logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3

Myla’s POV
Gabi na pero nandito pa rin ang mga bisita ni ate Mirna. Mag-iinom yata sila kaya ako, nandito pa rin sa kwarto naka-tago.
Badtrip, hindi pa ako nakakaligo mula kaninang naglilinis ako. Buti nalang at nalinis n ani ate kanina ang hindi ko natapos linisin.
Gusto ko ng matulog pero ang mga bisita niya hindi matigil sa kakatawa. Tatakbo nalang ako palabas. Sana lang magmukha akong anino sa harap nila.
Inihanda ko na ang towel at pamalit ko saka dali-daling tumakbo. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makapasok na akong cr.
Ginawa ko na ang dapat gawin saka naghanda na sa paglabas. Naabutan ko sa pinto ang mga lalaking kaibigan ni Ate Mirna. Nagkukumpulan sila doon. Mag c-cr ba sila? Shit. Kakatapos ko lang tumae! Nakakahiya!
Nilakasan ko nalang ang loob ko at nagtuloy-tuloy sa paglalakad papasok sa kwarto.
Matapos kong maligo ay naghanda na ako sa pagtulog.
Kinabukasan, maaga akong nagising. Paglabas ko ng kwarto ay wala na ang mga bisita niya. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. A sign of relief. Salamat naman at wala ng ibang tao dito. Nahihiya at kinakabahan lang naman ako sa mga taong hindi ko ka-close. Sa kaso ko, wala akong ka-close. Maski sina papa at ate. Pati na rin si mama.
Dumiretso ako ng kusina. Naabutan ko dun si papa na nagkakape.
“Myla.” Shit may nagawa nanaman ba ako? Iniiwasan ko nga siya kahapon dahil pagod na akong mapahiya sa mga pamumuna niya.
“Po?”
“Lika kape tayo,” pagtawag niya. Ngumiti lang ako saka kumuha ng mug para sumunod sa trip ni papa. Minsan lang siya mag-aya.
Nagtimpla na ako ng kape at naupo. Susubo palang sana ako ng pandesal nang itanong niya ang pinaka iniiwas-iwasan ko.
“Bakit ba ang mahiyain mo? Nakakahiya ka. Daig ka pa ng mas bata sayo.” Pinagsalikop ko ang mga daliri ko sa ilalim ng lamesa saka tumungo. Wala akong maisagot. Bakit ng aba ako nahihiya?
“Tapos hindi ka pa lumalabas ng bahay. Mapagkamalan ka pang mangkukulam. Tignan mo nga yang itsura mo. Dalaga ka na pero hindi ka pa marunong mag-ayos ng sarili mo.”
Shit. Konti nalang tutulo na ang luha ko.
“Kaya mo yan Myla Gabriel. Pigilan mo ‘yang luha na ‘yan.”
“Ba’t ka nahihiya ah? Pati si mama mo ayaw mo kausapin. Anong klaseng tao ka?” Tangina.
“Ako nahihiya sayo. Matalino ka nga mahiyain naman. Wala kang mapapala niyan.”
Kunware akong humigop sa kape ko pero tiniis kong inubos iyon sa isang lagok saka agad na tumayo para hugasan ang mug ko.
Kahit napaso na ang dila ko, mas masakit pa rin ang mga salitang binitawan niya na tumusok sa puso ko. Good talaga ang morning.
“Ito rin hugasan mo na. Magluto ka na ah. Mamaya kakain pa’ko dito. Pupunta lang akong bukid. Titignan ko kung may binubuga pang tubig yung water pump. Malapit na masira. I-chat mo nga si mama mo, hingi kang pambiling water pump,” dire-diretsong saad niya saka umalis na.
Ganyan nalang palagi. Kung hindi ko alam na kasal nila, iisipin kong ginagatasan niya lang si mama. Ewan ko kay mama kung ba’t siya pumatol. Wala akong karapatang kwestyunin ang relasyon nila pero sobra na kasi ang paghingi ni papa. Palagi nalang. Kaso wala akong lakas ng loob para sabihin ang mga saloobin ko.
Pumunta ako sa pwesto ni papa kanina para kunin ang mug na ginamit niya.
Kung sabagay, tama naman siya. Nakakahiya ako. Walang silbi ang pagsusumikap ko mag-aral kung mahiyain ako. Pero ang goal ko lang naman kaya ako nag-aaral ng mabuti ay para makakuha ng magandang trabaho at mabayaran lahat ng utang ni papa. Hindi man niya sabihin, ramdam ko.
Minsan pang sumugod dito sa bahay ang dati niyang napag-utangan, iyong mama ni Dada. Ako ang humarap dahil wala silang dalawa dito sa bahay. Minura-mura pa ako dahil sabi daw ni papa babayaran niya rin lang pero bakit daw wala. 2000 pesos. Halaga ng utang ni papa at ng ipon ko. Kinuha ko nalang iyon at ipinambayad. Nakakahiya eh. Sumisigaw at naririnig sa kabila.
Paano ba maging walang hiya? Ilang motivational videos na ang napanood ko pero wala namang gumagana. Pagtapos kong panoorin, nawawala yung mga pinapanood ko. Palaging nangunguna ang takot.
Napa-iling nalang ako saka bumalik sa kwarto upang magbihis na papuntnang school.
Nagsuot lang ako ng pants at maluwag na white shirt. Pwede na ang civilian. Binigay naman na ang grades. Hindi na nila mababawi yun. Valedictorian ako at ngayon ang huling araw ng practice namin. Graduation na bukas at wala pa ring ideya sila papa na valedictorian ako. Ano pa bang sense na sabihin ko eh kinakahiya nga ako kahit matalino?
Pagpasok ko ay agad akong nagtungo sa room namin. Naabutan ko sina Mia, Rosell, Julian at Sephany. Mga kaibigan ko, kunware…
Nagke-kwentuhan sila pero nakatalikod silang lahat. Nagtatawanan sila.
“Gago kayo. Alam kong manang manamit yun pero ‘wag niyo namang tawanan,” saad ni Mia pero tumatawa din naman. Nang tignan ko ang phone na tinatawanan nila ay picture ko ang nakalagay pilit nalang akong napa-ngiti.
Alam ko namang ayaw nila sa akin, matagal na. Pinapakisamahan ko nalang dahil ayoko nang may teacher nanamang magsusumbong kay papa. Nung una salita lang inabot ko pero baka ngayon masampal na ako.
Lumayo nalang ako sakanila at nag-tungo sa faculty para ipasa sa adviser namin ang maikling speech ko. Tumawad pa ako sa adviser namin na kahit yung salutatorian nalang ang mag-speech pero umayaw siya.
Mag-hapon kaming nag-practice. Talagang binabad kami sa arawan. Matapos iyon ay umuwi na ako agad. Niyaya pa ako nila Rosell pero tumanggi ako. Sila lang naman ang mag-uusap usap at ipaparamdam sa akin na iba ako sa kanila. Ganyan sila palagi nung pasukan palang at surprisingly, ang tataas ng mga grado nila. Tama na muna yung mga salitang isinampal sa akin ni papa kanina.
Habang nakasakay sa bus ay pumasok nanaman sa isip ko ang mga tanong na patuloy na bumabagabag sa isip ko mula bata palang ako.
I wonder how other people manage their time? Ako kasi ilang beses ng nanood kung paano i-manage ang time, pero wala talagang epekto. Paano kaya nila nagagawang pagsabayin ang pag-aaral at pagtambay. Ako kasi todo kayod maging top lang tapos sila chill lang? Kung sabagay, hindi naman ako lumalabas at namamasyal. Talagang school at bahay lang ang safe haven ko.
Pero hindi ko maiwasang hilingin na sana ako din. Kung wala lang itong putanginang takot na ito sa isip ko, edi sana nagagawako ring makisama.
Parang masaya eh. Parang walang kahirap-hirap ang buhay nila.
Sana all…

Book Comment (30)

  • avatar
    KunTonii

    Ganda ng storya ah, nakaka relate as an Introvert HAHAHA

    14/08/2024

      0
  • avatar
    ItimJamaicah

    wow

    14/07/2024

      0
  • avatar
    TederaLyka

    thank you author

    01/06/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters