula sa puso ang pag-imbita nila sa akin, at kung talagang babawi sila, simula palang hindi na dapat ako out of place sa mga usapan nila. Hindi niya dapat ako iiwan ng ganon lang.
Now I know. Mabuti nalang at graduate na kami. Hindi ko na kailangang pagtiisan ang mga malalansang ugali nila.
Kapag sila nanghingi ng tulong sayo, ibibigay mo. Pero kapag ikaw ang nanghingi, sobrang selfish nila? Mga pakitang tao kapag may kailangan.
Pinunasan ko ang mga luhang tumulo mula sa mata ko. Thankfully, nahagip ng mata ko ang sign patungong cr. Agad akong pumunta doon at pumasok sa isang cubicle. Kasabay ng pagtulo ng aking ihi ay siyang pagtulo rin ng akingmga luha.
Paano ba nagagawa ng ibang tao yun?
Ang sakit lang…

Book Comment (30)

  • avatar
    KunTonii

    Ganda ng storya ah, nakaka relate as an Introvert HAHAHA

    14/08/2024

      0
  • avatar
    ItimJamaicah

    wow

    14/07/2024

      0
  • avatar
    TederaLyka

    thank you author

    01/06/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters