logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

Myla’s POV
Kinabukasan, maaga akong nagising para maghanda sa graduation. 8:00 am ang call time at 8:30 magsisimula. Ngayon ko palang din sasabihin kay papa na valedictorian ako.
Lumabas na ako ng kwarto na naka-blouse na kulay pink at black na formal skirt na isang pulgada ang baba mula sa tuhod ko.
Nagulat ako ng biglang tumalon si ate ng magkita kami. Naka-bihis na rin siya. Sabay kasi kaming ga-graduate. Huminto kasi siya ng isang taon dati dahil sa sakit niyang diabetes. Naapektuhan ang mata niya at muntik na siyang masagasaan dati. Salamat sa Diyos at nagamot na ang mata niya ngayon at name-maintain na ang dugo niya.
“Anak ka ng tatay! Ano ba yan Myla Gabriel! Akala ko may ibang taong nakapasok,” sumisigaw na saad niya Habang nakaharap sa salamin at naglalagay ng kung ano sa mukha niya.
Naka-bestida siya na kulay red. Para lang siyang pupunta ng prom.
Tumingin siya sa akin ng maramdaman niya sigurong nakatitig ako sa kanya.
“Ano?” iritang saad niya saka ako inirapan bago bumalik sa ginagawa.
“Wala,” sagot ko nalang at nagtungo sa kusina. Dito ako nagkamali. Naligo agad bago kumain. Baka ma-dumihan ko pa ang damit ko. Ang sarap pa man din ng ulam. Adobong manok at sinangag.
Tinititigan ko lang yon, nagbabakasakaling mabubusog ako. Pero nang hindi ko na matiis, kumuha nalang ako ng maliit na bowl saka pinuno iyon ng kanin at ulam.
Magpapalit nalang ako kung madumihan man.
Nilantakan ko ang pagkain hanggang sa marinig ko ang boses ni papa na padating galling bukid.
“Naka-bihis na ba kayo?” sigaw niya.
“Opo!” balik na sigaw ni ate Mirna samantalang nanahimik lang ako at in-enjoy nalang ang pagkain.
Halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng biglang bumukas ang pinto sa likod bahay. Anak ka ng butiki. Muntik pa matapunan ang damit ko. Pagtingin ko ay si papa iyon na naka-suot pa ng pambukid.
“Ano ba namang buhay ‘to. Imbes na magtrabaho para dumami kita, ang dami pang a-attendang walang kwentang seremonya.” Hindi niya yata napansin na nasa kusina ako.
Tumikhim ako kaya napalingon siya sa akin. “Kain Pa.”
“Si ate mo? Kumain na?” nagkibit balikat lang ako. Tanda na hindi ko alam.
“Putangina. Magkasama kayo sa iisang bahay hindi mo alam? Ano ba naman ‘to.” Napapikit nalang ako Habang nakayuko. Bahala nalang kung anong magiging reaksyon niya mamaya. Balak ko sana sabihin ngayon na ako ang valedictorian pero ‘wag nalang. Bad mood ata.
Matapos kung kumain at dahan-dahan kung hinugasan ang pinagkainan ko. Pilit na iniiwasang tumalsik ang tubig sa damit ko. May extra nga ako pero ayokong isuot dahil dagdag labahan nanaman.
Matapos naming makaaghanda ay nagtungo na kami agad sa school. Saktong 8:26, pipila nalang. Bilang valedictorian, ako ang nasa pinaka-una kaya hindi na mahirap maghanap kung sino ang kasunod ko o ano.
“Bahala ka na Myla. Sasamahan ko ang ate mo at baka mahilo nanaman.” Tumango nalang ako sa sinabi ni papa. Ayos na rin ‘to. Para hindi maririnig ng iba ang malulutong na sermon sa aking ni papa sakalling nalaman niya.
Natapos na ang seremonyas ng graduation. Inabot rin ng halos tatlong oras. Salamat sa Diyos at nai-deliver ko nang hindi nauutal ang aproadong short speech ko.
Hindi ko malilimutan ang reaksyon ni papa kanina. Umiyak ako hindi dahil sa tuwa. Akala ng iba naiiyak ako kasi nagbunga ang pinaghirapan ko, pero ang totoo, naiiyak ako kasi pinagmu-mura at pasimpleng kinukurot ako ni papa habang ina-award ang mga medalya ko.
“Gago ka. Ba’t di mo sinabi! Gusto mo pa akong ipahiya sa marami. Tignan mo nga ‘tong suot ko!”
Iyon ang ipinuputok ng butsi niya. Kesyo nagmukha raw siyang eng-eng o kung ano pa. Bakit ba hindi nalang siya maging masaya na nakakuha ng gantimpala ang anak niya. Nung si Ate Mirna na ang sinabitan ng “Most Polite” award, todo ngiti si papa. Sana all.
Pagdating namin sa tricycle ay inuutusan ako ni papa na imbitahan daw ang mga kaibigan ko sa bahay kasi daw maghahanda siya. Minsan lang daw magka-achievement si ate. Edi kaibigan niya imbitahan niya. Siya pala ang may party eh.
Pilit ngiti akong humarap sa apat na babaeng itinuturing akong kaibigan kuno.
“Uy Myla! Halika picture tayong lima!” excited na saad ni Sephany. Nakisama nalang ako. Kahit naman mahiyain ako, gusto ko rin ng remembrance na babalikan kahit papano. Saka, advantage na rin ‘to. Malalaman ni mama na may kaibigan ako pag pi-nost nila ang picture namin. Kung ipo-post nila kasama ang mukha ko. Tingin ko naman hindi nila ako isasama.
Matapos iyon ay sinabi ko na ang tunay na pakay ko. “A-ano. Si papa kasi naghanda sa bahay, baka ano, gusto niyo daw pumunta?” Mahinhing tanong ko.
Nagkatinginan silang apat at nanlumo ako ng unang umiling si Mia. Siya pa naman ang may authority sa desisyon ng grupo nila.
“Sorry Myls (Miles – shortened name for Myla), naka-promise na kasi kami kay Mommy na doon kaming apat mag-ce-celebrate. Tangina talagang lantaran na ‘kong kinick-out sa grupo.
Tumango tango nalang ako saka nag-paalam.
Nasaktan ako, oo. Pero hindi iyon ang major concern ko ngayon. Ang bumabagabag sa isip ko ay ihihiya nanaman ako ni papa kasi wala akong kaibigang na-imbita.
Tangina kasi. Hindi naman ako social butterfly tulad niya pero pilit niyang isinisiksik sa utak ko na dapat ganto ako. Dapat ganyan ako.
Nanlulumo ang mukhang bumalik ako sa kung saan naka-park ang tricycle. Halatang hinihintay nila ako.
“Anong sabi?” agad na tanong ni papa pagdating ko sa pwesto nila.
“A-ano raw. May pupuntahan daw sila ng kanya-kanya nilang pamilya,” pagdadahilan ko habang naka-tingin sa ibang direksyon. Kung hindi ako magda-dahilan, baka masampal na ako ni papa. Sa ngayon, sinasanay ko nalang ang sarili ko sa mga salitang binibiawan niya.
Naniwala naman si papa sa mga dahilan ko kaya umuwi na din kami agad.
Pag-tapak ng paa ko sa lupa, may tanong nanamang bumagabag sa aking isipan. Lately, I’ve been experiencing this thing. Yung bigla nalang may papasok na tanong sa isip ko and suddenly, I’m looking for an answer…
I wonder how would it feel if I have a different parent? A parent who takes care of you and really care on what you feel. How does everyone manage to maintain a close relationship with their parents? Palagay ko naman ay nagsimula ang gap between me and other people was when papa started saying things like “mahiyain” “nakakahiya ka” and “bakit hindi mo gayahin si”.
I wipe my tears secretly as I enter our house.
I wonder how other people manages to have a healthy relationship. How do they do such thing as socializing non-stop. How dare they celebrate in our graduation pero ako…
Ako na valedictorian, nagmumukmok sa sang tabi.
Paturo naman kung paano…

Book Comment (30)

  • avatar
    KunTonii

    Ganda ng storya ah, nakaka relate as an Introvert HAHAHA

    14/08/2024

      0
  • avatar
    ItimJamaicah

    wow

    14/07/2024

      0
  • avatar
    TederaLyka

    thank you author

    01/06/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters